Sydney Ortiz “Hoy, grabe ka naman sa gold digger!” komento ni Juliet sa sinabi ni Ivy. “Ano ba ‘yang sinasabi mo dyan? Hindi ba pwedeng… magkaibigan lang?” dagdag pa ni Juliet. “Pero kasi… iyon talaga ang kumakalat na balita,” saad ni Ivy. “Saan ba nanggaling ang balita na iyan? Sino ba ang nagpapakalat ng mga ganoong impormasyon?” inis na tanong ni Juliet. Huminga ako ng malalim saka itinuloy ang pagma-map na ginagawa ko. “Uy, Sydney? Ayos ka lang ba? Sorry, galit ka ba? Iyon naman kasi talaga ‘yong nababalita eh. Hindi ko naman alam na ikaw pala ang—” Kaagad kong pinutol si Ivy. “Ivy, wala kaming relasyon ni Sir George. Tama si Juliet, magkaibigan lang kami. At hindi ako galit. Hindi ko naman makokontrol ang pwedeng isipin ng ibang tao sa akin eh. Ayos lang iyon. At least alam ko n

