Sydney Ortiz “Okay,” natatawang sabi ko kay George saka ko kinuha ang cellphone niyang iniaabot niya sa akin. Itinipa ko roon ang cellphone number ko at nang matapos ako ay ibinalik ko na iyon sa kanya. “Thank you,” nakangiting sabi niya sa akin. “Thank you rin,” nakangiti ko rin naman na tugon sa kanya. “Siya nga pala, baka bukas ng umaga ay maghintay ka na naman sa akin sa pag-out ko,” saad ko sa kanya. “Huh?” “Bago na kasi ang schedule ko sa pagpasok. Bukas ay pang-umaga na ako,” nakangiti at masayang pagbabalita ko sa kanya. “Good,” nakangiti rin naman na tugon niya sa akin. “O siya sige na, umuwi ka na. Ingat ka,” taboy ko kay George at nakangiting tatango-tango naman ito saka sumakay na nang tuluyan sa sasakyan niya. Mahinang bumusina siya ng kotse niya at kumaway pa sa akin

