Sydney Ortiz Agad akong nilapitan ng galit na galit na VIP guest. “Ang kapal naman ng pagmumukha mo para pagnakawan ako,” galit na kastigo niya sa akin saka siya bumalin sa mga security na kasama niya. “Ano pang hinihintay ninyo? Damputin niyo na ang magnanakaw na babaeng iyan!” utos niya sa mga ito. Nang akmang hahawakan na ako ng mga security ay agad akong umatras. “Sandali! Ano pong sinasabi ninyo?” naguguluhan na tanong ko dito. “Hindi mo alam ang sinasabi ko?” gigil na tanong niya sa akin. “Akala mo makakalusot ka sa ginawa mong pagnanakaw ng mga alahas ko?” “H-Hindi ko po talaga maintindihan,” marahang tugon ko kasabay ng malakas na pagkabog ng dibdib ko. Masyado na kaming nakakagawa ng eksena nang mga sandaling iyon kaya naman pinagtitinginan na kami ng ibang guest na nagdaraan

