Sydney Ortiz “Miss, sasakay ka ba?” tanong sa akin ng Jeepney Driver nang ilang segundo pa ang lumipas at hindi pa rin ako sumasakay sa loob ng Jeep. “Yes, sasakay po siya.” si George ang sumagot sa Jeepney Driver. Pinagtinginan naman ako ng ibang mga pasaherong naroroon kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung ‘di ang sumakay na nga sa Jeep na sinakyan ni George. Malapad ang mga ngiti ni George lalo pa nang magkatabi kaming dalawa sa loob ng Jeep. Maya-maya pa nang magsimula na itong umandar ay kaagad na sumiksik sa akin si George saka ito bumulong. “You know what, this is my very first time na sumakay ng Jeep,” bulong niya sa akin. Tiningnan ko naman siya nang hindi makapaniwala. “Ano?” manghang tanong ko sa kanya. “And I am very happy na nagawa ko ito na ikaw ang kasama ko,” nak

