Sydney Ortiz Pumungay ang mga mata ni George habang nakatitig sa akin. Bahagya din akong natigilan dahil sa mga binitiwan kong salita sa kanya. “I’m sorry kung ganoon ang naiparamdam ko sa iyo,” marahang wika niya. “Alam kong hindi ka naman ganoong klase ng babae. Gusto ko lang namang tumulong dahil ayaw kong nakikitang nahihirapan at nasasaktan ka.” “Nauunawaan kong gusto mong tumulong. Pero huwag mo naman sanang iparamdam sa akin na para bang wala akong kakayahan na tulungan ang sarili ko. Hindi ko kinakailangang dumepende sa iyo, George. Kaya nga ako nagtatrabaho para sa pamilya ko at para sa mga utang na naiwan ng ama ko.” Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan ni George saka siya muling nagsalita. “Naiintindihan ko, I’m sorry. Kapag okay ka na, pwede mong bayaran sakin ang perang iba

