Sydney Ortiz “Sydney! Bilisan mo at dalhin mo ito doon sa bagong dating na dalawang lalaki.” “Okay po!” tugon ko saka ako mabilis na inabot ang dalawang bote ng beer at dinala iyon sa customer na kadarating lamang na itinuro sa akin ni Kuya Rey. Dalawang linggo na ang matulin na lumipas mula nang mag-sideline ako sa iba’t ibang trabaho para madagdagan ang kita ko. Lalo pa ngayon na kailangan ko pa talagang sipagan sa trabaho para mabayaran ang mga pagkakautang ko kay George. Katulad ngayong gabi, pagkagaling ko sa Blue Prime Hotel ay dumeretsyo ako sa beerhouse na ito para pumalit muna na waitress sa kaklase ko noong high school na ngayon ay umuwi ng probinsya dahil namatayan ng kamag-anak. Limang gabi lamang ako papalit sa kanya at panglimang gabi ko na ngayon dito. Bukas kasi ay baba

