Sydney Ortiz “Sandra, tama na iyan. Huwag mong dinadaldal si Sir,” mahinang pagsaway ko kay Sandra nang lapitan ko ito. “Hindi ko naman po siya dinadaldal, Ate eh. Sabi ko lang po kamukha niya si Kuya Pogi,” pangangatwiran sa akin ni Sandra. “Sandra—” pagsaway ko pa sana sa kapatid ko pero natigilan ako nang biglang magsalita si Sir Ethan. “Actually, pinsan ko kasi siya. Kaya siguro medyo magkamukha kami,” saad ni Sir Ethan kay Sandra habang may maliit itong mga ngiti sa kanyang mga labi. “Talaga po?” manghang tanong ni Sandra na siyang nakangiting tinanguan naman ni Sir Ethan. Masayang nakipagkwentuhan pa sina Sandra at Seven kay Sir Ethan, kaya naman bumalik na lang ako sa kusina upang ipagpatuloy ang pagluluto ng hapunan nila. Nang matapos ako ay marahan ko silang sinilip, at nati

