Sydney Ortiz “Inay, ibig sabihin po ba ay uuwi na po kayo sa atin? Miss na miss ka na po kasi namin. Pati po ang mga luto mo,” masayang sabi ni Sandra. “Bakit? Hindi ba masarap ang mga luto ko?” pabiro at natatawang tanong ko naman kay Sandra. “Syempre masarap po, Ate! Pero, miss ko lang po kasi ang mga luto ni Inay,” madaldal na tugon naman sa akin ni Sandra saka siya matamis na ngumiti kay Inay. Marahan na ngumiti si Inay kay Sandra saka niya magaan na hinaplos ang ulo nito. “Gustong-gusto ko na nga rin umuwi, dahil miss na miss ko na kayo. At gusto ko na kayong maalagaan ulit ng Kuya Seven mo,” marahan at nakangiting sabi ni Inay kay Sandra. Dalawang linggo ang matulin na lumipas at sa wakas ay nagkamalay na din si Inay. Nang tawagan ako ng Nurse kanina upang ibalita sa akin na na

