KABANATA 6: IKALAWANG LARO

2142 Words
Sabay-sabay silang humugot ng hininga nang nasa tapat na sila ng mansyon na naghatid ng bangungot sa kanilang lahat makalipas ang labing-limang taon. "Halos walang nagbago." Komento ni Regina. Nananatiling madilim ang kabuuan ng mansyon, mas dumami ang mga tumubong halaman sa paligid, at mas kalmado ang atmosperang bumabalot dito. "Let’s just go. I don't wanna go back at the moment where it all started." Seryosong sambit ni Maggie. Lahat ay ganun na ganun din ang pakiramdam, kilabot. "Trahedya lang ang dulot ng mansyon na 'to." Wika ni Arturio at nagsimula nang humakbang paalis. Sumunod na rin ang iba maliban kay Gwen. Pero di pa sila nakakalayo ay may isang boses ang nagpatigil at nagpalingon sa kanila. "Trahedya?" Malamig na sambit ng isang babae na siyang nakita kanina ni Gwen. Umabante si Hector para harapin siya. "Babe siya ba yung sinasabi mong babae na parang nagmamatyag sa atin kanina?" "Oo, siya nga yun." Sagot naman nito. Pinagmasdan nila ang kabuuan nito. Pagkalamig-lamig ng kaniyang mga mata, tuyong mga labi, at gusot na kasuotan. Sa kapayakan ng hitsura nito'y may kakaiba itong dating para sa kanila. "Anong kailangan mo? May kailangan ka ba sa amin?" Puno ng otoridad ang boses ni Hector. Umiling ng napakarahan ang babae, kasabay ang pag-arko ng sulok ng kaniyang bibig. "Anong kailangan niyo sa mansyon?" Pagbalik na tanong nito. "Aba't---" Pinigilan agad ni Gwen ang nobyo, nagsisimula nanaman kasing pairalin ang init ng ulo. "Eh kung ganoon bakit ka tumakbo? Nung papalapit na yung kaibigan namin?" Tanong ni Regina at lumapit na rin. "Ako ang inatasan ng kapitan ng Baryo Masiliman upang maging tagapangalaga ng mansyon na ito, kasama na ang pagiging hardinera at bantay kaya't nararapat na hindi ako magtagal sa kung saan." Ngumisi si Maggie sa pag-obserba sa mansyon, at ibinalik ang tingin sa babae. "Tsk. I guess you are not good with it." "Kung ganoon bakit mo nga kami minamatyagan?!" Muli nanamang sumabat si Hector. "Masyado kayong maingay. Mahilig talaga kayong manggambala noh? yun ba ang dahilan kung bakit kayo nakaranas ng… trahedya?" Nagpapakiramdaman sila kung sino ang sasagot. Masiyadong direkta ito magsalita. "I told you, Let us just go, we won't get anything from that freak woman. I brought you here and inside once, and now let us just leave." Yun na lamang ang sinabi ni Maggie. Akmang aalis na ang lahat ay muling nagsalita ang babae na nagpabuhol ng kanilang mga dila. "Kung ganun, ikaw ang nagdala sa kanila noon? At tama rin ang aking hinala, kayo ang mga bata noon na pumasok sa mansyon at kayo ang dahilan kung bakit namatay ang isa ninyong kaibigan?" Rinig na rinig ng bawat isa sa kanila ang sarili-sariling pagdagundong ng dibdib. Lumapit si Hector sa kanya na medyo naniningkit ang mga mata. "Anong alam mo?! Anong pinagsasasabi mo?” "Wala nang nagtangkang pumunta sa lugar na ito maliban sa inyo makalipas ang labing-limang taon at kalat na sa buong baryo ang kwento ng mga mapanggambalang bata na naglaro ng tagu-taguan dito dati at sa kasamaang palad ay hindi nakaligtas ang pinakabata sa kanila. Saktong lima kayo at lima ang nakaligtas at isa ang namatay. Siguradong matutuwa siya sa inyong pagbabalik" Walang prenong wika ng babae. Tila napako ang kanilang mga paa. Ito ang unang beses na may magsabi mismo sa kanilang harap ng nangyari. Kahit sa mga sarili nila'y di masabi. "Sinong matutuwa?" Abante ni Gwen. Ang labing may isang sulok na nakaangat ay naging pantay. "Sino ba ang dapat matuwa? Sino ba ang dahilan ng pagbalik niyo?" "Tama na. Aalis na kami kaya tumigil ka na." Yun na lamang ang tinuran ni Hector at nilisan na nga nila ang babae pati ang mansyon. Naghiwalay at nag-uwian na ang mga magkakaibigan. Kahit mahigit sa isang dekada na ang lumipas ay tila may sinulid pa rin na nakatali sa kanila sa mansyon. Bilog na bilog ang buwan. "I'm a b-business consultant." Ang maangas na si Hector ay parang maamong tupa sa harap ng mga naglalakihang katawan ng pinsan, tiyuhin at tiyahin ni Gwen, pinapakilala na kasi niya si Hector sa kaanak bilang kaniyang nobyo. Sunod-sunod ang tanong ng mga ito na para bang suspek sa kung saang krimen. Ilang saglit lang ay napansin ni Gwen na pinagpapawisan na si Hector kaya sumingit na siya. "Mga ate, mga kuya, mga tiyo't tiya, para namang di niyo kilala to si babe-este si Hector eh! Ipapaalala kong kababata ko rin siya dito sa Baryo Masiliman. Kilala niyo na siya nun pa." "Kahit na! 15 years Gwendolyn! Malay ba naman namin." May pagtatampong tono ng isa niyang lalaking pinsan. "15 years lang yun! Buti nga ay di umabot ng 20 years! Tsaka ako pa rin naman si Gwendolyn! At yang nasa harap niyong lalaki... Yan pa rin si Hector! Mabait, matalino, masipag, yun nga lang laging nakakunot lagi ang noo at higit sa lahat ay gwapo kaya wala na akong hihilingin pa." Sa mga paglalarawang iyon Gwen ay di maiwasang mapangiti ni Hector nang palihim. "Aba! Gwapo ba kamo? Tsk. Tsk. Walang tatalo sa kagwapuhang taglay ko!" Sagot muli ng pinsan niya. Binatukan naman siya ng tiyahin ni Gwen at dun na nagsimulang magtawanan. Isang katok ang nagpatigil sandali. "Ako na!" Presenta ni Gwen. "Babe wait!" Ayaw magpaiwan ni Hector pero agad siyang nahila ng mga pinsan nito. "Ayos lang yan! Hahaha!" Pagtawa niya habang patungo sa pintuan. Muli na silang naging abala sa pagkukuwentuhan. Pagbukas ng pintuan ay bumungad sa kaniya si Maggie. "Gwen..." Panimula nito. Malumbay ang kaniyang mga mata. "Maggie? Anung ginagawa mo rito? Halika, pasok ka muna. Gabi na hah." “No, it’s fine. Thanks.” “Wala ka bang kasama?” Luminga-linga si Gwen sa paligid. Wala nang gaanong tao sa labas. "Just me. It’s just that the lady we saw earlier, I couldn’t help but to think. I'm just here to apologize. For everything." Hindi agad nakaimik ang kausap. Nanibago bigla. “And I have to admit something to you Gwenny. I'm really sorry." Palungkot nang palungkot ang boses nito. Ngunit sa kabila ng animo'y mga tupang mga mata ay isang plano at gagamitin niya ang kabaitan at tiwala ng kaibigan para mapasakaniya ang ninanais na lalaki. Patuloy lang namang nakikinig si Gwen. "Hector and I loves each other. We're in love since we're young. And he was just using you to make me jealous because of leaving him. The truth is we kissed. When you saw me in his place, that was where we---" Hindi niya natapos ang sasabihin nang dumating si Hector. Napatigil siya sandali ngunit hindi niya maaaring palampasin ng pagkakataon. "Good you're here Hector. Tell her that we kissed! Admit it." Nagsalubong ang tinginan ng magkasintahan. "See?! See Gwen?! He has been playing you all the t---" "Maggie. I knew it. Nasabi na sa akin ni Hector ang ginawa mo. You forced him right? At pinapatawad na kita roon." Hindi makagalaw ang kaniyang pangang magkahiwalay na. "Maggie please. Stop it already. Huwag mo na akong bigyan ng dahilan pa para madagdagan ang galit ko sa iyo." Sambit ni Hector at inakbayan ang nobya. Awa't pagkadismaya ang nararamdaman ni Gwendolyn para sa kaibigan. Puno siya ng pagkadismaya rito ngunit ayaw niyang masira ng tuluyan ang pagkakaibigan. "Hector! Why are you doin' this? I thought all this time it is still me. Tell me! Are you mad at me because of me leading you all guys to that mansion? Why are you mad? Tell me!" "I'm not mad to anyone else when my sister died but me." Hindi maiwasang mapatingin ni Gwen sa nobyo dahil sa sinabi nito. "Wait! but Hector I know you still love me and you showed me it through supporting me all the time! I know you were mad at me and there was a reason! maybe because I left you! Tell me why are you mad! Please come back to me! Tell me. Tell me." Nagsisimulang mamuo ang mga luha sa kaniyang mga mata, totoong mga luha na dahil sa pag-ibig, sa pag-ibig na siya lamang ang gumawa. "You have been blinded by young love that just you and yourself built." Pagtatapos ni Hector at isinarado ang pintuan. Naiwan siyang tulala't luhaan. Bilang na bilang na lamang ang mga taong nasa labas kabaligtaran ng mga bituing nasa kalangitan. Ang mga kailawan sa daanan ay limitado lamang. Malamig ang simoy ng hangin. Mag-isang naglalakad si Maggie na akala mo'y nasa kawalan. Hindi niya nagawang bitbitin pa ang sasakyan dahil sa desperado na siyang makuha ang gusto. "What did I just do?" Tanong niya sa sarili. Ang mga salita ni Hector ay tumagos sa kaniyang puso na nag-iiwan ng sakit, hapdi't pighati. Sa wakas ay naisip niyang baka nga tama ito. Na siya lamang ang umasa noon pa. Naalala niya bigla ang isang senaryo nang nasa States pa siya, kung saan ay dinala agad siya sa isang sikat na psychiatrist at halos dalawang taon na kailangan niya itong konsultahin. Hindi alam ng iba na ganun ang sinapit niya, na kailangan niya pang magpatingin dahil sa sinapit na trauma. Sa kanilang magkababata ay siya ang pinakanaapektuhan sa aspeto ng pag-iisip. At maaaring isa na ang sa akala niya'y pagmamahal. "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan, pagbilang kong sampu nakatago na kayo..." Iwinaksi niya sa isipan ang mga ala-ala nang marinig ang pamilyar na boses. Nag-dadalawang isip siya kung isa pa rin itong ala-ala o talagang narinig niya iyon? Bago pa siya makagawa ng hakbang ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng mabilis na pagbaba ng temperatura. Napapitlag siya nang magliparan ang mga paniki palayo. Hinimas-himas niya ang braso dahil sa lamig. Patingin-tingin sa paligid, ngunit wala namang ibang tao. Ipinagpatuloy niya na ang paglalakad. Aminin man niyang natatakot siya'y kailangan niya nang makauwi. May hindi na siya nararamdamang maganda. Naisarado niya ang kanyang mga kamay at pilit pinakalma ang sarili. "Isa..." Sa bilang na iyon ay napabalikwas siya dahil unti-unting lumabas mula sa madilim na eskinita ang isang pigura ng duguang bata. Mahaba't-itim na buhok, petit na katawan, wakwak na dibdib at ang bilugang mukha ng kaniyang kababata. "M-mar-rites?" Nangangatog na sambit niya habang namimilog nang todo ang mga mata. Hindi siya makapaniwala sa nakikita, ayaw niyang maniwala. "Dalawa..." Humakbang ang bata papunta sa direksyon niya. "AAAAAAAAHHHHH!” Sa sigaw niyang iyon ay agad siyang kumaripas palayo. "Tatlo..." Naririnig pa rin niya ang boses ng namayapang kaibigan. Laking pasalamat niya nang nay makitang mga tao, isang grupo ng mga tambay na nag-iinuman sa tapat ng isang tindahan. "Help!" "Uy! Chicka babe oh!" Pambabastos sa kaniya at akmang hihilain siya ay lumayo siya rito. "Apat..." Mas binilisan niya ang pagtakbo. May mga dumadaang sasakyan. Pilit niya itong pinapara ngunit hindi siya nito hinihintuan. "Lima..." Naghisterikal na siya nang husto hanggang sa kabutihang palad ay may isang sasakyang huminto. "Mister! T-tulungan niyo ko!" "Hija. Anong maipaglilingkod ko? Ako ang kapitan ng baryong ito---" "Aaaaaah!" Pagtili niya nang makita na nakasakay si Marites sa sasakyan, at nasa likod na bahagi. Muli siyang nagtatatakbo. Lumiko siya sa isang daanan. Hindi namalayang mas madilim. "Anim..." Wala na siyang maisip gawin kundi ang kunin ang kaniyang cellphone sa bulsa. Di na siya nag-atubili at tinawagan si Regina. Agad din naman siyang sinagot nito. "Reg! Help me! You have to help me! A ghost! A ghost is here! Marites is here!" May paghagulhol na bungad niya. "Mags wait! Calm down. Teka, ghost ba kamo? As in ghost? Si Marites? Cool!" "It is never cool! She's trying to scare me! She’s gonna kill me! And what is worse, she is counting as if we're playing tagu-taguan!" "Pito..." "Reg???" "------------" Biglang naputol ang linya. Tanging paghinga na lamang niya ang naririnig sa buong paligid. "Walo..." Tsaka lamang niya napagtanto ang lugar na tinatahak. Madilim, malamig, madamo't walang kabahayan, isang malawak na bakanteng lote. "Siyam..." Hinahabol na ni Maggie ang kanyang hininga at napayakap sa sarili dahil sa pinaghalong takot at lamig. Pikit matang umaasang panaginip lang ang lahat hanggang sa mapaluhod siya. Ito na nga yata para sa kaniya ang parusa niya sa pagiging duwag at pang-iiwan sa ere sa mga kababata. "Sampu..." Sa pagbukas niya ng mga mata ay walang kahit anong bulto ng kung ano man sa paligid. Mag-isa siya. Tumulo ang kaniyang mga luha. Sunod-sunod at wala yatang katapusan. "Marites I'm sorry." Mahinang banggit niya. Akmang tatayo siya ay biglang may kamay na parang gawa sa yelo ang humawak sa balikat niya mula sa likod. Hindi siya nakakilos sa mga oras na yun. "Magtago ka na." Bulong ng nilalang na nakakapit sa kanya at ilang segundo ang lumipas ay naglaho ito. Nanginginig na inilibot niya ang paningin. Wala na ang lamig sa paligid pero ang lamig sa katawan ay namumukod pa rin. I'm still alive but I'm barely breathing Just prayed to a God that I don't believe in~ Wala sa sariling tumingin si Maggie sa tumutunog na cellphone niya. Kaniyang sinagot iyon nang makita ang pangalan ni Regina. "Mags! Mags! How are you?! What the hell happened? Where the hell are you?" "I am in hell." Sagot niya at pinatay iyon. "I am in hell." Pag-uulit niya, walang emosyon ngunit patuloy sa pag-agos ang kaniyang mga luha. May narinig siyang mga papalapit na yabag, magagaan. "Marites?" Sa kaniyang paglingon ay isang may kaliitang karit ang lumaslas nang pagkalalim-lalim sa kaniyang leeg na halos ikapugot ng ulo nito. Ang talim nito'y muntikan pang mastuck sa balat at nang puwersahing tanggalin ay tsaka lamang tuluyang bumagsak ang kawawang katawan ng dalaga, walang buhay at walang kalaban-laban.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD