KABANATA 5: BANTA

2629 Words
Pahikab-hikab na nag-uunat si Hector sa kaniyang kwarto. Minamasahe pa niya ang sariling batok. Kanina pa siya gising upang basahin ang ilang dokumento na kaniyang bitbit-bitbit sa pagbalik sa baryo. Hanggang dito ay trabaho pa rin ang inaatupag. Sumikat na ang araw kasabay ang tatlong sunod-sunod na katok sa pintuan. Nagbukas iyon ngunit hindi niya ito nilingon. Agad niyang inulit ang pagbabasa, kunwari'y abala. "Uh. Hector, mamimili ako sa palenge. Anong gusto mong ipaghanda ko? Anong gusto mong ulam? Ginataan--" Hindi na pinatapos ni Hector ang pagsasalita ng ina. "Matagal na akong hindi kumakain ng kahit anong ginataan." "G-ganun ba? Eh adobo? Sinigang? Nilaga? Kahit anong gusto mo'y lulutin ko." "Huwag na kayo mag-abala. Kanila lola tayo kakain." Walang ganang sabi nito. "Huh? B-bakit? May handaan ba? Bakit kailangan pa run?” Tumigil si Hector sa ginagawa at nilingon siya gamit ang blankong mukha. "Dahil mula ngayon dun ka na titira. Kasama sila. Tutal sila naman lagi ang nag-aasikaso sa'yo lalo na pag may nangyayari. Idederetso ko na sa kanila ang pinapadala kong pera para sa’yo." "Ano?! Hindi! Ano bang sinasabi mo anak? Hindi, hindi, hindi! Kinausap ka ba ng lola mo tungkol diyan? Hindi! Hindi ako aalis sa bahay na ito! Dito ako titira hanggang mamatay! Hindi ko iiwanan 'to! Hindi pwede!" Ang mahinahong mukha ng babae ay naging histerikal. Tumayo ang anak nito at agad siyang hinila palabas ng kuwarto, hindi ganun kabayolente ngunit umabot sila hanggang sa baba ng hagdan. "Ma! Makinig ka nang mabuti. Nandito ako hindi para amuin ka o ano. Pinapatay mo lang yung sarili mo eh! Mabuti na't dun ka na kanila lola. Iwanan mo na 'tong bulok na bahay na 'to! Tumigil ka na. Hindi ba't sinabi kong huwag kang umarte na para bang kahapon lang ang lahat!" Sunod-sunod na luha ang kumawala sa mata ng kaniyang ina. "Tama ako. Galit ka pa rin sa'kin. Nandito ka hindi para patawarin ako kundi ang para ipilit sa'kin ang pagkalimot sa mga ala-ala ng pamilya natin---" "Ma making ka naman! Mali! Maling-mali! Kasi una sa lahat! Wala na tayong pamilya! Matagal nang buwag ang pamilya natin! Simula nang mamatay sa Marites, nabuhay kayo na parang wala ako, walang Hector! na parang wala kang ibang anak! Oo! Kasalanan ko lahat 'to, bata pa ko nun! Pero Ma! Nakita mismo ng dalawang mata ko ang katawan ng kapatid ko! Kailangan ko ng ina ng mga panahon na iyon, kahit ng sinong kapamilya pero lahat kayo ay ipinamukha sa'kin na dapat ay ako na lang ang namatay! Sana nga ako na lang!" Pinalibutan sila ng malamig na hangin. Animo'y pinapalamig ang mainit na eksena. "Ma. Nung naghiwalay kayo ni papa at nung pinadala mo ako kasama niya sa Maynila dahil sabi mo, ayaw mo na kong makita pa, tanggap ko iyon. Tinanggap ko na. Pero makalipas ang mga taon, eto? Makikita ko kayo? Nabubuhay pa rin sa kahapon? Ma! Ako ang nasasaktan! Kasi pakiramdam ko tama kayo! Na ako pa rin ang may kasalanan. Pinamumukha niyo sa'kin na lahat ng 'to. Ako pa rin ang dapat sisihin." "Hector..." Umiiling na lang siyang lumabas ng bahay. Nasabi niya ang mga matagal nang kinikimkim pero mabigat pa rin sa loob niya. Muntikan niya nang mabunggo ang isang dalagang nakapostura ng puting dress, bagay na bagay sa kinis ng balat nito at itim na stiletto na mas lalong nagpatangkad sa kaniya. Nagtaka man siya kung bakit nakatayo ito sa bungad ay nilagpasan niya ito. Sumakay siya ng kaniyang kotse na nakapark lamang sa malapit at dun ay huminga nang pagkalalim-lalim. Tumakbo sa kaniyang isipan ang iba't-ibang senaryo ng kaniyang pagkabata. Masasakit na ala-ala. Mga salitang pagkapait-pait na ibinabaon sa utak niya ng kaniyang mga magulang at kaanak. Hindi na rin alam ang konsepto ng salitang pamilya mula nun. Ang pakiramdam ng pagkakaroon ng magulang na gagabay sa buhay, susuporta at aalalay. Natuto siyang lumaban mag-isa sa kaya niyang paraan. "Ganun ba ako kasama? Am I really that sinful?! But I was just a child. I was just a fuckin’ child that time! A child that I couldn’t do anything for her." "You're innocent Hector. It was all my fault. But I hope you would understand how I feel too. I was also a child back then." Napaangat siya ng ulo mula sa pagkakasandal sa manibela sa narinig. Nanlalaking mga mata nang bumungad sa kaniya ang dalagang kanina lamang ay nasa bungad ng bahay nila. Ngayon ay nakaupo na ito sa tabi niya sa loob ng sasakyan. Marahil ay habang umaalala'y hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa kaniyang kotse. "Sino ka? Anong ginagawa mo rito?!" Kahit sa pagkalito ay mababakasan ng galit. "Can't you remember? Or you just forget me? Forget us?" Sinubukang hawakan ng dalaga ang kaniyang mga kamay ngunit agad itong nakaiwas. "The hell with you! Umalis ka sa loob ng kotse ko!" Singhal nito. "No. Hector I heard everything you said to Aling Amelia, to your mother, now I understand all the sufferings you had gone through. Please I'm just here to somehow help you and your feelings---" "How did you know me? my mother?! And how dare you to say that you understand my sufferings? You may just know it but never say that you understand." Hindi makatingin ng diretso ang babae sa mga nagngangalit na mga mata nito. Hanggang sa makita niya sa di kalayuan ang isang kababata, si Gwen. Gumuhit paarko ang kaniyang labi, naalala niya ang usapan nina Arturio at Gwen, sakto kasi nun ay nagising na ang diwa niya. May naiisip siya na talagang matutuwang gawin. "Hector. Don't you remember? We're each other's first love." Pagkatapos na pagkatapos sabihin ay isinubsob niya ang mga labi sa mga labi ng kaharap. "Siguro naman mawawala ang inis ni Hector kapag natikman niya ang luto ni tiyang Beth." Abot-tengang saad ni Gwen sa sarili habang yakap-yakap ang isang paperbag na may lamang iba't-ibang putahe. Maaga talaga siyang gumising upang tulungan sa paghain ang tiyahin. Abot-tanaw na niya ang nakatalikod na kotse ng kasintahan sa kaniyang direksyon. "Sino yun?" Pagtigil ng kaniyang mga paa sa paghakbang. Nagsisitaasan nanaman ang kaniyang mga balahibo. Pamilyar ang pigurang nakaupo sa likurang bahagi ng sasakyan. "Marites." Humalik sa lupa ang kaniyang bitbit-bitbit. Ang mahaba't napakaitim na buhok nito na para bang sa manika. Kahit nakatalikod iyon ay kilang-kilala niya ang maliit na hulma nito at nakumpirma niya na nga iyon ng marahan itong lumingon sa direksyon niya. Parang nag-uunahang hakbang ng leon ang kanyang dibdib. Ang kanilang mga titigan ay nagtagpo. "Ahhhhhhh!" Pagtalikod niya't pagtakbo. Hindi niya alintana ang mga tinginan sa paligid. Kailangan niyang makalayo. Sa kabila ng takot ay may pagtataka, kung bakit kailangan nitong magpakita sa kaniya. Umaasang guni-guni lamang ito. "Agh!" Napatilapon siya sa kalsada nang may mabangga. Agad siyang tumayo, aminadong kasalanan niya sapagkat hindi siya nagbibigay ng atensyon sa daanan, patuloy pa rin kasing tumatakbo sa isip niya ang nakita. "S-sorry po! Sorry po!" Pagyuko niya nang ilang ulit. Wala naman siyang nakuhang tugon kaya nang tingnan niya ang babaeng napakapayak ng kasuotan mula ulong may sumbrerong abaniko hanggang sa kupas na tsinelas ay natulala siya. Walang emosyon ang mga mata nito. Parang wala nang buhay. Tila tumatagos lamang ang mga titig nito sa kaniya. Naisip niyang baka nababaliw ito kaya gumilid na lang siya upang maglakad pauwi. Pero ninakawan niya ng tingin ang babae bago makalayo, nanlaki pa nga ang kaniyang mga mata nang mahuling nakatingin din ito sa kaniya. *beep*  Isang busina ng sasakyan ang sumira ng tinginang iyon. "Gwenny! Yohooo! I’m here!!" Bungad ni Arturio na may panggagaya pa sa boses ni Maggie. "Art! Reg! Umagang-umaga hah. San ang lakad niyo?" Pinapakawalan niya ang tensyon sa katawan. "Pinuntahan ka namin! Waley ka! Kaya naisipan ko baka nandun ka kila Hector bebelabs mo! Oh! Bakit parang pabalik ka? Alam niya na ba na nandito tayong lahat? Anyare?" Imbis na tumugon ay pumasok na lamang siya sa sasakyan. Sa likod siyang bahagi dahil parehong nasa harapan ang dalawa. Nagtataka man sila sa inakto niya ay muli na lang umandar ang sasakyan. Pilit niyang hindi binibigyang tingin ang babaeng nadaanan na nila. Samantala, sa loob ng kotse ay marahas na tinulak ni Hector ang babaeng nagnakaw ng halik sa kaniya. "Now, do you remember me?" "Maggie?" "Oh yes! I knew it! Of course! You finally admitted that I'm your first love!" Napamaang ang binata sa mga naririnig. Nang makabalik sa kamalayan ay lumabas siya upang hilain paalis ng loob ng kotse ang babae na sa tingin niya'y nababaliw na. "Hector wait! What are you doin'?" "Me? What am I doing? Diba dapat ako ang nagtatanong niyan sa'yo? Anong ginagawa mo?!" "Isn't it obvious? I came back for you. I came back for us. Hector... I want the forgiveness and most of all your love---" "Shut it! Tumigil ka nga sa mga katarantaduhan mo Maggie! Anong love?! Ikaw lang ang nag-iisip niyan. Nasobrahan ka yata sa liberalisasyon sa Amerika!" Asik nito at agad sumakay ng kotse. "Hector!" Paghabol pa niya ngunit di sinasadyang nabugahan pa siya ng usok sa bilis ng pagpapaandar. Hawak-hawak ang leeg ay umuubo siya hanggang sa hintuan ng isa pang sasakyan. "Maggie! Anung ginagawa mo rito kanila Hector?" Boses ni Regina nang bumaba ang bintana ng sasakyan. "H-hi. Uhm.." Hindi siya makasagot nang maayos. Nawalan siya ng gana lalo na't makita si Arturio na may pagkalawak-lawak na ngiti. "Papunta kami sa Gate of Souls Cemetery. Dadalaw lang sa mga kaanak namin. Pati na rin siyempre kay Marites. I was trying to call you but you were not picking it up." Wika ni Regina. "Sorry Reg. I was doing something. I was busy. I didn’t notice my phone." "Busy ka? Talaga? Ganun ba? I bet nakausap mo si Hector with that oh-so-awesome dress of yours! Ano kayang ginagawa mo sa place niya nang umagang-umaga? Don’t tell me need ko pa yang itranslate sa English hah." "N-no. It’s fine. I mean, I--I..." Tila nabuhol ang dila niya sa hindi inaasahang pamamrangka nito. Nahagip ng mga mata niya si Gwen na nasa likod. Nakangiti rin sa kaniya na mas lalong nagpatulala sa kaniya. Tinatanong sa sarili kung hindi ba nito nakita ang ginawa niya kay Hector pero sinigurado niya kaninang sakto iyon. "I'm just roaming around. I missed the place here. It just happened you find me here." Sagot niya na lamang.             “We thought you’re busy? Doing something?” Tanong ni Gwendolyn.             “Y-yes. I-you-know-uhm..”             “Nevermind. So would you come with us?”             “Uh-yah. Sure. Thank you.” Nahihiyang sagot niya. "Great! Pero siguro naman ay nakita mo si Hector, nandiyan ba siya sa bahay nila?" Tanung ni Gwen, bumalik na kahit papaano sa wisyo matapos ang mga nangyaring sandali at nagkunwaring hindi nakita ang kotse kahit nalilito pa't wala na ito. "Sorry. He is not there." "Alam na alam hah. But you know what Maggie? Your dress fits on you. Hapit na hapit. Halatang pinaghandaan." May malisyang wika ni Arturio. "Ah! Maggie! Come inside the car." Pang-aaya na lamang ni Gwen na hindi niya tinanggihan. Hindi niya maalis ang mga mata rito, sa palagay niya'y imposibleng hindi nito makita pero sa inaakto nito'y baka nga nagkamali siya. Mabilis silang nakarating sa kanilang destinasyon. "Gwen. Hihiwalay muna kami ni Reg para dalawin si tatang pagkatapos ay pupunta din kami agad sa puntod ni Marites. Ikaw na muna diyan kay Maggie. Bantayan mo baka mawala na lang bigla. Alam mo naman, kung san san napapadpad." Pagpapaalam ni Arturio at hinila na si Regina. Bumuntong-hininga si Gwen at binalingan ang kasama. "Maggie. Pagpasensyahan mo na si Arturio hah. Maybe he is j-just ahmmm... concern, I guess." "Babe?" Lumingon siya sa pamilyar na tawag na iyon upang makita ang kasintahang may dala-dalang buslo ng mga bulaklak na kulay dilaw, paboritong kulay ni Marites. "B-babe..." Napakagat-labi siya, siya ang nasorpresa nito imbis na ang lalaki mismo. Ang laging magkatagpong mga kilay ng lalaki ay tuluyan nang nagkadikit nang makita si Maggie. Hinila niya agad si Gwen palayo. "Ikaw. Ikaw na naman ang paniguradong may pakana nito noh?!" Panduduro niya. "Wait Hector. I just want a reunion." Maamong sagot nito. "B-babe. We took part of responsibility too. I was about to tell you but I know you wouldn't let us." Hindi kayang huminahon ni Hector ng mga sandaling iyon. Hindi siya nakapaniwala. Saktong dumating sina Arturio at Regina. "Gustong-gusto mo talaga kaming napapahamak noh?!" "Babe. I'm sorry! Ako na lang! Huwag na si Maggie! Please." Humarang pa ang dalaga. Puno ng tensyon ang atmospera. Walang tao maliban sa kanila, ang mga puno sa paligid ay animo'y patay sapagkat wala man lang umiihip na sapat na hangin kung kailan kailangan na kailangan. Naalala ni Hector ang ginawa kanina ni Maggie na paghalik at mas lalo siyang nairita. Wala siyang nagawa kundi ang ipikit ang mga mata't huminga ng malalim. Masiyadong mabait si Gwen para sa kaniya, masiyadong inosente, hindi sila gaya ng ibang magkarelasyon na kailangan ay alam ang bawat hininga bawat minuto. Pero mahal na mahal niya ito. Biglang inilapat ni Hector ang kaniyang mga labi sa labi ni Gwen na nabigla ngunit tumugon din. Wala silang pakialam kung may ibang tao man, mga kababata rin naman nila iyon. Sina Regina at Arturio ay napangiti ng todo, samantalang si Maggie ay napanganga. Hindi nito maintindihan kung bakit kailangang gawin nila iyon sa harap niya. Iwinaksi niya ang tanong at sinagot ang sarili. Iyon ay para pagselosin siya. Para sa kaniya ay para parin sa kaniya ang ginawa. Malambing, mahinahon at matagal na halik iyon. "So hindi ka na galit?" Paninigurado ni Gwen. Namumula ang mga pisngi niya, mas mapula pa sa labi niya. Umiling ang kasintahan. "Basta para sa iyo." "Ang sweet! May langgam oh! Dami! Meron pa ngang siguradong galit na galit na langgam sa sobrang tamis eh!" Pangungutya ni Arturio sabay baling sa direksyon ni Maggie. "Hindi langgam ang papalibot sa kanila. Baka mga multo dahil sementeryo 'to." Turan ni Regina na nagpatigil sa kanilang lahat. "Alam mo Reg. Echos ka noh?! Lagi na lang!" Komento muli ni Arturio. Napahagikhik naman si Gwen sa mga pinagsasasabi ng kaniyang mga kaibigan. Laking galak ang namumutawi sa kaniya ngayon. Kinuha niya ang buslo sa kasintahan at nagsimilang humakbang. "Nandito na tayo, puntahan na natin si Marites. Para kumpleto na." Nag-ayunan naman silang lahat at sumunod sa mga hakbang nito. Maikling pagdarasal ang ibinigay nila para sa kaluluwa ng namayapang kababata. Nagbigay sila ng sari-sariling mga mensahe dito at ang huli ay si Hector. "Napatawad mo na kaya ako Marites?" Napatungo silang lahat. Ang tanong na iyon ng lalaki ay kanila ring katanungan. Ilang saglit lang ay napaangat si Gwen ng paningin. Lumawak ang kaniyang mga mata sa nahagip. Ang babaeng nabunggo niya kanina, pagkatataon lamang ba ito o minamatyagan sila nito? Agad kumilos si Gwen, marami na siyang mga katanungan sa isip at gusto niya na itong mabawasan kahit papaano. "Babe!" "Gwen!” Pagtawag sa kaniya ngunit ni lingon ay di niya ginawa. Napatakbo siya nang tumakbo rin ang pakay palayo. Kailangan niya itong mahabol. Napatigil na lamang siya sa pagkaripas nang mawala na sa paningin niya ang babae at mapagtanto kung nasaan siya ngayon. "Babe! ba't ka napatakbo?" Tanong ni Hector nang maabutan siya. Nasa likod lang din niya ang iba pa at gaya ng dati ay hingal na hingal si Arturio't nasa huli. Sinundan pala siya ng mga kababata. Bago pa makasagot si Gwen ay nagsambit na si Maggie. "This is the way to the Mansion of Hereniere." Otomatikong nagkatinginan silang lahat at ang mga mata nila ay puno ng pagsang-ayon na may halong pagkabahala. Sa huli ay kay Gwen din napunta ang buong atensyon. "M-may babae, ewan ko pero pakiramdam ko sinusundan niya 'ko, tayo. Iba ang titig niya sa atin kanina at nung papalapit na ko'y bigla siyang tumakbo." "Naku Gwen! Umalis na lang tayo dito! Next to Regina ka na eh!." Sambit ni Arturio na nakatago sa likod ni Hector. Walang pinagbago. "Kailangan natin malaman kung sino yung babaeng tinutukoy mo." Seryosong saad naman ni Hector. Pati siya'y nabahala para sa kapakanan ng kasintahan. "Woah! Woah! Wait! You mean tutuloy tayo papuntang mansyon? Aba! No way! Ayoko na! Hindi pwede!" Pagharang ni Arturio na ang mga kamay ay nakataas na para bang pinipigilan ang mga kasama. Ngunit desidido ang magnobyo, at wala na rin silang nagawa kundi sundan ang mga ito na nagpatuloy sa pagtahak ng daan. Ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD