KABANATA 4: SUMPA NG NAKARAAN

2028 Words
Pagkatapos ng nakakapagod na biyahe ay nakatungtong na sila sa baryo. Ang buong magkababata ay gising na. Samantalang si Arturio ay nangingitim na ang babang bahagi ng mga mata. Halos walang nagbago sa Baryo Masiliman, nadagdagan lamang ang mga kabahayan at kahit papaano ay nakakasabay na rin sa modernong panahon. Nandun pa rin naman ang mga kapunuan at ang mga bakanteng lote na nakatengga lamang sa iba't-ibang bahagi ng baryo. Hinatid muna ni Arturio ang mga kaibigan sa kani-kanilang bahay ng mga kamag-anakan nila dahil magkakalapit lamang ang mga ito. "Salamat Art!" Pagbaba ni Gwendolyn sa kotse, siya ang huling hinatid. "Anong sala-salamat?! Naku! Kung hindi ka lang tumawag samin na payag ka nang mag-reunion ay sigurado akong nakahiga ako ngayon at kain lang nang kain! Ako at ang baby car car ko ang nahaggard ng husto! Hoy kailangan niyo kong ilibre ng bongga pagbalik sa Maynila! Gusto ko ng dalawang dosena ng domino pizza! Ganern!" "Oo na! Andiyan naman si Maggie, kahit bilhan ka pa niya ng isang daang kahon kayang-kaya niya. Hahahaha." Sa likod ng tawa niya'y isang pagsisinungaling kung bakit niya sinabing payag na siya at yun ay ang nais niyang sundan si Hector. "Naku! Hinding-hindi ako kakain ng kahit anong galing sa babaeng yun noh! Never! Iispreyan ko pa ng pesticide yung pinag-upuan niya. Hoy hah! Yung bilin ko. Si Hector ingat-ingatan mo!" Napailing si Gwen sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Hindi niya kayang maniwala na gagawin iyon ni Maggie at lalo na ni Hector. "Sige na! Bukas na lang ulit!" "Sige! babush!" Hinintay niya muna na umandar ang sasakyan bago siya pumasok sa loob. Umihip ang hanging may dalang kilabot, pamilyar ang lamig nito. Nilinga niya ang buong paligid upang pagmasdan ang mga kabataang naglalaro ng iba't-ibang laro. Palubog pa lang naman ang araw kaya normal lang ang mga kabataang gaya nila sa kalsada. Naalala tuloy niya ang kanyang pagkabata ngunit di nawaglit sa kanyang isipan ang kagimbal-gimbal na nangyari noon. Nais na niyang ibaon sa limot ang mga pangyayaring iyon ngunit ngayong bumalik siya sa baryo at siya namang pagbabalik din ng mga ala-alang ang tanging hatid ay bangungot. Napailing siya upang alisin na rin muna ang mga iniisip. Pagod siya sa biyahe kaya’t nais niya ng pahinga sa mga bagay-bagay. "Gwendolyn?" Nadako ang kanyang tingin sa nagbanggit ng kanyang pangalan. "Ate Aimee? Ate Aimee ikaw nga!" Nagyakapan sila ng pagkahigpit-higpit. "Namiss kita insan! Andito ka na nga! Alam mo ba nung nalaman naming lahat dito sa bahay na uuwi ka ay hindi kami magkanda-ugaga! Ang ganda ganda mo! Ang kinis-kinis! At ang taray, yung buhok mo ang ganda ng pagkakulot pa rin! Ang laki-laki mo na Gwendolyn!" Mabilis na turan nito. "Ah ganun ba? Dapat nga kanina pa ko papasok, natuwa lang ako sa mga batang naglalaro. Parang kami lang ng mga k-kababata ko." Napatingin din si Aimee sa mga batang tinutukoy ng pinsan. "Gwendolyn, balita ko kasabay mo umuwi yung mga yun ah? Yung mga kababata mo. Oh asan sila?" "Mahaba kasi ang biyahe at medyo pagod na kaming lahat kaya uwian na muna. Bukas na lang ulit." "Sabagay, bakit nga ba tayo dito nag-uusap sa labas? Halika na! May nilutong masarap na ulam si nanay!" Paghila nito at tumulong na rin sa paghila ng bagahe. "Si tiyang Beth?" Sabik na tanong ni Gwen. "May iba pa akong nanay? Hahaha! Halika na!" Nauna na itong pumasok. "Tagu-taguan, maliwanag ang buwan pagbilang kong sampu nakatago na kayo..." Kusang napalingon si Gwen sa isang bata na kumakanta at nakasandal ang noo sa puno. "Isa..." Biglaang bumilis ang pagtaas at pagbaba ng kaniyang dibdib. "Dalawa..." Tumakbo na at nagtago sa di kalayuan ang mga kalaro ng batang nagbibilang. "Tatlo..." Nagsimulang bumalik ang alaala niya ng gabing iyon. Ang gabing nagsimula ng lahat. "Apat..." Bumagsak nang kusa ang talukap ng kaniyang mga mata. "Lima..." Ang dilim na dulot ng kulob na mansyon na iyon. "Anim..." Ang tunog na nililikha ng antigong orasan na namamahay. "Pito..." Itim at puting imprenta ng litrato ng isang pamilya. "Walo..." Naalala niya ang imahe ng katawan ni Marites na naliligo sa sarili nitong dugo. "Siyam..." Ang isang pares ng mata ng binatilyo na nagnanais patayin siya. "Sampu!" At sa huling bilang na iyon ng bata ay napapitlag siya sa kinatatayuan dahil sa pagtapik sa kanya ni Aimee. "Gwendolyn. Naka-ilang tawag na ko sa iyo. Anong problema? May masakit ba sa ulo mo?" Umiling lang siya bilang tugon at muling bumaling sa mga bata. Matagal na iyon. Gusto niya nang ibaon sa limot. Humugot siya ng malalim na hininga at sinundan na sa pagpasok ang pinsan. --- --- ---*****--- --- --- "Ay palaka!" Sigaw ni Regina nang madatnan ang mga batang nagtatakbuhan. Muntikan nang mahulog ang salamin sa mata. Binaba niya ang mga gamit sa sofa at akmang uupo na rin ay may isang napakatinis na sigaw ng isang matanda ang tumawag sa kaniyang pangalan. "Ay Regina! Regina!" Tawag ng lolo niya na napagkaitan ng tangkad. "Tay!" Balik na tawag nito. Natigilan din ang dalawang bata na kanina pa naghahabulan sa loob ng bahay. "Ay buti't nakadalaw ka! Kamusta ang trabaho mo? Nakikita ka na ba sa tv? Ay! Sigurado akong napakaganda mo!" Ngiti na lang ang naiganti ni Regina. "Sigurado akong napagod ka sa biyahe! Nakaayos na ang kwarto mo. Ay o baka gutom ka? May pagkain diyan--" Kinalma siya ng apo gamit ang mga palad na wumawagayway sa hangin. "Tay ayos lang ako. Kayo po ba? Kamusta na dito tsaka sino po ba yung mga batang 'yan? Baka nag-ampon nanaman kayo hah?" "Ay iyan ba? Hahahaha! Hinde! Mga pamangkin mo yan sa mga pinsan mo! Ay! Wala ka na talagang alam sa mga nangyayari dito sa Masiliman. Hahahahaha! Oy! Ralph! Botchong! Halika nga kayo ng makilala niyo ang tiyahin niyo, ang napakagandang tiyahin niyo. Magmano kayo dali. Laro ng laro ay!" Nagsilapitan naman ang mga bata na nagmano agad at muli bumalik sa pagtatakbo. Napailing na lang ang maglolo. "Ang takaw talaga sa laro ng mga bata. Parang ikaw nung maliit ka---" Huli na nang mapagtanto ng matanda ang nabanggit. "--ay! Regina! Huwag mong masamain---" "Ayos lang lo. Punta na 'ko sa kwarto ko ho." "Ay! Oo hija, sige. Pasensya na ulit! Ralph! Bochong! Tumigil na nga kayo sa pagtakbo niyo! Malapit nang umuwi ang mga magulang niyo! Aabutan pa kayong pawisan." Sa paglakad ni Regina ay muntikan nanaman siyang matabig ng mga bata. "Ay sorry po tita! Huwag niyo kami isumbong kay tatay! Iba na lang ho lalaruin namin." Hindi niya na sinagot ang mga ito. Napagod na siya nang husto. "Magtagu-taguan na lang tayo Bochong!" "Sige-sige! Gusto ko yan! Ikaw taya ah! Huwag kang madamot." Napalingon si Regina sa kanila. "Sandali! Huwag kayong maglalaro nun!" Nagkatinginan ang kaniyang mga pamangkin, nalilito. "Iba na lang. Huwag na iyon. Mamaya may multo pang makipaglaro sa inyo." May pag-aalinlangang wika niya. Hindi niya rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig. --- --- ---*****--- --- --- "Granny!" Bungad ni Maggie nang makatuntong na sa bahay. Maraming yakapan, beso-beso, kamustahan at tanungan ang nangyari. Tila may malaking handaan sa loob dahil sa kanyang pagbabalik. Marami ring ibang bisita ngunit ang totoo'y di niya na maalala ang karamihan dun. "Granny, I'm a bit tired and I bet this party is not yet over. May I go upstairs and have some nap?" Mahinang tanong niya sa kanyang lola na abala sa pag-asikaso sa mga panauhin. "Oh of course dear. Go on and rest so you can have enough strength for the party tomorrow" Turan nito na nagpangiwi sa kaniya. Walang katapusang party. *tik---tak* *tik---tak* *tik---tak* *tik---tak*  Aktong aakyat na siya sa hagdan nang marinig ang isang pamilyar na tunog. Kung tutuusin ay sa ingay ng buong bahay dahil sa mala-pistang handaan ay hindi na ito maririnig pa, ngunit iyon ang tunog na isa sa mga hindi niya malilimutan. Lumingon siya at nahagip ng kanyang mga mata ang isang orasan, naalala niya ang kaparehong bagay sa Mansion ng Hereniere na kahit di nito kamukha ay katunog naman. Nababahala siya sa bagay na iyon. "Granny?" Pagtawag niya. "Oh, Yes Maggie sweetie? Do you need anything else?" "That clock." Turo niya sa orasan. "Oh? That? Why? Do you want that in your room? I’ll go call for help to carry that in your room.” Mabilis pumaling ang ulo ni Maggie sa kaliwa't kanan. "I want that out in this house. I want that out of my sight, out of my hearing." --- --- ---*****--- --- --- Gaya ng inaasahan, si Arturio ay nasa lamesa, lumalantak ng mga pagkain. "Turio. Aba eh! Mas tumaba ka lalo noh! Tama na bumiyahe biyahe ka naman pauwi dito. Hindi yung kami pa ang bumibiyahe sa maynila kada taon para makita ka lang na lumolobo." Turan ng kanyang kuya at pinisil-pisil pa ang taba sa braso nito. "Wow! Nagsalita ang 'kala mo di gulong sa sobrang bilog ang katawan!" Balik na pang-aasar nito. "Tsaka pwede ba, Huwag mo kong matawag-tawag na Turio! Art ang itawag mo sa'kin! Art! ‘Cause you know, I’m such a majestic piece of Art!" "Wow! Sosyalin hah! Art! Super sosyal! Tsaka anu yang sinasabi mo? Majestic ano? Eh baka naman! Pwedeng pautang---" Hindi na nito naituloy ang sasabihin ng isubo sa kaniya ng kapatid ang isang kutsara na puno ng kanin, walang ulam, purong kanin. "Sobra sobra na ang pinapadala ko. Tigilan mo ko kuya Ed! Isusumbong kita kay nanay! Sige!" Nagpatuloy na lamang sila sa pagkain. Ilang minuto pa ay namatay ang pahabang bumbilyang nasa kisame, dahil yun lang naman ang natatanging nakabukas ilaw ay nilamon na ng dilim ang buong bahay. Halos mahinto ang hininga ni Arturio. Pinagpawisan na rin siya nang husto. "K-kuya Ed?" Bakas sa boses ang takot. Nanatiling walang sumasagot. Muling nanumbalik ang kabang naramdaman ni Arturio mula nung nasa mansyon sila ng Hereniere, purong kadiliman lamang. "Waaaaah!" Napatalon at napasigaw siya na halos yumanig ang sahig dahil sa kaniyang bigat. May kung ano kasing humawak sa magkabilang paa niya. Muling nagliwanag ang bumbilya ngunit sumisindi't patay iyon, malinaw na malapit nang mapundi. Galit na galit na tinapunan ng tingin ni Arturio ang kapatid na nakasalampak sa sahig at tawa nang tawa. "Hahahahahahahaha! Bwahahaha! A-ayos ba? Hahahahahahahahaha! Dapat pala hindi lang sa paa noh?! Hahahahaahaha!" "Hindi ka nakakatuwa!" Singhal niya. Agad naman tumayo si Ed at kinuha sa isang kahon ang isa pang pahabang bumbilya upang palitan iyon. "Hindi nga nakakatuwa pero nakakatawa Turio! Hahahaha! Kalaki-laki'y duwag!" "Ewan ko sayo!" Muling singhal niya at akmang aalis na ay nagsalita ang kuya niya. "Uy Turio! Alalayan mo ko dito magpalit ng bumbilya!" "Kaya mo na yan! Nawalan na ako ng gana pati sa mesa!" Galit na turan niya at hahakbang na sana paalis ay nagsalita ulit ang kapatid. "Weh nga? Edi akin na lang yang pagkain mo hah!" Kunot-noong kinuha ni Arturio ang plato niyang puno ng pagkain. "Ang sabi ko kuya Ed! Wala akong gana sa mesa! Pero wala akong sinabing wala akong ganang kumain! Kaya sa kwarto ko na lang ipagpapatuloy ang pagkain!" Sabi niya't sabay alis. Sakto namang dumating ang kanilang nanay na nadatnan ang sigawan. Inaasahan niya na iyon sa mga anak kaya napailing na lang. "Ed anong nangyari sa kapatid mo? Inaway mo nanaman ba? O tinukso?" Nakapamewang na tanong nito. "Nay bakit ako agad? Wala akong ginagawa, malay ko bang takot sa dilim yun." Sagot ni Ed nang matapos sa pag-aayos sa ilaw. Nilapitan siya ng ina. "Ed sinabihan na kita diba, kahit labing-limang taon na ang nakalipas, may takot pa ring naiwan diyan sa kapatid mo dulot nung nangyari noon. Wag mo nang gagawin yun! Kundi isang linggo kang walang meryenda!” Napakamot na lang ng ulo si Ed. --- --- ---*****--- --- --- Nag-aayos ng gamit si Hector sa dating kwarto nang pumasok ang kaniyang ina na nakangiti ngunit halata sa mga mata nito ang lumbay. "Anak, gusto mo ba tulungan na lang kita diyan?" "Hindi na po." Saad niya habang isinusuksok ang mga gamit sa aparador. "Kamusta ka na naman sa Maynila 'nak?" "Diba tinanong niyo na rin sa akin kanina yan ma nung pagdating ko?" Matigas na saad ng binata sa ina. Hindi niya namalayan na padabog na ang kaniyang ginagawa. Nang lingunin niya ang ina ay nakita niya itong nakaupo sa gilid ng kaniyang kama at tumataas baba ang mga balikat. Tumigil siya sa pag-aayos at hinilamos ang isang mukha sa kamay. Naiinis siya sa nakikita. "Ma, pwede bang huwag kang magdrama na parang kahapon lang ang lahat-lahat? Kung wala ka nang kailangan sa akin. Hayaan niyo na muna akong magpahinga." Agad umalis ang ina at iniiwas na ipakita ang luhaang mukha sa anak. Muling ipinadaan ni Hector ang palad sa mukha. Nananatili ang pusong bato. Ang nakaraan at pinagdaanan niya ay nagging mapait bunsod ng iisang insidenteng iyon noon.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD