Nang matapos ang pag-uusap ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Gwen.
"Art, kulang na lang ay ikaw ang makipag-usap sa sobrang lapit mo sa mukha ko." Biro niya bago bumalik sa mga ginagawa sa mesa na puno ng mga files. Ngumiti naman si Arturio sabay bato ng kalat sa basurahan ngunit hindi ito pumasok, napasimangot siya at binalingan ang kaibigan.
"Mukhang may comeback si ateng mo hah! As if namang gusto natin siyang makita."
Gustuhin mang magconcentrate ni Gwen sa mga papeles sa kaniyang harapan ay talagang napipilitan siyang sumagot.
"Mga bata pa tayo noon, takot. Halata namang nagsisisi siya eh. Siguradong gusto lang niyang humingi ng tawad. Tsaka sangkot din tayo roon."
"Ha-ha-ha..." Pekeng tawa ni Arturio bilang tugon.
"What's with the fake laugh?" Pagpuna ni Gwendolyn sabay sarado sa mga nakabuklat na folders.
"Nagsisisi ba kamo? Malamang oo pero para lang sa sarili niya. Duh?! And the apologies? Of course there should be but again just for herself. She just wanted to ease the burden and the guilt within her. And I won't let it! I want her to live with it like leaving us just like that! And I need her to deal with it just like when she led us from inside of that creepy mansion! Muntikan na 'kong machop-chop kung nagkataon!"
Tila may anghel na dumaan sa paligid nila. Sa mga sandaling lumipas ay hindi nakatugon si Gwendolyn. Hanggang ngayon ay hinahanap pa rin ang mga tamang salita. Magkaiba ang idinidikta ng puso't-isip. May punto ang kaibigan niya, lahat ng sinabi niya ay hindi mapagkakailang totoo pero hindi niya kayang magtanim ng sama ng loob gaya nina Arturio at Hector.
Hanggang sa isang tunog ng doorbell ang bumasag ng nakabibinging katahimikan.
"Pizza delivery!" Sa nagpupuyos na mga mata ni Arturio ay mabilis na naging parang mga talang kumikislap ito sa narinig. Kasingbilis ng kidlat ay nakuha na nito ang dalawang kahon ng inorder na pagkain at ibinuklat na.
Akmang kukuha na siya ng isang hiwa ay pinigilan siya ng kaibigan. "Sandali..."
"Bakit? Ay oo nga! Sige kuha ka lang. Basta tiran mo ko sa isang kahon! Hah! Minsan lang akong manlibre kaya sagarin mo na!"
"Hindi naman yun Art... Pwede bang pulutin mo muna yung kalat dun sa tabi ng basurahan tapos itapon mo ng maayos kundi sisipain kita palabas ng bahay dahil sa pagkakalat mo." Pabirong banta ni Gwendolyn. Wala namang nagawa si Arturio kundi ang tumayong nakabusangot ang mukha at damputin ang kalat gaya ng pakiusap sa kaniya.
"Hay naku! Nakakapagod talaga ang mga ganitong gawain!" Sambit niya nang matapos at pabagsak na umupo na para bang ang dami niyang ginawang trabaho.
Tinitigan na lang siya ng dalaga. Iniisip kung ano ang maaaring mangyari kung nagkataong magkikita-kita silang magkakaibigan. Pinakiramdaman din ang sarili kung ano ang nararamdaman niya para sa umalis na kaibigan. Kailangan niya nang makausap si Hector na ngayon ay abala sa mga pangtrabahong gawain.
Isang makulimlim na katanghalian.
Kasalukuyang nakamasid si Gwen sa mga taong pumapasok ng coffee shop. Hinahantay ang kasintahan. Halos mag-iisang oras na ay wala pa rin. Buti na lamang ay mapagpasensya siya kabaligtaran ni Hector.
"Babe, sorry sorry. I had an urgent meeting with one of my client. So, what do you wanna order?" Sa wakas ay nakarating na ang medyo hingalong lalaki. Ngunit sa kabila ng kapaguran ay mas nananaig ang kakisigang taglay lalo na't pormal ang kasuotan nito.
"Anything." Tipid na sagot naman ng dalaga. Tinawag ni Hector ang waiter at umorder na sila ng madalas nilang kainin at inumin sa naturang lugar.
"Anong gusto mo palang pag-usapan? Mukhang seryoso. Pwede namang puntahan na lang kita sa bahay mo."
Muling nagbigay ng tipid na ngiti si Gwen, "Death Anniversary kahapon ng kapatid mo hindi ba?"
Nawalan ng reaksyon ang kanyang kausap. Ayaw nitong alalahanin ang mga nangyari. "Yun ba ang pag-uusapan natin? Si Marites?"
"Hindi, dahil alam kong ayaw mo. Hindi kita pipilitin. Pero kailangan ba talaga kitang pilitin pa para aminin sa akin na bukas ay uuwi ka sa Baryo Masiliman? Agad-agad?"
Napaawang ang labi ni Hector sa narinig. Nang makarecover ay napasapo sa noo, iniisip kung paano nito nalaman.
"Hindi importante kung paano ko nalaman. Ang gusto kong malaman ngayon ay anong masama kung malalaman ko man. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mong ilihim sa akin." Sumandal pa si Gwen at hinihintay ang sagot ng kasama. Dumating na ang mga inorder nila. Nakatitig lamang si Gwendolyn sa mga iyon.
"Siguradong si Arturio nanaman ang nagsabi nito. Nageavesdrop na nga siya, aba't pinagkalat pa." Bulong ni Hector na hindi nakaligtas sa pandinig ng babae.
"Hector naman..."
"Fine fine. Listen babe. Tumawag sakin si lola, nagtangka raw magpakamatay si nanay. Balak ko siguro tatlong araw lang dun. Hindi ko rin naman gusto magtagal dun sa baryo..." Sandaling napaisip si Gwen sa narinig, walang magawa kundi ang tumango-tango na lang. "...At hindi ko na sinabi sa'yo kasi baka maisipan mo pang sumama o di kaya bumalik pa dun. Ayokong masangkot ka ulit dun sa baryong yun." Nakalamukot ang mukha na dagdag ni Hector sa paliwanag.
"Babe, tungkol pa rin ba 'to sa hindi pa nahuhuling salarin---" Hindi niya na naituloy ang sasabihin dahil agad nagkomento ang binata sa pagkain.
"Mukhang iba ang ang nagtimpla ng frapuccino natin ngayon hah."
Alam ni Gwen na gagawin iyon ng kasintahan ngunit pinagpatuloy pa rin niya. "Hector..." Tawag nito sa pangalan. "...kung nag-aalala ka sa'kin bakit dun sa mga kamag-anak mo sa baryo ay hindi?"
Kusang tumigil sa pagnguya si Hector. Nais niyang huwag iproseso ang tanong sa isip dahil magiging sanhi iyon para maalala niya ang matagal nang tinatagong hinagpis, iba't-ibang dahilan.
"Babe?" Muling pag-uulit ni Gwen.
*plak*
Halos tumaob amg mesa sa ginawang pagpalo ni Hector dito. Iyon na ang klase ng pagtitimpi niya. Napatingin ang lahat ng tao sa direksyon ng magnobyo.
"I'm done with it. Please. Please Gwen. Ikaw na lang ang tanging tao na nakakaintindi sa akin at sa mga pinagdaanan ko. Ikaw na lang ang inaasahan ko. Let's just eat peacefully." Magkahalong otoridad at pang-aamo na tono ang mababakas sa boses niya. Marahang tumungo si Gwen. Hindi pa rin ginagalaw ang pagkain. Hindi na tuloy niya alam kung paanong sisimulan ang pagbukas ng paksa sa tunay niyang pakay.
Hanggang sa matapos ang araw nang hindi nila napag-uusapan ito, ang tungkol kay Maggie.
Gabi. Nasa kalagitnaan na nito. Tagaktak ang pawis ni Gwendolyn, malikot ang mga nakapikit na mata, at ang paghinga ay sumasabay sa kalaliman ng gabi.
"Marites. M-mar-rites." Ungol niya. Ilang imahe at tunog ang paulit-ulit sa kaniyang isip. Ang humihinging tulong na sigaw ni Marites ay parang sirang plaka na pilit kumakawala sa kaniyang pandinig, wakwak na dibdib at sumisirit na dugo na walang katapusan sa pag-agos, ang matalim na kutsilyo na papalapit nang papalapit sa kaniya at ang pangalang Marie. Nagising ang diwa niya nang maramdaman ang mga basang pisngi. Pero hindi iyon galing sa mga mata niya.
Nang magmulat ay tumambad ang isang bata, umiiyak at tumutulo sa kaniya ang mga luha nito. Hindi siya makakilos. Si Marites iyon na nasa kisame. Nakalutang ang itim na buhok nito na nakalaylay at pahaba nang pahaba't pababa nang pababa paabot sa mukha niya. Parang yelo sa lamig ng madampian siya nito.
"Sa...Baryo...Masiliman..." Bigkas ng bulto ni Marites na animo'y galing pa sa ilalim ng lupa ang boses, may karugtong pa itong mga sinabi ngunit hindi niya na marinig at maintindihan dahil nagpaulit-ulit sa kaniya ang mga nauna. Napupuluputan na siya ng mga hibla ng buhok. Pakapal nang pakapal hanggang sa takpan nito ang buong mukha niya, hindi na siya makahinga.
"Aaaaah!" Sigaw ni Gwendolyn nang magising mula sa isang panaginip o mas tamang sabihing bangungot. Luminga-linga siya sa paligid. Kahit hindi na maalala pa gaano ang mga nangyari sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog ay natatakot siya para sa sarili. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam, hindi siya sanay. Sa mahabang panahon, ngayon na lamang siya ulit binangungot ng ganun. Pakiramdam niya ay mayroon siyang itinatago sa pinakaloob niya na kung ano man. Hindi niya masigurado o mawari kung ano man ito. Maaaring takot o di kaya'y galit. Basta isa lamang ang sigurado niya, konektado ito sa mga nangyari noon.
“Marites…” Banggit niya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya, hindi niya lamang alam kung paano ito ipahayag sa mga oras na iyon.
"Kailangan ko 'tong harapin. Kailangan namin..." Hinahabol ang hininga ay agad niyang kinuha ang telepono.
--- --- ---*****--- --- ---
Nakababa na ng eroplano si Maggie. Hapit na itim na damit ang suot niya na tinernuhan ng itim na stiletto. Akala mo'y may funeral na dadaluhan. Nasa kaniya ang lahat ng atensyon sa airport. Malaki na ang pinagbago niya. Palibhasa'y laking mayaman at laking states, lahat ng naising gawin sa sarili ay magagawa.
Tahimik siyang nagmamasid-masid habang hila-hila ang nag-iisang bag na may gulong. Wala siyang ibang inaasahan na kamag-anak na sasalubong sa kaniya dahil lahat ng mga ito ay nasa Baryo Masiliman malamang. Wala ring ibang kaibigan maliban sa mga kababata dahil nga sa napakabata pa niya nang dalhin sa ibang bansa.
"Maggie? Is that you?!" Sigaw ni Regina na may hawak-hawak na banner at ang nakalagay ay 'WELCOME BACK MAGGIE!' Talagang nag-abala pa sila.
"Regina?" Tanong niya nang medyo nangingilala pa. Pero sa kapal ng salamin nito ay nasigurado niya nang ito ang kababata niya na mahilig sa mga nakakatakot na bagay. "...oh Regina! Long time no see!"
Nagkawayan sila, kaunting ngitian, maikling papuri sa isa't-isa at tipid na kamustahan. Nang matapos ay nagtungo si Maggie sa iba pa niyang mga kababata. Otomatikong napangiti siya nang makita si Gwendolyn. Napayakap pa siya rito. Sa grupo kasi nila ay hindi maitatangging ito ang pinakamabait at kung hindi dahil dito ay baka natuluyan na siya, sila noon.
"It's been a while. You're so gorgeous Gwenny! Your natural brown curly hair really fits on you! I'm glad you find time here!"
"Thanks M-maggie. As well as you too." Pagkalas ni Gwen. May nararamdaman siyang kung anong awkwardness pero masaya pa ring makita ang kababata.
Gumawa naman ng pekeng ubo si Arturio na nais ipaalam na nandun din siya. Hindi naman siya nabigo sa ginawang pagpapapansin.
"Arturio you're here too!"
May besuhang nangyari ngunit hindi ipinahalata ni Arturio ang pagkadisgusto at sa halip ay ngumiti pa ngang pagkalawak-lawak, naniningkit ang mga mata. Inilibot pa ni Maggie ang paningin, napansin ito ni Gwen kaya kaniya na itong inunahan.
"Maggie, unfortunately, Hector was already at the barrio because of some matters. Yet the truth is he doesn't know anything about this, about you coming back here in Philippines and about the reunion. No one of us could bring it up to him."
Nanlumo ang kaninang masisiglang mga mata lalo na ni Maggie.
"I really want to talk to him. Whatever it takes, I will talk to him. The Hector I knew was the one always hearing everything out of me, agreeing and giving me an all out support." Habang binibigkas niya ang bawat salita ay inaalala niya ang pagsasama nilang dalawa bilang magkababata, mga ngiti at gusto niya iyong mabalik. Masasabi niya sa sarili na si Hector ang kaniyang puppy love o maaaring mas first love. Matindi talaga ang pagkakras niya sa kaniya, na nadala hanggang sa ibang bansa.
Ang mga singkit na mata ni Arturio ay mas lalong naningkit. "I smell something fishy." Bulong niya sa sarili.
Labag sa loob na nagmamaneho si Arturio ng itim na sasakyan papunta sa kanilang baryo. Alam niya kung gaano kahaggard ang pagiging drayber ng mahigit sa anim na oras. Isang napakalayong baryo ba naman ang pupuntahan. Nasa tabi niya si Gwendolyn na nakatanaw sa paligid na dinadaanan. Nakadama siya ng galak at pananabik. Sa wakas, madadalaw niya na pagkatapos ng labing-limang taon ang mga kamag-anak niya roon. Sa upuang pampasahero sa likod naman ay sina Regina at Maggie, natutulog pareho.
"Pst. Gwen. May pa Gwenny 'yang si Maggie mo hah." Pambabasag sa katahimikan ni Arturio gamit ang mahinang boses. Ayaw niyang magising ang pinag-uusapan.
"Ah. Oo nga eh. Medyo nagulat din ako. Ang laki na ng pinagbago niya noh?" Pagtugon niya at sinilip ang mga kababata sa likod.
"Sana nga nagbago na. Pati yung crush thingy niya kay Hector. Alam naman nating lahat yung tungkol dun diba? Patay na patay siya run!"
"Art? Bakit inoopen-up mo pa yun? Ang tagal na nun hah?"
"Whatever. Boyfriend mo na yung dating batang lalaking patay na patay siya. Dapat malaman niya yun noh. Mamaya hindi lang pala friendship gusto ng babaeng yan, baka ahasin pa niyan nobyo mo."
"Shhh. Baka marinig ka. Tsaka hindi naman ako nababahala. Ni hindi nga pumapasok sa isip ko yan eh. Kaya please wag mo na banggitin. Baka maging awkward pa. Ayoko ng gulo." Pagsilip ulit ni Gwen sa likod.
"Bahala ka. Basta't sinabihan na kita."