bc

The Billionaire's Fake Wife

book_age18+
367
FOLLOW
1.2K
READ
billionaire
submissive
billionairess
bxg
mystery
abuse
reckless
like
intro-logo
Blurb

SAWANG-SAWA na si Sofia sa mga panlalait na natatanggap niya mula sa pamilya ng kanyang asawa kaya naman napagdesisyon niyang iwanan ang mga ito. Habang nasa kalsada, nasaksihan niya ang isang aksidente. Sumabog ang gulong ng sasakyan kaya nabaligtad ito.

Sa paglapit niya sa kotse, isang babaeng duguan ang kanyang nakita.Sa dami ng dugong nawala dito, mukhang hindi na ito magtatagal.

Naghanap siya ng ID upang matawagan ang pamilya nito. At nang makakita, nawindang siya nang makita ang pagkakapareho ng itsura nila. Maaari silang pumasa bilang kambal!

Biglang nagkaroon ng pagsabog at nawalan siya ng malay.

Sa paggising ni Sofia, siya na si Katharina Villafuerte Lee. Hindi lang siya basta mayaman. Asawa na siya ng isang bilyonaryo. Sa isang iglap, nakamit niya ang mga mamahaling bagay na sa panaginip lang niya kayang angkinin.

Pero ang akala niya na perpektong buhay ay may kaakibat palang panganib.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"MAHAL. Nasa labas pa lang ako, naririnig ko na ang iyak ng anak natin. Tapos inuna mo pa talaga 'yang paghuhugas ng pinggan?" Dumiretso si Andreu sa kwarto nila kung saan naroon ang kanilang anak. Sa paglabas, karga na nito si Sabhrina na wala pa rin tigil sa pag-iyak. "Wala akong magagawa kung ang aatupagin ko lang ay ang pagpapatahan sa batang 'yan." Sa edad na dalawa ay na-diagnose na ang anak nila ng bipolar disease. At sa totoo lang, nakakapagod mag-alaga ng bata na may special needs. Lalo na at lahat na ata ng kamag-anak ng asawa niya ay siya ang sinisisi kung bakit nagkaganoon ang anak. "Napag-usapan na natin 'to, hindi ba? Kapag wala ako, wala kang ibang dapat na gawin dito sa bahay kundi ang alagaan ang anak natin.” Madali lang sabihin iyon para kay Andreu dahil hindi naman ito ang hinaharap ng pamilya nito. Lalo na ng Mama nito na lahat ng ginagawa niya sa bahay, pinapansin. Para dito, wala na nga ata siyang nagawang tama. "Mabuti at nandito ka na, anak," wika ng kanyang biyenan kahit ba halata naman na inabangan talaga nito ang pagdating ni Andreu para isumbong siya. "Ano ba naman iyang asawa mo, Andreu. Magbabantay na nga lang ng tindahan, tatanga-tanga pa. Minsan na nga lang pagkatiwalaan, pumalpak pa. Wala na nga yata 'yang alam na tamang gawin. Napaka-perwisyo." Sa unang pagkakataon mula nang mabuksan ang tindahan ng biyenan ay pinakiusapan siya nitong bantayan iyon habang wala ito. Bilang respeto, kahit ba may sumpong ang anak ay pumayag siya. Kaso kinailangan nilang umuwi para mabihisan ang anak ng diaper. Ilang minuto pa lang sila sa bahay nang makarinig siya ng sigaw na may nasusunog. Ang tindahan pala ng kanyang biyenan. At sa totoo lang, pakiramdam niya may sadyang nagsunog no'n para pagmukhain na naman siyang malas sa pamilya. Ganoon na nga lang siguro talaga ka desperado ang mga itong pagmukhain na naman siyang walang kwenta para isakripisyo ang tindahan. Gusto sana niyang depensahan ang sarili pero sa huli ay nanahimik na lang siya. Nakakapagod na rin kasi. Paniguradong hahaba lang ang usapan at sa huli, siya pa rin ang magiging masama sa mata ng mga kamag-anak ng asawa. "Sigurado akong hindi naman 'yon sinasadya ng asawa ko. Kay Linda niyo na lang sana pinabantayan ang tindahan." "Ayokong istorbohin ang kapatid mo. Busy iyon sa pagre-review para sa bar exam." "Pero alam niyo din naman na mahirap alagaan si Sabhrina." "Bakit, sa tingin mo ba nadalian ako sa pagpapalaki sa iyo at sa mga kapatid mo? Kulang lang talaga sa diskarte itong asawa mo. Kung bakit kasi sa lahat ng babae, iyan pa ang nagustuhan mo? Ganda lang naman ang meron 'yan. Walang kaalam-alam sa buhay. Napakamalas pa at walang magawang matino. Iyan nga at nadamay pa ang apo ko." Akala niya sanay na siya at kilala na niya ang ugali ng biyenan. May ikasasama pa pala ito. "Sumusobra na kayo, ah," hindi na niya naiwasan sumagot at hinarap ito. "Hindi niyo ba naisip na kaya lumabas na ganito ang anak ko dahil sa inyo? Dahil wala na kayong ginawa kundi pasamain ang loob ko noong ipinagbubuntis ko pa lang si Sabhrina." "At naghanap ka pa talaga ng masisisi. Sa loob mo nabuo iyang bata kaya ikaw mismo ang may problema kaya naging abnormal iyang apo ko." "Bakit, ginawa ko ba 'to nang mag-isa? Nananalaytay din sa dugo ng anak ko ang dugo ng anak mo." Pumagitna na sa kanila si Andreu. "Nay, pwede ba huwag niyo na idamay dito ang anak namin? Apo niyo pa rin si Sabhrina. Magkano ba ang nawala at papalitan ko na lang para matigil na 'to." "Ayan, diyan ka magaling. Palagi mo na lang sinusuportahan sa mga kapalpakan niya iyang asawa mo kaya hindi natututo,” tiningnan siya nito nang masama. "Mabuti pa hiwalayan mo na ang babaeng `yan habang maaga pa. Habang hindi pa nauubos lahat ng kabuhayan natin," wika nito bago lumabas ng bahay nila. Tatlong taon na rin mula nang dalhin siya ng asawa sa probinsiya. Ganoon na rin siya katagal nagtiya-tiyaga sa pamilya nito. Nakabukod man, ilang hakbang lang ay naroon na ang bahay ng mga kamag-anak ni Andreu na mukhang kahit kailan ay hindi siya magugustuhan. Bago pa man kasi siya nakilala ng mga ito ay hinusgahan na agad siyang mang-aagaw. Na kung hindi niya inakit si Andreu, sana ay asawa na nito si Angelina, anak ni Don Marcelo na siyang nagmamay-ari ng lupa na kinatitirikan ng mga bahay nila. Lalong nagalit ang mga ito nang hindi natuloy si Andreu magtrabaho sa abroad. Siya daw ang malas sa buhay ng mga ito. "Pagpasensiyahan mo na lang si Nanay, Mahal. Alam mo naman ang bibig no'n, walang preno." "Alam mo, kaya gano'n ang nanay mo sa akin dahil hindi mo naman siya pinagsasabihan. Hinahayaan mo lang siyang pagsalitaan ako ng masasakit." "Hindi totoo 'yan. Pinagsabihan ko nga siya kanina, hindi ba?" "Lumipat na tayo ng bahay, Andreu,” tuluyan na siyang napaiyak. “Kung ayaw mong umalis, ako na lang. Maghiwalay na lang tayo. Ayoko na talaga dito.” Tumabi sa kanya ang asawa at hinawakan ang kanyang mga kamay. "Mahal naman. Pag-uusapan na naman ba natin 'to? Alam mo naman na hindi ko pwedeng gawin iyon. Nangako ako kay Tatay na hindi ako lalayo kay Nanay at sa mga kapatid ko kahit may asawa na ako." "Paano naman ang pangako mo sa akin? Akala ko ba ako ang magiging pinakamasayang babae sa mundo kapag pinakasalan kita.” "Kung sa simula pa lang nakisama ka na ng mabuti sa pamilya ko, hindi ka sana mahihirapan nang ganyan." Hinila niya ang kanyang mga kamay at tumayo. "Ako pa ngayon ang may mali? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ko? Alam mong sa simula pa lang ay hindi na ako gusto ng pamilya mo, Andreu. Pero nagtiis pa din ako ng tatlong taon kahit kung makaasta sila, para bang buhay mo ang sinira ko. Ikaw naman ang may gusto nito, hindi ba? Tapos sasabihin nila na ako ang nang-agaw? Na ako ang malas? Kung ano man ang nangyari sa atin noon, ginusto mo rin iyon. “At kung may mali man ako dito, iyon ay nang maniwala ako sa mga pangako mo. Dahil sa totoo lang, kabaliktaran no’n ang nangyari sa buhay ko.” Nagkakilala sila ni Andreu sa isang bar tatlong taon na ang nakakaraan. Nagkwentuhan. Nag-inuman. Nag-s*x. Aaminin niya, na-attract siya dito dahil gwapo ito at mukhang mayaman. Iyon kasi ang mindset niya dati. Kapag may nakilala siyang lalaki na gwapo at mayaman, susunggaban niya agad. Iyon lang kasi ang naisip niyang makakapag-ahon sa kanya sa kahirapan. Kaso, nagkamali pala siya dito. Gwapo lang pala ito at hindi mayaman. Kaya nang malaman niya na buntis siya, binalak niyang ipalaglag ang bata. Hindi niya alam kung paano pero nakarating iyon kay Andreu. Pinangakuan siya nito ng magandang buhay hayaan lang niyang mabuhay ang anak nila. Sana pala tinanong niya dito kung ano ang depinisyon nito sa magandang buhay. Para kasing hindi sila pareho ng pagkakaintindi sa mga salitang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
177.0K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook