Chapter 10
Ysabelle Ashleigh
Mag-iisang linggo na simula ng mag umpisa ang bakasyon namin. Kaya naman ako ay walang ginawa kung hindi ang magkulong lamang dito sa kwarto ko para magbasa at manood ng kung ano-ano wala naman kasi akong ibang papasyalan dahil wala si Zei.
Nakakainip pa lang ang ganito mas gusto ko pang pumasok sa school kesa ang tumambay lang sa bahay. Wala rin sila mommy dahil may importante silang pinuntahan kaya naman ako lang at ang mga kasambahay namin ang narito sa bahay.
Minsan tumatawag sa akin sila mommy upang kumustahin ako nasa ibang bansa kasi sila ngayon para sa meeting tungkol sa lumalago naming business. Namimiss ko na sila dalawang linggo na simula ng makasama ko sila. At sa susunod na araw pa raw ang balik nila dito sa Pinas.
Ngayon na rin pala ang umpisa ng simbang gabi kaya kailangan ko ng mag-aayos ng maisusuot ko para mamaya. Alas nuebe ng gabi ang umpisa ng simba gabi kaya marami pa naman akong oras upang ihanda ito.
Ilang sandali pa akong nagmuni-muni sa may hardin namin at upang makalanghap rin ng sariwang hangin kaya naman dito ko naisipang pumunta.
Hindi rin kami masyadong nagkikita ni Aden dahil alam ko naman ay mayroon din siyang sariling gawain kaya naman hindi ko siya masyadong iniistorbo. Minsan ay tumatawag siya pag namimiss niya ako at noong isang araw ay nagpunta rin siya rito sa bahay.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagtungo sa kusina nakita ko sila manang na abala sa paghiwa ng mga gulay. Lumapit ako sa kanila, gusto kong tumulong kaya naman kinausap ko si manang.
“Manang ako na po diyan,” sabi ko sa kanya.
“Ay nako hija kami na lang ang bahala rito,” sabi niya at ayaw akong payagan kaya naman pinilit ko pa siya bago niya akong payagan at ibigay sa akin ang repolyo na hinihiwa niya.
Nandoon din si Anna ang apo ni manang sa pagkakaalam ko ay kasing edad ko lang si Anna at tumutulong siya dito sa bahay tuwing wala siyang pasok.
“Buti nakapasyal ka rito?” tanong ko kay Anna na abalang binabalaatan ang carrot na hawak niya.
“Wala na po kasing pasok senyorita kaya po rito muna po ako pinatuloy ni Lola,” sagot niya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa niya.
“Wag mo na akong tawaging senyorita, Ysabelle na lang magkasing-edad lang tayo,” natatawang sagot ko sa kanya. Ayoko kasing tinatawag akong senyorita lalo na’t pareho lang kami at apo siya ni manang na walang sawang tumutulong dito sa amin sa bahay.
Habang naghihiwa ako ng mga gulay ay nagkukwentuhan din kami ni Anna. Masarap siyang kausap at maraming kwento hindi ka ma-iinip pag kasama mo siya. At nalaman ko rin na mahal na mahal niya ang lola niya. Kita ko rin iyon sa kanya dahil sa pag-aalala niya kay manang napakabait niyang bata.
Dahil sa pagkukwentuhan namin ni Anna ay hindi ko namalayan na 7;40 na pala ng gabi kaya naman nagpaalam na ako sa kanya kailangan ko na kasing maligo at mag sisimba pa ako. Inaya ko ring magsimba si Anna ngunit may gagawin pa raw siya kaya naman ako lang mag-isa ang sisimba ngayon sanay naman ako pero gusto ko sana siyang makasama. May ibang araw pa naman sa susunod na araw ko na lang siguro siya isasama.
Nang matapos akong maligo ay isang simpleng dress na kulay dilaw na bulaklakin. May haba na hanggang tuhod at at pinarisan ko ito ng puting flat shoes.
Naglagay lang ako ng kaunting polbo at liptint upang magkaroon pa ito ng kaunting kulay. Nang matapos na ako sa pag-aayos ay kinuha ko na ang sling bag ko at bumaba lumabas na ng kwarto.
Pumunta ako sa dining area natagpuan ko doon sila manang na naghahanda na ng pagkain kasama ang iba pang mga katulong. Inaya ko na silang kumain para sabay-sabay kaming lahat. Noong una ayaw pa nila ngunit pinilit ko sila kaya naman wala na silang nagawa kung hindi ang sumabay sa akin sa pagkain. Kapag marami ka kasing kasabay kumain ay nakakagana.
Nang matapos kaming kumain ay nagpaalam na muna ako kay manang upang magsimba. Sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na ito patungo sa simbahan.
Pagdating ko sa simbahan marami na ang tao kaya naman iilan na lang ang bakanteng upuan. Kaya naman umupo na lang ako sa pangalawang mahabang upuan sa may dulo. Wala pang tao na nakaupo rito at ako pa lang.
Ilang minuto lang ang lumipas ay may tumabi sa akin, hindi ko ito pansin dahil abala ako sa pagtingin sa phone ko dahil tumatawag si Zei kaya naman nagtext na lang ako sa kaniya at inoff ko na muna ang phone ko.
Sakto naman dumating na ang pari at nag-umpisa na ang misa. Itinuon ko ang sarili ko sa pakikinig. Nang sambitin ng pari ang peace be with you at doon lang ako napaharap sa katabi ko.
Ganun na lang ang pagkagulat ko ng ang lalaking katabi ko ay si Aden pala.
“Peace be with you baby,” saad nito sa akin. Kaya naman kahit shock pa rin ako ay nagawa ko pa rin siyang kausapin.
“Peace be with you,” wika ko at ibinalik na ulit ang tingin ko sa harapan. Nang matapos ang misa ay sabay kaming lumabas ng simbahan ni Aden.
Pagdating namin sa tapat ng kotse ko ay huminto muna ako saglit at humarap sa kaniya.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya hindi pa rin kasi ako makapaniwalang nandito siya.
“Galing ako sa bahay niyo at sabi ni manang nagsimba ka raw kaya naman pinuntahan kita,” sagot niya sa akin na may ngiti sa mga labi. Napaka-sweet talaga ng taong ito kahit kailan.
“Ganun ba halika sa bahay na lang tayo mag-usap sabi ko sa kanya at sumakay na ako sa kotse ko.
Nagmaneho na ako pauwi ng bahay at kasunod ko lang si Aden dala niya rin kasi ang sasakyan niya. Nang makarating kami sa bahay ay nagpahanda ako ng makakain kay Manang.
Nasa sala lang kami ni Aden habang hinihintay ang pagkain. Nang bigla siyang magsalita.
“Ba’t hindi mo ako tinatawagan kanina para sana may kasama,” sabi niya sa akin.
“Akala ko kasi busy ka kaya hindi na kita inabala at saka sanay naman na akong magsimabng mag-isa,” wika ko.
“Kahit na delikado pa rin lalo na’t wala kang kasama,” saad niya hindi naman na ako sumagot dahil baka humaba pa ang panenermon niya sa akin. Minsan talaga ayaw niya akong lumalabas ng mag-isa at baka draw kasi mapahamak ako lalo na’t wala siya sa tabi ko.
“Sorry na,” sambit ko kaya naman napa buntong-hininga na lang siya at tumango. Ngayon ko na lang siya ulit nakita namiss ko siya sobra. Nagusap lang kami roon talagang namiss namin ang isa’t-isa kaya naman sinulit namin ang araw na ito.
Malalim na ang gabi hindi namin iyon namalayan ni Aden dahil sa pagkukwentuhan naming dalawa kaya naman kailangan niya ng umuwi. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at niyakap ako ng mahigpit.
“Susunduin kita dito bukas ng gabi ha,” sabi niya sa akin. Sabay na raw kasi kaming sisimba bukas ng gabi ayaw niya kasi akong nag-iisa.
Nang maka-alis na si Aden ay umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. Sobrang saya ng araw ko ngayon dahil kahit papaano ay nakasama ko si Aden. At naeexcite ako para bukas dahil makakasama ko siya ulit.
Napakaswerte ko dahil ako ang napiling niyang ligawan at hindi siya nagsawa sa panunuyo sa akin. Maglilimang buwan na rin simula ng ligawan ako ni Aden. kaya naman may naisip akong paraan para mapasaya man lang siya kahit papaano.
Kinabukasan ay maganda ang gising ko kaya naman masaya akong lumabas ng kwarto at nakita ko si Anna na nakaupo lang sa may bench sa may hardin. Kaya naman nilapitan ko siya at tumabi sa kanya.
“Ysabelle ikaw pala,” sabi niya sa akin at nakatanaw sa malayo.
“Anong ginagawa mo rito at nag-iisa ka?” tanong ko sa kanya.
“Wala nagpapahinga lang ako rito at para na rin makapag-isip,” sagot niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya mukhang malalim ang iniisip niya.
“May problema ba? Handa akong makinig,” sabi ko sa kanya nagkatinginan naman kami at nakita ko na may luhang bumagsak mula sa kanan niyang mata. Kaya naman niyakap ko siya at inaalo.
“Nahuli ko kasi ang boyfriend ko na may ibang babae,” umiiyak na sabi niya.
“Sige ibuhos mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo nandito lang ako,” sabi ko sa kanya at hinayaan siyang umiyak ng umiyak hanggang sa wala na akong marinig na hikbi niya.
Humarap siya sa akin na pulang-pula at maaga ang mga mata talagang nasasaktan siya sa nangyayari ngayon sa kanila ng boyfriend niya kaya naman ako ay nakaramdam din ng takot na masaktan din katulad niya.
“Napakasakit lang kasi binigay ko lahat sa kanya tapos ganito lang ibbalik niya sa akin. Kaya pala hindi siya tumatawag o nagtetext man lang sa akin kasi may iba na siyang babae,” malungkot na sabi niya.
“Hayaan mo na iyong lalaki na iyon may mahahanap ka pang-iba dyan na mas deserve ang pagmamahal mo,” sabi ko sa kanya hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang mga payo na binibigay ko sa kanya pero ang alam ko lang ay kailangan niya ngayon ng karamay.
“Tama ka Ysabelle dapat hindi ko iniiyakan ang gago na iyon,” sabi niya at pinunasan ang natitirang luha sa kanyang mukha at ngumiti sa akin.
Kaya naman napangiti rin ako sa kanya, kahit sa simpleng payo ko ay napagaan ko ang kalooban niya. Isa na rin kasi si Anna sa mga kaibigan na tinuturi ko.
Ilang araw na kaming sabay na nagsumisimba ni Aden araw-araw niya akong sinusundo rito sa bahay. Nakasama rin namin noong isang araw si Anna at ngayon ay medyo close na rin silang dalawa. Minsan ay nagkukwentuhan sila kapag may ginagawa ako minsan naman ay namamasyal kaming tatlo.
Hanggang sa sumapit na ang pinakahihintay ko na araw ang huling araw ng simbang gabi. Nasa simbahan na kami ni Aden at hinihintay na lang mag umpisa ang misa at ito rin ang araw na napili ko para sa kung ano man ang plano na naisip ko.
Pinayuhan din ako ni Anna sa gagawin ko at nagpapasalamat ako sa kanya dahil kung wala siya ay hindi ko alam ang gagawin ko. Buti na lang kahit wala rito si Zei, nandito si Anna para tulungan ako, nakilala na rin ni Zei si Anna at minsan ay nagkakausap sila kapag tumatawag sa akin si Zei.
Napatunayan naman sa akin ni Aden ang kanyang katapatan kaya naman susuklian ko ito. Natatakot ako ngunit sabi nga nila hindi ka matututong magmahal kung hindi mo susubukan.