Chapter 9
Ysabelle Ashleigh
Simula noong dinalhan ako ng bulaklak ni Aden ay lagi na kaming magkasama noon. At araw-araw rin siyang may surpresa sa akin. Hindi ata nauubusan yung lalaki na iyon.
Mabilis din lumipas ang araw at buwan hindi namin namamalayan na christmas break na sa susunod na linggo. Habang nakatambay kami sa may canteen ay nagkwentuhan lang kami ng mga kaibigan ni Aden kasama rin namin si Zei.
"Ano balak niyo sa christmas break?" tanong ni Zei sa aming lahat.
"Wala sa bahay lang ako," sagot niya Ajus.
"Pupunta ako sa probinsya upang bisitahin si Grandma," sunod naman sabi ni Trista.
"Ako wala ba akong maisip na magandang gawin," wika naman ni Drake.
Pare-pareho lang kaming napaisip kung ano ang gagawin namin ngayong christmas break. Ako sigurado ako nasa bahay lang ako ngayong christmas break. Oo nga pala malapit na rin ang simbang gabi.
Lagi kasi akong nagsisimba sa tuwing malapit ng magpasko at binubuo ko ang simbang gabi. Naniniwala kasi ako sa sinasabi nila pag nabuo mo raw ang siyam na araw kung ano daw ang wish may ay matutupad.
Kaya naman sa tuwing magpapasko nagsisimba ako kahit ako lang mag-isa.
"Ikaw Bes anong balak mo?" baling naman sa akin ni Zei.
"Dating gawi, magsisimbang gabi ako," sagot ko sa kanya.
"Oo nga sayang hindi ako makakasama sayo Bes papasyal muna kasi kami sa US," malungkot na saad ng kaibigan ko.
"Ano ka ba ayos lang may susunod pa naman," sabi ko sa kanya. Kaya naman medyo umaliwalas ang mukha niya.
"Sinong kasama mong nagsisimbang gabi?" biglang tanong naman ni Aden sa akin. Akala ko kanina may ginagawa siya kanina ko pa kasi napapansin na tahimik siya.
"Ako lang mag-isa," maikling sagot ko sa kanya.
Tumango-tango naman siya at muli ng nanahimik. Mukhang wala ata siya sa mood ngayon dahil sa daming requirements na kailangan niyang tapusin. Kaya naman hinayaan ko na lang siya at nakipagkuwentuhan na lang sa mga kaibigan namin.
Ilang minuto lang ang tinagal namin doon hanggang sa magkayayaan na silang umalis. Kaya naman naglakad na kaming dalawa ni Zei patungo sa room namin. Hindi na ako naihatid ni Adeb dahil may gagawin pa raw siya.
Hinayaan ko na lang siya para matapos na rin niya ang nga kailangan niyang tapusin. May exam din kasi kami ngayon ni Zei kaya naman agad din kaming bumalik sa room. Kailangan pa naming magreview baka kasi mapagalitan kami kay Ma'am Paras teror pa naman iyon.
Pagdating namin sa room ay dumiretso na kami sa upuan namin ni Zei. Napansin ko naman na nakatingin sa amin sila Venice hindi ko na lang sila pinansin. Araw-araw naman kasi siyang nakatingin sa akin na para laging galit sa akin. Kahit wala naman akong ginagawa sa kanya na masama.
Nasanay na rin ako sa kakatingin niya sa akin ng ganyan kaya naman hinayaan ko na lang siya. At sa lumipas na buwan wala naman na siyang ibang ginawa kung hindi tignan ako ng masama pero at least ngayon hindi niya na ako ginugulo kaya ayos na iyon.
Hanggang sa dumating na nga huling araw ng exam namin at ito rin ang huling araw ng pagpasok namin dahil christmas break na. Nagkayayaan kaming magbabarkada na magmall mamaya dahil ilang linggo rin kaming hindi magkikita.
Nang matapos ang klase namin ay sabay na kaming lumabas ng room. Dumiretso na kami sa parking lot upang doon magkita-kita at sabay-sabay nang pumunta sa mall. PAgdating namin ay kumpleto na sila at kaming dalawa na lang ni Bes ang kulang.
Nang makita na nila kami ay kinawayan nila kami. Kaya naman minadali na namin maglakad ni Bes. Nang makarating kami sa kinaroroonan nila ay binati nila kami at sabay-sabay ng nagkayayaan na umalis.
Pinasakay ako ni Aden sa kotse niya at si Zei naman ay sumabay kay Drake para mahinto na ang isang iyon sa kaka-asar sa kanya.
Nakakatawa nga kasi ang dalawa na iyon sa tuwing binibiro siya ni Drake ay namumula siya at naiinis dito. Sa totoo lang bagay na bagay silang dalawa ni Zei pero hindi namin kasi naman alam kung seryoso ba si Drake kay Zei dahil lahat ng bagay ay ginagawang biro ng tao na iyon.
Nang maksakay ako sa kotse ni Aden ay pinaandar na niya ito. Nakasunod lamang kami kila Zei na nasa unahan namin.
“Kamusta naman exam niyo baby?” tanong niya sa akin. Ayan na naman ang pagtawag niya ng baby sa akin.
“Ayun buti nakaraos din,” sabi ko sa kanya at hindi ko mapigilang magbuntong hininga dahil sa pagod at puyat na inilaan ko sa exam naman namin para lang makapasa ako.
Nagpatuloy naman na siya sa pagmamaneho at nabalot na ng katahimikan. Wala rin kasi akong ibang sabihin dahil pagod din ako.
Nang makarating kami sa mall ay napagpasyahan naming mag samgyup dahil na rin sa pamimilit ni Zei kaya naman pinagbigyan na namin siya. Aalis na rin kasi siya bukas kaya naman sagot niya lahat ng kakainin namin ngayon.
Pumwesto kami sa isang long table, nang tumingin ako sa paligid marami-rami rin ang mga taong kumakain dito. Ia kasi ito sa mga kilalang restaurant na may samgyup. Iilan pa lang kasi ang mga nag offer ng samgyup dito.
Nang kumpleto na ang lahat ay nag umpisa na kaming magluto. Sa ilang buwan na pagsasama namin madalas kaming magbonding ng ganito. Ito na rin kasi ang nagiging pahinga namin sa tuwing maraming ginagawa sa school.
Akala ko noon ay mahirap pakibagayan ang mga kaibigan ni Aden ngunit mali pala ang akala ko dahil silang lahat ay mabait at matulungin. May pagkasira lang nga ng ulo minsan. Lalo na’t pag tinamaan na ng sumpong si Ajus. siya madalas ang maloko sa kanilang magkakaibigan at madalas din ay naweweirdohan ako sa mga trip niya hindi mo aakalain na ang isang Ajus ay may ganoong attitude.
Sa ilang buwan din namin na pagsasama ni Aden lalo ko pa siyang nakilala. Napaka gentleman niyang tao. Hanggang ngayon pa rin nga hindi ako makapaniwala na ang isang Aden Nickson ay mabibighani sa isang tulad ko na simpleng tao lang.
At sa lumipas na buwan na nakasama ko siya hindi siya nagsawa na patunayan sa akin na tapat ang pagmamahal niya sa akin. Ilang beses niya na rin ipinaramdaman sa akin iyon kaya wala akong masabi sa kanya.
Kaya naman na sanay na ako sa kanya at napamahal na rin ako sa kanya. Hindi naman kasi siya mahirap mahalin sa gwapo at sa bait niya ba naman na iyon ay makapag-inarte ka pa ba.
Nang matapos kaming kumain ay nag aya pang silang kung saan-saan upang sulitin ang araw na ito. May kanya-kanya rin kasi kaming gagawin at lakad ngayon christmas break hindi namin alam kung magkikita-kita pa kami sa susunod na araw lalo na’t busy ang lahat sa darating na pasko.
Nang mapagod na silang mag gala-gala ay nagkayayaan na rin umuwi inihatid na ako ni Aden sa bahay. Hindi na siya pumasok pa sa loob ng bahay dahil may kailangan pa raw siyang puntahan kaya naman hindi ko na siya pinilit pa.
Dumiretso na ako sa kwarto ko napagod akong ngayong buong araw dahil na rin sa exam at sa ginawa naming paggala pero at least nag enjoy kami bago may lang umalis si Zei papuntang US.
Ibinababa ko na lahat ng dala kong gamit ay nagtungo na ako sa banyo upang maglinis ng katawan. Ilang minuto lang ay natapos na rin akong maligo. Isang kulay pulang panjama at tshirt ang napili kong suotin. Pagkatapos ay nahiga na ako sa kama ko dahil na rin sa sobrang pagod ay nakatulog na rin ako.