Chapter 8

1983 Words
Chapter 8 Ysabelle Ashleigh Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang isang Aden Nickson na dati ay hanggang tanaw ko lang at pinapangarap ko. Ngayon ay na sa aking harapan at tinatanong ako kung maaari ba niya akong ligawan. I really can't believe what is happening right now. My heart is beating so fast like riding a roller coaster. I can't erase the smile on my lips while looking at the shinning eyes of Aden in front of me offering his courtious and heart. "You're kidding right?" I ask jokingly. "I'm sorry, but I'm not." He said in a serious tone. "Well, can you say it again?" I command. "Ysabelle Ashleigh can I court you?" "Yes!" I answered joyfully with full smile written on my face. Then right after I said that, he hugged me so tightly na kung saan damang dama ko na ang hubog ng kanyang katawan at nakakabaliw na amoy. And of course I also hugged him back. "Do you want to go with me? We will going to watch the beautiful starts above the night sky." "Where?" I asked curiously. "At Camp Juan. That is my favorite secret place.' He answered. "A secret place huh? Baka naman ang dami mo ng dinalang babae doon Aden?" "No, Baby. You is more than enough" "Sana true." I silly respond. "That is true cross my heart. So are you in?" "Yup!" masayang sagot ko sa kanya "Okay, Let's go." aya niya sa akin at hinawakan na ang aking kamay at naglakad patungo kung saan nakaparada ang kotse niya. "Wow!" All I can say is wow. Camp Juan is so beautiful, from the beatiful night view, candles around the big tent, white and yellow lights hangging, and the delisciously looking food set on the table. This place is perfect and romantic. "Did you like it?" tanong niya sa akin. "I love it!" masayang sagot ko sa kanya at talagang namangha ako sa ganda ng lugar. "Glad to hear that." Nakangiting sagot niya habang nakatitig sa aking mga mata na nakatingin din sa kanya. He guided me para makapasok at makaupo sa loob ng tent. "Do you want some wine?" nahihiyang tanong niya habang inaabot ang bote ng wine na nakalagay sa chiller na maraming lamang yelo. "Yeah, sure." sagot ko naman ng nakangiti para mawala ang hiya niya. Then he pour some wine on my glass and gave me a bunch of grapes and apples on plate. Tinikman ko naman ang mga ubas at matatamis naman. Gusto ko sana siyang subuan para matikman niya ang mga ito ngunit nahihiya ako. But I can't keep it on myself and suddenly asked... "Do you want to taste the grapes?" alok ko sa kanya habang hawak-hawak ang isang pirasong ubas na animo'y isusubo ko sa bibig niya. "Y..Yes Sure." nahihiyang sagot niya sabay kain sa ubas na nasa kamay ko. Few moments later, I feel a little bit dizzy because of the wine I consumed. Gusto ko na sanang mahiga pero iniisip ko din na baka akalain niya na gusto ko ng umuwi. "Okay ka lang ba?" tila may pag-aalalang tanong niya sa akin while carefully holding my shoulder. "Hmm.. Medyo nahihilo lang ako" sagot ko naman habang nakahawak sa aking sentido. Nagulat ako sa biglaang paghiga niya at sabay sabing.. "Come on, lay on my shoulder kahit sandali lang para mahimasmasan ka." At dahil hilo na din ako, wala na akong choice kung hindi mahiga sa tabi niya. Para akong dinuduyan sa kanyang mamahalin at mabangong amoy na nagmumula sa kanyang suot na damit. "Do you see the stars? You look like them." biglaang sabi nya. At nakatingin sa mga bituin na nagnining-ning sa kalangitan. "Why? Do I look like a rock?" I answered jokingly. "Hahahaha No my love." natatawang sagot niya sa akin. "Then what?" mataray na tanong ko sa kanya. "You look like them because you shine beautifully even at night." sagot niya ng nakatingin diretso sa aking mga mata. Grabe! Bgla akong nahiya sa sinabi niya at kinilig at the same time. I can't find the words to answer him. Basta tinitigan ko na lang siya hanggang sa mailang ako at ibinalik ang tingin sa langit na punong puno ng nagliliwanag na mga bituin. "Look! There's a shooting star!" I told him excitedly. "Ang ganda!" sabi ko habang nakatingin at nakatingala pa rin sa langit. Bigla akong napatingin sa kanya ng mapansing hindi siya sumagot. Nagulat ako ng makitang nakatitig sya sa akin sabay sabing... "Oo nga ang ganda." nakangiting sabi niya sa akin. "Wag mo kong bolahin," saad ko sa kanya at umiwas ng tingin. "Hindi kita binobola totoo ang sinasabi ko," sagot niya. Hindi ko na lang siya pinansin at muling ibinalik ang tingin ko sa mga bituin. Pareho naman kaming nakatanaw sa kalangitan at tahimik na pinagmamasdan ang ganda nito. Tila ba'y ang mga puso namin ay nagpaparamdaman. Ilang minuto lang ang tinagal namin doon hanggang sa maisipan na naming umuwi lumalalim na rin kasi ang gabi. Sabay na kaming naglakad habang magkahawak kamay. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya pagkatapos ay sumakay siya sa may driver seat. At binuhay ang makina at pinausad na ito pauwi sa bahay nila. Wala pang kalahating oras ng makarating kami sa kanila. Bumaba naman siya ng kotse kaya naman bumaba rin ako upang hintayin siyang makapasok. "Thank you for the wonderful night," saad ko sa kanya. "You're welcome!" wika niya habang nakangiti. Lumapit naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi na ikinagulat niya. At saka na ako tumakbo papasok sa bahay namin. Hindi ko kasi mapigilan dahil napasaya niya akong araw na ito. Iyon na rin ang naisip kong paraan na pasalamatan siya. Pagpasok ko sa loob ng bahay dumiretso na ako sa kwarto ko at duon inilabas ang kilig na nararamdaman ko sila kanina. Para akong na nanaginip ngayon. Dahil ang taong mahal ko ay may gusto sa akin at liligawan pa ako. Ito ang kauna-unahang may isang lalaki akong pinayagan na papasukin sa puso. Nang mahimasmasan ako ay nag shower na ako pagkatapos ay nagsuot na ako ng pantulog ar nahiga na sa kama ko. Sa dami at lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayan na linalamon na pala ako ng antok hanggang sa tuluyan akong makatulog. Hanggang sa panaginip ko ay si Aden pa rin ang laman. At nang magising ako kinaumagahan ay ang saya ng pakiramdam ko. Kaya naman masigla akong tumayo ng kama ko at nagtungo na sa banyo dahil linggo ngayon at magsisimba ako. Tuwing linggo ito na ang mga nakagawian kong gawin. Wala rin naman kasi akong ginagawa dito sa bahay. Kaya naman kahit isang oras lang ay tinutuon ko ang oras ko para sa panginoon. Hindi akong relihiyosong tao pero marunong akong magpasalamat sa lahat ng biyayang pinagkakaloob niya sa amin. Nang makapagbihis na ako ay bumaba na ako ay pumunta ako sa kabilang kwarto upang tignan sila mommy at ayain sabay-sabay kasi kami nagsisimba pag minsan naman ako lang mag-isa dahil busy sila. Minsan naman ay may biglaang meeting silang kailangang gawin kaya kahit ako lang. Nang buksan ko ang kwarto nila ay walang tao. Kaya naman bumaba na ako baka kasi na sa sala na sila. Ngunit pagbaba ko ay wala rin tao roon. Pinuntahan ko si manang sa may kusina upang magtanong sa kanya. "Good morjing po Manang," bati ko sa kanya. "Oh hija ikaw pala halika't mag-almusal ka na," alok sa akin ni manang. "Manang wala po ba sila mommy?" tanong ko sa kaniya habang abala siya sa paghahanda ng pagkain. "Nako hija maagang umalis ang mommy at dassy mo may out of town business silang kailangang puntahan. Hindi na rin nga nakapagpaalam sayo," sabi ni manang sa akin. "Ganun po ba. Salamat po manang," saad ko sa kanya at nag-almusal na muna akong mag-isa. Nang matapos ako ay lumabas na ako ng bahay at nagtungo sa kotse ko. Nang makasakay ako sa kotse ko ay pinaandar ko na ito patungo sa may simbahan. Medyo malayo kasi ang simbahan sa bahay kaya kailangan mo pang sumakay ng tricycle o kaya naman sumakay ng saaakyan. Pagdating ko sa may simbahan ay hindi pa naman ganoon kadami ang tao. Kaya naman naupo ako sa may gitna at hinintay na mag umpisa ang misa. Nang dumating na ang pari ay nag-umpisa na ito isang oras ang lumipas ay natapos na ang misa. Napakaganda ng sermon ng pari ngayong araw na ito. Pagkatapos kong magsimba ay umuwi na rin ako ng bahay wala naman kasi akong ibang pupuntahan at saka gusto ko rin kasing magpahinga lang. Nang makauwi ako ay dumiretso na ako sa kwarto upang magpalit ng damit. Pagkatapos ay wala na akong ibang ginawa kung hindi manuod ng Kdarama. Madalang lang akong manuod ng ganito pag napagtripan ko. Ang hilig ko kasi ay ang mga basa ng mga libro. Kagaya ng mga kwento sa Dreame at w*****d. Nagbabasa lang ako minsan pag wala akong magawa. Nakatatlong episode pa lang ako ng maisipan kung bumaba upang kumuha ng makakain ko. Wala rin kasi sila mommy kaya wala akong makakwentuhan. Tinext ko si Zei pero hindi siya nagrereply kaya naman ako lang mag-isa. Pagkakuha ko ng makakain ko ay umakyat na ako ulit at inumpisan nang manuod. Napasarap ang panunuod ko ng Kdrama kaya naman hindi ko napansin ang oras gabi na pala at hindi pa ako na nanghalian at naghapunan. Bumaba muna ako upang kumain. Nandon naman si manang at inasikaso na ako pagkatapos ay muli na rin akong bumalik sa kwarto ko upang magpahinga na may pasok na pala bukas at kailangan ko na rin matulog. Sabay kaming pumasok ni Zei dahil sumabay na naman ako sa kanya. Nang makarating kami sa room ay wala pang masyadong tao kaya naman nagkuwentuhan na muna kami. "Magkuwento ka naman," wika niya dahil nabanggit ko rin sa kanya noong isang araw ang nangyari sa amin no Aden. "Ayon nga nanliligaw na siya sa akin ngayon Bes," masayang sabi ko sa kanya. Ang gaga naman ay tuwang-tuwang. "Sa wakas matutupad na rin ang matagal mong inaasam Bes," masayang sambit nito. Kaya naman napangiti ako sa sinabi niya napaka supportive talaga ng best friend ko sa akin. Kaya hindi ko siya matapon eh...pero kahit ganiyan siya mahal na mahal ko siya. Napahinto kami sa pagkukwentuhan ng may tumawag sa pangalan ko. "Bell may naghahanap sayo," sabi ng isa sa mga classmate namin. Kaya naman tumayo ako upang puntahan yung tao na naghahanap sa akin. Pagpunta ko sa may pinto ng room namin ay nakita ko si Aden sa may pintuan at may hawak itong isang bouquet ng red roses. Kaya naman nagulat ako sa kanya. "Oh Aden anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "Bibigay ko lang sana sayo ito," sabi niya sabay abot sa bouquet ng flowers sa akin. "Para saan 'to?" tanong ko ulit sa kanya. "Wala lang gusto lang kitang bigyan niyan. Sige alis na ako kita na lang tayo mamaya," sabi niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Sa pagkakataon na ito ako naman ang nagulat sa ginawa niya. Ganito rin siguro ang naramdaman niya nang hinalikan ko siya sa pisngi noong isang gabi. Sobrang ang kilig na mararamdaman mo na para bang nasa ulap ka dahil lang sa hinalikan ka sa piangi ng taong gusto mo. Napabalik lang ako sa realidad ng tapikin ni Zei ang balikat ko. "Hoy girl ayos ka lang? Tulaley ka diyan," sabi nito at napatingin sa hawak kong bulaklak. "OMG bigay ba ni kuya yan?" tanong niya sa akin kaya namam tumango na lang ako sa kaniya hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Aden. "Ang haba talaga ng hair mo girl," wika niya. Hindi ko na lang siya sinagot at naglakad na pabalik sa upuan ko. Baka kasi maabutan pa kami nila Venice doon at kung ano na naman ang sabihin nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD