Chapter 7
Aden Nickson
I don’t want to say those words. But I cannot control it. So that is the time that I confuse my feelings with her.
Hindi ko alam kung ano ang maisasagot niya at sobra ang kabang naramdaman ko. Pero nang sabihin niya sa akin na gusto niya rin ako. Sobra ang saya naramdaman ko dahil sa nalaman ko. Pareho pala kaming nang nararamdaman sa isa’t-isa.
Nang makasakay na kaming dalawa sa kotse ko ay pinaandar ko na ito patungo sa isang milk tea shop. Gusto ko muna siyang kausapin at siguraduhin kung seryoso siya sa sinabi niya kanina. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
“Aden hindi ito ang daan pauwi sa bahay namin,” takang sabi niya sa akin.
“I know, gusto pa kitang makasama kaya dadaan muna tayo sa milk tea shop malapit dito,” sagot ko sa kanya. Hindi naman na siya nagtanong pa.
Nang makarating kami sa nasabing shop ay sabay na kami bumaba ni Ysabelle. Sa totoo lang kinakabahan pa rin ako sa maaari niyang isagot ulit. Baka kasi nagbago na ang isip niya at hindi niya naman pala ako gusto.
This is the first time I feel nervous because of the girl beside me. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako kinabahan ng ganito. At dahil iyon kay Ysabelle.
“Anong gusto mo?” tanong ko sa kanya ng makaupo kami.
“Ikaw na bahala,” sabi niya na parang naiilang pa rin sa akin.
Tumango na lang ako para mag-order. Friday naman ngayon kaya ayos lang kahit gabihin kami dahil wala naman pasok bukas. Pagkakuha ko sa order namin ay bumalik na ako agad kung nasaan nakaupo si Ysabelle.
"Ahm Bell totoo ba yung sinabi mo sa akin kanina or baka kasi nabigla ka lang?" tanong ko sa kaniya habang nakahawak ang kamay ko sa may batok ko nahihiya kasi ako sa kanya at medyo kinakabahan din ako.
"Oo totoo iyon," sagot niya sa akin habang nakatingin sa aking mata. Kaya naman para akong nabunutan ng tinik ng marinig ko iyon. At nginitian ko siya ganun din naman ang ginawa niya.
"May gagawin ka ba bukas?" wika ko habang sumisimsim siya ng milk tea. At mukhang na pa isip muna siya bago sumagot.
"Wala naman. Bakit?" saad niya at nagpatuloy sa pag inom.
"Yayayain sana kitang lumabas bukas kung okay lang sayo," sabi ko sa kanya.
"Oo sige," nakangiting sabi niya.
"Sunduin na lang kita sa bahay niyo bukas," sabi ko at tahimik na kaming dalawa. Hanggang sa makaalis kami sa shop at bumiyahe pauwi sa bahay nila.
Nang makarating kami sa tapat ng gate nila ay inihinto ko na ang sasakyan ko.
"Halika pasok ka muna," pag-aaya niya sa akin ngunit tinanggihan ko kailangan ko pa kasong maghanda para bukas. May ideya kasing pumasok sa isip ko at kailangan kung pagplanuhan iyon.
"No, next time na lang," saad ko.
"Okay, Ingat ka ha," sabi niya at bumaba na ng sasakyan ko. Inantay niya naman akong makaalis bago siya pumasok sa bahay nila. Hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko hanggang sa makarating ako sa condo ko.
Ngunit ng buksan ko ang pinto ng sarili kong condo tumambad ang mga sira ulo kong kaibigan na sarap-sarap ang upo sa may sofa ko at may hawak na mga pagkain.
"Ano na naman ang ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila ngunit parang wala silang naririnig at nagpatuloy lang sa ginagawa nila. Kaya naman hinayaan ko na lang at dumiretso muna ako sa kwarto ko para makapagbihis.
Sakto namang paglabas ko ng kwarto ay tapos na rin sila sa mga pinaggagawa nila. Kaya naman umupo ako sa pang-isahang upuan pagkatapos ay humarap sa kanila.
"Brads kailangan ko tulong niyo," panimulang sabi ko sa kanila kaya naman napatingin silang lahat sa akin.
"Talagang inlove na ang Mr. Chef natin," pang-aasar sa akin ni Ajus kaya naman nabatukan siya kay Drake na katabi niya.
"Seryosong usapan ginagawa mong biro," saad sa kanya ni Tristan na nakaupo naman sa tabi ko.
"Ano ba kasing pinaplano mo brad?" tanong sa akin ni Drake.
"Inaya kong lumabas si Ysabelle. Balak ko sana siyang tananungin kung pwede akong manligaw sa kanya," paliwanag ko sa kanila. Nagpalakpakan naman ang mga timang.
"Ikaw na talaga brad napakabilis mo galawang hokage," sabi ni Ajus na tawang-tawa.
"Gago saan mo na naman napulot ang salita na iyan?" tanong ni Drake sa kanya.
"Basta ako pa. Ajus D' explorer kaya ito no," pagmamayabang na sambit nito na proud na proud pa sa kagaguhan niya.
Napailing na lang kaming tatlo sa kaweirduhan ng kaibigan namin na ito. Minsan talaga hindi naman maintindihan ang ugali at pinaggagawa ng lalaking ito. Kaya hinahayaan na lang namin siya.
Nagprisinta sila na sila na lang daw ang bahala sa lahat bukas. Basta ang kailangan kung isipin ngayon ay ang pagharap ko sa mga magulang ni Ysabelle bukas.
Inayos na namin lahat ng kailangan namin bukas at tinawagan na rin namin ang iba naming kakilala na mayroon maitutulong sa amin bukas. Nang matapos na kami sa pag-uusap ay nagtungo na ako sa kwarto ko at iniwan na sila sa sala.
Nahiga na ako sa kama ko at ilang minutong humarap sa may kisame. Hindi ko pa alam kung paano ko haharapin ang mga magulang ni Ysabelle. Ano kaya ang magiginh reaksiyon nila. Bahala na nga bukas ko na lang siguro iisipin iyon.
Dahil sa pag-iisip ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Kinabukasan nagising ako dahil sa boses ni Ajus na kumakanta sa labas ng kwarto ko. Kaya naman no choice ako kung hindi tumayo na.
Nagtungo na ako sa banyo upang mag shower kailangan ko na rin kasing mag-ayos para sa date namin ngayon ni Ysabelle. At kailangan ko pang kausapin ang mga magulang ni Ysabelle.
Pagkatapos kung maligo ay nagtungo na ako sa closet ko para magbihis na. Nang tignan ko ang wrist watch ko ay 7:30 na ng umaga at 8 ang usapan namin ni Ysabelle at pupuntahan ko pa siya sa kanila.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila doon na ako nag-umpisang kabahan. Pagbaba ko sa kotse ko ay dumiretso na ako sa loob ng bahay nila ng makita ko ang magulang ni Ysabelle.
Napatingin naman sila sa akin kaya naman nagbow ako sa kanila at ngumiti.
"Good Morning Ma'am and Sir!" bati ko sa kanilang dalawa.
"Good morning hijo," balik bati nila sa akin at pinaupo ako sa may sofa sa harapan nila.
"May I know your name?" tanong sa akin ng mommy ni Ysabelle.
"I'm Aden Nickson po Ma'am," magalang na sagot ko sa kanya.
"Ano ang maipaglilingkod namin sayo hijo?" tanong sa akin ng Daddy ni Ysabelle.
"Sir I want to ask your permission, because I want to court your daughter. I may not give everything but I can aasure you that I make your daughter happy." sabi ko sa kanila na kinatahimik nila at bigla na lang ngumiti sa akin.
"Bilib ako sayo hijo na nagpaalam ka muna sa amin," masayang sabi ng daddy ni Ysabelle at tinap ang balikat ko.
"We will give our trust to you for our daughter but make sure that you won't break your promise," saad nila at nginitian ako.
"I will Sir," sabi ko at nakipagkamayan sa daddy ni Ysabelle.
Sakto namang pababasa hagdan si Ysabelle kaya naman napatingin kami sa kanya.
"Hija nandito na ang sundo mo," sabi ng mommy niya.
Kaya naman napatingin sa aming tatlo si Ysabelle na mayroong pagtataka sa mukha. At naglakad na patungo sa kinaroroonan namin ng magulang niya.
"Mom, Dad aalis lang po kami ni Aden," paalam niya sa magulang niya.
"Sige hija basta mag-iingat kayo," saad ng momny niya at hinalikan na niya ito sa pisngi ganun din ang ginawa niya sa daddy niya.
"Ingatan mo anak ko hijo ha," paalala sa akin ng daddy ni Ysabelle bago kami tuluyan ng lumabas ng bahay nila at nagtungo sa kotse ko.
"Magkakilala kayo ni Daddy?" tanong niya sa akin ng pagbuksan ko siya ng pinto ng kotse at pinasakay na ako naman ay umikot upang sumakay sa may driver seat.
"Hindi ngayon ko lang nga nameet parents mo," sabi ko aa kanya.
"Para kasing may iba eh," sabi niya na nalilito pa rin kaya hindi ko na lang siya pinansin at nagmaneho na patungo sa restaurant na napag-usapan namin ng mga kaibigan ko.
Ilang minuto rin ang lumipas ay nakarating din kami sa nasabing lugar. Sabay kaming pumasok sa loob at nagtungo sa may VIP room na pinaserve ko. May waitress din ang nag assist sa amin. Pagdating namin doon ay nakahanda na lahat ng ibinilin kong pagkain kaya naman naupo na kami ni Ysabelle.
"Ang ganda naman dito," sambit niya nang makaupo siya at pinalibot ang tingin sa paligid.
Nasa isang sikat kasi kaming restaurant na kung saan glass ang nasa harap namin at kita mo ang ilaw sa buong siyudad. Nang matapos na namin pagmasdan ang paligid ay nag umpisa na kaming kumain.
Habang kumakain ay panay ang tanong ni Ysabelle hanggang sa naubusan na siya ng mga katanungan at tumahimik na lang sakto rin na tapos na kaming kumain.
Maya-maya lang ay tinext ko na ang mga kaibigan ko. Pagkatapos ay biglang bumukas ang pinto at nagsipasukan nila at may hawak na flash card na may nakalagay na "Can I court you?"
Kaya naman tumingin ako kay Ysabelle at hinawakan siya sa kamay.
"Ysabelle can I court you?" tanong ko sa kaniya.