Chapter 31 Ysabelle Ashleigh Sobra ang kaba na nararamdaman ko sa oras na ito dahil nandito ngayon sa bahay namin si Aden. Kanina pagbukas ko ng pinto ng bahay para sana ihatid ang kambal sa school at papasok na rin sana ako sa trabaho ng biglang sumulpot si Aden kaya naman pinahatid ko na lang ang kambal kay ron at ako naman ay naiwan dito sa bahay dahil gusto raw akong makausap ni Aden. Pinaupo ko muna siya sa may sala at ako naman ay kumuha ng maiinom niya. Kinakabahan ako dahil baka sa oras na ito ay alam niya na ang tungkol sa lambal at baka kunin niya at ilayo sa akin ang mga ito. At hindi ako makakapayag na mangyari iyon. Kumuha ako ng isang pitsel ng juice sa ref at dalawang piraso ng baso. Dinala ko na ito sa may sala at pinatong sa lamesita na naroon. Nang makaupo na ak

