Chapter 32 Ysabelle Ashleigh Sobra ang inis na nararamdam ko ngayon dahil sa biglaang pagdedesisyon ni Aden para sa aming mag-iina ayaw ko man tumira rito sa pamamahay niya ngunit no choice ako dahil ayokong mahiwalay sa akin ang mga anak ko. At ngayon ay nandito kami sa pamamahay niya. Malaki naman ang bahay niya. At masasabi ko ay mas malaki pa ito sa bahay namin noon nila daddy. Modern din ang pagkakadisenyo nito at may pangalawang palapag ito. May mga mamahaling gamit tulad ng mga furnitures at iba pang gamit sa bahay at unang kita mo pa lang rito ay mamamangha ka na ganda ng pagkakagawa nito. Malinis rin ang bahay niya ngunit wala man lang siyang ibang kasama rito. Inilapag na niya ang mga dala naming gamit ng mga anak ko at tinutour niya na kami ngayon sa loob ng bahay niya it

