Chapter 17 Ysabelle Ashleigh Hindi ko alam na naka-iglip ako sa kinauupuan ko. Kung hindi lang ako tinapik sa balikat ay hindi ako magigising. Isang lalaki ang nasa harap ko ngunit pinakatignan ko siya baka nagmamalik mata lang ako dahil may lipstick ito. Kaya ilang ulit akong napapikit at natulala sa kanya. "Hoy girl ayos ka lang? Taray natulala ka sa beauty ko no," malanding sabi nito at namewang pa sa harap ko. Confirm hindi nga siya lalaki binabae siya. Natawa naman ako sa ginawa niya kaya naman rumampa pa siya ng ilang ulit sa harap ko at ako naman ay natutuwa sa kanya. "Hating gabi na bakit ka nasa kalsada?" tanong nito sa akin ng huminto ito sa kakarampa sa harapan ko. "Umalis kasi ako sa amin," nahihiya kong sabi sa kanya at yumuko. "Halika sumama ka sa akin," sabi nito

