Chapter 16 Ysabelle Ashleigh Ilang araw din ang lumipas at ito na rin ang huling araw ng burol nila mommy at daddy. Unti-unti ko na rin natatanggap na wala na sila at mag-isa na ako sa buhay. Kahit mahirap para sa akin ang magsimula muli ay gagawin ko para lang sa kanila dahil sa araw na ito ipapangako ko sa kanila na magsusumikap ako at hindi ko sila bibiguin. Narito na rin ang mga kapatid nila mommy at daddy. Kahit hindi man nila sabihin sa akin alam kong simula una pa lang ay ayaw nila sa akin. Simula bata ako ay hindi ako naging malapit sa kanila. Hindi ko alam kung bakit ngunit hinayaan ko na lang hanggang sa nasanay na ako. Hinihatid na namin sila mommy at daddy sa puntod nila. Buong linggo hindi ako iniwan ni Zeira at siya ang naging sandalan ko sa mga oras na gusto ko ng sumu

