Chapter 15 Ysabelle Ashleigh Nasa isang isla ako na kung saan napakaganda ng tanawin. Napakaraming puno sa paligid, may dagat na napakalinaw ng tubig. Isang puting bestida ang aking suot at sandals. Naglalakad ako sa puting lupa na naroon sa tabing dagat habang nakatanaw sa magandang paligid. Napakasarap ng simoy ng hangin at nakakagaan ng pakiramdaman ang buong paligid. Lakad lang ako ng lakad habang nakatanaw na nakatanaw sa karagatan. Ang sarap magpahinga sa ganitong lugar. Naglalakad ako sa dalampasigan tila hampas lang ng alon ang maririnig mo at ang mga huni ng ibon. May isang puting paru-paro ang palipadlipad sa harap ko kaya naman pinagmasdan ko ito at unti-unti itong lumipad patungo sa kung saan sinundan ko naman ito na tila ba'y para akong hinihikayat na sumama sa kanya. K

