Chapter 14 Ysabelle Ashleigh Ilang araw na akong hindi makakain ng maayos dahil sa kaiisip kung paano ko makakausap si Aden. Wala akong magawa dahil sa ilang araw na ang lumipas ay pilit niya pa rin akong iniiwasan. Araw-araw akong umiiyak dahil sa nangyari. Ngayon narito ako sa building nila Aden para hintayin siya at kausapin upang maipaliwanag ko sa kanya ang nanguari ngunit pilit ang iwas niya sa akin. May mga estudyante na lumalabas sa kanya-kanya nilang room kaya naman nakatanaw lang ako at hinihintay si Aden. Nang makita ko si Aden ay agad ko siyang sinalubong. "Baby," tawag ko sa kanya at dali-dali akong lumapit sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinansin at parang bula lang akong nilagpasan at naglakad na. Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa parking lot.

