Raselle POV PAGPASOK namin sa kotse ni Migs, bigla siyang napailing habang inaayos niya ang seatbelt niya. “What the hell are you thinking, drinking wine with your ex?!” bakas ang galit sa boses niya. Napahilot ako sa sentido ko. Ngayon ko naramdaman ang pagkahilo ko dahil sa alak. Ngayon rin biglang nag sink sa diwa ko ang mga pinaggagawa ko dahil sa mga salita ni Migs. Ano nga ba ang nasa isip ko kanina at nakipag inuman ako kay Ace?! Nagpatuloy si Migs sa pagsasalita. “Raselle, we talked about this. Ilang beses ko nang sinabi sa’yo na huwag kang magpapadala. You should keep your distance from Ace. Pero anong ginawa mo? Nakipag-inuman ka pa sa kanya na parang walang nangyari. Nasira ang buhay mo dahil sa kanya. Ngayon na bumabangon ka na, hahayaan mo na lang bang maulit ’yung nangya

