Ace leaned back slightly, resting one arm on the back of his chair like he owned the place. Salitan niya kaming tinitignan ni Migs. Nakakaloko ang tingin niya sa amin na para bang malaki ang nagawa naming kasalanan sa kanya. Busy si Migs na nakikipag-usap sa dalawang board member na kasama ni Ace pero pansin ko na bahagya rin niyang tinatapunan ng tingin si Ace. Siguro napapansin rin niya ang mga tingin nito. Lumapit ang waiter sa amin para kunin ang order namin. Muli akong napatingin sa menu. Nakakaramdam ako ng gutom at gusto kong kumain pero paano ako makakakain sa ganitong sitwasyon? “Raselle, you should get the truffle pasta,” sabi ni Ace na ikinatingin ko sa kanya. “Still your favorite, right?” May bahagyang ngiti sa labi niya, yung tipong alam niyang tama siya. Napahinto ako, ram

