MABILIS akong bumaba ng taxi pagdating sa harap ng Valverde Land, mahigpit ang hawak ko sa bag ko habang pinagmamasdan ang napakataas at modernong gusali. Iba ang pakiramdam ko ngayon, dahil hindi na lang ako basta guest, simula kasi ngayong araw ay ito na ang magsisilbing opisina ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan pang ganito. Okay naman ang set-up kahit nandoon ako sa office ng Horizon. Kayang-kaya ko namang makipag-meeting, tumawag, o mag-report nang hindi kinakailangang lumipat dito. Pero sa isang banda, naiintindihan ko rin. Mas mapapabilis nga siguro ang flow ng trabaho kung nandito ako mismo. Less delay, less miscommunication. Mas madali rin ang approvals, lalo na’t halos lahat ng board meetings at project discussions ay dito rin ginaganap. Huminga ako nang malalim bago pumas

