MATAPOS ang halos dalawang oras na diskusyon ay isa-isa ng lumabas ng boardroom ang mga naroon. Tumayo na rin ako at dinampot ang laptop at folder ko sa ibabaw ng mesa para umalis na. Katatalikod ko pa lang nang marinig ko ang boses ni Ace. “Raselle.” Pakiramdam ko ay huminto ang paghinga ko nang marinig ang boses niya. Tumibók ng mabilis ang puso ko. Gusto kong mainis na nakakaramdam pa rin ako nang ganito sa lalakeng ito, na kahit gusto ko ng mawala, hindi ko naman alam kung paano. Dahan-dahan ko siyang nilingon. Naroon pa rin siya at nakatayo sa dulo ng mahabang mesa. Isang kamay niya ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon, ang isa’y nakapatong sa ibabaw ng mesa na para bang siya ang may-ari ng buong lugar. Well technically, siya nga. Pansin kong may bigat ang mga mata niyang nakatingi

