NAINIP ako sa paghihintay kay Ace kaya nagmasid-masid ako sa office ni Ace. Tumayo ako at naglakad-lakad. Bigla kong namiss ang opisina niya na noon ay parang tahanan ko rin pero ngayon ay teritoryo na lang niya. Napangiti ako nang makita ang paperweight na nasa ibabaw ng mesa niya na binili pa namin noon, pati na rin ang silver frame sa shelf, ang mga paintings na nakasabit sa wall at ilang mga books. Marami ng nabago pero dahil sa mga gamit na iyon pakiramdam ko ay para akong binabalik sa nakaraan. Ilang minuto pa akong naglakad-lakad hanggang mapansin ko ang isang pintong bahagyang nakabukas. Pumasok ako sa loob. Agad akong natigilan nang masilip ang loob, may kama doon at closet. Wala ang kwartong iyon noon. Malamang ipinalagay niya para maging pahingahan niya. O para magdala ng

