“Let’s begin!" Sambit ko na pinipilit maging kalmado. Gusto ko nang ilihis ang usapan. Ayokong patulan ang mga sinabi niya tungkol sa amin ni Migs. Kung anuman ang iniisip niya, bahala na siya! “You still didn’t answer me.” “Because it’s irrelevant.” “Not to me.” Napatitig ako sa kanya, sinusubukang basahin ang ekspresyon niya pero wala akong mabasa. Ano ba talaga ang habol niya? After all these years na tapos na kami, ngayon pa siya magpapakita na para siyang apektado. Kinalma ko ang sarili ko. Naisip kong baka gusto lang talaga niyang malaman ang tungkol sa amin ni Migs. Stepbrother niya si Migs at ako kahit na tatlong buwan lang kaming naging mag-asawa, nagkasama pa rin kami sa iisang bubong simula pa pagkabata. Baka concern lang siya. Concern? Sinubukan kong kumbinsihin ang s

