7. The CEO's Game

1663 Words
PAGDATING namin ni Migs sa Valverde Land, pinark niya ang kotse sa parking lot at sumabay sa akin papasok sa loob. “Raselle,” sambit niya habang naglalakad kami. “Kung may kahit anong… off na mangyari, call me. Kahit anong oras, pupuntahan kita. Naiintindihan mo?” Napatingin ako sa kanya at ngumiti. “Yes, Migs. I’ll be fine. Don’t worry.” Huminto kami sa lobby. Inabot niya sa akin ang isang folder na hawak niya. Napalingon ako sa gawing elevator at agad nakita roon si Ace. Nakatayo ito, nakayuko at seryosong nakatingin sa cellphone niya. Tinignan ko ang oras. Ten minutes before 9:00 a.m. Wow, on time siya ngayon! Iniisip ko pa naman kanina na baka late na naman siya. “Text me after your meeting,” sabi ni Migs kaya bumalik na sa kanya ang paningin ko. Ngumiti ako ng bahagya. “I will.” Hinaplos niya ang buhok ko na parang inaayos ito. Nailang ako bigla dahil hindi naman normal ito sa amin, pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Kanina pa kasi ako nag-aalala at kinakabahan sa muling paghaharap namin ni Ace na kami lang dalawa. “Remember what I said, okay? Lahat ng mga sinabi ko simula pa kahapon about Ace,” sabi niya habang patuloy na hinahaplos ang buhok ko. Naisip ko naman agad ang mga pinag-usapan namin simula pa kahapon sa kotse habang pauwi kami, hanggang kagabi sa kwarto. Sobra-sobrang care at concern ang ipinapakita at pinaparamdam sa akin ni Migs kaya hindi niya deserve na i-down ng kung sino man lalo na ni Ace na hinanakit lang ang pinaramdam sa akin noon. “Don’t worry, Migs. Alam ko na ang gagawin ko. Trust me with this!” sabi ko sabay ngiti para hindi na siya mag-isip pa. Napangiti rin siya. Bumaba ang haplos niya sa pisngi ko at pinisil ang chin ko. Biglang nag-flashback sa isip ko noong gawin ito sa akin ni Ace… yung gabing may nangyari sa amin. Mabilis kong inalis ang bagay na iyon sa isip ko at bahagyang pinilig ang ulo ko para alisin ang kamay niya sa mukha ko. Kanina ko pa rin napapansin ang pagiging clingy niya. Wala namang malisya sa akin dahil magkaibigan kami, pero hindi na komportable. Isa pa, maraming tao sa paligid. “Sige na, Migs. Diba may meeting ka pa? Okay na ako dito.” Nakangiti kong sabi. Tumingin siya sa relo niya. “Okay, go to Ace's office na. I have to go na rin! Call me when you’re done, okay!” sabi niya at mabilis na tumalikod. Tumungo naman ako sa elevator. Sasakay na sana ako sa elevator na nakabukas pero bigla iyong nagsara kaya hinayaan ko na lang. Pero bago tuluyang magsara ang pinto, nahagip pa ng paningin ko si Ace, na matalim na nakatingin sa akin. “Problema nun…?!” bulong ko sa sarili. Bigla na namang nabuhay ang kaba ko para sa meeting naming dalawa. Kinalma ko ang sarili. May isa pang elevator na bumukas kaya mabilis na akong pumasok sa loob. Pagdating ko sa floor kung saan naroon ang opisina ni Ace, mas lalo pang bumigat ang dibdib ko. Imbes na dumiretso sa opisina niya, lumiko muna ako sa hallway at pumasok sa restroom. Humarap ako sa salamin, at mariing huminga nang malalim. Inayos ko ang buhok at blouse ko. Sinigurado kong maayos ang lahat sa akin. Kahit gusto kong itago ang kaba, alam kong kahit paano makikita pa rin ito sa mga mata ko. “Trabaho lang, Raselle… trabaho lang,” bulong ko bago lumabas ng restroom. Lumakad ako papunta sa opisina ni Ace. Tahimik ang paligid, at bawat hakbang ko ay parang dinig ko sa hallway. May hawak akong laptop at folder, hindi naman mabigat pero parang ang bigat ng pakiramdam ko. Pumihit ako sa dulo ng hallway at lalo akong kinabahan nang makita ko ang pamilyar na glass door na nakaukit sa gold plate ang buong pangalan niya. Adriano Cezare Estevan R. Valverde, CEO Ramdam ko ang pagbilis ng tibók ng puso ko nang mabasa ang pangalan niya. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Kalma, Raselle! It's just a meeting. Nasaktan ka sa kanya noon. Ipakita mong iba ka na ngayon! Huminto ako sandali at huminga ng malalim, saka kumatok. "Come in!" Pakiramdam ko ay tumindig ang balahibo ko nang marinig ang baritonong boses niya mula sa loob. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. At doon ay agad ko siyang nakita. Nakaupo siya sa swivel chair niya, relaxed at composed sa suot na dark navy suit na mas lalo pang nagpalitaw sa matikas niyang tindig. Mula sa gupit ng buhok, hanggang sa pagkakaayos ng cufflinks, lahat calculated. Pero hindi iyon ang mas nakaka-distract… kundi ang paraan ng pagtitig niya sa akin. Parang sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa habang naglalakad ako papalapit. Matalim at may kung anong bahid ng amusement sa mga mata niya. Pinilit kong huwag intindihin ang tingin niya pero habang naglalakad ako palapit ay mas ramdam ko ang init ng tingin niya. Biglang namungay ang mga mata niya na hindi ko alam kung dahil curious siya… o dahil may iniisip siyang iba. At sa bawat hakbang ko, pakiramdam ko ay mas lalo pang lumalakas ang tibók ng puso ko... hindi lang dahil sa kinakabahan ako sa presentation o sa klase ng tingin niya kundi dahil nasa harap ko na ulit ang taong ilang taon kong tinakasan. Napansin kong bahagyang umayos siya ng upo habang hindi inaalis ang tingin sa akin. I was about to greet him when he started talking. “That outfit’s… distracting!" Mababa at mabagal ang tono niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. Napakurap ako. Distracting? Hindi naman ako naka-reveal pero fitted ang blouse ko at maging ang suot kong slacks na bakas ang hubog ng katawan ko. “Distracting?” ulit ko na pilit kinakalma ang tono ko. “It’s called appropriate for a presentation, Mr. Valverde.” Bahagya siyang ngumisi, pero may kung anong intensity pa rin sa tingin niya. “Appropriate… maybe. But still distracting.” Ramdam ko agad ang init na pumupuno sa pisngi ko. This is business, Raselle. Focus! Umiwas ako ng tingin at tinungo ang isang mahabang mesa. Agad kong inilapag ang folder at laptop ko doon. “Let’s get this started.” Wala sa loob kong sabi. Pakiramdam ko kasi hindi ako makapagfocus. Tumayo siya at lumipat sa mesa na iyon. Inabot ko sa kanya ang isang folder. Uupo na sana ako sa katapat niya nang biglang tumunog ang phone ko na ipinatong ko sa mesa na malapit kay Ace. Si Migs ang tumatawag. Tumigil ako sandali, tinignan ang phone, at mabilis na pinatay ang ring. Mamaya ko na lang siya tatawagan. Napatingin ako kay Ace nang sumandal siya sa pagkakaupo, nag-ikot ng ballpen sa daliri niya at nakatingin sa akin nang diretso. “Your boyfriend’s calling," napatingin ako sa kanya nang marinig ko yun. "or should I say, husband?” Napakunot ang noo ko. “Excuse me?” “Interesting lang,” patuloy niya na may diin sa tono. “You still use Navarro… not Dela Cerna... So ano kayo? Live-in?” Diretsa niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko na parang pinagmamasdana ang reaction ko. “You're living at his place, right?” Natigilan ako at napakagat ng labi, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sinasabi niya. So tama nga ang hinala ni Migs na iniisip ni Ace na may relasyon kaming dalawa. Naalala ko ang sinabi ni Migs na hayaan si Ace na ganoon ang isipin. I cleared my throat. “That’s none of your business, Mr. Valverde.” nasabi ko na lang. Umangat ang gilid ng labi niya. Parang isang ngiting may halong inis. “Everything becomes my business when you’re standing in my building… in my office." Lalo pang tumalim ang tingin niya. “Just like what I saw sa lobby kanina.” Natigilan ako bigla. "Lobby?" Naalala ko ang pag-uusap namin ni Migs kanina sa lobby. Naalala kong nakita ko rin si Ace kanina doon. So nakita niya rin pala kami ni Migs kanina. “Your… little scene with Dela Cerna. PDA huh? Sa mismong lugar ko pa." Mariin niyang sabi at may talim ang titig niya. "What? PDA?" Kinalma ko ang sarili kahit ramdam kong umiinit ang tenga ko sa mga salita niya. “That wasn’t PDA. He was just—” “Fixing your hair? Brushing your cheek? Right. Totally business.” May ngisi sa labi niya at may halong diin ang boses. Napatitig ako sa mga mata niya. Ibang iba kasi ang mga kilos at pananalita niya ngayon kumpara noon, na parang hindi siya si Ace na nakasama at pinakasalan ko. This isn’t Ace, Raselle. This is someone else. Someone who knows exactly how to make you falter. Gusto kong ibaling ang tingin ko sa iba pero para akong nakapako. May tension sa pagitan naming dalawa na hindi ko alam kung guni-guni ko lang o nararamdaman din niya. Dapat hindi ako nagkakaganito. This is business. I'm here as a professional, not as the woman he once broke. Pero bakit sa bawat salita niya, kahit puno ng sarcasm, may bahid ng selos na parang… parang gusto kong paniwalaan? Napansin kong bahagya siyang yumuko, na parang pinag-aaralan ang ekspresyon ko. At bago siya muling nagsalita, dumaan ang mga mata niya sa labi ko. Isang simpleng galaw, pero sapat para kumabog nang mas mabilis ang puso ko. Don’t react, Raselle. Wala lang yan! Focus! Huwag mong gawing personal. Biglang sumagi sa isip ko ang mga paalala sa akin ni Migs at Mommy niya about sa meeting namin na ito ni Ace. Ngayon ko mas nararamdaman na tama sila. Na baka may plano si Ace, na baka magpakarupok ako at sa isang iglap lahat ng pinaghirapan ko ay mawala na lang. Pero bakit... Bakit lahat ng kilos niya ay parang natural lang? Hindi isang pagpapanggap dahil lang sa kaharap niya ako. Parang ang lahat ng ito ay totoo sa kanya. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD