6. Protector or Predator⁉️

1659 Words
KINALMA ko ang isip ko at pinilit na alisin na doon si Ace at ang magaganap bukas. Napabuntong-hininga ako, ibinagsak ang phone sa tabi ko at humiga muli. “Raselle?” Napatingin ako sa pinto nang marinig ang boses kasabay ng mga katok. Mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto. Si Migs ang nabungaran ko. "Migs!” Sa bahay niya ako pansamantalang tumutuloy simula nang bumalik ako ng Pilipinas, pero nasa plano ko rin ang lumipat kapag nakahanap na ako ng apartment or condo na mare-rentahan. “So, you’re going to Ace’s office tomorrow. Alone.” may diin sa boses niya at bakas ang pagkainis. Agad kong naisip yung email. Naka-cc siya kaya alam niya lahat, pati ang confirmation ko. Napakamot ako sa batok. “Migs, I already confirmed. Nag-reply na ako." Mabilis siyang umiling. “You shouldn’t go. Alam mo kung anong ginagawa niya, right? He’s not just rescheduling, he’s testing you. Or worse, he’s messing with you.” Napailing ako, humakbang pabalik sa kwarto habang sinundan niya ako. “It’s just a presentation. Work lang ‘to. Walang personal.” “Work?” halata ang sarcasm sa boses niya. “Private meeting. 9 AM. In his office. Just the two of you. You really think that’s just work, Raselle?” Napahinga ako nang malalim, maging siya ay iyon din ang iniisip. Ang kaso ay hindi rin naman pwedeng hindi ako pumunta. “Migs, I can’t just not go. I already replied. At kung tatanggihan ko, mas lalo lang magmumukha akong affected pa sa kanya." “That’s exactly what he wants you to think. Raselle, don’t play into his game.” "Migs, ayoko rin kasing mag overthink. Anong malay natin na baka tungkol lang talaga sa business ito. Wala ring sense kung iisipin nating namemersonal si Ace." “Tsk!” Umiling siya. “You know Ace. Tingin mo hindi personal ito?” Sabi niyang binalik rin sa akin ang sinabi ko. Gulong gulo na nga ako kanina at dumagdag pa ngayon dahil sa mga sinasabi at iniisip ni Migs. Umupo ako sa gilid ng kama. “I know… but I can handle this. Ako na ang bahala!” Natahimik kami pareho. Nanatili siyang nakatayo, mabigat ang tingin niya sa akin na parang tinatantya ang mga nasa isip ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya. Wala naman akong tinatago pero hindi ko siya matignan ng diretso. Huminga siya ng malalim saka kalmadong nagsalita. “Just… be careful, okay? I don’t like this. At all.” “I’ll be fine, Migs.” Bahagya akong ngumiti para lang ipakita sa kanya na okay lang ako at magiging maayos ang lahat. Pero sa loob-loob ko hindi rin ako sigurado. Umiling siya pero hindi na nagsalita pa. Bago siya lumabas ng kwarto, lumingon pa siya sandali, seryoso ang tono. “Basta, don’t let him see any crack, Raselle. At kung may naramdaman ka man… bury it.” Nakatingin lang ako sa kanya hanggang lumabas na siya ng kwarto. Naiintindihan ko ang pag aalala niya dahil alam niya kung gaano ko minahal si Ace noon at gaano ako nasaktan. For sure iniisip ni Miguel na baka magpakarupok na lang ako sa harap ni Ace, pero hinding hindi yun mangyayari. Wala na akong pake kay Ace kaya ang dapat ko na lang isipin ay kung paano ko siya mapapabagsak bago pa niya magawa iyon sa amin ni Migs. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Humiga na ako sa kama at nagpasya nang matulog. Hindi pa naman ako inaantok pero susubukan kong matulog na. Kailangan kong gumising ng maaga para sa appointment ko. Parang gusto kong mainis sa sarili ko na pinaghahandaan ko ang araw na yun. Pero kailangan ko naman rin talaga maging handa. Unang pagtatapat namin ni Ace matapos ang ilang taon at dapat na maging handa ako. --- KINABUKASAN... Maaga akong nagising kahit halos puyat ako kagabi sa kakaisip. Pagdilat pa lang ng mata ko, unang sumagi agad sa isip ko ang private meeting kay Ace. I hate this. Kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili ko na business lang ‘to, hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan sa maaaring pakay ni Ace sa meeting namin. Professional lang, Raselle! Work lang. Walang personal! Nagstrech ako sa kama habang nakahiga para irelax ang sarili ko. May ilang minuto pa akong humiga lang saka ako nagdesisyon nang bumangon. Bumaba ako at nagtungo sa dining room para mag almusal na muna. Kape at sandwich lang ang kinain ko kahit may fried rice at ulam na nakahain sa mesa. Pakiramdam ko kasi ay wala akong gana kumain at sapat na sa akin ang kape para magkaroon ng laman ang sikmura ko at magising ang dugo ko. Pagbalik ko sa kwarto, dumiretso ako sa banyo at naligo. Pagkatapos, nagbihis ako ng simple pero maayos. Cream blouse na may slight puff sleeves, tucked in sa black high-waist slacks, at black pumps. Ayokong masabihang nag e-effort para sa kanya, pero ayoko ring magmukhang unprepared. Habang nag-aayos sa salamin, napangiti ako nang marealize ang kagandahan ko. Bigla ko tuloy naisip kung magagandahan din kaya sa akin si Ace. Mahina akong napatapik sa pisngi ko nang magising ako sa naiisip kong parang gusto kong maakit sa akin si Ace. Bigla kong naisip na wala nga pala akong dating sa kanya, pero madalas ko rin siyang nahuhuli noon na nakatingin sa akin. For sure ay wala lang yon dahil wala naman siyang pake sa akin. Iyon rin kasi ang pinaparamdam niya sa akin. "Pero paano kung nagbago na siya?" Tanong ko bigla sa sarili ko. Agad ko rin namang inalis iyon sa isip ko. “Huwag kang magpapaapekto, Raselle, kahit anong sabihin o gawin niya,” bulong ko na lang. Matapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Pagbaba ko sa hagdan ay naabutan ko ang Mommy ni Migs na papasok sa isang kwarto na opisina niya. Agad na napataas ang isa niyang kilay nang makita ako pero agad ring nagbago at ngumiti sa akin. "Raselle, Migs mentioned you have an appointment with Ace today!" Sambit niya na nakahawak pa rin sa doorknob. "Opo, Tita!" "Let's talk for a while!" Ma-awtoridad niyang sabi bago siya pumasok na sa loob. Sumunod naman agad ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin niya, o baka tutol siyang mag usap kami ni Ace. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang hidwaan nila noon ng Mommy ni Ace. Mas pabor ako noon sa Mommy ni Ace dahil alam kong nasa tama siya. Hindi ko akalaing mapapalapit ako ngayon sa kanya na isa rin kasi sa tumulong sa akin. Pero sa totoo lang hanggang ngayon napapaisip ako kung mabait ba talaga siya sa akin. May iba lang kasi akong nararamdaman. Pagpasok namin sa opisina, naamoy ko agad ang faint na halimuyak ng kape at mamahaling pabango. Neat at organized ang loob. Lahat ng mga libro at folders ay maayos na nakahilera, parang walang kahit anong out of place. Nasa late 50's ang edad niya. Umupo siya sa swivel chair niya, sabay turo sa isang upuan sa harap ng desk. “Sit down, Raselle.” Sumunod naman ako, kahit medyo kinakabahan. Hindi ko alam kung casual talk ba ito o interrogation. “So, Ace requested a private presentation with you.” Tumango ako. “Yes po!” Ngumiti siya pero parang may pait. “Do you think it’s just about work?” Napakagat ako sa labi. “I… think so, Tita. Yun lang naman po ang purpose.” Bahagya siyang natawa, pero may halong sarcasm. “Ace doesn’t request private meetings for nothing, Raselle. I know him. And trust me, he always has an angle.” Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin. “Be careful. I don’t want you walking into something you can’t get out of. And remember, you owe me. I’m still expecting you to keep your focus where it matters.” “Tita?” nasambit ko. Hindi ko alam kung pinapamukha niya sa akin ang mga naitulong nila ni Migs sa akin. Ngumiti siya ulit, ngiting hindi ko mabasa kung totoo. “Nothing. I just want you to be smart. You’ve been through enough. Don’t let history repeat itself.” Tumango na lang ako, kahit may mga tanong sa isip ko. “Opo, Tita. I’ll be careful, and don't worry, kung iniisip niyo po na magpapakatanga ako sa harap niya, hinding hindi po iyon mangyayari. You know what I've been through. I'll make sure Ace will suffer!" Paninigurado ko sa kanya. Napangiti siya. "Right, huwag na huwag mong kalilimutan ang mga nawala sa'yo habang siya ay nagpapakasaya sa ibang babae, most especially your... child!” sagot niya, mahina pero may bigat sa boses niya lalo sa pagbanggit niya sa anak ko. Saglit siyang tumingin sa mesa, parang may iniisip, bago muling tumayo at inayos ang blazer niya. Agad namang nabuhay ang kirot at poot sa puso ko nang ipaalala niya sa akin ang anak ko. “Well, I just hope you remember what side you’re really on, Raselle,” dagdag niya habang naglalakad patungo sa cabinet niya. Napakunot ang noo ko. Gusto niyang makasigurado na hindi magbabago ang isip ko kapag nakaharap ko na si Ace. "Yes, Tita!" Sambit ko na lang. Napangiti siya. “Just a reminder. Don’t let emotions get in the way. Lalo na kapag si Ace ang kaharap mo.” "I will, Tita!" “Good. You may go.” sabi niya saka muling umupo sa swivel chair. Mabilis naman akong tumayo. Habang lumalabas ako ng opisina, hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kaba. Hindi ko alam kung concern ba talaga siya sa akin o may ibang dahilan kung bakit gusto niyang dumistansya ako at maging maingat kay Ace. Paglabas ko ng opisina ay nakita ko si Migs na pababa ng hagdan. “You look ready.” Sambit niya. Napangiti lang ako. "So, shall we? Idadaan na kita sa Valverde Land bago ako dumiretso sa office." "Oh okay!" Napangiti kong sabi. ♡
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD