KINAGABIHAN, katatapos ko lang maligo at magbihis ng simpleng cotton dress, loose na pambahay lang, nang tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa screen, napataas agad ang kilay ko nang makita ang subject line:
From: Andrea Lim (Executive Assistant to Mr. Valverde)
To: Ms. Raselle Navarro
Subject: Rescheduled Presentation – Westpoint Project
Good evening, Ms. Navarro,
Mr. Valverde has requested to reschedule your Westpoint Project presentation tomorrow, at 9:00 AM in his office.
As you are aware, the presentation earlier was not fully commenced due to Mr. Valverde’s late arrival. He would like to have a private session to review the complete details with you directly.
Please confirm your availability.
Thank you,
Andrea Lim
Executive Assistant to the CEO
Valverde Land Estates
Napatitig ako sa email, hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis.
Private meeting? With Ace? At nine in the morning? Dalawa lang kami. Sa mismong opisina niya. Seriously??
Parang biglang bumigat ang hangin sa kwarto ko. Napahawak ako sa sentido ko, iniisip kung ano ba ang nasa isip ni Ace. Late na siya dumating sa presentation kanina at ngayon ay ipapaulit niya iyon sa akin dahil hindi niya naumpisahan.
“Ano ba ’to? Is this work or a trap?”
Napabuntong-hininga ako, tumitig muli sa screen. Napansin kong naghihintay ng reply ang assistant niya.
Sa huli, mabilis kong tinipa ang sagot:
> Good evening,
I confirm my attendance at 9:00 AM tomorrow.
Best regards,
Raselle Navarro
Pag-send ko ng email ay binagsak ko ang cellphone sa kama at humiga sa katabi. Tinitigan ko ang kisame.
Private session with Ace. At 9 AM.
Parang naririnig ko pa ang boses ni Ace: “Reschedule it. Just the two of us.”
“Of course…” bulong ko sa sarili. “Ace Valverde, the man who can’t even bother to show up on time, now wants a special session? Tss!”
Private session. Tomorrow. 9 AM.
Paulit ulit sa isipan ko ang detalyeng iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero siguro wala lang ito. Baka gusto lang talaga marinig ni Ace ang buong presentation ko since ang naabutan niya kanina ay ang feedback na ng board.
"Wala lang 'yon, Raselle! It's just business! huwag ka masyadong mag overthink!"
Kahit anong kalma ang gawin ko ay hindi pa rin ako napapanatag. I feel something different. Something weird. Ibang iba sa noon. Kilalang kilala ko siya simula pa pagkabata kaya alam kong ibang iba siya ngayon.
Ipinikit ko ang mga mata ko, sinusubukang alisin sa utak ko ang kung ano ano, nang bigla na lang akong napamulat at nag-flashback sa isip ko ang nakaraan.
Ang unang araw na nakaharap ko si Ace noong lumipat na ako sa mansion.
(Flashback)
Fifteen years old ako noon, naka-uniform ng high school. Pang-limang araw ko na sa mansion simula nang dalhin ako doon ni Nanay. First day ko sa bagong school, pinatransfer ako ni Nanay dahil masyadong malayo ang dati kong paaralan.
Medyo malungkot kasi mamimiss ko ang mga kaibigan ko sa dati kong eskwela, pero alam kong para rin ito sa ikabubuti namin ni Nanay, dahil nag-iisa lang naman akong anak at ayokong mahiwalay pa sa kanya, matapos mawala sa amin si Tatay.
Kaya naman sobra rin ang pasasalamat namin sa mga amo ni Nanay. Sila ang sumagot sa tuition ko at inasikaso ang paglipat ko.
Mabilis akong lumabas ng bahay. Napangiti ako nang makita ko ang kotse na maghahatid sa akin sa school. Sosyal! Hindi na ako sasakay ng tricycle, at may driver pa!
May pagkasabik kong binuksan ang pinto sa backseat, at natigilan nang bumungad siya. Si Ace.
Nakaupo siya at nakasandal, suot ang uniform niya, may earphones sa tenga, mukhang nakikinig ng music habang nakapikit. Nasa kolehiyo na siya.
Limang araw na ako sa mansion pero ngayon ko pa lang siya nakita. Bukod kasi sa parati siyang nasa barkada niya eh parati rin siyang nakakulong lang sa kwarto niya.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibók ng puso ko. Si Ace lang naman ’to... yung batang kalaro ko noon sa tuwing sinasama ako ni Nanay sa mansion.
Pero kailan nga ba noong huli ko siyang nakita? Hindi ko na matandaan dahil batang bata pa ako noon.
Ngayon, ibang-iba na siya. Mas matangkad, mas gwapo. May binatang aura na hindi ko maipaliwanag. Kaya siguro ganito tumibók ang puso ko. Madali kasi akong magka-crush sa mga gwapo!
Tahimik akong nakatitig lang sa kanya, hindi ko alam kung ilang segundo na ang lumilipas.
Biglang gumalaw ang kamay niya. Tinanggal ang isang earphone. Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata niya at diretso iyong tumama sa akin. Agad napakunot ang noo niya.
“Who are you?” tanong niya na may halong pagtataka.
Pakiramdam ko ay nanlamig ako bigla. “Uh… ako si Raselle!” mahina kong sagot. Halos hindi ko siya matingnan.
“R-raselle…” Inulit niya ang pangalan ko na kunot ang noo.
Bago pa man ako makapagpaliwanag, biglang sumingit na ang driver na si Mang Rene.
“Raselle, dito ka na maupo sa harapan!" Tawag niya mula sa driver's seat. Parang natauhan naman ako.
“Ah, okay po!” mabilis kong sabi, saka agad sinara ang pinto at lumipat sa harap.
Pagkaupo ko sa harap, sinara ko agad ang seatbelt. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko. Bakit ba hindi ako mapakali?
Habang umaandar ang sasakyan, panay ang sulyap ko sa rearview mirror.
Nasa backseat si Ace, hawak ang cellphone niya, parang may tinatype o tinitingnan doon. Paminsan-minsan ay tumitingin siya sa labas ng bintana na seryoso ang mukha.
Hindi ko alam kung bakit pero napapangiti ako mag-isa. Hanggang sa bigla niyang mahuli ang tingin ko sa salamin.
Parang huminto ang oras. Diretso ang tingin niya sa akin, tila nagtataka kung bakit ako nakatingin.
Ramdam ko agad ang init sa pisngi ko. Nag-blush ako at mabilis na umiwas ng tingin, kunyari busy sa pag-aayos ng palda ko. Hindi ko alam kung saan ako titingin, basta ang bilis ng tibók ng puso ko.
Sa gilid ng paningin ko, pakiramdam ko ay bahagyang ngumiti siya bago bumalik sa cellphone niya.
"Ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang, hindi kayo mapaghiwalay na dalawa. Napakakulit niyo, ni hindi kayo masaway. Kung saan saan na lang kayo naglalaro. Ngayon mga binata't dalaga na kayo!" Nakangiting sabi ni Mang Rene habang nagmamaneho. Saglit niya kaming tinignan ni Ace. Napangiti naman ako nang maalala ang nakaraan na parang sariwang sariwa pa ang lahat.
Napatingin ako kay Ace sa salamin. Nakatingin siya sa labas. Para siyang may iniisip, siguro naalala rin niya ang dati.
"Naalala mo pa ba, Raselle? Noong mahulog ka sa swimming pool, tapos si Ace iyak ng iyak, natataranta kung paano ka tutulungan hanggang tumalon rin siya sa tubig para iligtas ka. Muntikan na kayong malunod na dalawa. Mabuti nakita ka ng nanay mo. Kaya mula noon takot ka ng lumapit sa swimming pool." Sinulyapan ako ni Mang Rene saka bumaling na sa kalsada.
Sa kwento niya para akong kinilabutan. Feeling ko nagkaroon na talaga ako ng trauma sa swimming pool dahil sa tuwing nakikita ko yon, ang pangyayari noon ang parati kong naiisip.
"Tss!" Napatingin ako kay Ace mang marinig iyon. Bahagya siyang nakangiti habang nakatingin sa cellphone niya,
Kung sana mababalik pa rin ang closeness namin na kagaya noong bata pa kami. Kaso mukhang ibang iba na siya.
Pagdating namin sa tapat ng university niya, huminto ang kotse. Mabilis na bumaba si Ace. Walang lingon, parang wala lang sa kanya.
Alam kong sa kabilang gate pa ang school ko, pero ewan ko kung bakit parang may magnet na humihila sa akin para bumaba rin.
“Dito na lang po ako, Mang Rene. Salamat po!” sambit ko. Hindi na ako naghintay ng sagot. Mabilis akong bumaba at nagsimulang maglakad sa likuran ni Ace.
Nagulat ako nang magsalita siya nang hindi man lang lumilingon.
“Your school’s on the other gate. Why did you get off here?”
Pakiramdam ko ay nanigas ako. Wala namang ibang tao na malapit, kaya malinaw na ako ang tinutukoy niya. Napansin niya pala nang bumaba rin ako ng kotse at sumunod sa kanya.
Nilingon niya ako sandali, kita sa mukha niya ang bahagyang pagtataka.
“Following me, huh?” may halong biro sa tono niya, pero hindi ko alam kung sarkastiko ba iyon o totoo.
“Huh? hindi noh! Gusto ko lang maglakad,” sagot ko na pinilit ngumiti habang inaayos ang strap ng bag ko para may magawa ang kamay ko.
Tinaasan niya ako ng kilay. “Really? You’re in uniform. And in heels.”
Napatingin ako sa sapatos ko. Low heels lang iyon pero para sa kanya siguro hindi practical.
“Gusto ko lang mag… stretch,” bulong ko, halos hindi ko na siya matingnan.
Bahagyang tumigil siya sa paglalakad, saka napailing. “You’re weird,” mahina pero malinaw niyang sabi, tapos nagpatuloy siya sa paglakad.
Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako o kikiligin. Weird daw ako, pero sa boses niya, hindi naman insulto.
Habang sinusundan ko siya, naririnig ko ang tunog ng bawat hakbang niya sa semento. Medyo mabilis siyang maglakad kaya kailangan kong bilisan ng kaunti para hindi ako maiwan.
Huminto siya nang may makita sa gilid. Tatlong lalaki na nakaupo sa bench.
Nag-fist bump siya sa isa at maya-maya ay may inabot sa kanya. Sigarilyo.
Parang automatic lang na nilagay niya iyon sa bibig niya. Sinindihan ito gamit ang lighter na iniabot ng isa pa sa grupo.
Napako ako sa kinatatayuan ko.
“Hey, bago mo?” biro ng isang lalaki, sabay tingin sa akin.
Napatingin din si Ace sa direksyon ko, bahagyang kumunot ang noo. Halatang hindi niya expect na nakasunod pa rin ako.
“Gagoh!" mariin niyang sabi doon sa kaibigan niya, may halong iritasyon sa boses.
Nasa isip ko nang aalis na pero hindi naman sumusunod ang mga paa ko. Para akong nanlalambot na ibang iba na talaga si Ace na kaibigan ko noon. Kung iisipin ko ang Ace na kalaro ko noon at ang Ace na ito na nasa harapan ko ay para silang magkaibang tao. Ang Ace noon ay masayang masaya sa tuwing kasama ako habang naglalaro kami, pero ngayon parang napakalayo na niya. Ang hirap nang abutin.
Kinalma ko ang sarili ko. Nag o-overthink lang ako. Natural na magiging iba na ang kilos niya dahil binata na siya at hindi na batang paslit na parating mataas ang energy. Isa pa, ngayon na lang kami uli nagkita matapos ang ilang taon, alangan maging close agad kami.
Napansin kong palapit sa akin ang isang kasama niya habang nakatingin naman ang iba pa. Hindi ko alam kung ano bang pakay nito. Nakangiti siya at ang mga mata niya ay namumungay habang papalapit sa akin.
Bago pa siya makalapit, tinawag na siya ni Ace.
“Rupert, let’s go,” tawag niya, may diin ang tono.
Agad na huminto si Rupert at bumalik sa bench. Tumayo ang grupo, sinundan si Ace na naglakad na palayo.
Nanatili akong nakatayo habang pinagmamasdan siya.
Bago sila makapasok sa building, biglang huminto si Ace. Para bang may naalala. Lumingon siya at nagtagpo uli ang mga mata namin. Parang huminto ang oras.
Hindi siya nagsalita, pero nakita ko ang bahagyang pagkakunot ng noo niya na parang nagtatanong kung bakit nandito pa ako.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin kaya bahagya na lang akong ngumiti.
Tumigil siya saglit, parang nag-aalangan, tapos umiling at nagpatuloy na sa pagpasok.
(PRESENT)
Napabalik ako sa ulirat nang marinig kong tumunog ang phone ko sa tabi ng kama.
Inabot ko iyon. Napataas ang kilay ko nang makita ang notification. Number lang ang sender, walang pangalan.
Binuksan ko at binasa ang maikling text:
> See you tomorrow for the private session, Ms. Navarro.
Kahit walang pangalan, hindi ko kailangang manghula kung sino iyon. Alam kong si Ace.
Hindi na ako magtataka kung paano niya nakuha ang number ko. Siya pa ba? Lahat ng gustuhin niya siguradong makukuha niya.
Bigla akong natigilan sa naisip ko. Lahat ng gustuhin niya?
Raselle, ano bang iniisip mo na gusto ka niya matapos ka niyang alisin sa buhay niya ng ganun-ganun lang? Na gusto ka niya na kagaya ng sinabi ni Migs?
Kinalma ko ang isip ko at pinilit na alisin na doon si Ace at ang magaganap bukas.
Napabuntong-hininga ako, ibinagsak ang phone sa tabi ko at humiga muli.
♡