TAHIMIK lang kami ni Migs habang binabaybay ang kalsada. Relax siya sa driverâs seat habang nagmamaneho. Ako naman, nakaupo nang maayos pero ang isip ko ay lumilipad pa rin pabalik sa nangyari kanina sa presentation.
âHow was the presentation?â basag niya sa katahimikan.
Napatingin ako sa kanya. Lumunok ako bago sumagot. âKanina, maayos naman ang flow. Nakasagot ako sa lahat ng follow-ups ng board. Sa tingin ko, kahit paano, mukhang satisfied sila.â
Tumango si Miguel at bahagyang ngumiti. âHmm. Narinig ko rin ang feedback nila. I was in the conference room next door. Rinig ko lahat, lahat ng tanong, lahat ng sagot mo. And you did well, Raselle.â
Napakunot ang noo ko. âYou heard?â
âYeah. Malinaw kong narinig lahat,â saglit siyang tumingin sa akin, âlahat... pati na rin ang mga sinabi ni Ace.â
Napatingin ako sa kanya saka bumaling uli sa labas ng bintana. Sa sinabi niya, parang bigla ko ulit narinig sa isip ko ang boses ni Ace.
"Hindi ko alam kung matatawa ako. Ace isnât the type to speak up sa ganun, lalo na kung technical at may ibang executives na sumasalo.â
Huminga ako nang malalim, naalala ang bawat hakbang ni Ace papalapit sa akin. âSiguro⊠dahil flagship project ang Westpoint. Gusto niyang maging hands-on.â
Mabilis na umiling si Miguel. âHands-on? Thatâs impossible. Wala namang alam yun eh! Kung hindi dahil sa mga tauhan niya, matagal nang lubog ang kumpanya niya.â May sarkasmo ang tono niya.
Sanay na ako sa ganitong pananalita ni Migs tuwing si Ace ang usapan. Siguro dahil hindi pa rin siya nakaka-move on na si Ace ang CEO ng Valverde Land na minsan niya ring inasam. O dahil isa rin siya sa mga directors na walang kumpiyansa na kaya ni Ace ang trabaho niya.
âKilala ko si Ace. Alam ko kung paano siya magtrabaho. And trust me, he wasnât evaluating your slides. He was evaluating you,â may halong inis na sabi ni Miguel.
Bigla akong natahimik. Iyon rin kasi ang pakiramdam ko kanina. Siguro hindi inasahan ni Ace ang makikita at maririnig niya sa akin. Dati kasi, tahimik lang ako at sunud-sunuran sa lahat ng sabihin niya.
Kapag sinabi niyang dadalo kami sa formal event para ipakita sa lahat na may supportive siyang asawa, sumusunod lang ako.
Kapag sinabi niyang kailangan kong dumalo sa charity event para magmukhang prim and proper, ngumiti lang ako at pumunta.
Kapag sinabi niyang huwag akong magsalita sa business dinner, tahimik akong tumatango at tinatapos ang gabi.
Noon, wala akong sariling boses. Umiikot lang ang mundo ko sa mga gusto at plano niya dahil pakiramdam ko noon ang mundo ko ay umiikot lang rin sa kanya.
Pero kanina sa boardroom⊠ibang-iba na.
Gusto kong ipakita sa kanya na hindi na ako âyung babaeng basta sumusunod lang. Hindi na ako âyung trophy wife na iniikot niya sa mga event. Kanina, nakita niya ako bilang ibang tao. At siguro, iyon ang hindi niya inasahan.
Pero sa totoo lang, kahit ako nagulat rin sa sarili ko. Hindi ko inakalang kaya ko pala. Kinaya ko kahit kaharap siya.
âI heard him mentioning my name too, that I trained you well. Is he afraid? Huh!â Sarkastikong tumawa si Migs.
Tumingin siya sa bintana, saka bumaling muli sa akin. âBaka natatakot siya na kung gaano kita tinuruan, ganoân din kita kayang protektahan. Or maybe, dahil naramdaman niyang hindi na siya ang mundo mo.â
Napailing ako at biglang nainis sa sinabi niya. âMigs, youâre reading too much into it.â
âRaselle, I saw the way he looked at you when you stepped out. Hindi iyon tingin ng CEO sa project head. Tingin niya 'yon na hindi pa tapos saâyo.â
âTss! Youâre overthinking it. Wala nang pakialam sa akin si Ace. Hindi na niya ako asawa at kahit naman noon wala rin siyang pakialam sa akin.â biglang bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi ko.
Agad na umiling si Migs habang diretsong nakatingin sa kalsada. âI heard his tone when he mentioned my name. I saw the look he gave you. Thatâs not just business. Thatâs personal. I think that bĂ stard still likes you.â
âWhat? Ano bang sinasabi mo? Kahit kailan, hindi niya ako ginusto.â Mariin kong sabi na parang siguradong sigurado ako.
Migs tightened his grip on the wheel, jaw slightly clenching. âRaselle, you really think I donât see whatâs in front of me? Alam ko kung paano tumingin si Ace sa'yo noon. At alam ko kung paano ka niya tignan kanina.â
Napailing ako. âMigs, stop! Thatâs ridiculous. Wala nang âkamiâ ni Ace. At wala ring siya at ako noon. Hindi siya kailanman nagkaroon ng feelings sa akin.â
âThen why did he marry you?â
Saglit akong natigilan sa sinabi niya.
âDahil kailangan niya. Dahil kailangan ng kumpanya niya. Dahil kailangan ng imahe niya. Hindi yon dahil mahal niya ako. Siya mismo ang nagklaro nun sa akin.â mas madiin ang tono ko.
Biglang nagflashback sa akin ang sinabi niya noong iabot niya sa akin ang divorce paper.
"This was never love. Never about emotions. Walang commitment. Walang tayo."
âTss! Magaling maglaro si Ace. He knows how to handle women. Knows exactly what to say, how to look at them. How to make them feel something they shouldnât.â
Napalingon ako kay Migs. âAno bang ibig mong sabihin diyan?â
Saglit siyang tumigil, pagkatapos ay huminga nang malalim. âWala. Ang sinasabi ko lang⊠ayokong makita kang masaktan ulit. Ayokong bumalik ka sa cycle na 'yon. Kasi alam kong kaya mo nang tumayo sa sarili mong paa. Ayokong masayang lahat ng pinaghirapan mo. Lahat ng pinaghirapan natin para umabot ka rito.â
Ramdam ko ang bigat ng salita niya.
âMigs, I havenât forgotten. Hindi ko rin planong kalimutan ang lahat ng pinagdaanan ko. Hindi ko siya hahayaang makaapekto sa akin, lalo na sa trabaho ko.â
âReally? Sa nakita ko kanina, parang may epekto pa rin siya saâyo. I saw your eyes when you looked at him paglabas niya ng boardroom. You still have the same look as the wife years ago. Only this time na mas maganda ka at mas confident pero pareho pa rin ang tingin mo sa kanya.â Bahagyang natawa si Migs.
Umiling ako at tumingin sa bintana, pilit tinatago ang biglang pagbilis ng tibĂłk ng puso ko. âHindi totoo âyan,â mariin kong sagot.
Pero sa loob-loob ko, hindi ko maiwasang tanungin ang sarili ko. Bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Akala ko okay na ako matapos ng ilang taon. Pero kanina, nang magtagpo ang mga mata namin ni Ace⊠tama si Migs na walang nagbago.
âRaselle, huwag kang magpapaapekto kay Ace. Alam mo kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo para makarating ka sa buhay mo ngayon.â
Nanatili akong tahimik, pinipilit hindi mag-react.
âI was there when you were at your lowest,â patuloy niya, mas mariin ang salita. âNakita ko kung paano ka halos mawalan ng direksyon. Hindi lang puso mo ang nawasak noon, pati buong pagkatao mo. And letâs not forgetâŠâ
Nilingon niya ako sandali. âAng pagkawala ng anak mo.â
Biglang sumikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
âHindi ko sinasabi âto para saktan ka pero para ipaalala saâyo na walang rason para balikan mo ang kahit anong damdamin para sa lalaking âyon na sumira ng lahat. You built yourself back up, Raselle. Donât let him tear you down again.â
Napayuko ako, hinigpitan ang hawak sa bag sa kandungan ko.
âRaselle, I know Ace. Gusto rin niya akong buwagin. Alam ko ang pinaplano niya. Matagal na niyang gustong putulin ang connection ko sa kumpanya, pero hindi niya magawa dahil tutol ang board. Now, nakahanap siya ng rason... AX Builders, modern technology, whatever excuse. Alam naman niyang kaya ko âyon. At ngayon, dahil nasa akin ka, pati ikaw sisirain niya para lang mawala ako sa landas niya.â
Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano sasagutin. Pakiramdam ko mas sumakit ang dibdib ko nang marinig kong kasama ako sa plano niyang sirain.
Huminga ako nang malalim. âDonât worry, Migs, hindi ko hahayaan na masira ka niya, o ako. Kapag nakapasok na ako sa Valverde Land, gagawa ako ng paraan para siya ang masira. Iâll make sure of that.â
Saglit akong tumingin kay Migs. Nakita kong napangiti siya.
âTama ka,â sabi niyang mababa ang tono pero may diin. âPero Raselle, make sure na⊠na didistansya ka sa kanya.â
Napatingin ako sa kanya na diretsong nakatuon sa kalsada.
âOf course! Hinding-hindi ako makikipagmalapitan sa kanya, never again!â mabilis kong sagot.
Saglit siyang tumingin sa akin. âAlam kong iniisip niya na may relasyon tayong dalawa at gusto kong hayaan mo siyang isipin âyon. That will be your shield against any intention he has towards you. The more he believes that, the less heâll try to get close to you!â
Napaisip ako sa sinabi niya. Naramdaman ko rin kasi kanina sa presentation na may iba siyang gustong palabasin sa pagbanggit niya ng pangalan ni Miguel. Naalala ko noon na minsan na niyang nabanggit sa akin ang pagiging malapit ko kay Migs na hindi ko naman masyadong binigyang pansin, at kung alam niyang tinutulungan ako ni Migs, baka nga bigyan niya yon ng malisya at isipin niyang may relasyon kaming dalawa.
Bigla kong naisip na mas mabuti nga na hayaan si Ace na ganoon ang isipin, para hindi niya maisip na may natitira pa akong nararamdaman para sa kanya.
âOkay. Iâll do that, Migs,â may diin kong sagot.
Hindi siya sumagot. Napansin ko lang ang bahagyang pagtaas ng sulok ng labi niya, pero agad din niyang ibinalik ang tingin sa kalsada.
âĄ