Nagdaan ang ilang oras pero nasa byahe pa din kami. Hindi ko naman matanong si Sir dahil bubuka pa lang ang bibig ko ay parang nasesense na nya agad at titignan ako agad ng napakalamig.
Kaloka parang kasama ko ang nawawalang kapatid ni Elsa sa sobrang lamig.
May kalahating oras na siguro akong nakaupo dito at hindi ko pa rin alam kung pasaan kami. Hindi rin ako magaling magtanda ng mga daan kaya hindi ko maalala kung nadaanan ko na ba to dati pag umaalis kami ni Kellian.
Si Xyl naman ay nagising na kanina at lumipat na sya sa back seat. Meron syang nilalaro doon na nakuha sa likod ng sasakyan. Siguro ay lagi iyong dala ni Sir in case na maisasama nya si Xyl.
Sa totoo lang ay nagugutom na talaga ako. Coffee lang ang ininom ko kanina at hindi ako nakapag kanin dahil naexcite din akong ipasyal si Xyl. Pagbalik na lang sana namin ako kakain kaso hindi naman kami nakabalik gawa ni Sir.
Nakamasid lang ako sa labas at automatic na tumunog ang tyan ko ng matanaw ko ang Jollibee na malapit na naming malampasan. Agad akong napatingin kay sir at napasimangot ng makitang narinig nya at nakatingin din sya.
"You're hungry?"
Umiling ako para sana itanggi dahil nakakahiya baka nagmamadali sya tapos wala naman akong dalang pera pero umepal na naman ang tyan ko at tumunog uli. Parang tutol na tutol ang tyan ko sa pagtanggi ko.
"tsss" Iyan lang ang narinig ko bago sya dahan-dahang nagpatakbo at iniliko sa may drive thru ng Jollibee. Tumigil kami sa tapat niyon at agad syang nagbaba ng bintana upang umorder.
"What do you want" he asks me but he's looking at his phone.
"S...sir wala akong p..pera" nahihiyang sabi ko pero hindi nya iyon pinansin at sya na mismo ang nag-order. Kita ko pa ang pagkamangha sa mukha nung babae na staff ng Jollibee dahil siguro sa kagwapuhan ni Sir. Hindi ko naman sya masisisi kasi kahit ako ganoon din ang naging reaksyon.
Halos matawa naman ako ng makita ang iyamot sa mukha ni Sir ng ipaulit lahat nung babae ang order dahil hindi nya daw naintindihan. Paano nya maiintindihan e sa mukha ng amo ko sya nakatitig?
After nya mag-order at makabayad ay nagmove na kami sa next station to get the foods. Nang kukuhanin na nya ay halos malula ako ng dalawang plastic ang iniabot sa kanya bago niya iniabot sa akin.
Bakit andami!? Hindi naman ako gutom na gutom ah. Pero tumutol uli ang tyan ko at tumunog na akala mo may eating contest at atat na atat.
"Eat" sabi nya lang bago muli nagsimulang magdrive. Binuksan ko naman yung plastic at mayroong burger na more than five pieces yata at ganoon din sa fries. Meron pang isang spag at may chicken pang kasama and mango pie. Meron ding isang bottle ng mineral water. Meron din akong nakitang sundae at yoon ang una kong kinuha. My favorite!
Hindi ko alam kung paano ko ito mauubos pero siguro naman ay share kami dito. Sobrang dami nito, hindi ko kaya to mag-isa.
Kita kong napapatingin sya kada magbubukas ako ng panibago pero hinayaan ko na lang. Foods from Jollibee really comforts me. It's like they can change my mood easily.
----
After eating ay nakatulog ako agad. Inalok ko naman si Sir pero umiling lang sya. May natira pa naman ako na burger and fries e. Ako na lang uli kakain non mamaya.
Nagising na lang ako ng maramdaman kong nakatigil na ang kotse. Napalingon ako sa driver seat pero wala don si Sir kaya nagpanic ako. Wala din si Xyl sa likod.
Nagmasid ako sa labas and I can say na nasa parking lot ako dahil meron ding iba pang mga sasakyan. Bakit hindi ako ginising ni sir! Agad kong kinuha ang phone ko at tatawagan sana si Sir pero naalala ko na wala nga pala akong number nya. Inis na inis akong nag-ayos ng pwesto at doon ko lamang nakita ang isang sticky note na nakadikit sa steering wheel.
Kung sana ginising na lang nya ako edi hindi sayang ang sticky note at ballpen!
"Go inside the hotel. This is the room number. Lock the car"
Iyon lamang ang nakasulat at sa baba ay yung number nga ng room at kung saang floor. Nakita ko rin ang susi ng kotse at ang remote control nito na nakapatong sa upuan. E kung nakawin ko kaya ang kotse nya? Tss.
Napairap ako at tinignan ang itsura sa salamin sa loob at ng makitang ayos naman ay kinuha ang susi bago lumabas na ko ng kotse.
This is my first time here and I would honestly say na hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Nakatayo lamang ako sa labas ng kotse at tahimik na pinagmasdan ang iba na naglalakad sa harap ko. s**t naman oh.
"Miss are you okay?" halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may magsalita sa tabi ko. Nilingon ko sya at nakakapit pa ko sa dibdib. Hindi na nga alam kung papano makakapunta sa room tapos magugulat pa!
"Oh I'm sorry kung nagulat ka. This is my car and kanina ka pa kasi nakatayo jan. Is there anything wrong?" tinuro naman nya yung kotse nya na katabi ng sasakyan na nilabasan ko. Napatingin naman ako sa itsura nya bago napatingin sa itsura ko.
Nagmukha akong pulubi sa harap nya dahil napakaformal ng suot nya. Kahit medyo madilim sa pwesto namin ay kita ko pa rin ang maayos na pagkakasuklay ng buhok nya. Maging ang nagtataka nyang mata ay kita ko rin.
Nag-iintay syang sagot ko at nahihiya ko namang pinakita ang sticky note na kapit ko. s**t nakakahiya! Feeling ko ang bobo ko na.
Bahagya naman syang napatawa kaya napanguso ako at napatungo. Nakakahiya Aveline!
"Katabi lang nito ang room ko. You want to come with me?"
Napatunghay ako at agad na tumango. Sa wakas makakaakyat na din ako!
Napatawa naman sya at niyakag na ako patungo sa elevator. Medyo malayo ang elevator sa pwesto namin at binagalan ko ang lakad dahil nahihiya ako sumabay dahil napaka formal ng suot nya. Napansin naman nya iyon kaya napatawa sya ng bahagya at tumigil.
"dito ka. Sabay tayo. Hindi ako nangangagat" natatawang sabi nya at napanguso na naman ako. Ang gwapo ng tawa nya. Dalawa na ang nakita kong gwapo sa araw na to. Pero syempre mas gwapo ang amo ko.
"Sorry."sabi ko na lang at sumabay na sa kanya.
Nakarating na kami sa elevator at pumasok na kami sa loob. Kami lang ang tao doon at medyo nakakailang pero baka mas mailang ako kapag si Sir ang kasama ko dito.
"By the way, I'm Philip. You? " pagpapakilala nya bago ako nginitian. Nakita ko naman na may dimple pala sya.
"A..Aveline." sabi don't talk to strangers daw pero paano?
"You're on vacation here? Who's with you?" Is this some kind of interview? Napatingin na lang ako sa reflection ko sa elevator at nakita kong muli ang pagkakalayo ng bihis namin.
"ah no. Kasama ko ang amo ko. Iniwan lang ako sa kotse" Napasimangot na naman ako ng maalala ang ginawa ng amo ko. Ang gwapo pero ang sama ng ugali!
Napalingon ako sa katabi ko ng bigla syang tumawa at nakatingin sa akin. Do I look like a clown? Kanina pa syang tinatawanan ako ah
"You're cute" My eyes automatically grew bigger and my mouth almost fell down. Is he flirting with me? Wag syang magsisimula ng ganito baka hindi ko kayanin.
Baka pumatol ako.
Pero syempre joke lang. Mas importante sakin ngayon ang makarating sa pupuntahan ko na hindi ko alam kung saan.
Hinayaan ko na lamang sya at ng bumukas ang elevator ay napahinga ako ng maluwag. Sumunod naman ako sa kanya at nagmasid sa nilalakadan namin. Nakarating kami sa pinakadulo at may tinigilan syang isang kwarto. Eto na siguro yon.
Agad kong kinapitan ang handle ng door at bubuksan na sana ng hindi iyon gumana. Nakalock yung pinto! Paano ako papasok dito!?
"ahm Aveline. That is my --"
"Freya"
Kinilabutan ako ng bigla kong marinig muli ang napakalamig na tinig ng amo ko pero mas gusto ko ng lumubog sa kahihiyan ng mapagtanto ang nais sabihin ni Philip. s**t nakakahiya ka talaga Aveline! Kanina ka pa!
Agad kong binitawan ang handle at napaatras. Nahihiya kong nilingon si Philip bago tumingin sa amo ko na matalim ang titig sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nakatayo sya sa labas ng isang kwarto na katabi ng kinatatayuan namin ni Philip.
"T...thank you. I..I'm sorry" sabi ko at hiyang hiya na mabilis na naglakad patungo kay Sir.
Nakatungo ako at todo pisil sa aking kamay dahil sa kahihiyan. Nang makarating ako sa tapat nya ay nakita ko na bukas ang pinto kaya agad na kong pumasok at nilampasan sya kahit ramdam ko pa ang matalim nyang titig. Baka kung anong iniisip na nito tapos tanggalin ako sa trabaho. Kasi naman!
Freya Aveline nakakahiya ka talaga!