Three days ago...
"ZYRA JADE!"
Napalingon si Zai nang marinig ang boses ng Boss niyang si Vono Solano na nasa gitna ng restaurant na iyon sa Bonifacio Global City at kumakaway sa kanya. Nahirapan kasi siyang hanapin ang mesang kinaroroonan nito dahil medyo matao noong mga sandaling iyon. Para bang may company event sa isang bahagi ng restaurant dahil napansin niya ang mahabang mesang wala naman doon sa normal na pagkakataon.
Agad na nagtungo na siya sa mesang kinaroroonan ni Sir Eddie kasama ang asawa nitong si Dorothy, at ang dalawa niyang kasamahan sa trabahong sina Trish at Devlyn na lihim niyang tinatawag na chuwariwap girls dahil palaging nakasunod ito kay Sir Eddie. Ninong kasi ni Trish si Sir Eddie. Plastik na nginitian siya ng dalawa.
"Hi, Zai. You look great tonight." wika sa kanya ni Trish pero huling huli niya ang pag-irap nito sa kanya.
Hindi kaila sa kanilang dalawa na ayaw nila ang presensiya ng bawat isa. Bukod kasi na silang dalawa lamang ang nagtatalunan pagdating sa mga ad campaigns ng kompanya nila ay inggitera din ang babaeng ito. Well, dapat lang naman dahil dapat naman siyang kainggitan. She has the looks, the brains and she has the money to blow.
"Well, thank you, Trish. You're not so bad yourself," taas kilay na wika niya. Wala siyang pakialam kung pinaplastik siya nito pero hindi siya magpapatalo rito. After all, she's Zai Lejarde. Binalingan niya na muna ang butihing asawa ni Sir Eddie para batiin bago siya umupo sa tabi nito. "You look so lovely tonight, Ma'am."
"Ikaw din, Hija. And I love your dress."
"Sure. You can never go wrong with a classic liitle black dress from Valentino," nakangiting wika niya. Tumangu-tango ito sa kanya.
"It would be fun both of you to talk about designer clothes." Binuntunan nila ng tawa ang sinabi ni Sir Eddie. "Pero hindi iyon ang dahilan ko kung bakit kita pinapunta rito, Zyra Jade. Inimbitahan tayo ni Mrs. Laura Garcia- Evans para sa isang company dinner nila. Biglaan ito kaya ipagpaumanhin mo ang pagtawag ko sa'yo. I bet you don't mind. Alam mo naman si Mrs. Evans, pabigla-bigla," anitong ang tinutukoy ay ang CEO ng Marquise Jewellery sa Pilipinas.
Nakaupo ito sa mahabang mesang napansin niya kanina katabi ang asawa nitong si Mr. John Evans. Kahit nasa late fifties na ang babae ay hindi pa rin kumukupas ang ganda nito. Halatang alaga ito ng derma at balingkinitan pa rin ang pangangatawan nito. Mukhang napansin siya nitong nakatingin siya rito dahil bumaling ito sa direksyon niya at ngumiti sa kanya.
Nakatrabaho niya na si Mrs. Evans dalawang taon na ang nakakaraan nang kunin nito ang advertising agency nila para i-advertise ang mga diamond necklaces nitong ini-release noong taong iyon. Ngayon ay alam niyang muli ay kinokonsulta nito ang kanilang kompanya para sa diamond engagement rings na siyang bagong i-lo-launch ng Marquise Jewellery kasabay ng nalalapit nitong ika-dalawamput limang anibersaryo.
"Papunta na siya rito," wika ni Sir Eddie. Bigla ay napaayos siya sa pagkakaupo nang makitang papalapit na nga si Mrs. Evans sa kanila. "Sa tingin ko ay gusto niyang makilala ang gagawa ng Ad campaign niya." Gulat na napalingon siya kay Sir Eddie.
"Kung ganoon, ibibigay niyo sa akin ang campaign na ito?" Pinakatitigan siya ni Sir Eddie pero hindi ito sa kanya sumagot. Narinig niya na lamang ang pagtawa ni Trish sa tabi nito.
"Sa tingin mo ba, ganoon na lang kadali lahat ang mga bagay para sa'yo, Zai? Nakukuha mo ang lahat na gusto mo nang hindi pinaghihirapan?" mapanuyang wika ni Trish.
"Yes, I actually do. 'Great' is my middle name," taas-kilay na wika niya.
"Hindi ngayon," natatawang nailing si Devlyn na sinusuportahan ang bruha nitong kaibigan. Hindi niya maintindihan ang sinabi nito pero hindi pa man siya nakakapagtanong ay naroon na si Mrs. Evans sa mesa nila. Agad silang napatayo sa kinauupuan at isa-isang nagbeso at bumati sa ginang.
"You brought your angels, Eddie," wika ni Mrs. Evans kay Sir Eddie na ang tinutukoy ay silang tatlo nila Trish at Devlyn.
Sila kasi ang kadalasang kasama ng Boss dahil hindi naman sa pagmamayabang ay sila ang pinakamagaling nitong empleyado. Iyon nga lang ay sadyang mas magaling talaga siya sa dalawa. Hindi niya ipapatalo ang sarili niya.
"Of course. Paano na lang ako yayaman kung hindi ko isasama ang pinakamagaling kong mga empleyado?" Binuntunan ni Mrs. Evans ang sinabi ng boss niya. Pati ang tawa nito ay napakahinhin at pang-mayaman.
"So, sino na ang anghel na magdadala ng suwerte sa aking mga diyamante?" nangingiting wika nito saka bumaling sa kanya. "Si Zyra Jade ba?"
Awtomatikong ngumiti siya sa ginang. Nakikita niya ang pananabik sa mga mata nito at ikinatutuwa niya iyon dahil halatang siya ang gusto nito para sa Ad campaign nito. Lihim na hiniling niya na sana nga ay 'Oo' ang isagot ni Sir Eddie.
"Tungkol doon..." Napatingin si Sir Eddie sa kanya bago muling binalingan si Mrs. Evans. "Pinag-iisipan ko pa kung kanino ko iibigay."
Unti-unting nawala ang ngiti ni Zai na nakapaskil sa mga labi lalo pa at narinig niya ang pagngisi ni Trish. Parang naging tensiyonado ang bibig niya at hindi niya iyon masara. Damn it! Literal na napanganga siya dahil hindi niya inaasahang iyon ang sasabihin ni Sir Eddie. Zai is always on top of her game that's why she expected that she'll be her Boss' final choice... his only choice for that matter. Mukhang nahalata rin ni Mrs. Evans ang tensiyon na namumuo sa pagitan nila dahil tumikhim ito nang malakas dahilan upang bawiin niya ang atensiyon kay Sir Eddie na sa isip niya ay sinasakal niya na dahil sa hindi makatarungang desisyon nito. Oo nga at hindi pa naman ito nakakapili pero hindi niya matatanggap ang katotohanang kailangan pa nitong pag-isipan ang desisyon nito. Dapat hindi na ito nag-iisip dahil siya na ang pinakamagaling sa mga empleyado nito.
"Mukhang hindi niyo pa napapag-usapan iyon. Maiwan ko muna kayo. Enjoy the night," wika ni Mrs. Evans bago nilisan ang mesa nila. Pagkaaalis na pagkaalis ng Ginang ay agad silang naupo sa dating kinauupuan.
"Sir Eddie, Anong ibig sabihin noon?!" wika niya. Narinig niya na naman ang pagtawa ni Trish.
"Hindi ba obvious? Mukhang binawi na sa'yo ang middle name mo," mapanuyang wika nito. Inirapan niya ito at muling binalingan ang Boss.
"Sir!" Napabuntung-hininga ito saka ipinagsiklop ang mga palad sa ibabaw ng mesa at matamang pinagmasdan siya.
"Sa tingin ko ay hindi nararapat sa'yo ang proyektong ito, Zai."
"At bakit?!"
Parang sumasakit na ang sentido niya hindi pa man ito nagpapaliwanag. May hinala siyang may kinalaman na naman ang chuwariwap girls nito sa desisyon nito. Alam niya kasing interesado rin si Trish sa campaign na iyon.
"Because this an advertising campaign for engagement rings, Zai."
"Eh ano naman? Kaya ko iyon! Infact, I hae the perfect idea to pitch in. It goes like this. Express your love not through words,but through sparkles." Eksaheradong natawa si Devlyn. Pinag-isipan niya iyon tapos pagtatawanan lang nito?!
"And do you think it would work? Ano ang alam mo sa engagement?" Isang beses pa itong natawa. "Ni sa pag-ibig nga ay wala kang alam. Kandidata ka na sa pagka-matandang dalaga, Zai."
Bente otso anyos na si Zai ngunit wala pa siyang boyfriend hanggang ngayon. Pero hindi ibig sabihing wala siyang alam sa pag-ibig. Sadya lang na mas importante sa kanya ang pangarap niya kaysa sa pag-ibig.
"That's rubbish! Alam nating dalawa, Sir na ako ang pinakamagaling mong advertiser!" gigil na wika niya.
Mukhang ramdam na nga ni Ma'am Dorothy ang panggigigil niya gumuhit ang kaba sa maganda nitong mukha. Napainom pa nga ito ng tubig dahil sa tensiyon sa mesa nila. Kung hindi lang talaga nakakahiya sa dami ng bisitang naroon ay nagwala na siya dahil lang sa walang kuwentang desisyon ni Sir Eddie dahil sa panunulsol ng chuwariwap girls. But she knows how to keep her poise under pressure.
"I'm sorry, Zai pero may point sila. Paano mo ma-dedeliver nang maayos ang ganitong campaign kung ikaw mismo ay hindi mo pa nararanasang ma-inlove? A diamond ring is a gesture of love and commitment spanning generations. How can you convince men that their decision to buy diamond is the only right thing he'd do that would matter to his fiancé if you don't know how it feels like to receive one?"
"Alam ko kung ano ang feeling na makatanggap ng diamonds!" Mayroon siyang diamond bracelet na iniregalo pa ng Papa niya noong ikalabing walong kaarawan niya at napakasaya noon ng pakiramdam niya.
"Pero hindi mo alam ang pakiramdam kung paano umibig," Trish snorted. Nabubuwisit na talaga siya sa sobrang pakialamera nito pero hindi siya magpapatalo.
"Pero kaya kong gawin ito kahit wala akong alam sa pag-ibig, sabi niyo."
"Magaling ka, Zai. You just lack experience for this ad campaign. You're too stiff," si Sir Eddie. Tinatanggap niya ang deskripsyon nito dahil masyado nga siya talagang stiff. Cold-hearted kumbaga dahil kinailangan niyang kalimutan may puso siya para sa mga pangarap niyang alam niyang iyon ang mas magpapasaya sa kanya. "Pero ayaw ko namang maging unfair sa'yo kaya bibigyan kita ng pagkakataon."
"Ano?!" pagkapanabay na tutol nina Devlyn at Trish. Sinenyasan ito ni Sir Eddie na animo'y sinasabi nitong "Huwag kayong mag-alala, mga chuwariwap girls."
"Ibibigay ko sa'yo ang ad campaign na ito only if you can make someone fall in love with you in exactly two weeks from now. Only then will I entrust the campaign to you. You should know how it feels like to be inlove."
"Ano?!" protesta niya. Hindi naman yata makatarungan iyon dahil una sa una, hindi niya na kailangang patunayan ang sarili niya dahil alam niyang kaya ng abilidad niya ang campaign na iyon.
"Take it or leave it," pinal na sabi ni Sir Eddie. Nag-init ang bumbunan niya lalo pa nang makita niya ang nakakasar na pagngiti nina Devlyn at Trish. At parang asin ang dalawa na bumubudbod pa sa sugat niya dahil ginatungan pa nito ang sinabi ni Sir Eddie para lang pahirapan siya.
"Pero paano na lang kung mandaya si Zai at magbayad ng taong magpapanggap na mahal siya?"si Devlyn. Actually, maganda ang ideya nito pero...
"Hindi ko gagawin iyon ano?!"
"Masyado kang ma-pride, Zai para bumababa sa level na iyon. So, may mungkahi na lang ako," si Trish.
"Ano iyon?" wika ni Sir Eddie na interesado sa sinabi ni Trish.
"Dito sa restaurant na ito ka hahanap ng lalaking papaibigin mo." Napatingin ito kay Devlyn, ang mga mata nito'y puno ng masamang balak. "At kami ang pipili ng lalaking iyon."
"Hindi naman tama iyon!" protesta niya.
"Bakit? Hindi mo kaya?" natatawang wika ni Trish. "Hindi ko pa namang inaasahang aatras ka. You're too high to bow down." Napailing ito.
Ouch! Ang pride niya! Naikuyom ni Zai ang palad niya sa sobrang pagkairita sa babae. Palibhasa ay insecure ito sa kanya kaya dinudumihan na nito ang maputla nitong kamay para lang mapabagsak ang tulad niya. Huminga siya nang malalim at taas-noong hinarap ito.
"Sige. Pumapayag na ako."
Lumawak ang pagkakangiti ng dalawang chuwariwap girls na kulang na lang ay tumawa pa nang pang-kontrabida. Inilibot nito ang paningin sa loob ng restaurant para mahanap ang potential boyfriend niya. Hanggang sa tumigil ang mata nito sa isang direksiyon.
"Oh my God! Hindi ba't..." Hindi na naitapos ni Devlyn ang sasabihin dahil tiningnan ito nang makahulugan ni Trish. "Mas cold pa ang lalaking 'yan sa iguana. Ikaw nga, dineadma niya, si Zai pa kaya?"
Hindi na gaanong napansin ni Zai ang binubulung-bulong ni Devlyn dahil naging interesado na siya sa tininitingnan nina Trish.
"That guy, with a beautiful profile,"si Trish.
Sinundan niya ang direksiyong tinuuro nito at sa kabila ng dami ng tao sa bar ng restaurant na iyon ay hindi siya nahirapang makita ang tinutukoy ni Trish dahil totoo ang deskripsyon na sinabi nito. That guy has a really beautiful profile.
Kahit naka-side view ang lalaki at may kapusyawan ang ilaw sa kinaroroonan nito ay hindi mapagkakaila ang kaguwapuhan nito. He had very manly features. Matangos ang ilong nito at perpekto ang panga. Matangkad din ito, tuwid ang likod at maumbok ang pang-upo. He was kinda perfect. Kaya lang natigilan siya nang makaramdam siya nang kaba habang inaalisa niya ito. Hindi normal sa kanya ang kinakabahan dahil alam niyang kahit anumang pagsubok sa kanya ay kanya. May kakaiba lang talaga sa lalaking ito at tila natutuliro ang puso niya. Sino ito at anong meron dito?
At para bang narinig nito ang katanungan sa isip niya ay nagbaling ito ng tingin hindi sa kanya kundi sa mesang kalapit ng mesa nila pero naging sapat na iyon para masagot ang katanungan niya. Lalo lang nagwala ang puso niya nang makilala kung sino ang 'potential boyfriend' niya. Si Dice Deisderio lang naman pala iyon, ang ex niya! Crap!
Parang nahalata ni Trish ang kaba sa dibdib niya dahil nakakainsultong tumawa na naman ito. Kaunti na lang talaga ay itatarak niya na talaga sa lalamunan nito ang steak knife na ginagamit nito.
"Kabado ka? Atras ka na," nakakairitang wika nito.
"Sorry, dear. Wala sa bokabularyo ko ang salitang 'sumuko'."
Sinaid niya ang laman ng wine glass niya saka buong tapang na tumayo. Mabibigyan lang ng kasiyahan ang bruhang si Trish na iyon kung susuko siya. Hindi siya sanay matalo. Kung kailangan niyang paibiging muli ang ex niya para makuha ang gusto niya, gagawin niya. Pride at pangarap niya ang nakataya. Gaano ba kahirap na iprioritize niya ang pangarap niya kaysa sa lalaking ito kung minsan niya na itong nagawa?
"The game is on," wika niya bago balikan ang lalaking minsan niya nang iniwan.