Habang nagsasaya ang mga nilalang sa palibot ng simbahan ng Quiapo bigla nalang nanigas si Antonio. Kinabahan si Amelia at mga ibang alagad niya kaya agad siya hinawakan. Nakarinig ang binatang demonyo ng dalawang boses, inuutusan siyang wag kabahan at matakot. “Ah excuse me muna, may kakausap lang sa akin saglit. Babalik din ako agad” paalam niya. Niyakap siya ni Amelia at ayaw bumitaw kaya natingala ang binata at ngumiti. “Please” bulong niya. Nagliwanag ang katawan nung dalawa at dahan dahan sila naglaho. Di alam ng mga demonyo at mga anghel saan nagtungo yung dalawa pero nagtuloy ang kasiyahan ng lahat. Sa isang lupain na puno ng mga puno at halaman sumulpot si Antonio at Amelia. Napasigaw sa tuwa ang binata pagkat ang ganda ng lugar at yung lawa napakalinaw ng tubig. “Nasa langit at

