Sumikat na ang araw sa Dinalungan beach ng Aurora, nagpahinga saglit ang grupo ni Antonio para makapagpahinga ang binata. Habang namamangha yung iba sa magandang tanawin ng pagsikat ng araw ay nag aalala si Amelia at hinihimas ang ulo ng binatang demonyo. “Kaya mo pa ba?” tanong niya. Ngumiti si Antonio at huminga ng malalim. “Kaya pa, wag mo problemahin ang mga sugat ko. Palatanda mga yan ng pag ibig ko sa iyo” banat niya. Napangiti si Amelia at hinalikan ang binata. “Don’t die on me” bulong niya. “No chance in hell” sagot ni Antonio at agad tumayo. “This is our first sunrise together. This wont be the last. I promise you we would see millions more together if possible. And if one day our eyes do fail us, I would hold your hand in darkness and together we shall feel the warth of the sun

