Silent Assassin

5046 Words
Isang gabi sa tapat ng isang bodega may higanteng demonyo na may buhat na kotse. Parang laruan lang yung sasakyan at pinagmpopokpok niya sa kanyang kalaban. Hindi niya matamaan ang maliksing si Saturnino, bawat bagsak ng kotse sa semento ay doon umaatake ang binata ng madaming suntok sa katawan at mukha ng kanyang kalaban. “Magpalabas ka na kasi ng espada!” sigaw ni Ayesha. “Di ko nga kaya e!” sumbat ni Saturnino pero nakabigay siya ng isang malakas na upper cut kung saan nahilo talaga yung higanteng demonyo. Sumugod ang dalagang demonyo at sinaksak ang kalaban sa dibdib gamit ang kanyang itim na espada. Susugod narin sana si Bea pero bigla umatras nang binuhat muli ng higante ang kotse. “Layo ka na!” sigaw ni Saturnino pero tumakbo si Ayesha sa likod ng higante at doon naman sinaksak. Nabitawan nung higante ang kotse, umakyat si Saturnino sa kanyang balikat nagpalabas ng dalawang dakilang apoy sa mga hintuturo niya. Sinaksak ng binata ang mga mata ng kalaban, nagwala ang demonyo kaya napatapis ng malayo ang binata.. Dahil walang makita ang kalaban bumanat si Ayesha ng madaming laslas, napabilib si Bea kaya sinubukan niya lumapit. Pinigilan siya ni Saturnino, “Mamaya ka na promise” sabi niya at sinugod ang higante. Nakaakyat sa likod ng higante si Ayesha at sinaksak ang kalaban sa balikat. Talagang binaon niya ng buo ang kanyang espada sabay tumawa ng napakalakas. Napasigaw ng malakas ang higante at muling nagwala. Napakapit ang dalaga sa leeg ng kalaban pero nahuli siya. “Ayesha!!!” sigaw ni Saturnino nang makita niyang ihahampas ng higante ang dalaga sa semento. Nanigas ang kamay ng demonyo at nagulat si Ayesha, ang bilis ng takbo ni Saturnino at nakita nung dalaga na sa lahat ng daliri niya may maliliit na itim na apoy. “Animal ka wag mo siya sasaktan!!!” sigaw ng binata at binaon ang kanyang kamay. sa dibdib ng kalaban. Sinakal ng matindi ng higante ang leeg ni Ayesha, gamit isang kamay niya nagpalabas ulit ng maliliit na apoy ang binata at sinaksak din sa loob ng dibdib ng kalaban. Nabitawan ng higante si Ayesha, binaon pa lalo ni Saturnino ang mga kamay niya pero agad siya napasigaw. “Ew!!! Kadiri!!!” Napaluhod na yung higante, “Bea dalian mo!!!” sigaw ni Saturnino. Nanginig pa yung. dalaga pero agad nilabas ang kanyang dalawang hunting knife saka sumugod. Nang. malapit na ang higante ay tumigil ang dalaga at muling nanginig. Yung isang kamay ng. higante umangat, mabilis napatigil ito ni Saturnino gamit ang kanyang isip. “Dali na!” sigaw niya. Tinignan ng masama ni Bea ang kalaban saka dahan dahan sinaksak ang isang kutsilyo sa tagiliran niya. Napasigaw ang higante sa sakit, natuwa yung dalaga at dahan dahan ulit sinaksak ang isang kutsilyo niya. Hinugot ni Bea ang mga armas niya sabay lumipat sa likod ng kalaban at doon naman nagsaksak. “Hoy kailangan pa ba talaga yan?” bulong ni Ayesha at napangiti si Saturnino. “Hayaan mo na, para naman di niya isipin na wala siya silbi. Tutal wala naman na laban tong higante e, so chillax” sagot ng binata. Hinayaan nung dalawa si Bea, pagkalipas ng isang minuto ay nagiging abo na ang higante dahil sa pagkain sa kanya ng dakilang itim na apoy. Lumayo ang dalaga at nakitabi sa dalawang kasama niya, nagulat nalang sila nung biglang nawala ang kalaban kaya napatingin si Ayesha kay Saturnino. “Ano ginawa mo?” tanong niya. “Wala ha, di naman ganon dapat pero bakit siya nawala?” sagot niya. “Nakateleport siya palayo, hayaan mo na wala naman makakapigil sa apoy mo so mission accomplished” sabi ng demonyong dalaga. Tinago ni Bea ang mga armas niya at nagtungo sa pinto ng bodega. “Nandito nga yung mga bata!” sigaw niya kaya agad sila pumasok. Isang dosenang mga bata ang nakagapos at nakahiga sa sahig, agad nila pinakawalan isa isa habang si Bea kakaiba ang kilos niya. “Alam niyo ba may reward para sa mga makakapagbigay ng impormasyon sa lokasyon ng mga kids. Grabe yayaman na tayo. Hati tayo tatlo” bigkas niya. “Bea isipin mo din sana magulang nila at kinabukasan ng mga batang ito” sabi ni Saturnino kaya napasimangot ang dalaga. “Wag mo problemahin ang pera Bea, may naisip ako para kumita. Problemahin muna natin tong mga kids, pano natin sila ibibigay sa pulis” sabi ng binata. “Easy, tawag tayo sa media. Tawagan natin yung crush mo” sabi ni Ayesha. “Crush ko?” tanong ni Saturnino. “Ah oo si Jamie Cruz” landi ni Bea. “Hello! Hindi ko crush yon!” reklamo ng binata. “Sus pag siya ang nasa TV di mo maalis mga mata mo, at hindi ka pwede magsinungaling kay Bea” sabi ni Ayesha. “Yup, ramdam ko ang iyong paghanga pag siya ang nakikita mo” sabi ng taga hilom kaya napangisi nalang si Saturnino. “E ano crush lang naman. Normal lang naman yon ano” sabi niya. “O kaya nga bakit ka defensive? Tawagan mo na” sabi ni Ayesha. “Hindi ko naman alam number niya e” sabi ni Saturnino. Nilabas ni Bea ang phone niya at namangha ang binata. “Gabi naman siya lagi nagrereport, its only ten so try natin Twitter niya” sabi ng dalaga. “Saturnino I have an idea” sabi ni Ayesha. “Ano yon?” tanong ng binata. “Burahin mo memorya ng mga bata kasi nakita tayo. Tapos bulungan mo sila at sabihin mo si Antonio ang lumigtas sa kanila” sabi ng dalaga. “Aha oo nga para kung sakaling nanonood ang mga kalaban ay malalaman nila talagang naglilinis na daddy ko. Tapos hindi nila malalaman na ako pala yon” sabi ni Saturnino. “O ayan! Na follow ko na siya, sana mabasa niya yung tweet ko sa kanya” bigkas ni Bea. “Ibigay mo number mo para tumawag siya dito” sabi ng binata. “Ah ganon? At ikaw kakausap?” sabi ni Ayesha. “Siyempre kasi Antonio nga diba? Alangan naman na babae si Antonio, diba?” landi ni Saturnino. Ilang minuto tumawag nga ang reporter. Nahirapan pa si Saturnino sa pagkumbinsi kaya pinakausap ang isang bata. Pagkababa ng phone ay agad nagtago yung tatlo, wala pang sampung minuto dumating na ang television crew kasama ang ilang mga patrol car. Pumasok sila lahat sa bodega at natagpuan ang mga bata. Si Jamie Cruz pumwesto sa isang tabi at nagsimula magreport sa harapan ng kanyang camera man kaya si Bea agad kinalbit si Saturnino at bumulong. “Tawagan mo siya” sabi niya. Habang nagrereport si Jamie at nagring ang telepono niya. Nagdadalawang isip pa yung reporter pero sinagot naman ang telepono. “Eto po makakausap ko yung mga lumigtas at nagturo sa lokasyon nga mga bata…hello” sabi ng reporter. Tuwang tuwa si Ayesha at Bea at napakapit sila kay Saturnino. “Hello, naniniwala ka na ba sa akin?” bigkas ng binata sa napakababang boses kaya nagpigil ng tawa ang dalawang dalaga. “Oo pero bakit ayaw mo magpakita para mabigyan ka parangal at yung reward money?” tanong ni Jamie. “Hindi namin kailangan ng pera, nais lang namin makatulong. Kung mapilit ang mga nagbibigay ng reward money pakitanggap nalang at idonate sa mga bahay ampunan. Wala akong pakialam kung ipangalan mo sa sarili mo ang importante mapunta sa mga nangangailangan ang pera” sagot ng binata. “Talagang hindi ka ba pwede magpakita?” tanong ni Jamie. “Pwede pero isang kondisyon. Wag niyo itutok ang ilaw” sabi ni Saturnino. Pumayag ang reporter kaya agad nagteleport ang tatlo sa rooftop ng bodega. Pumorma naman yung tatlo na parang siga, “Dito sa bubong ng bodega” sabi ng binata. Agad tumingala si Jamie, hinila niya camera man niya para itutok ang camera sa taas. “Tatlo lang kayo? Pero nasan na yung mga salarin?” tanong ng reporter kaya agad pinatay ni Saturnino ang phone, nagpausok siya ng itim para agad sila makateleport paalis. Sa may condo nagsasaya ang dalawang dalaga habang si Saturnino naupo sa sofa at napaisip. “Oo nga no, pano natin ipapaliwanag yung mga kalaban? Maling ideya ata yung pagtawag natin ng pansin sa media” bigkas niya. “Ikaw kasi pinatakas mo yung mga taong kasama nung demonyo pagkatapos mo bulungan” sabi ni Bea. “Oo nga, siguro dapat maparusahan din sila, well I mean dumaan sa hustisya” sabi ni Ayesha. “Oo nga tama. At least now alam natin gagawin natin. Ang problema iisipin nila panay galamay nalang ang nahuhuli at hindi mastermind” sabi ng binata. “E ano gusto mo? Matakot ang buong bansa? Aaminin natin na nagkalat ang mga bad demons?” tanong ng dalagang demonyo. “Wala maniniwala, iisipin lang na naka drugs tayo at hello mabait na demonyo at masamang demonyo? Kung ako nahirapan maniwala e pano pa sila?” tanong ni Bea. “Hay ewan ko. Bahala na muna. Grabe itong nakaraang linggo yung nakalaban natin kanina ang pinaka grabe. Parang palakas sila ng palakas” sabi ni Saturnino. “Well wag lalaki ulo mo ha, gumagaling ka naman” sabi ni Ayesha. “Yup tama siya, you seem more confident and brave. Tapos nakasali narin ako sa wakas!” sabi ni Bea sabay tumawa na parang demonyita. “Isang lang problema, kailangan mo talaga ilabas tunay mong kapangyarihan. Tignan mo panay malapitan na laban kaya mo e. Umaasa ka sa kamao mo” “E pano na kung may kalaban na iba ang kapangyarihan tapos di mo kaya lapitan.. Tapos kailangan mo talaga magpalabas ng mga armas e, wag ka umasa masyado sa mga kamao mo” sermon ni Ayesha. Napakamot si Benjoe at nahiga sa sofa, “Good night na, pagod ako today” sabi lang ng binata. Nagsipuntahan narin yung dalawang dalaga sa kanilang kwarto habang si Saturnino pinagmasdan ang mga kamay niya, sa limang daliri na niya kaya magpalabas ng dakilang apoy kaya napangiti siya at pinikit ang kanyang mga mata. Ang mahimbing niyang tulog nasira dahil sa ingay ng tilian at pagyugyog sa kanya nung dalawang dalaga. Dahan dahan niya minulat mata niya, nakasindi ang telebisyon at pinipilit siya maupo nung dalawa. “Ayan na siya o! Breaking news pala to kanina e bale replay na to” sabi ni Bea. “Sshhhh wag ka na maingay” sabi ni Ayesha. Nag inat si Saturnino at napangiti nang makita niya ang crush niya sa telebisyon na magsisimula magreport. “Nandito ako ngayon sa isang bodega dito sa may pier at nakikita niyo sa likod ko na natagpuan na ang mga nawawalang nakidnap na mga bata. Halos dalawang lingo narin ang lumipas mula nung madukot itong mga bata. Kanina po lamang nakatanggap tayo ng tawag sa isang nagngangalang Antonio at sinabi niya sa akin na ligtas na ang mga bata at pwede na sila sunduin dito…” “Eto po tumatawag siya…hello. Oo pero bakit ayaw mo magpakita para mabigyan ka parangal at yung reward money?...Talagang hindi ka ba pwede magpakita?... O magpapakita daw basta wag gamitin ang ilaw, patayin mo yan…hello? Doon sa taas o ayun o dali! Tatlo lang kayo? Pero nasan na yung mga salarin?...hello?” “Ayun po naputol ang linya, sila po yung mga lumigtas daw sa mga bata pero hindi pa matukoy kung nasan yung mga salarin. Binanggit ko kanina ang tungkol sa reward money pero ang sabi ni Antonio ay hindi daw nila kailangan yon at gusto lang nila tumulong. Pero daw pag ipipilit ang pagbibigay ay idonate nalang daw ito sa mga bahay ampunan” Di makatigil sa pagtili ang mga girls pagkat pinakita muli ang kuha sa kanila sa screen. Madilim nga masyado at tanging nakikita ay tatlong tao na nakatayo sa bubong na siga ang asta. “Oh my God grabe ang astig o!” sigaw ni Bea. Naaliw si Saturnino pagkat ramdam niya na talagang tuwang tuwa ang dalawa. Sa susunod na eksena ay nasa police station na ang mga bata at sinsundo na sila ng mga magulang nila. Madamdamin ang mga eksenang napanood nila, nanahimik yung dalawang dalaga at napayakap sa binata. “It feels good” bigkas ni Bea. “Oo nga e, look at them” sabi ni Ayesha. “Di natutumbasan ng pera yan. Pag tinanggap mo yung reward money mabubura ang ginawa natin at magmumukha tayong pera. Pero ang sarap talaga sa pakiramdam no” sabi ng binata. “We really should do it again, I mean call her after we defeat a demon” sabi ng taga hilom. “Oo nga pero para ipakita na seryoso tayo kailangan mas madami tayo matapos” sabi ni Ayesha. “Buti nabanggit mo yan. May ideya ako e. Kailangan natin maghiwalay. Ako mag isa tapos kayo magkasama” sabi ni Saturnino. “Ano?! Di namin kaya pag wala ka” sabi ni Bea. “Relax, kasi pag magkakasama tayo naghahanap konti lang matatapos natin. So pag magkahiwalay tayo doble ang mahahanap natin. Ako tatapos sa kalaban tapos tatawagan si Jamie then didiretso ako sa inyo. Pagdating ko don iligpit ko kalaban tapos hiwalay ulit para maghanap” paliwanag ng binata. “Pero kailangan mo din kami e” sabi ni Ayesha. “Oo pero may naisip din ako. Sabi mo gamitin ko kapangyarihan ko. Konti palang kaya pero I can be invisible” sabi ni Saturnino sabay ngisi. “Oo nga no! Tapos hindi ka nila mapapansin” sabi ni Bea. “Gets ko na, patraydor ka aatake ganon?” sabi ng dalagang demonyo. “Yeah it’s the only way. They wont see me coming so mabilis ko sila mapapatay. Wala pang isang minuto tapos na ang laban” paliwanag ng binata. Napaisip yung dalawang dalaga at nagsimangot. “Pag pumalpak ako tatawagan ko kayo if I need help. Okay ba sa inyo?” hirit niya. “Yeah okay lang pero kinakabahan ako para sa iyo. What if malakas talaga yung kalaban?” sabi ni Ayesha. “Wag ka mag alala hindi na ako maglalaro. Isa lang goal ko, ang mabilis na pagligpit sa kanila” sabi ni Saturnino. “Hmmm okay then pero bakit mo ngayon lang naisip yan?” sabi ng dalaga. Natawa yung binata at napakamot, “E alam mo na yung tinatawag na superhero. complex. Gusto makipagbakbakan para ipakita malakas pero mahirap din pala. Bakit ko. pa haharapin kung may mas madaling paraan. Kahit sabihin na duwag ako wala na ako paki basta maubos ko sila” sagot ng binata. “Good idea yan, imagine Jamie will be busy at sure na mababalitaan ng kalaban. Matatakot sila at dahil sa takot at pressure magkakamali sila tapos daddy mo na bahala sa kanila. Ang nagtataka lang ako ha, bakit hindi pa mahanap ng daddy mo yung parang boss nila? Ganon ba talaga sila kadami?” sabi ni Bea. “Ewan ko basta alam ko pag makabawas tayo ng maraming kalaban niya mas dadali trabaho niya at gaganda ang buhay” sabi ng binata. “So when do we start?” tanong ni Ayesha. “Now na! Kasi remember evil does not rest pero mamaya na at gutom ako” sabi ni Saturnino kaya pinagtawanan siya ng mga dalaga. Tatlong gabi ang lumipas at si Jamie Cruz nasa tapat ng isang malaking bahay sa isang pribadong residential area. Madaming mga pulis ang nasa paligid at kinokordon ang lugar. “Nakikita niyo naman na isa isa nang nilalabas ng mga pulis ang karton karton ng mga droga at yung mga suspect ay nakaluhod lahat sa may kalsada. Tayo nanaman ang nakakuha ng exclusive report dahil sa pagtawag ulit sa atin ni Antonio” bigkas ng dalaga pero sumenyas siya sa kanyang camera man para tumigil. “Teka mali ata, isulat ko lang saglit para mas maganda ang labas” sabi niya. Sumandal sa van ang reporter sabay nagsulat sa kanyang notebook. “Magpasalamat tayo…mali…di pa natin alam kung vigilante group…mali mali” bigkas niya. “Youre welcome at hindi kami vigilante group, gusto lang namin makatulong” biglang may bumulong. Nagulat si Jamie at paglingon niya nakatayo sa tabi niya si Saturnino na nakabalot ang mukha. Takbo agad ang binata sa kabila ng van, hinabol siya ng reporter pero bigla nalang nawala ang binata. Kinilabutan konti si Jamie pero napatingin nalang sa malayo at napangiti at nagsimula magsulat sa kanyang notebook. Sa may Makati pasulpot sulpot sina Bea at Ayesha sa mga rooftop ng mga building. Pagkalapit nila sa isang gimikan ay napansin ng demonyong dalaga ang malakas na dark aura. “Dali tawagan mo si Benjoe” bulong niya. “Saturnino nga daw e” sabi ni Bea. “Oo na basta tawagan mo dali, kasi yung dalawang lalake doon sa tapat mukhang car jacker o” sabi ng dalagang demonyo. Nilabas ni Bea ang phone niya, bago pa niya napindot yung call ay biglang natumba yung dalawang demonyo at nangisay. “O kayo na bahala don sa mga taong kasabwat nila ha” sabi ni Saturnino na nasa likod na pala nila. Nagsigawan sa gulat yung dalawang dalaga, pagharap nila nakaturo ang binata sa isang berdeng SUV na nagsisimulang umandar paalis. “Yon o mga tao lang laman non pero kasama nila. Ikaw na bahala sa kanila Aye tapos tawagan niyo narin si Jamie. Sige ingat kayo ha” sabi ng binata at agad nawala. “Hoy! Wag mo kami gugulatin!” sigaw ni Ayesha. “Grabe pabilis siya ng pabilis ha. At pano niya nalaman na dito natin siya tatawagin?” sabi ni Bea. Sumulpot muli si Saturnino at hinalikan ang mga dalaga sa pisngi. “Syempre naman di ko naman kayo papabayaan ano. Lagi ko kayo sinusundan pag may time ako. Sige na just call me or I call you” sabi ng binata at nawala ulit siya. Sabay pang napahaplos sa kanilang pisngi ang dalawang dalaga. Napangiti sila pareho at napahanga sa binata. “Uy yung mga kasama ng demons” sabi ni Bea. Paglingon nila malayo na yung sasakyan pero bigla ito tumigil at bumaliktad. Sumulpot si Saturnino at kinawayan yung dalawa. “Tara na dali baka magalit siya” sabi ni Ayesha. “Uy youre blushing sis” tukso ni Bea at biglang tumaas ang dalawang kilay ng demonyong dalaga. “Ahem at bakit ka nagblublush din?” tanong niya. Natawa nalang ang taga hilom at tumalikod, “Dali na tara na kasi” bigkas niya. Isang oras ang lumipas sa may taas ng isang gusali sa Pasig nagpahinga si Saturnino. “O sige balik na kayo sa condo, see you later” sabi niya sa phone. “Sorry ha kasi inaantok na daw si Bea e. Gusto mo pagkahatid ko sa kanya puntahan kita?” tanong ni Ayesha. “Hindi na, pauwi narin ako siguro mamaya. Ingat parin kayo ha” sabi ng binata at pinatay na ang telepono niya. Napahiga ang binata at pinagmasdan ang mga ulap sa langit. Ilang sandali lang nakaramdam siya ng madaming dark aura, agad siya bumangon at tumingin sa baba. May isang grupo ng mga lalake ang tinipon ng isang magandang. babae, tinalasan niya ang pandinig niya at nakita niyang madaming babae ang naglabasan mula sa isang motel at sumakay sa tatlong van. May mga taong nakabantay sa bawat sasakyan at pansin niyang may tinatago silang mga armas. Yung mga lalake may inaabot na pera sa magandang babae kaya di nagdalawang isip ang binata at alam agad na prostitusyon ang kanilang kalakalan. Sumulpot si Saturnino malapit sa kanila at masaya siya pagkat hindi napapansin ng mga demonyo na nandon siya. “Malakas ata ang kita ngayon ah. Pero kulang pa ito. Maghakot pa kayo ng mga babae. Yung mga mas bata kasi mas mabenta mga yon. At piliin niyo naman yung may itsura lang! Nakita ko yung tatlo diyan ang pangit! Buti may pumatol pa sa kanila. Itapon niyo na yung tatlo na yan at bukas rumonda kayo sa mga kolehyo at high school para kumuha ng mga kapalit” sabi ni Fortea. “Pero madam nakakatakot na kasi si Antonio ang bilis kumilos. Baka kami na ang isunod niya” sabi ng isang lalake. “Oo nga madam, di niyo ba nabalitaan kanina yung supply natin ng droga sa isang siyudad, yung carjacking business natin sa Makati, yung smuggling natin pinatos niya lahat. Di pa kasama don yung mga small time business natin. Kwarenta lahat ang tinira ni Antonio ngayong gabi lang” dagdag nung isa. Nagliyab ang mga mata ng dalaga at huminga ng malalim. “Hindi kayo matatakot, ipagpapatuloy niyo lang ang ating mga kalakaran” bulong niya. Nawala ang takot sa mga lalakeng demonyo, ramdam ni Saturnino ang lakas ng dalaga pagkat muntikan na siya nabihag sa kapangyarihan ng taga bulong na kalaban. “Di niyo na kailangan ibalita sa akin ang mga masamang balita dahil kanina natambakan ang kampo ng mga patay na katawan ng ating mga kasama. Inaayos pa ni Armina ang lahat, nakita niyo naman bago mamatay e nagteteleport pabalik sa kampo pero patay din lang kaya palpak si Armina” sabi ni Fortea sabay tumawa ng malakas. “Bweno wag kayo matakot kay Antonio, si Basilio ang bahala don. Basta ituloy niyo ang kalakal natin, palawakin niyo pa dapat. Uubusin natin ang pera ng mga tao, madami tayong pamilya ang mga sisirain, lalakas tayo sa paglaganap ng kasamaan! Yan ang utos ni Basilio” sabi ng dalaga. Nag init na si Saturnino, alam niya na itong dalaga ay malapit sa kalaban ng kanyang tatay kaya agad siya umaksyon. Dalawang daliri niya sinaksak niya sa leeg ng dalawang lalakeng katabi niya. Nagsigawan yung dalawa at bumagsak sa lupa. Gulat na gulat si Fortea pero agad siyang pinalibutan ng mga lalakeng demonyo. “Sino yon?! Nasan siya?! Paalisin na yung mga van patakas dito!” sigaw niya. “Ewan ko po madam” sagot ng isa pero agad sinaksak ni Saturnino ang limang daliri niya sa dibdib ng lalake. Bagsak din siya sa lupa kaya natakot na ang dalaga pagkat hindi niya maramdaman ang kanilang kalaban. Hindi umalis yung mga van at tila nanigas naman ang mga armadong lalake na nagbabantay. “Palibutan niyo ako!” sigaw ni Fortea. “Madam alis na po kayo” sabi nung isa. “Ogag! Masusundan niya ako at malalaman na ang kampo natin! Wag niyo ako papabayaan!” sabi ng dalaga at napakapit siya sa dalawang lalakeng katabi niya. Lahat sila napapalingon sa paligid habang si Fortea nilabas ang kanyang nagbabagang pana. Nagwala ang dalaga at tira ng tira kahit saan, mabilis kumilos si Saturnino at kinakalbit ang pinsgi ng taga bulong. “Bwisit ka! Magpakita ka!” sigaw niya. Napaisip si Saturnino, agad niya pinuntahan ang mga napatay niyang kalaban at ginawa silang invisible sabay binilisan ang pagkain sa kanila ng kanyang apoy bago pa sila magteleport pabalik sa kanilang kampo. Nang nabura na niya ng tuluyan yung tatlo agad niya pinatumba yung dalawa pa. Tinago ulit niya at pinabilis ang kanyang apoy. Paulit ulit niya itong ginawa hanggang sa mag isa nalang si Fortea. “Hayop ka! Halika ka! Sundan mo ako pabalik sa kampo! Para doon harapin mo si Basilio!” sigaw ng dalaga at nagpakawala ulit ng mga tira. Tumayo si Saturnino sa likod ng dalaga at niyakap, dinikit niya ang isang daliri niya sa leeg ng dalaga pero biglang sumulpot si Ayesha. “Benito! Wag mo siya papatayin!” sigaw niya. Gulat na gulat si Saturnino pero agad niya nabasa ang isipan ng dalaga. Bumitaw ang binata at tumayo sa tabi ng kanyang kasama. “Sige makakalaya ka na” sabi ni Ayesha sa kalaban. “Sino ka? Nasan yung kasama mo?” tanong ni Fortea. “Wala kang karapatan magtanong, sinalba ko ang iyong buhay. Nais ko kausapin si Basilio, nasan siya?” sabi ni Ayesha. “Sino ka muna!?” sigaw ng taga bulong sabay napangisi, mabilis na gumalaw si Saturnino at agad nilapitan ang kalaban at tinutok ang isang daliri sa leeg ng dalaga. Sinampal ni Ayesha si Fortea at tumawa ng malakas. “At balak mo pa gamitin ang kapangyarihan mo sa akin? Oo alam ko taga bulong ka pero bago ka makapagbigkas ay puputulin ng alagad ko ang ulo mo. Kaya tatanungin ulit kita, nasan ang kampo?” sabi ng dalaga. Napalunok si Fortea pagkat dumidiin ang pagbaon ng daliri sa kanyang leeg, nagmatigas pa siya kaya bumitaw agad si Saturnino at lumapit kay Ayesha para bumulong. Napangisi yung dalaga at hinaplos ang pisngi ng kalaban niya. “Fortea pangalan mo, sabihin mo kay Basilio na bibisitahin ko siya isang araw at mag uusap kami. Wag ka na mag aalala at alam ko na nasan ang kampo” sabi ni Ayesha. “Pagbabayaran mo to animal ka!” sigaw ng kalaban at bigla siya nasampal pero hindi niya alam saan galing. “Wag mo ako mamaliitin Fortea, makapangyarihan ako kaya mas gusto ni Basilio na maging alagad ako kesa kalaban. Sabihin mo sa kanya bibisitahin siya si Ayesha. Layas na!” sigaw ng dalaga at sa sobrang takot agad nawala si Fortea. Naghintay pa sila ng ilang segundo tapos lumitaw si Saturnino. “Nice plan ha, pero bakit mo ako sinundan?” tanong niya. “I was worried” sagot ng dalaga. “Hay naku Aye, don’t do that again okay? Pero im glad you did kasi maganda yang plano mo. Alam na natin ang kampo nila” sabi ng binata. “Oh you see e di good plan, at nag aalala lang naman talaga ako sa iyo no kaya kita sinundan” sabi ng dalaga. “Ikaw naman o pinapatibok mo naman demon heart ko, hahalikan na kita diyan e” biro ng binata. Natuliro si Ayesha at naglakad palayo. “Ah eh yung mga tao o unfreeze mo na” sabi niya. “Ay oo nga, teka tawagan muna natin si Jamie. Patulong narin pala sa pag brainwash mga guys, yung mga girls hayaan mo na sila” sabi ng binata. Sa isang coffee shop na malapit nakaparada ang news van. Pabalik na sa sasakyannsi Jamie pero napatigil nang makita ang isang lalake na hawak sa ulo ang tila naninigasnna armadong lalake. Nakita niya na nagliliyab ang mata nung isa sabay bumitaw sa armas naman yung isa. Nahiga paharap ang armadong lalake sa semento, yung isang lalake naglabas ng phone at may tinatawagan. Nagring ang phone ni Jamie kaya nabitawan niya ang kanyang kape sa takot. Dahan dahan niya sinagot ang phone niya at todo na nanginig. “Hello?” bigkas niya. “Hi Jamie! Its me! May nahuli kaming mga nagpapatakbo ng prostitusyon. Exclusive ka nanaman ha, o sige na tawagan mo na ang mga kailangan tawagan” sabi ni Saturnino. “Aah..ehh saan ka ba?” tanong ng reporter. “Ay oo nga pala no, dito sa may Pasig, sa tapat ng Paraiso sa Lupa motel” sabi ng binata at talagang natakot na si Jamie pagkat tumawa pa yung boses sa telepono at nakikita niyang tumatawa din yung lalake sa malayo. “Antonio…ano ka ba talaga?” tanong ng dalaga. “Ha? Anong klaseng tanong yan? Di kami vigilante, gusto lang namin makatulong para pagandahin ang bansa natin. Sana naman wag mo kami tawagin na vigilante kasi pag ganon tutugisin kami ng pulis. Pag nangyari yon mapipilitan kami tumigil” sabi ng binata. “Ayaw mo ba mabuhay ng maayos?” tanong ni Saturnino. “Gusto syempre” sabi ni Jamie. “O yun naman pala e. Gusto din namin yon kaya kami tumutulong. Kaya wag ka na matakot sa akin, ramdam ko takot sa boses mo e. Di naman ako nanakit, o sige na tawagan mo na ang mga pulis gusto ko narin magpahinga. Pagod ako ngayong gabi. Sorry ha lagi ikaw tinatawagan namin, gastos sa gas ano? Pero siguro sulit naman kasi panay ang exclusive niyo. Bye!” sabi ng binata. Di malaman ni Jamie ang kanyang gagawin dahil sa nakita niya. Huminga siya ng malalim at agad tumawag sa police station. “Ano Jamie balik na tayo?” tanong nung driver na kababalik lang galing sa coffee shop. “Hindi, may exclusive nanaman tayo diyan lang o” sabi ng dalaga. “Nice!” bigkas ng camera man at agad sumakay sa van. Napangiti nalang si Jamie at sinikreto muna ang kanyang nakita. Pagkasakay ng dalaga sa van ay napatingin siya sa malayo. “Ano ka ba talaga?” bigkas niya. “Ano yon?” tanong nung driver. “Ah wala sige na doon lang o paparating narin yung mga pulis kaya paunahin natin sila konti pero mag set up na tayo” sabi ng dalaga. Samantala sa condo ni Ayesha pingot pingot ng dalaga ang tenga ni Saturnino. “Ang sweet sweet mo naman makiusap sa kanya” sabi niya at tumatawa lang yung binata. “Hello! Phone lang yon no at pinagtatanggol ko lang grupo natin” palusot niya. “Nagmana ka talaga sa tatay mo! Babaero ka!” sigaw ni Ayesha. Hinalikan ni Saturnino sa pisngi ang dalaga at bigla ito napatigil. “Good morning Aye, tara sleep na” bulong ng binata. Hinaplos muli ng dalaga ang pisngi niya habang pinapanood ang binata mahiga sa sofa. “Akala mo madadaan mo ako sa halik ha” bigkas ni Ayesha. “Pag hindi ka tumigil hahalikan kita sa labi” banta ng binata. Nawindang nanaman ang utak ng dalaga, di alam kung ngingiti o hihirit sa pagbubunganga. “Sleep tight Benjoe” bulong niya sabay pumasok sa kanyang kwarto. Pinikit niya mga mata niya at sumandal sa may pinto, di na niya napigilan ang ngiti niya pero bigla siyang nakaramdam ng mga labi sa kanyang labi. Agad niya minulat ang mga mata niya pero wala naman tao doon. Agad siya lumabas ng kwarto at sinilip si Saturnino sa sofa. Mahimbing ang tulog ng binata kaya napakamot nalang Ayesha. Bumalik siya kwarto at masaya siyang nahiga sa kama niya at tinawanan ang sarili. “Akala ko totoo na” bulong niya sabay pinikit ang kanyang mga mata. Sa salas nakangiti ang binata, “Totoo naman e” bulong naman niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD