Kapanganakan

4698 Words
Isang sabado ng umaga sa may condo ni Ayesha masayang sila nag aalmusal. “O Benjoe why are you not eating?” tanong ni Bea. “Ah tama na tong juice at one piece of bread kasi inenroll ako ni Aye sa gym” sagot ng binata. “Gym? Bakit ka mag gym?” tanong ng taga hilom. “E kasi weak siya. Tapos ang hina ng resistensya” sabi ni Ayesha. “Oo nga e, gusto ko yung isang suntok ko sana durog yung mukha ng kalaban. Tapos kailangan ko talaga palakasin resistensya ko” sabi ni Benjoe. “Baka naman hindi ka pa sanay sa demon powers mo kaya ganyan” sabi ni Bea. “He does not know how to use it actually” singit ng dalaga demonyo. “Oo na oo na, sinusubukan ko naman pero ayaw talaga e” sabi ng binata. “O yan pa isang problema may psychopathic powers siya at madali magalit” dagdag ni Ayesha. “Alam mo Benjoe dapat you should be able to take criticism, wag ka umangal kasi at least alam mo ang mga weakness mo” sabi ni Bea. “Alam mo Beatrice hindi kita maintindihan. Minsan ang bait bait mo tulad ngayon, may mga oras na ang sama ng ugali mo tulad ni Aye. Kakampi ba kita?” biro ng binata. “At ikaw? Hilaw na demonyo? Abnoy na demonyo! Oy wala pang demonyo na ginagawang santo ano! Wag ka na magbait baitan” sermon ng taga hilom at natawa si Ayesha. “Whatever, sige na excited ako mag gym. See you two by lunch” sabi ni Benjoe sabay dinaanan yung dalawa at pinaghahalikan sila sa pisngi. “Ganyan dapat!” biro ni Ayesha at tawa ng tawa si Bea. Nakaalis na ang binata kaya agad nagtungo ang dalawa sa salas. “Game na habang wala siya turuan mo na ako” sabi ni Beatrice. “Bakit pa kasi gusto mo matutong lumaban? Nandito naman kami” sagot ng dalagang demonyo. “Aside from nagagamot ko kayo I feel useless. Turuan mo lang ako sumuntok o sumipa. Ganon lang o kaya teach me naman mga weak points ng demonyo para pag sinugod din ako alam ko gagawin ko” sabi ng taga hilom. “Sus di mo rin magagamit kasi sisigaw ka lang at uupo tulad nung isang gabi” sabi ni Ayesha. “Kaya nga turuan mo ako e. Nakakatakot naman kasi talaga pero pag alam ko gagawin ko at least naman makatulong ako konti” sabi ni Bea. “Wala kwenta ang suntok at sipa mo, kailangan mo ng armas. Turuan nalang kita humawak ng kutsilyo” sabi ng demonyong dalaga at natuwa naman ang taga hilom. Pagsapit ng tanghali nakaluto na yung dalawa at biglang sumulpot si Benjoe na nakangiti. “O how was it?” tanong ni Bea pero hindi sumagot ang binata at nakatayo lang. “Sus maupo ka na para makakain na tayo” sabi ni Ayesha. Nakaupo na yung dalawang dalaga pero si Benjoe nanatiling nakatayo at di gumagalaw. “Hoy ano pa tinatayo tayo mo diyan?” tanong ng taga hilom. Dahan dahan naupo si Benjoe at slow motion na naupo. Pagkahawak niya ng kutsara at tinidor ay nanginig ang kanyang mga kamay. Agad tumabi si Bea at pinindot ang dibdib ng binata. Napasigaw sa sakit si Benjoe kaya agad lumapit si Ayesha at nakipindot din. Namilipit sa sakit ang binata habang pinagtritripan siya ng dawalang dalaga. “Please tama na masakit sobra” makaawa ng binata pero lalo lang siya kinawawa nung dalawa. Pagkatapos ng trenta minutos ay tumigil ang mga dalaga at sinubuan nila ng pagkain si Benjoe. “Uy salamat talaga ha. Grabe ang sakit ng buong katawan ko halos di ako makagalaw” sabi niya. “I think I can heal you” sabi ni Bea. “Wag! Hayaan mo siya. Arte arte nag gym pa kasi kaya hayaan mo siya. No pain no gain ang motto sa gym diba?” sabi ni Ayesha. “Actually tama si Aye, bale nabigla lang muscles mo kaya ganyan. So deal with it” banat ni Beatrice at nagulat si Benjoe. “Kanina ang bait mo ngayon demon mode ka ulit” bigkas niya at pinagtripan nanaman siya ng dalawang dalaga. Isang lingo ang lumipas at sanay na ang katawan ni Benjoe. Dinala niya yung dalawa sa gym kaya medyo nagkagulo ang mga lalake doon. Sa isang pitik ng kamay nanigas ang ibang gym members at nagtungo ang binata sa may tread mill. “Bea I need your help. Matagal ko na iniisip ito e. Tatakbo ako sa hanggang kaya ko, pag pagod na ako touch my back para bumalik lakas ko. O diba? Para super training ito” sabi ng binata. “Masyado ka na nawili sa mga sine na ganyan. Akala mo naman porke tinuruan minsan expert na agad sila. Nag exercise lang minsan at patakbo takbo kunwari tapos ang lakas lakas na daw nila” sabi ni Ayesha. “Actually mukhang tama siya sis. Bale we do get tired and when we do our body does not function well already and we feel week kasi ubos na energy natin. What he is trying to do is train faster this way. Kaya ko ibalik lakas niya tapos magagamot ko pa mga muscles niya” sabi ni Bea. “Okay fine pero bakit pa tread mill napili mo?” tanong ng demonyong dalaga. “Ito ang pinakamabilis na paraan para tumaas resistensya ko e tapos bibilis ako” sabi ni Benjoe. “Oh e pano naman yung pagpapalakas ng katawan mo?” tanong ni Bea. “Saka na muna yon, ito muna” sabi ng binata. Nagsimula na si Benjoe, pagkalipas ng trenta minutos ay pagod na siya kaya tinulungan na siya ni Bea. Dalawang oras ang lumipas at bumigay ang tread mill, bumitaw si Bea at biglang bumagsak sa sahig ang binata. “I cant feel my legs” bigkas niya kaya tawa ng tawa yung dalawa. Binuhat nung dalawang dalaga si Benjoe papunta sa bench press. “O upper body naman” sabi ni Ayesha. “Aye di ko maramdaman mga paa ko” sabi ni Benjoe. “Ah shut up ka diyan, sige buhat” utos ng dalaga. Nag buhat si Benjoe at pagkatapos ng tatlong repeptition ay di na niya kaya. Tinulungan nanaman siya ni Bea kaya umariba nanaman siya sa pagbuhat. “Sige pa! Kaya mo pa yan!” sabi ng dalaga kaya pagkatapos ng benteng repetition ay tamlay na tamlay si Benjoe. Pagbalik nila sa condo nakahiga lang ang binata sa sahig at pinagtatawanan siya ng dalawang dalaga. Pitong araw na ganon na katinding training ang sinagawa ni Benjoe sa tulong nung dalawa. Sa ikawalong araw nagdesisyon siya magpahinga muna kaya yung dalawang dalaga namasyal sa mall habang si Benjoe binisita ang girlfriend niya. Sa bahay nina Maya masayang nakaupo si Benjoe sa sofa habang nanonood sila ng telebisyon. Biglang nagulat si Ricardo at napatayo, “Yan yung kotse na bumangga sa amin o!” sigaw niya. Lumapit sa salas ang asawa niya at napayakap kay Maya. “Yan nga” bigkas niya. “Oh wow it seems they had an accident” sabi ng dalaga. “Shhhhh quiet” sabi ng tatay niya at pinakinggan nila ang news. “Nandito tayo ngayon sa Mc Arthur Highway at sa likod ko nakikita niyo ang wasak na wasak na kotse. Hindi pa alam ng mga awtoridad ang eksaktong nangyari sa kotse pagkat walang mga witness ang nakakita sa aksidente. Ang nakakapagtaka ay sunog ang loob ng sasakyan at mukhang naabo ang mga nakasakay dito. Tuloy parin ang pagiimbestiga ng mga pulis at mga crime scene investigators para malaman kung ano talaga ang nangyari. Ito si Jamie Cruz nag uulat” Napailing si Benjoe at napangiti, alam niya na kagagawan yon ng kanyang ama. “That’s what you call karma” sabi ni Maya. “Anak wag naman ganyan, okay na sana yung nahuli sila o nakulong. Di naman natin gusto na nagkaganyan sila” sabi ni Ricardo. “Pero somehow it does feel good, on the other hand nakakaawa” sabi ni Marianne. “At least nabawasan ang mga masamang tao, grabe lately parang nagkalat na talaga ang mga demonyo dito sa lupa e” sabi ng dalaga at nanatiling tahimik nalang si Benjoe. “Anak nakwento mo na ba kay Benjoe yung nangyari sa atin sa mall?” tanong ni Ricardo at nagulat ang binata. “Ay oo pala the other day sa mall. Akalain mo someone tried to kidnap Mina. As in nakuha na nila siya buti nalang nagsisigaw si ate at si mommy” kwento ng dalaga. “Ano?! Nahuli ba yung kidnapper?” tanong ni Benjoe. “Sinubukan habulin ni dad at nung ibang tao pero biglang nawala e” sabi ni Maya. “Tapos yung school bus ng kapitbahay din daw sinubukan kunin ang lahat ng mga bata just yesterday” sabi ng nanay ng dalaga. Napahaplos si Benjoe sa kanyang noo at huminga ng malalim. “Kaya Benjoe sorry ha kung sinusundo ako ni daddy araw araw. Tapos imbes na mag date tayo dito nalang tayo sa bahay” lambing ni Maya. “Oo okay lang ano, ayaw ko din naman na may masamang mangyari sa iyo e” sagot ng binata. “Ei are you working out?” tanong ng dalaga at biglang hinaplos ang dibdib ng binata. “Oo nga napansin ko din kanina parang nag iba yung likod mo iho e. Mas naging broad ang shoulders mo at iba ang tindig mo” sabi ni Ricardo. Napangiti si Benjoe sabay pinasikat ang kanyang mga muscles sa braso. “Ah wala pa isang buwan” sabi niya. “Hala bakit ka pa nag gym?” tanong ng dalaga. “E gusto ko magpalakas para just in case kaya kita ipagtanggol” sabi ng binata at napayakap sa kanya ang dalaga pero agad din bumitaw pagkat nandon ang mga magulang niya. Naglakad lakad ang magnobyo sa may hardin, doon nagawang mayakap ni Maya si Benjoe. “Tell me the truth kung bakit ka nag gym” bulong niya. “Tulad nga ng sinabi ko kanina” sagot ng binata. “Alam mo mahal naman kita e kahit na di maskulado katawan mo. Did you do it because yung isang manliligaw ko dati e maskulado?” tanong ng dalaga. “Honestly Maya no, I just wanted to make my body ready just in case something bad happens pag magkasama tayo sa labas” sabi ni Benjoe. “Uy sorry talaga ha. Grabe medyo paranoid na kasi parents ko e. Namimiss ko na paghahatid mo sa akin pauwi. Grabe naman na kasi ang daming bad people na nagkalat. We cant even go out for a date” sabi ni Maya. “Okay naman na ako sa ganito e, ang importante yung kasama kita. Alam ko hindi ako ipag dinner ng parents mo dito kasi ayaw nila ako gabihin” sabi ng binata. “Ha? How did you know that? I was going to explain daw to you why” sabi ni Maya. “Ah eh kasi siyempre ganon naman parents mo masyado mabait at maalalahanin sa akin. Don’t worry I wont stay long. At least nakasama na kita okay na ako. One day Maya I will get rid of these bad people for us” sabi ng binata at natawa ang kanyang girlfriend. “Ows? Nag gym ka lang feeling mo super hero ka na ha” landi ng dalaga. “Oo seryoso ako. Siyempre gusto ko din naman na maglakad tayo sa mall holding hands tayo ganon. O kaya namamasyal tayo sa ibang lugar na tayo lang. Pero dahil sa madaming demonyo na nagkalat e di natin magawa” sabi ni Benjoe. “I don’t need you to be a superhero and do extraordinary things for me to love you. I just need you to be you” bulong ng dalaga. “But for you Maya I am willing to be one” sumbat ni Benjoe at napangiti si Maya. “Ilang araw tayo hindi nagkita?” tanong ng dalaga. “Hmmm di ko na alam e kaya sorry ha” sagot ng binata at agad niya hinalikan sa labi ang girlfriend niya. Ilang minuto na magkahalikan ang dalawa, ayaw nila bitawan ang isat isa. “Maya I promise you better days” bulong ni Benjoe. “I will count on that promise, mamimiss nanaman kita nakakainis” sagot ng dalaga. “Kaya nga e. Dibale para sa susunod na dalaw ko matagal ulit ang kiss” biro ng binata at nagtawanan yung dalawa. “May araw pa naman e” banat ni Maya at nagkatitigan yung dalawa at nagtawanan. “Oo nga no, maliwanag pa o” hirit ni Benjoe at agad tinuka ang dalaga sa labi. Naghabulan yung dalawa na parang bata. Ilang sandali lumabas narin si Mina at nainggit kaya pati siya nakigulo na. Pagkauwi ni Benjoe sa condo ni Art nagulat siya pagkat niyayakap ng bestfriend niya. si Kate habang umiiyak ang dalaga. “What happened?” tanong niya. “Pare she was almost r***d. Dito ka nga muna pare at may tatawagan lang ako” sabi ni Art. Niyakap agad ni Benjoe ang dalaga at sobrang napahagulgol si Kate. “Who did this to you?” tanong niya. “Niyaya ako ng classmate ko sabi kakain lang sa mall, sinama ko si Nina para may kasama ako. Habang kumakain nahilo ako bigla, pagkagising ko nakahiga ako sa kama tapos hinuhubaran na ako pero yung si Nina nirereyp na sa kabilang bed” kwento ng dalaga sabay hagulgol. Nag iinit na ang ulo ni Benjoe kaya pinikit niya mata niya para di makita ng mga kaibigan niya ang kanyang nagbabagang mga mata. “I really screamed loud tapos nasipa ko yung guy, ang pula ng mata niya. Tumalon ako sa window tapos tumakbo, buti nalang may mabait na pamilya na nakakotse at sinakay ako at hinatid ako dito” dagdag ng dalaga. “Next time sa pulis ka tumakbo muna!” sigaw ni Art. “Pare tumahimik ka nga! She ran here to you kasi ikaw ang sandalan niya at tagapagtanggol! Oo dapat sa pulis pero intindihin mo siya! Dito ka nga! Patayin mo yang telepono mo!” sigaw ni Benjoe at natakot ang bestfriend niya. “Benjoe ano gagawin mo?” tanong ni Kate. “Tell me where did they bring you?” tanong ng binata. “Hindi ko alam lugar na yon” sagot ni Kate at yumakap siya ng mahigpit kay Art. Pumitik si Benjoe at nanigas yung dalawa. Hinaplos niya ang pisngi ni Kate at binasa ang kanyang isipan. Nakita ni Benjoe ang buong pangyayari, nakita din niya ang itsura ng mga lalakeng salarin. Napansin ng binata ang mga sugat sa kamay ni Kate at ang iniinda niyang kamay kaya agad siya nawala. Sumulpot si Benjoe sa condo ni Ayesha at ramdam ng dalawang dalaga ang galit niya. Hinawakan ng binata ang mga kamay ng dalawa, “Sama kayo sa akin” sabi niya at dinala niya yung dalawang dalaga sa condo ni Art. “She was almost r***d pero buti nakatakas siya. Yung kaibigan niya hindi mapalad. Bea can you please heal her wounds tapos may bali ata kamay niya dahil tumalon siya sa bintana e” sabi ni Benjoe. “Bali? Di ko alam pag kayak o ha but I will try” sabi ng dalaga at agad nagtrabaho. Di mapakali si Benjoe at lakad ng lakad kaya niyakap siya ni Ayesha. “Alam ko ano nararamdaman mo kahit wala ako powers tulad ni Bea. Please calm down, sasamahan kita mamaya sa pagsugod mo doon” bulong niya. “Sasama ako, pero what about her friend?” tanong ng taga hilom. “Too late na tayo about that kasi kanina pa nangyari so hurry up there para mapuntahan na natin” sabi ng binata. “Di ko alam pag naayos ko bali niya. Tell them to have it checked nalang” sabi ni Bea. Ginawang invisible ni Benjoe ang dalawang dalaga sabay pinitik niya kamay niya. “Pare punta kayo hospital para ipacheck up kamay ni Kate. After that uwi kayo agad. Wag na kayo tatawag ng pulis at may kilala ako. Don’t wait for me kasi I will be late” sabi ni Benjoe at agad lumabas ng pinto. Diniretso ni Kate ang kamay niya at nagulat siya. “Art wala na yung sugat ko” sabi niya. “Ha? How did that happen?” tanong ng binata. “Tapos nagagalaw ko na kamay ko kanina kasi parang bali because I landed on my hand” sabi ng dalaga. Biglang sumulpot si Benjoe at mabilis na dinikit ang mgadalari niya sa noo ng kaibigan niya. “Ayan kasi nangibabaw ang galit. Wag mo hayaan mangibabaw ang galit kasi madami kang pagkakamali na magagawa. I told you to calm down” sermon ni Ayesha. “Oo na sorry na. I would act the same way if it happened to you two. Tara na” sabi niya at agad nawala yung tatlo. Tumayo si Art at inalalayan si Kate. “Tara na sa ospital” sabi niya. Sumulpot sina Benjoe, Ayesha at Bea sa harapan ng isang lumang bahay sa may Rizal. Nakita agad ng binata ang bintana na may bahid ng dugo kaya nagliyab agad ang mga mata niya. “I said calm down” sabi ni Ayesha. “Please wait for me here, di ako magtatagal” sabi ng binata at agad nawala. Nagtago sa isang sulok ang dalawang dalaga at parehong kinakabahan. “Lets follow him” sabi ni Bea. “Tsk oo nga e I am worried kasi ramdam ko sobrang galit niya. Baka iba iba magawa niya at magkamali e” bigkas ni Ayesha. Humawak si Bea sa kamay ng demonyong dalaga, “Tara sunod tayo” bulong niya. Agad nawala yung dalawa at sumulpot sa loob ng bahay. Tamihim sa loob kaya dahan dahan umakyat sa hagdanan ang dalawa. May dalawang kwarto sa second floor, walang tao sa una kaya nagtungo sila sa pangalawa. Napanganga sa gulat yung dalawang dalaga, nakita nila si Benjoe nakatayo lang at duguan ang mga kamay niya. Sa sahig nagkalat ang lasog lasog na katawan ng tatlong demonyo na buhay pa. Sa kama nakahiga ang hubad na katawan ni Nina, hindi makapasok ang dalawang. dalaga dahil umaapaw ang dark aura ng binata. “Bea nandito ka narin lang, gamutin mo. sila” utos ng binata. Agad nagtungo ang taga hilom sa kama pero hinila siya ni Benjoe. “Sila!” sigaw niya sabay turo sa tatlong demonyo na nasa sahig. “Benjoe!” sigaw ni Ayesha. “Heal them now!” sigaw ng binata kaya agad lumuhod si Bea at ginamot yung mga kalaban. Ilang sandali pa ay tinuro ni Benjoe si Nina. “Aye pakidamitan siya sa kabilang kwarto, Bea pakigamot din siya kung pwede. Tapos pakibura ang kanyang memorya” sabi ng binata. “Ano gagawin mo?” tanong ni Ayesha at nagulat nang makita ang itim na apoy na lumalabas sa mata ni Benjoe. “Hindi pa ako tapos sa kanila, please get her out of here quickly” sabi niya. Pagkalabas nung tatlong dalaga ay agad nagsara ang pinto at nakarinig sila ng napakatinding iyak. Kahit na demonyo ay takot na takot si Ayesha habang dinadamitan ang walang malay na Nina. Sinubukan naman gamutin ni Bea ang dalaga pero tumutulo na ang kanyang luha dahil sa takot. Hindi tumigil ang mga sigaw at iyak ng mga demonyo. Wala nang magawa ang dalawa kundi ipikit ang kanilang mata at hawakan ang mga kamay ni Nina. “He seems so angry” bigkas ni Bea. Napayuko si Ayesha at napahawak ng mahigpit, “Natatakot ako” bulong niya. Pagkalipas ng trenta minutos ay tumahimik muli ang buong bahay. Nagulat yung dalawa nang sumulpot si Benjoe sa likuran nila. “Bestfriend ni Kate yan. Alam mo ba pinapautangan ako niyan pero pag magbabayad ako lagi niya sinasabi na wala siya matandaan. Tignan mo ano nangyari sa kanya. Pwede mangyari ang mga ito sa lahat ng kakilala ko, lalo na sa mga importante sa akin. Pero makasariling pag iisip ito” “Paano na yung ibang tao? Mga di ko kilala, ganyan din nararanasan nila. Yung iba higit pa. Hindi ko na kaya itong mga nakikita ko. Ayaw ko mabuhay sa mundong ganito” sabi ng binata at napalingon yung dalawa sa kanya. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ni Ayesha. “Hindi sapat ang pagtulong natin sa tatay ko. Binigay sa kanya itong kwintas para ibigay sa akin. Isa lang naman ang ibig sabihin nitong kwintas na ito e. Ako ang susunod sa yapak ng tatay ko. Noong una ayaw ko pagkat gusto ko mabuhay bilang normal na tao pero nagbago na ang isip ko. Hindi ko kaya mabuhay sa mundo na ganito ang nangyayari. Hindi ko narin aantayin pa ang sandali na isa pa sa mga kakilala ko ang masasaktan” bigkas ng binata. Napatayo si Ayesha at pinagmasdan ang binata. Hawak ni Benjoe ang kanyang pendant at napayuko ang ulo. “Nahihiya ako sa inyong dalawa pero kailangan ko ang tulong niyo. Hindi ko ito kaya mag isa” sabi ng binata. Napatayo si Bea at nilabas ang kanyang kutsilyo. “Ready na ako” banat niya at napangiti ang binata. “Alam mo naman na di ko gusto ito e pero kung saan ka alam mo naman nandon din ako” sabi ni Ayesha. “Kabit” banat ni Bea at nagkatawanan yung tatlo. “Salamat ha, pero kailangan na ata natin dalhin si Nina sa hospital tamang tama nandon pa sina Kate siguro. Bahala na sila sa kanya” sabi ng binata sabay buhat sa kaibigan niya. Kumapit si Ayesha at Bea sa katawan ng binata at agad sila nawala. Sumulpot sila sa may emergency room ng ospital. Nahanap nila sina Art at Kate pero naiyak muli ang dalaga nang makita ang kanyang walang malay na kaibigan. Hinila ni Benjoe ang bespren niya sa isang tabi sabay kinausap. “Pare let Kate stay with you sa condo. Wag na wag kayo maghihiwalay pag lumalabas. Pare I will not be staying with you for a while pero bibisita ako lagi” sabi ng binata. “Bakit pare saan ka pupunta? Teka paano na yung mga r****t? Nahuli na ba?” tanong ni Art. “Wag mo na problemahin yung mga r****t, Naligpit na sila, wag mo na itanong paano basta iwanan nalang natin sa ganon. Parang isang malagim na alaala para kay Kate” “Pare I need to do somethings kaya medyo aalis muna ako. Pagbalik ko isang araw saka ko na ipapaliwanag ang lahat. Pare you two take care ha” sabi ni Benjoe at niyakap niy ang kanyang bespren. Pinuntahan din ng binata si Kate at niyakap, nagpaalam narin siya at pagkatapos lumabas ng ospital. “Bakit ka nagpapaalam, mamatay ka ba?” tanong ni Bea. “Hindi naman pero kailangan ko lumayo sa kanila. Kailangan ko layuan muna ang mga malalapit sa akin para hindi malaman ng kalaban at baka gamitin sila laban sa akin. Kayong dalawa lagi ko naman makakasama e kaya kaya ko kayo protektahan” paliwanag ng binata. “Tama ka, mahusay yang naisip mo” sabi ni Ayesha at biglang natawa si Bea. “Wag mo sasabihin bibili ka rin ng costume ha” sabi niya at tumawa si Benjoe at napaisip. “Actually mukhang kailangan ko nga” sabi niya at napatapik si Ayesha sa kanyang noo. “Oh no here we go” bigkas niya. “Hindi kailangan ko lang ng damit na komportable ako. Yung tipong hindi naririnig pag gagalaw ako. Parang manipis na shirt ganon at magandang sapatos. Hindi naman tulad ng iniisip mo na leather tapos may maskara pa” paliwanag ng binata. “Tights ayaw mo?” biro ni Bea at nagtawanan yung dalawang babae. “Oo nga naman magaan sa katawan tapos makakagalaw ka ng malaya” dagdag ni Ayesha. “Hay ewan ko sa inyo pinagtritripan niyo nanaman ako e” sabi ni Benjoe at niyakap ang dalawang dalaga sabay nawala sila. Nagshopping yung tatlo at kumain sa labas. Pagkalipas ng apat na oras nakatayo sila sa rooftop ng condo at pinagmamasdan ni Benjoe ang kanyang suot. Simpleng itim na shirt na manipis, itim na pantalon at itim din na rubber shoes na mamahalin. “Okay na to, salamat Aye ha” sabi niya. Naka rugged attire din ang dalawang dalaga pero si Bea hindi niya mabitawan ang biniling dalawang hunting knife ni Ayesha para sa kanya. “Itago mo na yan baka masugatan mo pa sarili mo” sabi ng demonyong dalaga. “Ang ganda kasi e o ang kintab. Sa tingin mo masasaktan narin ang demon dito?” tanong ni Bea. “Oo pero tatawanan ka lang kasi we can heal ourselves from normal wounds” sagot ni Ayesha. “Hmmm pahiram nga” sabi ni Benjoe at kinuha ang isang kutsilyo. Pinagmasdan niya ito saglit sabay pinikit ang kanyang mata. “Akin na yung isa pa” sabi ng binata at agad inabot ni Bea. Pinikit muli ni Benjoe ang mga mata niya sabay ngumiti. “Yes!!! Pwede pala e” bigkas niya at nagtataka lang yung dalawang dalaga. “Ngayon eto try mo na, pero wag sa amin ni Aye ha” sabi ng binata at inabot ang dalawang kutsilyo sa dalaga. Hinawakan ni Bea ang mga armas niya at pinagmasdan. “Wala naman nangyari” reklamo niya. “Hmmm try mo iwasiwas” utos ng binata at agad winasiwas ng dalaga ang mga kutsilyo. Natuwa si Bea nang makitang may mga itim na apoy sa kutsilyo. “Ha? Pano nangyari yon? Ano ginawa mo?” tanong ni Ayesha. “Bea! Sabi ko wag sa amin, ilabas mo lang yan pag gagamitin mo sa kalaban” sabi ng binata at tuloy ang pagwawasiwas ng dalaga sa mga kutsilyo pagkat aliw na aliw siya sa mga lumalabas na itim na apoy. “Hoy pano mo ginawa yon?” tanong ng demonyong dalaga at napangisi si Benjoe. “Matagal ko na sinusubukan yon e. Nag iwan ako ng dakilang itim na apoy sa mga kutsilyo niya para naman makasakit talaga ang mga yan sa kalaban” paliwanag ng binata at nabilib si Ayesha sa kanya. “Wow, buti pa siya” sagot ng dalaga. “Chillax Aye, as if naman papabayaan kita. Gusto ko din sana lagyan yung espada mo na lagi mo gamit pero naalala ko ginagawa mo lang pala yon at nasa loob ng katawan mo kaya delikado kung lagyan ko ng dakilang apoy” sabi ni Benjoe. Napasimangot si Ayesha pero agad siya niyakap ng binata, “Uy tampo agad o, sabi ko sa iyo I always got your back. Okay?” lambing niya. “Ah ganon! Kaya mo ako binigyan nitong dalawa para siya lang babantayan mo” sabi ni Bea kaya dinilatan siya ni Ayesha. “Hindi naman Bea, babantayan ko kayong dalawa. Aye can fight demons, ikaw hindi kaya binigyan kita naglagay ako ng dakilang apoy sa armas mo para naman layuan ka na nila agad. Pero babantayan ko kayong dalawa lagi no” sabi ng binata. “Sige MWF ka na Aye, TTHS ako tapos si Maya Sunday lang” biro ni Bea at nagkatawanan yung mga dalaga. “Hay kayo talagang dalawa lagi niyo ako pinagtritripan. Tara na nga” sabi ni Benjoe. “Ei Benjoe, sure ka ba dito sa gagawin mo?” tanong ni Ayesha at napangisi yung binata. “Hell Yeah!” sigaw niya sabay tumayo sa dulo ng rooftop. Napaluhod siya sa isang tuhod sabay nagliyab agad ang mga mata niya. “Wag niyo na ako tatawagin na Benjoe. This is my destiny so I shall embrace it” “Nandito na si Saturnino!” bigkas niya pero sabay siya binatukan nung dalawang dalaga. “Too much TV ka, ang drama mo. As if naman ang daming nanonood sa iyo” sabi ni Ayesha kaya natawa nalang ang binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD