Nasa hardin sina Maya, nakasandal siya sa katawan ni Benjoe at ang binata
nakayakap sa katawan ng dalaga. Pareho nila pinagmamasdan ang langit at ang mga
kidlat sa malayo. “Siguro umuulan sa lugar na yon” bigkas ni Maya. “Ewan ko lang kasi
wala naman clouds pero siguro hindi lang natin makita” sabi ng boyfriend niya.
“Hindi ba ganon yon pag nagtagpo ang hot clouds sa cold clouds saka nagkakaroon
ng ganyan” sabi ng dalaga pero bigla siya nakiliti at pinagsisiko niya si Benjoe. “Aray
naman” sabi ng binata. “Loko ka wag mo ako hahalikan sa neck malakas ang kiliti ko”
sabi ni Maya. “Hindi naman hinahalikan sa neck no” sabi ni Benjoe. “Liar! Ramdam ko
e” sagot ng dalaga.
Natatawa si Benjoe, sa totoo hindi niya hinalikan ang dalaga pero sa isipan niya lang
ginagawa yon. “Late na Ben baka mamaya madatnan ka pa ng ulan” sabi ng dalaga na
humarap sa kanya. “Akala ko naman papatulugin mo ako dito” biro ng binata at natawa
si Maya. “Bakit ang init ng katawan mo?” tanong ng dalaga sabay nagtakip ng bibig at
muling tumawa. “Tama kailangan ko na umuwi talaga baka mag apoy pa ako lalo” sabi
ni Benjoe at pinaghahampas siya ng girlfriend niya.
Dinikit ng binata ang noo niya sa noo ng dalaga, “Mahal na mahal kita Maya” bulong
niya at napangiti ang girlfriend niya. “Alam mo napaka sweet mo lately sa akin. I mean
over sweet kasi dati ka nang sweet pala” sabi ni Maya. “Nag iba ba lasa ng laway ko?”
banat ni Benjoe at muli natawa yung dalaga. “Sira ka talaga, if only I can let you sleep
over. Gabi gabi nalang ako kinakabahan sa pag uwi mo e” sabi ng dalaga.
“Hay naku Maya ayos lang ako trust me. Ang importante nakakasama kita araw
araw. Sabihin mo lang pag nagsasawa ka na sa akin” drama ng binata at bigla siya
tinuka sa labi ni Maya. “Never, masyado ako happy with you. Di ko alam bakit basta you
make me so happy and I feel so safe with you. Kaya lang parang nasesense ko na may
tinatago kang evilness” sabi ni Maya kaya nagulat ang binata. “Ano ibig mo sabihin?”
tanong ni Benjoe. “Kasi lately halik ka ng halik at nagsisimulang maglikot hands mo”
bulgar ng dalaga.
Napapikit si Benjoe, nakahinga siya ng maluwag pero hiyang hiya siya. Niyakap siya
ng matindi ni Maya at tawa ng tawa. “Uy biro lang, likot as in yakap ka ng yakap sa
akin” sabi ng dalaga. “Sorry talaga ha, next time igapos mo nalang kamay ko” sabi ni
Benjoe at napangisi si Maya. “Grabe ka naman nagbibiro lang naman ako, I actually like
you hugging me tapos yung tipong gigil ka. Pero nahihiya ako sa parents ko tuwing
nahuhuli tayo” sabi ng dalaga.
“Yeah I am really sorry. Gusto lang kita yakapin. Para ka kasing dream come true. Sa
lahat pa ng pwedeng ibigay sa akin yung pang minimithi kong ikaw” banat ni Benjoe at
napangiti sobra si Maya. “Kaya pasensya ka na ha kasi minsan parang hindi pa ako
naniniwala na totoo kaya niyayakap kita para malaman na hindi ako nanaginip. At
napapahigpit yakap ko kasi ayaw kita mawala” bulong ng dalaga.
Hinaplos ni Maya ang pisngi ni Benjoe at hinila ang mukha niya palapit sa mukha
niya para mahalikan sa labi. “You are not dreaming okay? At hindi ako mawawala sa iyo
but you also have to promise me the same okay?” sabi ng dalaga. Maghahalikan ulit
sana yung dalawa pero kumulog ng malakas. “I think you should go home na, magtaxi
ka nalang ha” sabi ni Maya.
Hinatid ng dalaga ang nobyo niya sa gate at nagpaalam na si Benjoe. Agad
nagteleport si Benjoe sa kwarto niya sa condo ni Art pero napansin niya sina Ayesha at
Bea nakaupo sa rooftop ng kabilang building. Pinuntahan niya yung dalawa at nakiupo,
pinapanood pala nung dalawa ang mga kidlat sa malayo.
“Alam mo napaka weird na nagkakaroon ng lightning storm dito kasi ang linaw
naman ng langit” sabi ni Bea. “Yun nga din naisip ko e” sabi ni Benjoe. “Ah talaga
nakakaisip ka pa ba habang kahalikan mo yung babae mo?” banat ni Ayesha. “O yan
ka nanaman e, call her by her name” paalala ng taga hilom. “Ayos lang hindi mo talaga
pwede turuan ng manners ang demonyo” bawi ni Benjoe at nagsimangot si Ayesha.
Umakbay si Benjoe sa dalagang demonyo, “Just kidding Aye wag ka na magagalit.
Its okay if you don’t call Maya by her name” sabi niya. “Nagseselos na ako” biro ni Bea
kaya lumipat ng pwesto ang binata at naupo sa gitna nung dalawa. Inakbayan niya
yung dalawang dalaga sabay pinanood nila ang lightning storm. “Aye may kakaiba ka bang nararamdaman lately?” tanong ni Benjoe. “Oo, ikaw din ba? Akala ko itong
katawan ko lang yon kasi wala ka naman sinasabi” sagot ng dalaga.
“Ako rin e, I was waiting for you to tell me something. Akala ko lang talaga na uminit
lang talaga yung panahon” sabi ng binata kaya nagtinginan sila. “Uy sali niyo naman
ako sa usapan niyo. Don’t tell me iiwanan niyo nanaman ako dito sa condo habang
kayo makikilaban” sabi ni Bea. “At napanood ko sa tv lately na dumadami ang mga
aksidente at krimen” sabi ni Ayesha.
“Wow! Nanonood ka na ng tv? Civilized ka na!” bigkas ni Benjoe at kinurot siya ng
dalaga at natawa. “Ang daya niyo talaga! Pansinin niyo naman ako!” sigaw ni Bea at
lalong natawa yung dalawa. “Ano gusto mo sumama?” tanong ni Benjoe. “Sa pagronda
niyo? Teka dito lang ba kayo sa city na ito?” tanong ng taga hilom. “Duh! Umabot kami
ng Cavite last time” pasikat ni Benjoe. “Loko! Hindi Cavite was last week, the other day
we reached La Union” sabi ni Ayesha.
“What?!! Ang daya niyo talaga! Iniiwan niyo ako dito habang kayo naglalakbay at nag
sight seeing?” sabi ni Beatrice. “Of course not, ano naman daw makikita namin ng gabi?
Ano magagawa namin kung buong bansa may masamang demonyo. Ang hirap nga
lang kasi hindi naman natin pwede puntahan lahat” sabi ni Ayesha. “Oo nga e, ano kaya
ginagawa ni daddy? Kasi makakahanap tayo dito ng masamang demon pero sa ibang
lugar meron din pala. E di naman tayo pwede nasa two places at the same time. So
nakapaghasik ng lagim yung isa pero napigilan natin yung isa. Still masama parin loob
mo kasi parang nakawala yung isa” sabi ng binata.
“Isipin mo nalang ganito, buti napigilan mo yung isa kumapara sa dalawa sila
naghasik ng lagim. O diba? At least nakatulong ka kahit paano” sabi ni Bea. “Benjoe!”
sigaw ni Ayesha sabay tumayo. “Oo naramdaman ko yon” sabi ng binata at agad siya
lumingon sa paligid. “Yon o sa baba” sabi ng dalagang demonyo at lahat sila napatingin
sa kalsada. Nakita nila ang isang lalake na dinudumog limang lalake. “Ano yung
pinamimigay niya?” tanong ni Beatrice.
“Drug dealer” bigkas ni Ayesha. “Oo at demonyo siya, tara na” sabi ni Benjoe at
biglang kumapit sa kanya ang taga hilom. “Bea you better go back to the condo” sabi ni Ayesha. “Grabe ka sis relax, I just want to watch you two” sabi ng dalaga. “Okay lang
tara na bago makawala pa siya” sabi ng binata. Agad nagteleport yung tatlo sa kalsada,
pagkasulpot palang nila ay napatingin na yung drug p****r sa kanila.
“Ben…malakas ito” bulong ni Ayesha sabay hawak sa leeg niya. “Wrong timing ka
Bea, Aye ikaw na bahala sa kanya. Ingat kayo baka may kasama to” sabi ni Benjoe.
Imbes na tumakbo ay naglakad palapit yung drug p****r sa kanila at nagbaga ng pula
ang kanyang mga mata. “Hoy gusto ko yang mga kasama mo, akin nalang” bigkas ng
demonyo.
“Salot ka, hindi mo ba alam yang kinakalakal mo nakakasira ng buhay ng madami?”
sabi ni Benjoe at tinawanan lang siya ng p****r. “E ano ngayon? Hoy gusto ko talaga
yang chicks mo. Bigay mo nalang sa akin” ulit ng demonyo at nag apoy narin ang mga
mata ni Benjoe. Napatigil yung p****r at napangisi, “Ah kung sino mananalo
mapupunta sa kanya yang mga chicks? Game ako!” sigaw ng p****r at agad sumugod.
“Aye balik sa condo, he cant follow you there” utos ni Benjoe. “Pero you need us
here with you malakas siya e” sabi ni Ayesha. “Pumunta na kayo dali! I cant fight and
protect you two at the same time!” sigaw ng binata at sinugod narin ang kalaban niya.
Nagteleport na pabalik sa condo ang dalawang dalaga, pagkasulpot nila sa salas ay
nakarinig sila ng malakas na kalabog sa may binata.
Napasigaw ng malakas si Bea pagkat may dalawang demonyo ang nakadikit sa
window. “Shoot buti nalang umalis tayo, hindi ko napansin may kasama siya. Don’t
worry di sila makakapasok dito” sabi ni Ayesha. “Pero pano na si Benjoe?” tanong ng
taga hilom at tumakbo yung dalawa sa may bintana para tignan yung binata.
Nakaiwas ng suntok si Benjoe pero hindi rin siya nakatama sa bilis ng kalaban niya.
Pumasok na yung kaba at takot sa katawan niya pagkat ngayon lang siya makakaharap
ng ganitong kalakas na demonyo. Sumuntok yung p****r, agad yumuko si Benjoe pero
nakaramdam siya ng malakas na sipa sa likod niya. Paglingon niya nandon na yung
dalawang kasama ng p****r at pinagtulungan siya.
Bugbog sarado ang binata pero nagawa niyang makalayo, gusto na niya umatras sa
laban pagkat ramdam niya ang pagdaloy ng dugo mula sa hiwa niya sa labi. Bumangon
si Benjoe at hinarap ang mga sumusugod sa kanya, nakasuntok narin siya at napatapis
ang isang kalaban, nabigla yung p****r at isang kamasama niya pero lalo lang nag init
at lumakas ang loob ng binatang demonyo.
“Tsamba!” sigaw ng p****r at naglabas siya ng nagbabagang patalim mula sa
katawan niya. Nalaslas si Benjoe sa dibdib pero hindi niya ito ininda, gamit ang isipan
niya napatapis niya palayo ang isa pang kalaban at nabuntal niya yung p****r sa
mukha ng matindi. Bumangon agad yung kalaban at pinagmasdan ang mga
nagbabagang mata ni Benjoe. “Malakas ka boy, tignan natin gaano ka talaga kalakas”
sabi ng p****r.
Umusok ang semento na kinakatayuan nung tatlo, napaatras si Benjoe konti pagkat
may kakaibang lakas siyang nararamdaman. Nalulusaw yung dalawang kasama nung
pusher at nagiging itim na usok sila. Ang usok pumapasok sa katawan ng kalabang
demonyo at biglang nagbabago ang anyo niya.
Isang seven footer na maskuladong lalake, pula ang balat at may dalawang malaking
sungay ang tumambad sa harapan ni Benjoe. Nabalot talaga siya ng takot pero bago pa
siya makatakbo ay nakaramdam siya ng sakal sa leeg at umangat siya sa ere.
Sumugod ang malaking demonyo at pinagsusuntok ang katawan ni Benjoe. Sa condo
nagsisigawan sina Bea at Ayesha, awang awa sila sa binata at ramdam nila ang sakit
na dinaranas niya.
Nagpupumiglas si Benjoe, kahit na pinagbaga niya katawan niya para dumepensa ay
ramdam parin niya ang lakas ng kanyang kalaban. Nahampas ang binata sa dingding
ng building sabay nahampas din sa kalsada. Duguan na ang kanyang mukha pero muli
siyang inagat sa ere ng kalaban niya at tinuloy ang pambubugbog sa kanyang katawan.
“Ngayon nasan ang angas mo boy?!” sigaw sa malalim na boses ng p****r.
Umiiyak na si Bea habang si Ayesha dinadabog ang binata. Nakikita nilang
nakasandal na ang ulo ni Benjoe paatras at nakapikit ang mga mata. Hinang hina na si
Benjoe at sumasakit na ang buong katawan niya. Gusto nang magpahinga ng kanyang isipan pero pilit niya nilalaban ito. Naimagine tuloy niya si Maya, napangiti siya pagkat
sa isipan niya yakap yakap niya ang dalaga. “Kaya kita niyayakap lagi kasi hindi ko
alam kung yun na ang magiging huling yakap ko sa iyo” bigkas niya.
Napatigil yung demonyo at natawa. “Anong pinagsasabi mo boy?” tanong nung
pusher. Ngumiti si Benjoe at nilabas ang hintuturo niya. “Gusto ko pa siya mayakap
bukas” sabi niya at may maliit na itim na apoy ang lumabas. Napahalakhak yung
kalaban dahil sa liit ng apoy pero hindi nagsayang ng oras si Benjoe at tinusok niya yon
sa mata ng kalaban. Napasigaw ng malakas ang p****r at napahawak sa kanyang
mata. Napatigil ang iyak ni Bea pagkat nakita nilang nakawala ang binata at nakalayo.
“Bwisit ka wag ka naman mamatay” bulong ni Ayesha. Napatingin sa kanila si Benjoe
at natuwa naman sila pagkat nagawa pa niya ngumiti sa kanila. Hinarap na ng binata
ang nagwawalang kalaban niya, “Ikaw salot ka na nga muntikan mo pa ako pinatay.
Alam mo ba iiyak si Maya pag namatay ako!” sigaw ni Benjoe at bigla siya nawala.
Tawa ng tawa ang kalaban, napalingon siya sa paligid at di mahanap ang binata.
“Duwag ka!” sigaw niya. “Hindi ako duwag” narinig niya sa kaliwang tenga niya at
nakaramdam siya ng saksak sa kanyang leeg. Muli siya napasigaw sa sobrang sakit,
“Kaya mo ba labanan ang hindi mo nakikita?” bulong naman sa kabilang tenga niya at
may sumaksak ulit sa kanyang leeg. Dalawang kamay na nakahawak sa leeg ang
pusher, hindi niya alam saan susulpot ang binata kaya hindi siya makadepensa.
Nagtatalunan sa tuwa sina Bea at Ayesha pagkat nakikita nila ang bilis ni Benjoe na
pasulpot sulpot sa palibot sa katawan ng kalaban. Tumigil si Benjoe at hiningal, tumayo
siya sa harapan ng kalaban at sinakal ito sa leeg gamit ang isip niya. Sa natitira niyang
lakas pinilit niya mapaangat ang malaking p****r, puno na ng butas ang katawan ng
kalaban pero hindi pa pinapakawalan ni Benjoe ang kanyang alas.
“Bwisit ka talaga! Pinakaba mo talaga ako animal ka!” dalawang hintuturo ang
nilabas niya at may malilit na itim na apoy ang lumabas. “Tinatawanan mo apoy ko ha,
pero masakit diba? Kasi dakilang apoy mga ito, bleh! Eto kakaisip ko lang na teknik,
dahil naiinis ako sa iyo talaga. Tikman mo ang aking Saturnino’s Flaming Fingering
Technique! Ay teka tunog bastos ata ah, what the heck demonyo nga e!” sigaw niya.
Pinagtutusok niya ng napakabilis ang kalaban, sina Bea at Ayesha halos mamatay
na sa tawa pagkat gigil na gigil si Benjoe at ang bilis talaga ng mga kamay niya na
pinagtutusok ang malaking kalaban. Ang tindi na ng sigaw ng p****r pero ang binata
sobrang tindi naman ng tawa at gigil na gigil talaga. “Nyahahaha ano ha, tinatawanan
mo ako ha, masarap diba? Eto pa animal ka!” sigaw ni Benjoe.
Namanhid na sa sakit ang p****r, nakayuko na ang kanyang ulo habang si Benjoe
napaluhod sa semento dahil sa pagod. “Saturnino?” bulong ng kalaban. Dahan dahan
tumayo si Benjoe at dalawang daliri sinaksak sa dibdib ng kanyang kalaban. “Oo ako
ang anak ni Antonio. Isang sikreto na dadalhin mo habang unti unti kang maglalaho.
Paalam sa iyo” bulong binata at paghugot niya ng mga daliri niya wala na doon ang
mga apoy. Tumalikod na siya at naglakad palayo, napatingala siya sa condo at muling
ngumiti.
Nagteleport na pabalik sa kalsada sina Bea at Ayesha. Bagsak si Benjoe sa mga
kamay nila. Agad ginamot ni Beatrice ang binata habang si Ayesha pinagmamasdan
ang patuloy na paglusaw ng katawan ng kanilang kalaban. Napansin nila na may mga
tao palang nakapanood ng laban kaya pinitik ni Benjoe ang kanyang daliri at nanigas
ang lahat ng mga nagmamasid. “Ako na bahala sa kanila” sabi ni Ayesha at agad niya
pinuntahan ang mga tao.
“I almost died” bulong ng binata, hinaplos ni Bea ang noo niya at tinuro ang kanyang
putok na labi. “Almost lang, masamang d**o matagal mamatay” banat ng dalaga kaya
napaubo si Benjoe dahil natawa siya. “You risked your life for the good of many.
Imagine ilang addict ang nasalba mo, tapos hindi lang sila. Pati yung mga tao na
maapektuhan ng kaadikan nila nasalba mo din. I don’t know if its worth it for you pero
what youre doing is something really good” bulong ng dalaga.
“Bea in love ka na ata sa akin e” biro ng binata. “Siguro nga” sagot ng dalaga. “Hoy
narinig ko yon” sigaw ni Ayesha kaya nagtawanan yung dalawa. “Alam mo mas mabilis
ang pag galing ko pag hinalikan mo ako” hirit ni Benjoe. “Ah talaga? Tara game” bigkas
ni Bea pero agad sumulpot si Ayesha sa tabi nila. “Sige nga panoorin ko kayo” sabi niya
pero mga mata niya nagbabaga at mga kamay may dalawang matatalim na apoy.
Sa rooftop ng condo nina Art tawa ng tawa si Yamika at Ophelia. “Nakakaaliw talaga
yang tatlong yan panoorin” sabi ng taga hilom habang si Antonio himas niya ang puso
niya at humihinga ng malalim. “Muntik na namatay anak ko don” bulong niya. “Sus ang
arte mo, kanina pa tayo dito. Alam ko naman makikilalam ka pag talagang nanganganib
siya e” sabi ni Yamika.
Napangisi si Antonio at nilabas ang dalawang daliri niya. “Fingering Technique”
bigkas niya sabay tumawa ng malakas. Hinampas siya sa noo ni Ophelia at pati si
Yamika gumaya. “m******s ka talaga” sabay nila binigkas. “Bakit ba? Naaliw lang
naman ako sa technique ng anak ko e” sagot ng demonyo. “Oh talaga? E bakit nakatitig
ka sa amin at nakangisi?” tanong ni Yamika at muling pinaghahampas nung dalawa ang
noo niya.
“Tara na nga bago pa tayo mapansin na nandito tayo” sabi ni Antonio at agad nawala
yung tatlo. Sa taas naman ng ibang building sa ibang siyudad sila sumulpot, tawa parin
ng tawa yung demonyo at pinagmamasdan ang mga daliri niya. “Alam mo Antonio
pamilyar yung nakalaban ni Benjoe” sabi ni Ophelia. “Siguro anak nung nakalaban natin
noon” sagot ng demonyo. “Hmmm siguro nga” sagot ng taga hilom.
“Oy tayo ka na at may customer ka” sabi ni Yamika sabay turo sa isang lalake sa
kalsada. “Aysus nagbebenta ng double dead” bigkas ni Antonio kaya bigla siya nawala.
Sumulpot siya sa tabi ng van nung lalake at nagkunwaring bibili. “Magkano yang double
dead?” tanong niya.
“Hindi double dead ito!” sigaw nung lalake pero paglingon niya nanginig ang tuhod
niya at agad naglabas ng nagbabagang itak. “Antonio!” sigaw niya. “Kilala mo pala ako,
suko o laban?” tanong ng tagapag ayos pero agad siya tinaga ng kalaban. Agad nawala
si Antonio pero sumulpot sa malayo. “Hay tigas ulo talaga, o sige na porma ka na at
ilabas mo tunay mong anyo. Tamang tama ikaw ang una ko ngayong gabi” sabi niya.
Lumaki bigla yung meat vendor pero bigla siya nanigas. “Wag nalang pala” sabi ni
Antonio at sumulpot sa harapan ng kalaban niya. Napangisi siya at nilabas niya ang
dalawang daliri niya at tumawa. “Alam mo tinuro ito ng anak ko” pasikat niya at nagpalabas siya ng maliliit na apoy sa kanyang daliri. Pumiglas yung kalaban at
nakateleport pero nahuli siya ni Yamika. “Hoy bakit ka ba nagsasayang ng oras?”
tanong niya.
Sa isang humpay ng kamay ni Antonio agad nasunog ang katawan ng kalaban pero
nagulat sila nung nakateleport ito palayo. “Tignan mo nakawala tuloy! Ano ba kasi
ginagawa mo?” tanong ni Ophelia. “Nakawala man yon pero makakain parin ng apoy ko
yon” sabi ng tagapag ayos. “Kahit na! Wag ka na kasi maglalaro pa! Oo na naaliw ka sa
nagawa ng anak mo pero wag ka na magpakaisip bata” sermon ni Yamika.
Napasimangot si Antonio pero tinaas niya kamay niya, napasigaw si Ophelia pagkat
may demonyo aatake sana kay Yamika pero nanigas ito sa ere. Dahan dahan lumapit
ang tagapag ayos at pinagmasdan ang demonyo, “Hay naku ang tigas talaga ng ulo
mo” sabi ni Yamika. “Tignan mo siya, tama ata si Ophelia e” sabi ni Antonio.
Napatingin yung tatlo sa demonyo at nagulat sila. “Nakalaban narin natin ito ha” sabi
ni Yamika pero agad naabo ang kalahating katawan ng demonyo pero nakateleport din
palayo ang kalahati. “Imposible na ito ha. Sila yung mga napakulong e” sabi ni Antonio
kaya nagtinginan sila. “Wag mo sabihin nakatakas sila sa kulungan ng langit” sabi ni
Ophelia.
“Imposible! Wala makakagawa non. Isa pa napaapoy ko na sila nagagawa pa nila
makateleport palayo. Anong nangyayari?” tanong ng tagapag ayos. “Itong dalawa na
nakalaban natin pipitsugin kumpara sa nakalaban ni Saturnino. Pero tama ka sila yung
mga pinakulong natin” sabi ni Ophelia. “May nakapasok sa kulungan ng langit at
pinakawalan sila! Mukhang seryoso na talaga ang mga rebelde” sabi ni Antonio.
“Yang mga kidlat, alam mo na siguro kung sino yan” sabi ni Yamika. Napabuntong
hininga ang tagapag ayos at napatingin sa malayo. “Oo nga e, ang masama dati isa isa
natin sila kinalaban, ngayon sabay sabay na sila naghahasik ng lagim. Mukhang
magiging busy tayo” sabi ni Antonio. “Hindi mo na pwede gawin yung ginagawa mo dati,
ngayon kailangan mo narin kami lumaban. Hindi nalang yung laging ikaw lang” sabi ni
Yamika.
Napayuko si Antonio at napangisi, “Hindi ko parin kaya gawin yon” bulong niya.
“Antonio tatatlo nalang tayo natitira. Magtiwala ka din naman sa amin. Hindi lang kami
fans mo na manonood habang lalaban ka. Kaya naman namin e. At magtiwala ka sa
anak mo” sabi ni Ophelia.
“Oo nga. Nakita mo naman na he is just like you. Matalino anak mo kahit hindi pa
talaga lumalabas tunay na kapangyarihan niya. Nakita mo naman nagawa niya diba?
Napanood mo naman ang lahat ng laban niya diba? He is learning in every fight at he
already found a reason to fight kaya hindi lang siya basta basta magpapatalo tulad mo.
Hindi na natin siya kaya bantayan and at the same time naghahabol ng kalaban. Wala
tayo maatupag kung bubuntutin lang natin siya most of the time. Sabi mo magtiwala
kami sa kanya so pati ikaw gawin mo yon” sermon ni Yamika.
Napatingin si Antonio sa dalawang hintuturo niya at napangiti. “Saturnino’s Flaming
Fingering Technique” bulong niya. “Pero what if makaharap niya na talaga yung mga
malalakas tulad ni Zalero at ni Volgo?” biglang bawi niya sabay simangot. Binatukan
siya nung dalawa sabay hinila. “Kaya nga magtrabaho na tayo para maiwanas
mangyari yon. Yung mga pipitsugin sa kanya na and if ever may makaharap siyang
malakas Saturnino will always find a way to defeat that demon. Parang ikaw din,
nagmana ang anak mo sa iyo” sabi ni Yamika.
“Saturnino’s Flaming Fingering Technique!!!” sigaw ni Antonio sabay tumawa ng
malakas. “Siguro ang susunod ay Saturnino’s Ayu…” bigkas niya pero hinampas ulit
siya nung dalawang tala niya. “m******s tara na!” sigaw ni Yamika at bigla sila nawala.
Samantala sa isang night club sa Quezon City masayang nakaupo si Basilio habang
nakikipag inuman sa ibang demonyo. “Basilio!!!” sigaw ni Fortea at lahat nagtungo sa
dance floor. May sumulpot na dalawang lasog lasog na katawan ngunit tuloy silang
kinakain ng itim na apoy.
“Nadale sila ni Antonio” bigkas ni Lorena. “Shhhhh may binubulong pa yung isa” sabi
ni Armina at nilapitan niya yung kalahating katawan at pinakinggan ang sinasabi nito.
Agad lumayo yung dalaga pagkat tuluyan nang naging abo yung katawan, hinila ni
Basilio ang kamay niya at tinitigan. “Ano sabi niya?” tanong ng binata.
“Si Antonio nga nakaharap nila pero narinig niya ang pangalan ni Saturnino” sabi ni
Armina. Napalunok si Basilio at bumalik sa kanyang upuan. Agad tumabi ang mga
babae sa kanya at pinagmasdan siya. “Buhay pala ang anak niya. Ano sabi tungkol kay
Saturnino?” tanong ng binata.
“Wala naman basta binanggit daw siya ni Antonio” sagot ni Armina. “Hindi maganda
ito. Kailangan natin pabilisin ang paghanap sa mga ate mo. Ipatawag mo nga lahat ng
mandirigma dito sa Sabado at kailangan natin magplano ng maayos. Kailangan natin
doblehin ang mga naghahanap sa mga ate mo at magtatalaga tayo ng isang grupo
upang maghanap sa anak ni Antonio” sabi ni Basilio.
“At paano si Antonio?” tanong ni Armina pero bigla siya sinampal ng binata. “Palpak
ka! Sabi ko sa iyo bago maabo o madapuan sila nung kanyang apoy ay makakatakas
na sila! Ayusin mo yan! Magpasalamat ka wala dito yung mga mandirigma kundi
matatakot sila!” sigaw niya. Napangisi si Fortea habang naglakad palayo ang bruha
haplos ang kanyang pisngi.
“Fortea bumaba ka sa impyerno at humugot pa ng mga demonyo at pakawalan sila
sa lupa. Piliin mo ang mga taga bulong tapos sakupin niyo ang lahat ng kulungan dito
sa buong bansa at bulungan yung mga mababangis na kriminal. Pakawalan mo yung
mga nakapatay, mga r****t at mga manggagantso!”
“Bragudo may malaking pagtitipon ata ang isang religious order sa may Araneta,
magdala ka din doon ng mga taga bulong at subukan sila baguhin. Lorena puntahan mo
si Armina at balikan niyo ang mga labi ni Pentakis. Subukan niyo siya buhayin at
paamuhin” utos ni Basilio.
“Ikaw ano ang gagawin mo?” tanong ni Fortea pero sinampal din siya ng binata.
“Wala kang karapatan na tanungin ako ng ganyan. Gagawin ko ang gusto ko at hindi ko
kailangan magpaalam sa iyo. Oo nga pala ipatawag mo nga yung kambal na demonyo”
sabi ng binata.
“Si Chappy at Pestine?” tanong ni Bragudo pero binuntal naman siya sa mukha ng
binata. “Wag kang susumbat pag hindi kita kinakausap! Oo ipatawag mo dito yung
kambal na yon! Naaliw ako sa kapangyarihan nila”
“Ano pang inaantay niyo?! Sundin niyo na ang mga pinapagawa ko!!!” sigaw ni
Basilio at isa isang nagwalaan ang kanyang mga alagad. Sumandal ng maayos ang
binata sa kanyang upuan at hinimas ang kanyang dibdib. May isang matandang babae
ang naupo sa tabi niya at nilagay ang kamay sa kanyang sugat. Balot na balot ng itim
na belo ang mukha ng matanda at kamay niya agad nagbaga ng pula.
Ang hindi nagamot ni Lorena napagaling nung matanda kaya napangiti ang binata.
“Wag kang masyadong ganyan sa mga kasama mo anak. Baka talikuran ka nila” sabi
ng matanda. “Hindi ko naman talaga sila kailangan, ginagamit ko lang sila para
mapabilis ang lahat” sagot ni Basilio. “Oo anak pero ayusin mo konti ang pagtrato mo
lalo na dun sa bruha. Importante siya sa atin. Tandaan mo kailangan mo magtagumpay
para maipaghiganti mo ang iyong ama” bulong ng babae.
“Alam ko ma, wag kang mag alala at malapit na tayo magtagumpay. At bakit ka
nagpakita dito? Baka may makakita sa iyo” bulong ng binata. “Bakit hindi ba pwede
bisitahin ng ina ang kanyang anak paminsan minsan? Bweno nakikita kong maganda
ang takbo ng mga plano mo pero anak mag ingat ka at matinik din si Antonio. Wag
kang padalos dalos ng mga kilos” payo ng nanay niya.
“Oo ako bahala ma. Bumalik ka na sa baba at magtago muna. Delikado na pag
nalaman nila na buhay ka pa” sabi ni Basilio at napalingon sa paligid. “Natatakot ka na
malaman na ako ang iyong kahinaan?” tanong ng nanay niya at napasimangot ang
binata. “Magtago ka na ma” ulit niya at napatawa ang matanda konti pero biglang
nagsimangot. “Namimiss ko na mga kapatid mo” bulong niya. Tumingin lang sa malayo
si Basilio at pinikit ang kanyang mga mata. “Kasalanan mo, pumayag ka na gawin
silang eksperimento. Ma magtago ka na” hirit niya at agad nawala ang kanyang nanay.