June 21 ng umaga hindi mapakali si Benjoe sa harapan ng kanilang University. Nakita niya dumating na si Maya kaya agad niya ito sinalubong.
“Hi Benjoe” bati ng dalaga pero agad siya niyakap ng binata at gigil na gigil.
“Maya please mag absent ka today you really need to come with me” bigkas niya.
“Ah Ben dami tao” bulong ng dalaga at agad bumitaw si Benjoe at napakamot.
“Please Maya please” sabi niya.
“Okay sure wala naman kami gagawin, bakit ba saan tayo pupunta?” tanong ng dalaga.
“Ngayon na ako magtatanghal they just called me last night and I have not even slept yet” sabi ng binata sa tuwa.
“Hoy relax ka nga, what are you talking about?” tanong ni Maya.
“Maya! I am going to perform sa Talentadong Show” sabi ni Benjoe at nagulat ang dalaga.
“Oh my God! Don’t tell me kakanta ka” sabi ni Maya at natawa ang binata.
“No, pero tara na dali kasi kailangan daw maaga kami nandon. I am so nervous and exicted” sabi ng binata at natatawa na ang dalaga para sa kanya.
“What are you going to do ba?” tanong ni Maya at napangiti si Benjoe.
“Surprise” sagot niya.
Pagdating nila sa studio nandon na sina Kate at Arturo.
“Maya this are my bestfrieds Arturo and Kate, guys this is Maya” pakilala ng binata.
“Hoy bilisan mo na kanina ka pa hinahanap nung bading. Nagwawala na nga kanina kasi wala ka, ikaw daw kasi bet niya” sabi ni Art at natawa si Benjoe.
“Ano ba kasi talaga gagawin mo?” tanong ni Maya.
“I really cant tell e, pero remember what I told you last week? I am going to do that and you better make good of your promise” landi ng binata at pinagkukurot siya ni Maya.
Isang oras pa bago yung show pero nakaupo na sa loob yung tatlo.
“Ano ba kasi nakain niya at sumali siya dito?” tanong ni Kate.
“Baka para sa pera, you know. He should have told me kasi bibigyan ko naman siya e” sagot ni Art.
“Hmmm actually its not for the money I think” sabi ni Maya kaya napatingin yung dalawa sa kanya.
“Kasi last week, sasagutin ko na dapat siya” kwento niya at bigla siya sinundot ni Kate at kinilig.
“Uy kayo ha” landi niya.
“Pero the funny thing is he stopped me. Sabi niya gusto niya ako maimpress muna bago ko daw siya sagutin. So here he is, do you have any idea what he is going to do?” kwento ni Maya.
“Wow ha, pero wala naman ako alam na talent ni Ben e” sabi ni Kate.
“Diyos ko wag lang siya kakanta please” bigkas ni Art at napatawa yung dalawang dalaga.
“Does he dance?” tanong ni Maya.
“Mala kawayan dance maybe” banat ni Kate at muli sila nagtawanan.
“E ano kaya ang talent niya? Wala talaga ako maisip, don’t tell me gagamitin niya utak niya. Oo matalino siya at palaaral pero imposible naman na mag declamation lang siya or tutula” biro ni Arturo at napalakas ng todo ang tawanan ng girls kaya pinatahimik sila ng floor director.
Nagsimula na ang show at nakita nung tatlo ang baklang talent coordinator sa may gilid na sobrang natutuwa at naeexcite.
“Tignan mo yon o, parang ang saya niya for Benjoe. Ano ba talaga gagawin niya?” bulong ni Kate.
“Shhhh siya ata mauuna o” turo ni Art at nakita nila si Benjoe na naka all red kaya nagtawanan sila.
“Ang unang kalahok, si B-Joe Salamangkero!!!” sigaw nung host at lalong nagtawanan ang tatlo sa pangalan na napili ng kaibigan nila.
Pumunta na sa center stage si Benjoe, nabibigatan siya sa pantalon niya pagkat ang daming nakakabit na bagay doon na ginawa niyang invisible para di makita ng tao.
“Magandang umaga sa inyong lahat, ako po si B-Joe” bati niya at nagtaasan ng kilay ang mga judges pagkat wala man lang siyang background music.
Tinaas ng binata ang mga kamay niya at muling nagsalita sa micropono.
“Oo wala ako dalang gamit, wala akong musika, hindi ako marunong kumanta o sumayaw. Nandito ako para aliwin ang katangi tanging babae na bumihag ng aking puso. Ngunit mapalad kayo lahat na nanonood ngayon pagkat mabibiyayaan kayo sa aking pagtanghal. Tama na ang satsat, mamangha kayong lahat sa aking…”
“Salamangka!!!”
Nakasimangot na ang mga judges at yung ibang manonood parang nahihibang na pero biglang may naglabasan na madaming kalapati sa dalawang kamay ni Benjoe kaya napapalakpak ang lahat.
“Wow! Shwet! How did he do that?” bigkas ni Arturo.
“Pero di ako pangkaraniwang na salamangkero, yung iba tinatago lang sa mga suot nila ang kanilang nilalabas na gamit” sabi ni Benjoe at agad niya inalis ang suot niyang polo kaya nagtawanan nanaman ang mga kaibigan niya.
Hubad na ang upper body niya, tanging yung gintong kwintas ang natira. Nagpaikot ang binata para ipakita na wala siyang tinatago, tinaas muli niya ang kamay niya sa ere at nag acting na pumipitas ng mga dahon.
Muling napapalakpak at namangha ang lahat pagkat may naglabasan ngang mga dahon mula sa mga kamay niya. Inipon niya ang mga dahon sa isang kamay niya, sunod na hinugot niya mula sa ere ay isang pulang rosas, dinikit niya ito sa mga dahon at sa isang iglap naging tatlo ang rosas.
Napatayo na yung mga judges at nabilib sa kanya habang yung baklang coordinator di na mapigilan ang sarili sa katatalon pagkat inabot ni Benjoe ang mga rosas sa kanya. Sari saring mga bagay ang nailbasa ni Benjoe, pero talagang napabilib niya ang mga tao nung binalot niya sarili niya saglit gamit ang isang itim na kumot.
Pag alis ng kumot iba na ang suot niyang pantalon pero may polo na ulit siya, all black naman ngayon pero muli siyang nagtago sa kumot at paglabas niya all white naman. Di na maisara ni Maya ang bibig niya, halos lahat ng tao di na maalis ang titig sa binata habang tuloy tuloy siyang nagpakitang gilas.
“Wag kayo kukurap” sabi ng binata sabay binalot ang sarili sa itim na kumot.
Bumagsak ang kumot sa sahig at talagang nagtayuan ang lahat pagkat nawala si Benjoe.
“So miss judge ano naman masasabi mo?” bigla nilang narinig kasabay ng malakas na sigaw.
Pagtingin ng lahat sa may judges panel ay nandon si Benjoe at hawak niya ang micropono sa gulat na gulat na hurado. Bumaba si Benjoe sa hagdanan at habang naglalakad ay namimitas ito ng bulaklak sa ere at binibigay sa mga babaeng madadaan niya. Nakalapit siya kay Maya at bigla siya lumuhod sa isang paa at pinalakpak ang mga kamay.
May isang puti na rosas ang lumitaw at inabot ito sa dalaga. Sobrang napangiti si Maya pero binawi agad ni Benjoe ang bulaklak, tumalikod siya saglit at pagharap muli niya sa dalaga isang boquet ng puti na rosas ang inalay niya. Lalong napabilib ang dalaga sa kanya at napayakap.
“I love you Maya” bigkas ng binata at sobrang nagtilian ang lahat ng tao.
Lumapit si Maya at hinalikan niya ang binata sa labi. Talunan at palakpakan na ang lahat ng tao pero hindi pa siya tapos. Muling bumalik sa entablado si Benjoe at sumensyas sa bading na coordinator.
May pinasok na dalawang balikbayan box sa stage. Pumasok yung binata sa loob nung isa, may pinasok naman na dalawang maliliit na lamesa at binuhat nung crew ang yung unang box at pinatong sa isang lamesa at yung isang box sa kabila naman. Lumabas si Benjoe sa box sabay ngumiti.
“O kita niyo naman na imposible nang mandaya dito ha” sabi niya sabay muling nagtago sa loob.
Wala pang isang segundo agad siya lumabas sa kabilang box at talagang napasigaw sa gulat at mangha ang lahat. Standing ovation ang lahat ng tao, pati mga hurado at ang ibang staff ng studio bilib na bilib sa binata. Tinuro ni Benjoe si Maya sabay tinuro ang puso niya.
Tinaas muli niya ang dalawang kamay niya sa ere at nagtago sa box. Inaantay ng mga tao na lumabas siya sa kabila pero ilang segundo na lumipas at walang nangyayari. Lumapit yung masayang bading at sumilip sa isang box sabay sa kabila. Sabay niyang pinakitang walang laman yung dalawang box at wala na yung binata.
Nagpalakpakan nanaman ang lahat ng tao, sobrang ingay sa buong studio pagkat sinisigaw nila ang pangalan ni B-joe. Hindi na nakapag antay ang mga hurado at nagbigay na ng perfect score ang lahat para sa binata. Halos wala nang gana ang mga sumunod na contestant pagkatapos ni Benjoe. Siya ang nanalo sa araw na yon at nabihag na din niya ng tuluyan ang puso ni Maya.
Sa backstage hindi magkaumayaw ang mga staff at crew ng studio at dinumog ang binata. Pinilit ni Benjoe makawala at nagtungo sa tatlong kaibigan niya. Agad humawak si Maya sa kamay niya at manghang mangha parin ang dalaga.
“Wow as in wow” sabi ni Maya.
“Grabe ka since when ka nag mamagic?” tanong ni Kate at napatawa nalang yung binata.
“Wag na natin pag usapan yan, come on I have fifty thousand pesos. Treat ko kayo sa lunch” sabi ng binata.
“Oy oy Benjoe! Sa Saturday ha, dapat mas bongga ipalabas mo ha” sabi ni Violeta ang bading na coordinator sabay hawak sa kamay ng binata.
Tumaas ang kilay ni Maya at inagaw ang kamay ng nobyo niya.
“Ay! Sorry naman. Oy Friday dapat nandito ka ha, pero alam ko sure win ka naman na sa weekly finals” sabi niya.
“Ah, sorry ha. Pero one time lang ito. Ginawa ko lang ito para kay Maya” paliwanag ng binat.
“Ano?! Oy sayang ang opportunity ano. Ay grabe alam mo ba lahat ng staff at crew ng studio papunta na dito para lang makita ka no. Basta wag ka mag inarte na ganyan” sabi ng coordinator.
“Hindi na talaga, gusto ko lang naman talaga maimpress sa akin si Maya kaya ako sumali. Success naman na ata so kahit disqualify niyo nalang ako” sabi ng binata.
Hinigpitan ni Maya ang hawak niya sa kamay ng binata at humarap sa kanya.
“Benjoe, I cant come here on Saturday kasi madami akong quiz but I will have the show recorded” sabi ni Maya.
“Ano?” tanong ni Benjoe.
“I want you to continue” bulong ng dalaga.
“Pero Maya I just did this for you. One time lang to” paliwanag ng binata.
“Sobra ako naimpress, napabilib mo ako, I want you to continue. Wala man ako this Saturday but I am sure I will be there with you sa grand finals” sabi ng dalaga at natawa si Benjoe.
“Grabe naman grand finals agad, that is a big dream already” sabi ni Benjoe.
“Hoy tama siya! No one in this world has seen that kind of magic ever no. Oo alam namin may tricks yan pero ang bilis talaga ng kamay mo at ano ba yang katawan mo baul ng mga bagay bagay at bulaklak? Diyos ko day rare opportunity ito, dito ka sisikat at yayaman. Dapat igrab mo na, at sasabihin ko sa iyo ha, ano naman ilalaban ng mga sayaw sayaw na mga yan na pare pareho at nakaksawa diyan sa pinakita mo kanina?”
“Sure win ka sabi ko sa iyo basta magpakita ka ng kakaiba lagi. In fairness kahit nga ulitin mo ginawa mo kanina panalo ka na sa Sabado no” sabi ng bading.
Napakamot si Benjoe at nakatingin parin si Maya sa kanya.
“Okay pero hindi ko gagawin to para sumikat o yumaman. I will do it because she wants me to” sabi niya at agad siya niyakap ng dalaga.
Nilabas ni Art phone niya at sinagot ito.
“Hello po ma. Opo si Benjoe nga po yon, nandito nga kami sa studio e” sabi niya at napatingin yung bading sa binata.
“See, ilang minuto palang ang lumipas my dear. Mamayang hapon ikaw na ang laman ng Youtube at lahat ng social networks” sabi ng coordinator.
“Okay Violeta, see you on Friday then” sabi ni Benjoe at halos hindi na mabitawan ni Maya ang pagyakap sa kanyang boyfriend na salamangkero.
“Ah hello, can I invite you and your friends to lunch?” biglang may nagsabi at natulala si Violeta.
Paglingon ng gurpo ay nakita nila ang isang sikat na artistang babae kasama ang asawa niya.
“Ah..eh..” bigkas ni Benjoe pagkat star struck parin sila lahat.
“I am Amanda and this is my husband Gelo. Actually nabilib asawa ko sa iyo but he is too shy so kinulit niya ako.. o can we treat you guys to lunch?” tanong ng artista.
“What is happening?” tanong ni Benjoe at natawa yung mag asawa.
“So yes na yon, tara na sama kayo sa amin” sabi ni Gelo at masaya naman sumama yung apat sa mag asawa.
“Wait, can we bring Violeta along? Kasi siya lang yung parang nagtiwala sa akin before the show started e” sabi ng binata.
“Oo naman, halika na Violeta” sabi ni Amanda at sobrang nagpasalamat ang bading sa binata.
Sa isang mamahalin na restaurant sila nilibre ng mag asawa at pagkatpos ay pinasyal pa sila Manila Yacht club. Sa yate ng mag asawa tumambay ang gurpo at lahat pinipilit si Benjoe ibulgar ang kanyang mga sikreto.
“Sorry po pero a magician never tells his secret” banat ng binata.
“Grabe e ang galing mo talaga. Ako big fan ako ng magic talaga. When we go abroad automatic dadaan kami lagi sa Las Vegas para makapanood lang. Pero kanina grabe ka, I can say that I have seen the best magic performance kanina” sabi ni Gelo.
Tuwang tuwa si Maya at napasandal sa boyfriend niya.
“So do you have plans for Saturday? Or uulitin mo lang yung ginawa mo kanina?” tanong ni Amanda.
Napaisip si Benjoe at napatingin kay Violeta.
“Wag ako tignan mo, dapat humingi ka advice kay madam Amanda” sabi ng coordinator.
“Oo nga kasi matagal na siya showbiz and I have watched all her movies” sabi ni Kate na star struck parin sa magandang artista.
“Benjoe yung nagawa mo kanina sigurado ko the news will spread like wildfire. Hindi na ako magtataka ang pila sa studio magsisimula ng biyernes ng gabi. I am sure kalat na sa internet ang video mo so by Saturday kilala ka na ng mga tao. Pwede mo ulitin yung ginawa mo madami parin ang mabibilib pero mas sure ang sikat mo pag may nagawa kang mas kakabilib. Its just my two cents ha” payo nung artista.
Ngumiti si Benjoe at napakamot,
“Pwede po ba saka na ako mag isip? Kasi ngayon lang ako nakasakay sa yate at ang ganda ng view talaga” sabi niya at napatawa yung mag asawa.
“Oh by the way may lakad kami but you all can stay here. Nandyan naman yung kasama namin. Good luck to you on Satuday ha, we will be rooting for you” sabi ni Amanda.
“Honey naman, sure win na yan e” sabi ni Gelo kaya nahiya tuloy yung binata.
Sumabay na sa mag asawa si Violeta, nauna narin si Kate at Art kaya si Maya at Benjoe nalang ang natira. Habang pinagmamasdan nila yung dagat, siniksik ni Maya ang sarili niya palapit kay Benjoe. Inakbayan naman siya ng binata at huminga ng malalim.
“Grabe I didn’t expect this day to be this way” sabi niya.
“Grabe Benjoe up to now hindi ko maalis sa isipan ko mga nakita kong ginawa mo sa stage. You were really amazing. Gosh you really hid that talent from me so now I know why pinatagal mo pa talaga” sabi ni Maya at nagkatinginan sila.
“Kasi gusto ko makita yung super smile mo at sobra na nga e, parang di na natanggal sa mukha mo eversince we left the studio” sabi ng binata.
“Alam mo you didn’t have to impress me talaga e pero I am so happy you did talaga. Hindi ako maka get over sa ginawa talaga. The sad part is that I cant be with you on Saturday, alam mo naman school stuff. So wag ka naman magpakitang gilas masyado o” hiling ng dalaga at nagkatawanan sila.
“Oo naman, sana makapasok ako sa grand finals, sabi mo you will be there with me. Doon ako magpapakitang gilas para sa iyo” pangako ng binata.
“Uy nagbibiro lang naman ako e. Do what you have to do on Saturday” sabi ni Maya.
“No way! I did this magic thing because of you. I performed for you today, kaya lang nakita ng ibang tao. I don’t care kung I don’t impress them that much on Saturday, hindi naman sila ikaw e. Pag pumasok ako grand finals, I am going to put on a show for you talaga” sabi niya at napayakap sa kanya yung dalaga.
“Grabe Benjoe I am so proud of you talaga. Ang layo ng maabot mo sa hidden talent mo” bulong ng dalaga.
“Nah, I aint reaching far without you. Kung malayo man maabot ko I want you beside me. Itutuloy ko lang ito kasi sinabi mo, and if you tell me tama na titigil na ako” sagot ni Benjoe.
“Uy wag naman ganon” sabi ni Maya.
“No, ganon dapat. This talent of mine would not have come out if I was not trying to impress you. So if you tell me to stop I really will. Pero habang naaliw ka at nasasayahan gagawin ko ito para sa iyo at sa iyo lang tandaan mo yan” bulong binata.
“Hey wanna stay here until the sun sets?” tanong ng dalaga.
“Oo naman basta kasama ka” sagot ni Benjoe at muli sila naghalikan.
Sumapit ang Sabado, medyo malungkot si Benjoe pagkat ni isang kaibigan wala sa tabi niya. Naiintindihan naman niya pagkat kailangan nila pumasok sa kanilang klase. Di tumigil ang phone niya sa katutunog kaya natuwa din lang siya pagkat napuno ang inbox niya ng mga mensahe galing kay Maya, Kate, Art at iba niyang mga kaklase.
Naiilang yung binata sa backstage pagkat yung ibang contestants lahat malungkot at masama ang tinging sa kanya. Nakokonsensya tuloy siya pagkat nandaraya siya sa pag gamit ng tunay na kapangyarihan, pero sa isang dako naalala niya ang tamis ng ngiti ni Maya.
“Sorry guys but I have to do this. Patawad talaga” bulong niya.
Atat na atat na ang audience, lahat naghuhula kung ano ang gagawin ni Benjoe maliban sa dalawa. Nakaupo ng maayos si Barubal sa sahig pagkat bumigay ang upuan. Kasama niya ang isang magandang babae, maputi ang kutis, patulis ang kilay at may mahabang diretsong buhok. Naakit sa kanya ang mga lalake sa crowd ngunit dahil sa mataray niyang titig ng dalaga lahat sila natatakot.
“Alam mo dapat naisip ko din maging magikero e. Sana mayaman na ako ngayon” sabi ni Barubal.
“At sino ang magbabantay sa baba aber?” sagot ni Ayesha.
“Sasabihin ko na ikaw” banat ng higante at binatukan siya agad ng dalaga.
“Wag ka mag alala babantayan ko naman lovey doves mo e” landi ni Barubal,
“Ay sila na pala ni Maya ahihihihihi” hirit niya at napahawak si Ayesha sa likod ng kanyang leeg.
“Ano sabi mo? Ulitin mo nga yung pangalan na yon?” bulong ng dalaga.
“Maaaayaaaa” landi ng higante pero namilipit siya sakit.
“Awat na Aye…ouch ouch awat na sorry na” bulong ng higante.
“Shhhh magsisimula na” sabi ng dalaga.
“Oh yeah kulang nalang niya sungay men” bulong ni Barubal at nagtawanan sila dahil sa pulang suot ni Benjoe.
Hindi na naghubad ng polo ang binata, mga kamay niya nakataas, tinuro niya ang crowd at doon na agad nagsimula ang hiyawan at palakpakan nang naglabasan ang mga putting kalapiti sa kanyang mga kamay. Nagliparan ang mga kalapti palibot ng studio, may invisible na tali na hinila si Benjoe at pinakawalan ng invisible na lambat ang confetti.
Nagmistulang pyesta tuloy sa studio habang tuloy ang pagpapalabas ng binata ng mga bagay mula sa eere Pawis na pawis si Benjoe, nagtago ulit siya sa itim na kumot pero ngayon mas mabilis na ang galaw niya. Bawat segundo na nagpapakita siya sa tao ay iba iba ang kanyang suot.
Tindo pa niya ang kalokohan niya nung paglabas niya ng kumot at boxer shorts lang suot niya.
“Ooops!” sigaw niya at sobrang tawanan ang lahat ng tao.
Tumayo ng tuwid si Benjoe sa gitna at inayos ang suot niyang wireless microphone.
“I think I can fly” sabi niya sabay tinaas ang dalawang kamay at tumingala siya pataas.
Pati ang crowd napatingin pataas at inaantay siya umangat sa ere.
“Pero think lang yon, tao ako kaya imposible pero bird ko kaya niya” landi niya at mula sa pantalon niya nagpalabas siya ng isang kalapati.
Halos mabaliw ang lahat ng tao sa katatawa, pero may hirit pa siya.
“Oy! Bakit ka lumipad agad?! Naiwan mo eggs mo o!” sabi niya at nagpalabas siya ng dalawang itlog ng pugo.
Halos mamatay na talaga sa tawa ang lahat ng tao, mga hurado naluluha na sa tawa. Si Barubal nakahandusay na sa sahig at hawak ang tiyan pero si Ayesha nanginginig lang ang mga labi at pinapanatili ang poker face niya.
Sa wakas nagkatitigan sila ni Benjoe, agad namula ang mga pisngi ng dalaga. Lumapit si Benjoe sa dalaga at napatayo ang lahat ng crowd at nagtitili. Nanigas sa upuan si Ayesha, si Barubal nakangisi at tinutukso siya. Tumayo sa harapan niya mismo si Benjoe at naglabas ng papel. Ang bilis bilis ng galaw ng kamay niya at nahulma niya yung papel at ginawang papel na rosas.
Inabot niya ito sa dalaga, tinanggap naman ni Ayesha ang bulaklak at muling nagulat nang ilapit ni Benjoe ang mukha niya sa rosas. Hinipan ng binata ang papel na rosas at namangha ang lahat nang magpalit ito ng anyo at naging tunay. Ang tindi na ng palakpakan at hiyawan, halos mabiga na ang studio sa pagwild ng mga tao. Bumalik sa stage si Benjoe at sinensyasan si Violeta.
“Madami kasi daw nagdududa sa box magic ko kaya eto ibabalik ko sila pero level up na!” sigaw niya.
Dalawang box na gawa sa kahoy ang dinala sa stage. Pumasok si Benjoe sa isa, dumating ang crew at naglagay ng mga tali sa dalawang box. Sumenyas si Violeta at biglang umangat ang mga box sa ere.
Lahat nagpipigil ng hininga, nakikita pa nila si Benjoe sa isang box at nagpapatawa naman siya.
“Mommy takot ako…mommy ang taas taas na” drama niya.
“O ayan sa mga nagdududa, paliwanag niyo nga ito!” sigaw niya.
Nagtago siya sa box at sa isang iglap lumabas siya sa isa. Halos magiba na ang studio sa tindi ng hiyawan at ingay ng mga tao na nabilib sa ginawa niya. Pagkababa ng dalawang box nagpunta si Benjoe sa gitna at tinaas ang dalawang kamay at nagbow.
Siya nanaman ang nanalo at pasok na siya sa grand finals. Dahil don humirit ang crowd para ulitin niya ang kanyang huling ginawa. Pumayag naman ang binata at pinaupo ang lahat ng tao.
Habang pumapasok si Benjoe sa isang box napansin ni Ayesha na may isang lalakeng nanatiling nakatayo. Napahawak siya sa kamay ni Barubal at bumulong sa takot.
“Nandito si Crispin” sabi niya at napalingon agad ang higante.
“Delikado to, ano gagawin natin?” tanong niya.
“Hindi ko alam, pero alam niya siguro na demonyo lang si Benjoe, hindi niya siguro alam na…baka marinig tayo” bulong ng dalaga kaya pasimpleng lumayo yung dalawa.
May lumapit na babae kay Crispin at bumulong. Napangisi yung binata at nakita ni Ayesha ang pagbaga ng mga mata niya. “This is bad, we have to get him out of here” bulong niya.
“Oo pero hindi natin alam sino pa ang mga kasama niya dito” sabi ng higante.
“Barbs hindi tayo pwede magteleport basta basta pagkat masusundan nila tayo. If we are going to fight him I think we cant survive” bulong ni Ayesha.
Lumuhod si Barubal ang nilapag ang kamay sa lupa,
“We have to try Aye” sabi niya at pumasok ang kamay niya sa sahig at may nilabas siyang higanteng maso.
Buti nalang lahat ng atensyon ng tao nakay Benjoe kaya hindi napapasin yung dalawa. Nakataas na yung dalawang box sa ere, nagtago na si Benjoe at sa isang iglap nagulat ang mga tao pagkat lumabas siya sa isang box na sumisigaw. Nagpalakpakan ang mga tao pagkat dalawa na sila ni Ayesha ang lumabas sa isang box.
Akala tuloy ng lahat na naglevel up ulit siya pero hindi nila nakita ang gulat sa mukha ng binata.
“Holy cow, demon ka din?” tanong ni Benjoe sa nangingnig na boses.
“We have to get you out of here” sabi ng dalaga pero bago pa sila makaporma ay biglang nanigas ang lahat ng tao at bumagsak ang mga box sa sahig.
Mabilis na tumayo yung dalawa, si Ayesha hinihila si Benjoe sa likod niya.
“Wow sabi ko na nga ba maganda ka e Ayesha. Bakit mo tinatago yang demonyo na yan sa akin? Wala naman ako gagawin sa kanya e, napahanga niya lang ako pagkat ginamit niya kapangyarihan niya para sa show. Pero alam mo hindi ko maramdaman ang kanyang dark aura. Bakit kaya?” sabi ni Crispin.
“Ayaw ko ng ganito!” sigaw ni Benjoe at bigla siya nawala. Tumalon sa ere si Crispin at biglang sumulpot si Benjoe pero hawak hawak siya sa leeg ng kalaban.
“Huli ka!!!” sabi ni Crispin.
“Pakawalan mo siya!!!” sigaw ni Ayesha pero tinuro lang siya ng kalaban at napatalsik siya ng malayo.
Sumulpot si Barubal at namaso niya sa ulo si Crispin. Nahilo ang kalaban at bumagsak sa sahig pero nagsulputan na ang dalawang babae na kasama niya. Inatake nila si Barubal at naagaw nila ang kanyang giant maso.
“Barubal! Masyado madaming madadamay na tao dito!” sigaw ni Ayesha.
Sinugod ng higante ang isang pader at doon siya tumakas. Hinabol siya nung dalawang demonyong babae, si Ayesha sumulpot sa tabi ni Benjoe at mabilis sila nagteleport palabas ng studio.Nakahinga sila ng maluwag pagdating nila sa garden pero di nagtagal pagkat may humawak sa likod ng kanilang leeg.
“Akala niyo matatakasan niyo ako?” sabi ni Crispin at tinapon niya palayo ang dalaga.
Pinaharap niya si Benjoe sa kanya sabay tinignan ang kamay nito. Ilang beses niya hinaplos ang kamay ng binata at walang lumalabas na marka ng demonyo.
“Imposible! Hindi ka nakarehistro?! Nakakagamit ka ng kapangyarihan pero wala kang dark aura. Isang tanong isang sagot, demonyo ka ba o hindi?” tanong ni Crispin at napahawak si Benjoe sa kamay ng kalaban na nakasakal sa kanyang leeg.
“Hindi siya demonyo!” sigaw ni Ayesha.
“Tumahimik ka hindi ikaw ang kausap ko! Sagutin mo ako B-joe!” sigaw ng binata.
“Tado ka…pano ko…sagot sakal mo ko” bigkas ni Benjoe at tumawa ng malakas si Crispin.
Binitawan niya ang binata at napahiga ito sa lupa. Tinapak niya ang isang paa niya sa dibdib ni Benjoe sabay inulit ang kanyang tanong. Sumugod si Ayesha, may mga itim na apoy sa mga kamay niya sa porma ng maiksing mga espada.
Napaatras si Benjoe, nakita niya nagliyab ang mga mata ni Crispin at nagpalabas din siya ng mga umaapoy na kamagong. Hindi makaporma si Ayesha sa bilis at bangis ng kalaban. Bugbog sarado ang katawan niya sa nagbabagang itim na mga kamagong ni Crispin.
“Hoy! Babae siya wag mo siya papatulan!” sigaw ni Benjoe.
“Shut up ka diyan! Tatapusin ko tong pesteng ito tapos maguusap ulit tayo!” sigaw ng binata.
Takot na takot si Benjoe, nangangatog ang tuhod niya.
Paglingon niya nakita niyang kinakawawa nung dalawang babae ang isang higante. Pagharap niya tuloy ang pag gulpi ng kalaban sa magandang dalaga.
“Hoy! Sabi ko itilgil mo yan e!” sigaw niya.
Napatapis si Ayesha at nasalo siya ni Benjoe.
“Okay ka lang?” tanong ng binata.
Tumayo ulit ang dalaga at tinago ang binata sa likod niya.
“Lalake ako dapat diyan ako sa harapan at eto suot mo shirt kop unit punit na damit mo e” sabi ni Benjoe at natawa si Crispin na dahan dahan lumalapit.
“Diyan ka lang sa likod ko” sabi ni Ayesha.
“Ang kulit mo sabi ko lalake ako kaya dito ka sa likod ko!” sigaw ng binata at hinila niya ang dalaga sa likod niya.
“Ang tigas talaga ng ulo mo! Sige nga kaya mo ba siya labanan ba?” tanong ni Ayesha.
“Hindi ako marunong gumamit ng mga armas pero alam ko gamitin mga kamao ko” bigkas ng binata.
“At ayaw na ayaw ko sa mga lalakeng nanakit ng mga babae!!!” sigaw niya at agad niyang sinugod si Crispin.
Nanigas si Crispin at napahawak sa leeg niya, si Ayesha napaluhod sa lupa at pati siya nasasakal. Yung dalawang babae na gumugulpi kay Barubal nagsigawan sa sakit na nararamdaman sa kanilang leeg. Mga mata ni Benjoe biglang nag apoy na pula, mga kamao niya biglang nabalot ng itim na apoy. Bakas sa mukha niya ang matinding galit, ang kalaban niyang binata hindi makagalaw at nanatiling nakatayo lang.
Malakas na left straight ang unang tama niya sa mukha ni Crispin. Napaatras ang kalaban pero tuloy ang sugod ni Benjoe.
“Right straight, left hook, right hook, left cross, right cross at isang napakalakas na upper cut” sigaw ni Benjoe sa bawat suntok na pinalaban niya.
Lumipad pataas sa ere si Crispin at tumawa ng malakas ang binata.
“Parang Voltes Five sinasabi muna ang bawat move bago itira” sabi ni Benjoe at tuloy ang tawa niya kaya nagkatinginan sina Ayesha at Barubal at natatawa sila.
Nakabalik sa lupa si Crispin, binangon siya ni Benjoe,
“Right straight, left hook, right hook, left cross, right cross!” sigaw ulit niya sa bawat suntok niya pero si Crispin alam na ang susunod na suntok kaya nag bend backwards siya para maiwasan ang upper cut.
“Kick!!!” biglang sigaw ng binatang demoyo at nagulat ang kalaban, pagtingin niya kay Benjoe nakangisi ito at tumama na ang kanyang malakas na sipa sa kanyang ari.
Napaluhod sa sakit si Crispin, binangon siya ulit ng nagwawalang binata at inulit ang kanyang punching routine. Tinakpan ng kalaban ang kanyang ari nang makita ang paa ni Benjoe na bumwelo pero napahawak ang nagwawalang binata sa kanyang buhok.
“Tuhod!!! In your face!!!” sigaw niya at tinama ng malakas ni Benjoe ang kanyang tuhod sa mukha ni Crispin.
Bagsak sa lupa ang kalaban ay nangingisay. Ang lalalim ng hinga ni Benjoe, humarap siya kay Ayesha at lumapit.
“Are you okay?” tanong niya at nakanganga lang ang dalaga at namangha sa kanya.
Nagsulputan yung dalawang babae sa tabi ni Crispin, humalik yung isa sa binata at napansin ni Benjoe na nabubuhayan ulit ang kalaban nila.
“Wow” bigkas niya.
“Kailangan mo sila patayin habang hindi pa bumabalik ang lakas niya” sabi ni Ayesha.
“Ha? Patayin? No way! I don’t kill people” sabi ng binata.
“Benjoe hindi sila tao! Demonyo sila at ikaw lang at tatay mo ang may kayang pumatay ng tuluyan sa mga demonyo!” sigaw ni Ayesha at nagulat si Crispin.
“Saturnino?!!!” sigaw niya.
“Bakit niyo ba ako tinatawag na Saturnino?! Benjoe ang pangalan ko!” reklamo ni Benjoe at napaatras ang dalawang kamasa ni Crispin.
“Ako ang tatapos sa iyo animal ka!” sigaw ng kalaban at muling hinalikan ang isang kasama niya.
“Benjoe! Dali na habang hindi pa siya nakakarecover!!!” sigaw ng magandang dalaga.
“Ayaw ko nga pumatay ng tao e!!!” sumbat niya.
“Too late!” sigaw ni Crispin at may malalaking itim na espada ang lumabas sa kanyang mga kamay.
Ang bilis ng kilos niya, pasugod siya kay Benjoe.
Humarap si Ayesha kay Benjoe,
“Yakapin mo ako dali at pahiram ng powers mo!” sigaw niya.
Yumakap agad si Benjoe sa katawan ng dalaga, naramdaman niya ang kakaibang init nagmumula sa loob ng katawan niya. Muling nagbaga ang mga mata niya at pati si Ayesha nagliyab ang mga mata. Mula sa katawan ng binata may lumalabas na kakaibang kapangyarihan at parang hinihigop ito ng katawan ng dalaga.
“You three will never exist again!!!” sigaw ng dalaga.
Dumaloy ang itim na apoy mula sa katawan ni Benjoe. Lumabas ito sa mga kamay niya at lumipat sa katawan ng dalaga. Pinaharap ni Ayesha ang dalawang kamay niya at may nabuong malaking itim na bola na gawa sa itim na apoy. Napatigil si Crispin at napasigaw, tumakbo siya paatras at hinila ang mga kasama niya.
“Ang dakilang itim na apoy! Takbo!!!” sigaw niya.
Tinapon ni Ayesha ang malaking bola ng apoy papunta sa kanila, magteteleport na sana yung tatlo pero nahabol sila nung itim na bola. Napasigaw ng matindi si Crispin at mga kasama niya. Unti unti isla nilamon ng itim na bola hanggang sa abo nalang ang natira sa kanila.
“Oh wow” bigkas ng binata at humupa ang pagbabaga ng mga mata nila.
“Nag eenjoy ka naman siguro sa pagyakap mo” sabi ng dalaga.
“Sabi mo yakapin kita, hello!” sumbat ni Benjoe.
“Seriously? My chest?” tanong ni Ayesha at agad bumitaw ang binata at napahiya.
“I am sorry I didn’t mean to. Ang bilis ng pangyayari talaga hindi ko talaga sinasadya doon humawak” sabi niya sabay titig sa mga kamay niya.
Pinagpag ni Ayesha ang dumi sa damit niya sabay naglakad papunta sa higanteng nakahandusay sa lupa.
“Hoy Barbs buhay ka pa ba?” tanong niya.
“Wala na ako exercise sis. I am so ashamed nabugbog ako ng two girls” bulong ng higante at nagtawanan sila.
Sabay sila napalingon kay Benjoe, nakita nila ang binata naa uliro at nakatingin parin sa mga kamay niya.
“In shock siguro siya dahil sa mga pangyayari” sabi ni Barubal.
“Or secretly happy pagkat may nahawakan” sumbat ng dalaga sabay simangot.
“Ano nahawakan niya?” tanong ng higante.
“Wala! Tumayo ka na diyan at aayusin pa natin sa loob” sabi ni Ayesha.
Pagpasok nila sa studio ay nagulat sila pagkat may dalawang tao na gumagalaw.
“Amanda? Gelo?” bigkas ni Benjoe.
“What the hell is going on?” pahabol ng binata habang hinuhubad niya ang kanyang polo shirt.
Awang awa ang mag asawa sa binata kaya sabay nila siya niyakap.
“Everything will be okay iho, just go with theses two and they can explain everything” bulong ni Amanda.
Lumapit si Benjoe kay Ayesha sabay binigay sa kanya ang kanyang damit.
“Suot mo, mas kailangan mo kasi babae ka” bulong niya sabay pinagmasdan ang mga taong nakahinto.
“Sige na tumuloy na kayo. Kami na ang bahala dito” sabi ni Gelo.
“Ah…pero…hindi kayo…” bigkas ni Barubal at ngumiti lang yung mag asawa sa kanya.
Inakbayan ni Ayesha si Benjoe, tuliro parin yung binata at nakayuko ang ulo.
“Ang laking maso naman niyan” bigkas niya sabay pagtingala niya nakangiti sa kanyan si Barubal.
“Thanks for the save bossing” sabi ng higante pero binatukan siya agad ni Ayesha.
“Bossing ka dyan e buhay pa tatay niya no. Tara na nga” sabi ng dalaga.
“Ha? Saan tayo pupunta? Ano ba nangyayari na? Please explain I don’t understand anything anymore” sabi ni Benjoe at niyakap siya ni Ayesha.
“Sssshhhh…lets go get you somewhere safe” bulong niya.
Ngumisi si Barubal at kinurot ang dalaga. Tumaas ang dalawang kilay ni Ayesha pero first time nakasilip si Barubal ng ngiti sa kanyang mga labi.
“Ayiheeeee…lets go” bigkas ng higante at nawala agad yung tatlo.