Sa loob ng isang magarang condo unit nakaupo si Benjoe sa sofa at Pinagmamasdan yung nakatayong higante sa harapan niya.
“Seven footer na demonyo” Bulong niya.
“Dito lang sa lupa ako seven footer pero ang tunay kong anyo ay ten feet Tall ako. Pinaliit ko sarili ko para maka blend in ako sa tao. Kaya sa pagliit ko humina din Ako kaya nabugbog ako nung two demon chicks” sabi ni Barubal sabay ngisi.
“Palusot ka pa. Sabihin mo lang hindi ka marunong lumaban dahil taga bantay ka Lang dati ng kulungan sa impyerno” sabi ni Ayesha na may dalang meryenda para sa Binata.
“Ano yan?” tanong ng binata.
“Duh! Ano pa kundi brownies, sige na kain ka. I Baked these” sabi ng dalaga at lalong niyuko ni Benjoe ang kanyang ulo at hinaplos ito.
“Higanteng demonyo na may giant maso, magandang demonyo na marunong Magluto, mga apoy na itim lumalabas sa katawan ko, mga kalaban na gusto ako Patayin, oh my God what the hell is going on here?” bigkas niya at biglang kumulog ng Malakas.
“Oops sorry my bad” pahabol niya.
“Teka nga, condo unit mo ito? Ang ganda naman, bakit ako wala akong ganito? Magkaedad naman ata tayo e based on your looks. Ikaw tangkad may condo unit ka din Ba? Si daddy ang yaman yaman, ang laki ng bahay niya. Bakit ako lang ata yung Demonyong pulubi? May ginto nga akong kwintas pero hindi naman sa akin” tanong ng Binata.
Tahimik lang sina Ayesha at Barubal habang pinapanood nila si Benjoe na Kumakain.
“Sarap naman nito, alam mo ba paborito ko ang brownies?” sabi ng binata.
“Alam ko” sabi ng dalaga at nagngitian yung dalawa.
Inabot ng higante ang kamay niya Para kumuha ng isa pero agad siya pinalo ni Ayesha.
“Sa kanya lang yan!” sigaw niya.
“Grabe naman, di maganda ang nagdadamot. Kuha ka lang Barbs” sabi ni Benjoe.
Kumuha yung higante ng isa sabay dinilatan ang dalaga.
“Barbs” bigkas ng dalaga.
“Oo kasi ang haba ng Barubal at parang ang bantot, kaya Barbs nalang para bongga Pakinggan” paliwanag ni Benjoe at napangisi ang higante.
“Alam mo narinig ko na din Yang paliwanag na yan. Compatible talaga” landi ni Barubal sabay ngumisi siya kay Ayesha.
Napapangiti nanaman yung dalaga pero agad ito tumayo at nagtungo sa Kusina.
“Iced choco right?” tanong niya.
“Oh yes please, wow galing ng powers mo ha, Alam na alam mo gusto ko” sabi ng binata.
“Oooh what powers is that? Ayeeeshaaa Ako nga din pakigawa ako ng favorite drink ko. Gamitin mo din powers mo” landi muli ng Higante.
“Oo sige Lason with ice” sagot ng dalaga.
Nakabalik si Ayesha na may dalawang baso ng iced choco. Naupo siya sa tabi ng Binata at nagulat siya nang hawakan ni Benjoe ang kamay niya.
“May first aid kit ka? Dapat gamutin natin sugat mo” sabi niya.
Nagpagulong gulong mga mata ni Barubal Sabay tumingin sa malayo, nanginig yung dalaga at nilayo ang kamay niya.
“Ah it will Heal, demonyo tayo e. Tignan mo yung mga sugat ko kanina sa leeg at braso wala na O” sabi ng dalaga.
“Ows?” tanong ni Benjoe at napatingin siya sa braso siya at wala narin yung sugat Niya.
“Wow astig ah. Pero bakit yang sa kamay mo meron pa?” tanong niya.
“Kasi Ginamit ko yung itim na apoy mo, hindi dapat pero kinailangan patayin yung tatlong yon Bago pa sila makatakas at makapagsumbong” paliwanag ng dalaga.
“Magsumbong? Ibig mo sabihin madami pa sila? Madami pa ang magbabanta sa buhay ko?” tanong ni Benjoe.
“Oo pero wag ka mag alala. Hindi ka nila kilala. Nadulas ako kanina kaya ayon Nalaman ni Crispin na ikaw si Saturnino. So siya palang yung unang kalaban na Nakakita sa iyo. The good part is napatay natin sila” sabi ni Ayesha.
“Sure ba na patay Na? Kasi demonyo tayo at nakapanood ako sa sine na lagi nabubuhay yung kalaban e” Sabi ni Benjoe at tinawanan siya nung dalawa.
“Oo tama din yon. Pag kami ni Barbs ang pumatay kay Crispin, babagsak lang Kaluluwa niya sa impyerno. May tsansa siyang bumalik dito sa lupa. Pero pag ikaw at Dad mo ang pumatay sa demonyo gamit ang Dakilang Itim na Apoy niyo burado na Agad sila dito sa mundo” sabi ng dalaga.
Napatingin si Benjoe sa mga kamay niya sabay dahan dahan tinignan ang dibdib ng Dalaga tapos napayuko ulit.
“Sorry talaga kanina” bulong niya.
“Ayos lang yon” sagot ni Ayesha.
“Pwede mo ba ipaliwanag sa akin ang lahat ng ito. Wala talaga ako Naiintindihan e. Oo alam ko demonyo ako pero sumasakit ulo ko dahil sa bilis ng mga Pangyayari. Parang ikaw madami kang alam e so please explain everything to me” Bulong ng binata.
“Mas maganda tatay mo magpaliwanag e pero since wala siya sige sasabihin ko ang Lahat ng alam ko. Hindi ko alam ang buong kwento pero yung alam ko lang ang Sasabihin ko” sabi ni Ayesha. Naupo ng maayos si Benjoe at pinikit ang kanyang mga Mata.
“Okay sige game na” sabi niya.
“Itong bansa kasi ay mapayapa dati. Balanse lang ang kabutihan at kasamaan. Alam Mo naman ang mundo hindi pwede kabutihan lang ang lahat or else sobrang boring na Talaga. Kaya may tinatawag na counter balance, sad to say tayong mga demonyo yon. Kaya lang may isang grupo ng mga demonyo ang hindi gusto ang ganon. Gusto nila Gawin ang gusto nila”
“Tumiwalag sila sa impyerno at nagpunta dito sa lupa para maghasik ng lagim. Yung Balance ng bansa nawala at pumabor sa kasamaan. Para maiwasan ang gera ng langit At impyerno, nagpasya sina Brod at Brad na magtalaga ng isang nilalang para Mapanatili ang balanse sa bansa. Kasi pag hindi naibalik ang balanse ay magrereklamo Yung mga taga langit. Pag nagkaganon ay gera na talaga at maaring mabura ang Bansa na ito pag nangyari yon”
“Yung Tagapag Ayos ang nilalang na magpapanatili ng kaayusan sa bansa. Nabiyayaan siya ng dagdag na kapangyarihan para matakot talaga sa kanya ang mga Nagmamalabis. Yon dagdag na kapangyarihan na yon ay ang Dakilang Itim na Apoy sa Daddy mo pero iba din sa mga nauna sa kanya. Ang tanging apoy na makakapagbura Ng tuluyan sa isang nilalang” kwento ni Ayesha.
“Ang tatay ko ay isang Tagapag Ayos?” tanong ni Benjoe.
“Oo pero hindi siya yung Nauna. Hindi ko alam talaga yung buong kwento pero siya nga yung Tagapag Ayos Nung panahon ng pinakamalaking pagrerebelde ng mga demonyo. Naibalik niya sa Wastong kaayusan ang bansang ito, pinaslang niya lahat ng malalakas na rebeldeng Demonyo. Kaya talagang kinakatakutan ang tatay mo dahil magaling siyang mandirigma At mautak” sabi ng dalaga.
“At meron siyang Dakilang Itim na Apoy” dagdag ni Benjoe.
“Ganon na nga” sabi ni Ayesha.
“Oh so paano ako papasok sa eksena? Bakit ako ang hinahabol ng kalaban?” Tanong ng binata.
“May tinatagong alas pala yung mga rebelde, pangalan niya ay si Evelenio. Sabi ng Mga matatanda ay napakabangis daw niya at napakalakas. Kinalaban niya ang ama Mo, nagbigo sila pero doon lang nila nakitang nahirapan si Antonio sa laban. Nagtago Muli ang mga demonyo at nagpalakas. Alam mo bago nila nilabas alas nila hinahanap Ka nila. Di ko alam bakit pero bigo sila kaya nilabas nila si Evelenio. Sabi sabi sa baba Ginawa lang siya e pero di namin alam ang buong kwento. Kaya nung natalo siya Bumalik sila sa paghahanap sa iyo” sabi ni Ayesha.
“Yan ang hindi ko maintindihan e” sabi ng binata.
“Kasi ikaw ang magiging kahinaan Ng tatay mo! Pag nakuha ka ng mga rebelde ay hindi na makakalaban ang tatay mo! That is why tinago ka niya ng mabuti kung saan hindi ka mahahanap!” pagalit na Pinaliwanag ng dalaga.
“I see, sorry ha. Pero naiintindihan ko na bakit niya ako tinago” Bulong binata.
“Mas lalo sila naging agresibo sa pag atake sa tatay mo kasi nga nakita nila sa Huling laban niya kay Evelenio na malapit na sila magtagumpay. Pero hindi din sila Tumigil sa paghahanap sa iyo pagkat alam nila pagsapit mo ng tamang edad ay Maipapasa ng tatay mo ang kapangyarihan niya sa iyo. Kaya meron ka narin Dakilang Itim na Apoy”
“Hindi ka talaga nila mahanap kaya hindi sila tumigil sa paglaban sa tatay mo. Nag Eksperimento sila at nakagawa sila ng mga hybrid demons. Gusto nila mapatay ang Tatay mo bago ka mag eighteen para hindi maipasa sa iyo ang tungkulin ng Tagapag Ayos. Kasi pag eighteen ka na tapos napatay nila siya, mamamana mo na ang Tungkulin ng Tagapag Ayos. Wag ka umangal, ganon talaga yon naipapasa mula ama Sa anak”
“Five years ago may kumalaban sa tatay mo na hybrid demon, si Evelenio, nanalo Siya pero lubha siyang nasugatan. Nagkaroon ng katahimikan at kapayapaan, pero Hindi pala tumigil ang demonyo. Mas naging agresibo sila sa paghahanap sa iyo pagkat Alam nila konti nalang mapapatay na nila ang tatay mo. Ngayon alam nila eighteen ka Na, alam nila hindi mo pa nakukuha ang tunay mong kapangyarihan kaya tuloy ang Pangamba sa inyong buhay”
“Nung nakaraang linggo nag attend kami ni Barbs ng pulong ng mga rebelde. Oo Nagpapaganggap kaming kaanib nila, eto ang katibayan” sabi ni Ayesha sabay pakita Sa tattoo sa kamay niya.
“Ah kaya pala hinahaplos niya kamay ko kanina. Akala ko Nababakla lang siya” sabi ni Benjoe at nagtawanan sila ni Barubal.
“Oo kasi tinatatakan nila ang mga rebelde. Pag wala kang tatak tapos napansin nila Na may kakaiba kang kapangyarihan, pipilitin ka nila sumanib sa kanila. Ganon ang Gusto niya gawin sa iyo kanina. Anyway moving on, sabi ko nga nakipag pulong kami at Doon pinakilala nila ang mga bagong hybrid demons. Ramdam namin gaano sila Kalakas at isa pa, malakas na loob nila na maghasik ng lagim kaya kung napapansin Mo tumaas ang crime rate sa bansa” sabi ng dalaga.
“Yung kanina ba hybrid yon?” tanong ni Benjoe.
“Oo siya si Crispin pero hindi siya Yung pinakamalakas. Ang kuya niya ang unang demonyo maliban sa tatay mo na Nakapagparamdam sa aking ng labis na takot. Kapantay ata ni Basilio ang tatay mo” Sabi ni Ayesha at nabalot ng takot ang binata.
“Patay ako pag nalaman ni Basilio na napatay natin kapatid niya” sabi ni Benjoe.
“Malamang malaman niya lalo na pag hindi nagpapakita sa kanya si Crispin. Pero wag Ka mag aalala ang unang pagbibintangan nila ay ang tatay mo which is good para Bawas ang banta sa buhay mo” sabi ng dalaga. Nalungkot si Benjoe at huminga ng Malalim.
“Ngayon na nga lang ako nagkaroon ng ama e, kahit demonyo siya tanggap ko Siya tapos mawawala pa” bigkas niya.
“Baby bossing, kasi ang tatay mo ang parang pulis ng mga demonyo, siya narin ang Parang hukom bitay ng masasama. E ayaw ng mga demonyo ang nadidiktahan kung Ano ang pwede at hindi pwede nila gawin. Pero yung mga tulad namin na mababait law Abiding kami syempre. Madami nga lang ang may ayaw ng ganon” sabi ni Barubal.
“Oo gets ko na yon. Pero wala bang kasama ang tatay ko na lumalaban? Mag isa Lang ba talaga niya?” tanong ng binata.
“Di ko alam, magkaedad lang tayo kaya. Wala Pa ako nung mga big battles niya pero five years ago gusto ko sumama sa kanya pero Ayaw niya ako isama” sabi ng dalaga sabay titig sa higante.
“Sorry baby boss, nung panahon na yon e taga bantay lang ako ng impyerno. Ako Pa nga baby sitter nitong si Aye nung bata siya e. Isang araw dumalaw tatay mo sa Baba, bata pa kami noon kaya hindi ko masyado maalala. Basta ang naalala ko kinuha Niya kami e. Sorry baby boss ha kung di ako nagkakamali one year old pa ata kami Noon pero nagsasalita na kami at naglalakad” sabi ni Barubal at natulala si Benjoe.
“May nakakatawang nangyari, itong si Aye akala niya bad ang tatay mo kaya kinagat Niya sa paa si boss” kwento ng higante at natawa si Benjoe.
“Sinungaling!” sigaw ng Dalaga.
“Oo na hindi mo kinagat pero minaso mo ilang beses yung paa niya” sabi ni Barubal.
“Grabe ang tawa natin non ata pero natakot tayo kasi bigla siya lumuhod tapos Hinawakan tayo sa ulo. Akala ko papatayin na niya tayo kasi tinatawanan natin siya” Kwento naman ni Ayesha.
“Pero teka, basta nalang niya kayo kinuha ni Ayesha?” tanong ni Benjoe.
“Oo basta Nalang kami kinuha kasi hindi magandang lugar daw na doon kaya pinaalaga na kami sa tatay mo. Mula noon hindi na namin nakasama magulang naming. Mas pinili nila Lumaki kami sa ligtas na lugar. Tapos ako naging parang yaya ni Aye at…yon basta ako Nag alaga” sabi ng higante.
Napatingin si Benjoe sa dalaga at napansin nito ang lungkot Sa kanyang mukha.
“Ang laki naman ng yaya mo, hindi ka ba natakot?” banat ng binata At nanginig ang mga labi ng dalaga at bigla siya natawa.
Gulat na gulat si Barubal at napaatras,
“O bakit Barbs?” tanong ni Benjoe pero tinuro Nung higante yung dalaga.
Tumigil si Ayesha at muling nagsimangot pero di talaga niya Mapigilan kaya napangiti ng todo.
“Waaa…first time tumawa at first time ngumiti” bigkas Ni Barubal.
“Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Benjoe.
“Hello! Kanina pa ako Ngumingiti!” sumbat ng dalaga.
“Lagi nakasimangot yan o kaya taray look. Ika nga poker face paborito niyang kanta E” sabi ng higante at inirapan lang siya ng dalaga.
“Aha! May naalala ako sabi niya dati Na ang unang magpapatawa sa kanya o magpapangiti ay….” Di natuloy ni Barubal ang Sinasabi niya pagkat sinugod siya ng dalaga at binuntal sa mukha.
“Wag ka gumagawa Ng kwento!” sigaw ni Ayesha.
“E totoo naman e sabi mo nga…”
Tinakpan ng dalaga ang bibig ng higante at tapos pinagsasakal ito.
“Mahuhulog daw Puso niya!!” hirit ni Barubal at ayaw magpaawat kaya pinaghahampas siya ni Ayesha Habang tumatawa.
“Tignan mo o parang nakikiliti!” sabi ni Barubal.
“Tumigil ka na kasi!!” Sigaw ng dalaga at naaliw sobra si Benjoe sa dalawa.
Nagulo gulo na yung salas, Nakatakas si Barubal at pumorma na hahampas sa dalaga.
“Subukan mo lang” sabi ni Benjoe at nanigas yung higante sabay ngiti.
Nagtago si Ayesha sa likod ng binata Sabay dumilat.
“Baby boss biro lang naman. Ganyan lang lambingan namin ng alaga Ko. Kaya niya naman e kasi malakas siya” paliwanag ni Barubal.
“Kesyo kaya niya o hindi wag na wag ka papatol sa babae. Wag mo pagbubuhatan Ng kamay kahit anong rason. Tratuhin mo sila ng maayos lagi” sermon ng binata at Napayuko ang higante at napakamot.
“Sorry baby boss” bigkas niya.
Tuwang tuwa si Ayesha na tuloy ang pagdidilat sa higante, naupo si Benjoe at biglang natawa. Tinuro niya yung malaking bintana, lahat napalingon doon at nakita nila si Antonio Nakadikit sa bintana at nakangisi.
“Boss!” sigaw ng higante.
“Ano pa ginagawa niya sa Labas? Bakit hindi siya pumasok?” tanong ng binata.
“Hindi siya makakapasok dito, mma Nakalagay na sumpa dito sa condo ko. Tanging yung mga gusto ko lang pumasok dito Ang makakapasok. Tawagin mo na parang safety feature” sabi ni Ayesha at pinitik niya Mga daliri niya at nakapasok narin si Antonio.
“Bossing!!!” sigaw ni Barubal sabay niyakap ng matindi ang demonyo.
“Barubal ano Ka ba? Bitawan mo nga ako” sabi ni Antonio.
“Sorry boss namiss lang kita e” sabi ng Higante. “Oo na oo na, so nabalitaan ko yung nangyari sa studio. Are you okay anak?” Tanong niya.
“Opo dad pero itong si Aye may sugat pa sa kamay na hindi nahihilom. Ginamit niya kasi yung dakilang itim na apoy ko” sabi ng binata.
Napanganga si Antonio at tinignan ang kamay ng dalaga.
“Meron siya?” tanong niya.
“Opo meron. What do you expect anak mo nga e” sagot ng dalaga.
“At least sure na Ikaw na yung ama boss” banat ni Barubal at nagtawanan yung tatlo habang si Antonio Tuwang tuwa.
“At least now makakahinga ako ng maluwag” sabi niya.
“Bakit naman? Tanong ng dalaga.
“Wala na ako iniintindi masyado, kaya ko na sila labanan ng maayos ngayon na Alam ko hindi nila basta basta mapapatay anak ko. Kasi may panlaban na siya sa Kanila” paliwang ng demonyo at nakitabi sa anak niya.
“Dad, yung kamay ni Ayesha. Pano gagamutin yan?” tanong ni Benjoe.
“Magagamot din yan kusa pero matagal lang Kasi kakaiba yung apoy natin anak” sagot ng tatay niya.
“May paraan ba na magagamot Agad? Baka magkaimpeksyon e” sabi ng binata at nagtawanan yung tatlong demonyo.
“Anak hindi naman normal na sugat yan e. Hindi magkakaimpeksyon yan. Gagaling Din yan” sabi ni Antonio.
“Yun babae na hinalikan nung kalaban, binalik niya ang lakas Niya at napansin ko gumaling ang mga sugat niya. May mga ganon pa ba para Makipaghalikan din si Ayesha?” tanong ni Benjoe pero binatukan siya nung dalaga.
“Hoy hindi ako tibo!” sigaw niya.
“Wala ako sinabing ganon, gusto ko lang magamot agad ang kamay mo” sagot ng Binata.
Natameme si Ayesha habang naglandi nanaman ang mga mata ni Barubal.
“Hay, kailangan niya ng Taga Hilom” sabi ng tatay niya.
“O saan tayo makakahanap ng Ganon? Sila ba yung mga doctor ng demonyo?” tanong ni Benjoe at muli siya Tinawanan.
“Hindi anak, mga mandirigma din sila. Tulad ng sabi mo yung nakita mo kanina. Yung kalaban mo may alalay, yung kahalikan niya ay ang Taga Hilom niya” paliwanag Ni Antonio.
“At isa siya gumulpi kay Barubal” singit ni Ayesha at napahiya yung higante.
“Hindi kasi ako pumapatol sa babae, turo ni baby boss yon” palusot niya.
“Loko! Kanina Niya lang sinabi yan, nauna pa yung laban mo at aminin mo na nagulpi ka ng mga Babae” sabi ng dalaga at tumawa siya ng malakas.
“O kailan pa natuto tumawa ito?” tanong ni Antonio kaya tumigil agad si Ayesha.
Ngumisi si Barubal sabay tinuro si Benjoe.
“Aaahhh…ganon ba?” landi ni Antonio at pati Siya ngumisi.
“Dad focus nga sa problema muna! Yung kamay ni Ayesha!” sigaw ni Benjoe at namula bigla ang mga pisngi ng dalaga habang yung higante at ama niya Parang kinikilig na mga babae.
“As I was saying, yung isang kasama niya Taga Hilom. Sila yung nag gagamot at Nagbabalik ng lakas ng isang mandirigma. Yung isa naman depende, pwede siyang Taga Bulong, Taga Basa, Taga Pakinig o kaya Taga Braso. Yung taga bulong alam mo Na yon, yung Taga Basa naman sila yung nakakakita ng future konti. Konti kasi hindi Ganon kalawak ang nakikita nila, maaring isang araw in advance o dalawa. Pero pag Magaling talaga mas malawak pa. Yung taga pakinig naman ay ang mga nakakabasa Ng utak ng kalaban. Yung taga braso ay parang body guard lang yon” paliwang ni Antonio.
“Wow so talagang seryosohan pala ang laban ng demonyo” sabi ni Benjoe.
“Oo Naman anak. Hindi naman sa palakasan yan e. Kailangan din ng utak” sabi ng tatay Niya.
“Teka pag mahina na sa laban e time out hahalik muna ganon? Pano kung Naghina yung dalawang naglalaban e di time out sila pareho tapos may kissing Moments?” tanong ng binata at natawa si Antonio.
“Diskartehan lang yan anak. At hindi naman kiss talaga e. Maloko lang talaga yung Nakalaban mo siguro at gusto niya halikan. Sa totoo ang mga Taga Hilom ay Hahawakan ka lang lalakas ka na o magagamot agad” paliwanag ng matanda.
“Hmmm E dad bakit hindi nalang yumakap sa kanya yung babae kanina o di lalakas siya at hindi Na manghihina” hirit ni Benjoe.
“Anak kakaiba ang taglay na kapangyarihan ng isang Taga Hilom. Pero sila din aan Pinakamahina sa totoo lang. Hindi nila kaya gamutin sarili nila at sila ay marupok. Kaya Pag sila ay nasugatan kailangan nila magpahilom at magpagaling sa normal na paraan. Hindi din gagana ang kapangyarihan ng kapwa taga hilom sa kanila. Sa laban isa sila Sa mga prinoprotektahan ng mga Taga Braso. Pero para hindi sila masyado maging Sagabal ay natuto narin sila lumaban. But they are not that strong, kaya sa laban pag Kilala mo sino Taga Hilom yun agad ang atakehin mo” sabi ni Antonio at sabay Napatingin si Benjoe at Ayesha sa higante.
“Oo na oo na nagulpi ako ng mga babae, tapos yung isa mahina pa” sabi ni Barubal Sa hiya at napagtawanan naman siya.
“So Taga Hilom yung isa” hirit ni Benjoe at hindi Na makatigil sa tawa si Ayesha at yung higante ay nakayuko na talaga sa hiya.
“So ano Kaya yung isa?” pahabol ng binata.
“Depende talaga anak, ano bang nakita mo ginawa Nung isa?” tanong ni Antonio at napangisi ang anak niya sabay titig sa higante.
Napahalakhak ng todo ang dalaga at niyuyugyog si Benjoe.
“Bwisit naman o, pareho Lang sila ng lakas boss” bulong ni Barubal.
“Ah I see. Depende parin, pwede naman mahina lang yung mga iba e maliban sa Mga taga Braso” sabi ng tataty niya.
“Nakita ko po yung isa na bumubulong kay Crispin Bago yung laban” sabi ng dalaga.
“I see, pero depende parin yon. Sigurado ko hindi yon Taga basa kasi dapat nakita na niya na matatalo sila. Hindi din siya Taga Pakinig kasi Mababasa niya dapat ang iniisip niyo at bawat galaw. Kaya siguro mahina siyang taga Braso” sabi ni Antonio at tinago na talaga ni Barubal ang mukha niya sa hiya.
“Oo dad at isa pa hindi niya ako nakilala. Nung nadulas nalang si Ayesha doon nila Nalaman na ako si Saturnino” sabi ni Benjoe at biglang nagalit ang tatay niya.
“Sorry po Hindi po sadya. I had to explain that kayo lang makakapatay sa kanila e” sabi ng dalaga.
“Hindi nila malalaman na ikaw talaga yan pagkat wala nakakaalam kung sino ka. Are You sure tatlo lang sila? Baka may nakawala at malalaman na ang katauhan ng anak Ko” pagalit na sabi ng matanda.
“Wag ka nang magalit kasi tapos na. Oo tatlo lang sila pero may dalawa pa si Amanda at Gelo pero kasama natin sila. Nawili naman ako sa kwento mo pero di mo pa Sinasagot tanong ko e. May kilala ka bang Taga Hilom upang magamot si Ayesha?!” Sigaw ng binata at napaatras si Antonio habang napahawak yung dalawa sa leeg nila.
“Meron” sagot ng ama niya sabay himas sa pendant ng kwintas niya.
“O may ganyan Din ako o pero gawa sa ginto…teka bakit umiilaw sa iyo?” sabi ni Benjoe sabay Pinasikat ang pendant niya.
Tinuro naman ni Antonio ang pendant ng anak niya, Pagtingin ng binata ay may isang tala na umiilaw.
“Ha? Di naman umiilaw ito noon ah. Bakit may ilaw na isa? Tapos sa iyo tatlo?” sabi Niya.
“Dahil kay Ayesha, isa siya sa mga tala mo” sabi ni Antonio at tinapik ng binata Ang noo niya sabay napaupo.
“Oh boy eto nanaman po. Okay please explain it to me Slowly and clearly” bigkas niya.
“Sorry anak ha, alam ko komplikado ito lahat pero maiintindihan mo din” sabi ni Antonio at hinimas ni Ayesha ang likod ng binata.
“Tala, wag mo sasabihin may iisan Buwan din ako o isang araw. Bulalakaw dad meron din ba ako? Ulap? Bahaghari? Oh My goodnesss naman ang hirap pala maging demonyo” drama ni Benjoe.
Tumayo si Antonio at hinawakan ang kanyang pendant.
“Ayesha please open the Door for two” utos niya.
Tumayo din ang dalaga at biglang nagliyab ang kanyang mga Mata. Napatingin nalang si Benjoe sa dalawa pero may maliit na ipo ipo ang sumulpot Sa salas. Paghupa nung ipo ipo ay may dalawang lola ang sumulpot kaya nagulat ang Binata.
“Lola?! E siya yung nagpatago nitong kwintas e!” sigaw niya.
“Anak sila ang Dalawa sa aking mga tala” pakilala ng ama niya.
Nagtakip ng bibig si Benjoe at Barubal, dahan dahan sila tumalikod at tuluyan nang Natawa.
“Dad yung mga taga braso mo ba naka wheel chair? Sure ka nanalo ka?” Banat ng baby demon at pati si Ayesha nahawa at di na nakapagpigil.
“Kung wala sila Anak malamang wala narin ako dito ngayon” sabi ni Antonio kaya humarap muli si Benjoe.
Nagulat ang binata nang magpalit anyo ang dalawang lola. Bumata sila bigla at Sabay nagtaasan ng kilay.
“Nais ko ipakilala sa inyo ang dalawa kong tala. Si Ophelia Ang aking Taga Hilom at si Yamika and aking Taga Basa at Taga Pakinig”