Sa harap ng dining table naupo ang lahat habang si Barubal nagluluto. Hinahaplos ni Ophelia ang kamay ni Ayesha habang si Benjoe mariing na pinagmamasdan ang dilaw na ilaw na lumalabas sa kamay ng isang tala ng tatay niya.
“So Benjoe balita ko college ka na daw, ano naman kinukuha mo?” tanong ng Taga Hilom.
“Ah Theology po, gusto ko magpari” sagot ng binata.
Napataas ang kilay ng dalawang tala pero sumabog na sa tawa si Antonio.
“Philosophy po kinukuha niya” sabi ni Ayesha.
“Bwisit! Nagmana ka talaga sa tatay mong loko loko!” sigaw ni Yamika at lalo pang natawa ang mag ama.
“Bakit hindi po ba pwede magpari ang isang demonyo?” tanong ni Benjoe.
“Pwede naman, subukan mo nga talaga iho” sabi ni Ophelia.
Nabilib ang binata sa kapangyarihan ng taga hilom pagkat nagsasara na talaga ang sugat ni Ayesha.
“Galing ah, unti unti gumagaling yung sugat o” bigkas niya.
“Pag normal na sugat ito kanina pa sana gumaling” sabi ni Ophelia.
“Aye sorry talaga ha” sabi ng binata.
“Ano ka ba? Kasalanan ko ito ano. Di ko alam ano iniisip ko pero at least it worked” sagot ng dalaga.
“Bakit ano ba ginawa mo iha?” tanong ni Yamika.
“Kasi po hindi alam ni Benjoe gamitin kapangyarihan niya, kaya po pinayakap ko siya sa akin tapos hiniram ko yung lakas niya” kwento ng dalaga.
“Nagpalabas ka ng bola na gawa sa itim na apoy niya at yon ang tinira mo sakalaban” dagdag ng babae kaya nagulat sina Ayesha at Benjoe.
“She can read your mind” sabi ni Antonio.
“At mukhang nagmana tong anak mo sa iyo” dagdag ni Yamika.
“Talaga? Pano mo nasabi?” tanong ng tatay ni Benjoe.
“Unang tagpo palang nila ni Ayesha ay naka second base na siya agad” landi ng kanyang tala.
“It was an accident po. Hindi ko sinasadya. Ang bilis ng pangyayari kasi pasugod na yung kalaban. Basta yumakap nalang po ako sa kanya” paliwanag ng binata at pinagtawanan siya.
“Kaya naman pala natuto ngumiti at tumawa yung isa diyan” banat ni Barubal habang nagtatadtad ng bawang.
“Tse! Tumahimik ka diyan! Aksidente nga e!” sumbat ni Ayesha.
“Wow magaling na o” bigkas ni Benjoe at tuwang tuwa siya pagkat wala na yung sugat sa kamay ng dalaga.
“Eto iho subukan mo” sabi ni Ophelia at hinawakan ng babae ang kamay ng binata.
Nanlaki ang mga mata ni Benjoe at napatayo siya.
“Wow! Para akong bagong gising!” sigaw niya at napansin niyang nawala ang p*******t ng kanyang mga muscle sa katawan.
“Pwede pala talaga sa haplos lang, yung kalaban namin kanina e hinalikan pa niya yung taga hilom niya e” sabi ng binata.
“Maloko yung ganon iho pero ganon din ang tatay mo noon” sabi ni Ophelia at biglang nagtakip ng mukha si Antonio.
“Well at least proven na hindi Taga Hilom si Ayesha” banat ni Benjoe sabay tingin sa mga kamay niya.
Agad siya binatukan ng dalaga at natawa ang kanyang ama.
“O kita mo na, nagmana tuloy anak mo sa iyo!” sermon ni Ophelia.
“Anak baka yung powers niya na Taga Hilom nadadaan sa kiss” landi ni Antonio kaya napatingin ang anak niya sa magandang dalaga.
Namula ang mga pisngi ni Ayesha, nagtakip ng bibig si Yamika pagkat nabasa niya ang iniisip ng dalaga.
“Antonio m******s” tukso nalang niya.
“Wag niyo naman na ako binubuking please” bulong niya.
“Oo may pagkamanyak ang tatay mo. Kilala naman niya sino taga hilom niya pero pati ako hinahalikan. Sabay ibabanat niya ay oo hindi pala ikaw taga hilom ko” kwento ni Yamika at nagtawanan ang lahat.
“Gustong gusto mo naman!” bawi ni Antonio.
“Bugbog sarado ka naman sa asawa mo!” bawi ng kanyang tala.
“Wait! Isang tala din ang mommy ko?” tanong ni Benjoe at napahaplos sa noo niya ang kanyang ama.
“Oo iho, kaming tatlo ng nanay mo ang mga tala ni Antonio” sabi ni Ophelia.
“Pero si Amelia ay isang mandirigma, sila lagi ng tatay mo ang nasa harap ng laban” dagdag ni Yamika.
“Amelia…pangalan ng nanay ko. Is she still…” sabi ni Benjoe.
Nilabas muli ni Antonio ang pendant niya at tinuro ang pinakataas na tala.
“Eto ang mommy mo. Nakailaw pa siya kaya oo anak buhay pa mommy” sabi niya. Napatayo muli ang binata at natuwa.
“Nasan siya?! Can I go see her? When will I meet her?” tanong ni Benjoe.
“Depende sa iyo yon iho pag handa ka na” sabi ni Yamika.
“Handa na po ako! Tara na!” sagot ng binata.
“Hindi ka pa handa iho” sabi ni Ophelia.
“What do you mean hindi pa ako handa? Sa tingin niyo ba madali maging ampon ng iba? May nanay at tatay pala ako. O nakilala ko na tatay ko so bakit ayaw niyo makilala ko nanay ko? Isa ba siyang malaking demonyo? Higanteng demonyo na saksakan ng pangit? Nanay ko yon! I want to meet her already!” sigaw ng binata.
“Anak maupo ka. Makinig ka sa mga tita mo, when they say you are not ready yet, believe them” sabi ni Antonio.
Naupo si Benjoe at galit na galit siya.
“Alam ko ang nararamdaman mo iho, pero madami ka pang kailangan malaman at madami ka pang madidiskubre. Makinig ka muna sa aming kwento” sabi ni Yamika.
Nakayuko lang ang ulo ng binata, ramdam ng lahat ng nasa condo at kanyang dark aura na lumalabas sa katawan niya.
“Benjoe…makinig ka muna” sabi ni Ayesha sabay haplos sa likod ng binata.
Kumalma konti si Benjoe at tinignan ng masama ang kanyang ama.
“You see iho dahil sa pinapakita mong galit ibig sabihin hindi ka pa handa” sabi ni Yamika.
“Ano po ibig niyo sabihin?” tanong ng binata.
“Galit ka pa, so kailangan mo kumalma, makinig ka muna sa amin” dagdag ni Ophelia.
Huminga ng malalim si Benjoe at sumandal sa upuan sabay pinagmasdan ang pendant ng tatay niya.
“Itong kwintas na ito ng tatay mo ay bigay sa mga Tagapag Ayos. May tatlong tala at walong sinag. Hindi naman kasi pwede lumaban ng mag isa ang Tagapag Ayos, kailangan din niya ng mga kasama. Yung tatlong tala ang pinaka importanteng kasama ng isang Tagapag Ayos pero hindi mo basta pwede piliin sino ang magiging tala mo. Darating nalang sila sa buhay ng isang Tagapag Ayos”
“Ang walong sinag ay mga magigiting na mandirigma, pangkaraniwan sila ay mga Taga Braso pero depende na talaga yon sa pangangailangan ng isang Tagapag Ayos. Si Amelia, nanay mo ay isang mandirigma pero hindi siya naging sinag, siya ay naging tala ng tatay mo. Hindi mo pwede talaga piliin sino ang tala at sino ang sinag, basta nalang iilaw ang kwintas kapag nahanap mo na sila” paliwanag ni Yamika.
“Kapag nabuo mo ang tatlong tala at walong sinag saka lamang iilaw yung araw na nasa gitna ng pendant. Ito ay nagsasabi na buo na ang Tagapag Ayos kaya mabibiyayaan siya ng kakaibang lakas para magawa niya ang kanyang tungkulin. At isa sa dagdag na kapangyarihan na yon ay ang Dakilang Itim na Apoy”
“A flame that does not only kill, but it erases the very existence of anything or anyone that it burns” sabi ni Ophelia.
Nagulat si Benjoe at napatingin sa kamay niya,
“Pero I have that power already” sabi niya at napangiti ang kanyang tatay.
“Kaya sila takot na takot sa iyo iho” sabi niya.
“Si Antonio ang pinakaunang Tagapag Ayos na nagkaroon ng dagdag na kapangyarihan. Yung mga nauna sa kanya panay dakilang armas nakuha. Nung nakuha niya ang Dakilang Itim na Apoy ay sa kanya na yon at hindi na maalis. Kaya nung nalaman ng iba na may anak siya natakot talaga sila pagkat alam nila na namamana ng anak ang kapangyarihan ng kanyang mga magulang. Ginusto ka nila patayin pagkat natatakot sila na pag napatay nila si Antonio, ikaw ang magpapatuloy ng tungkulin niya. Pag nabuo mo ang iyong mga sinag at tala, hindi nila maimagine ano pang kapangyarihan ang makukuha mo, pero sigurado higit ito sa Dakilang Itim na Apoy” paliwanag ni Yamika.
“Teka po, sabi niyo itong pendant ay parang gabay lang. Tapos kailangan ito para makita kung kumpleto na talaga ang isang Tagapag Ayos. Hindi ko maintindihan yon” sabi ni Benjoe.
“Oo iho, kasi ang tatay mo demonyo nga, sobrang loko loko at pilyong demonyo” sabi ni Ophelia.
“Grabe ka naman, di naman masyado” sabi ni Antonio.
“Bweno, itong kwintas na ito magsasabi kung handa na talaga ang isang nilalang para maging Tagapag ayos. Kung hindi pa ay hindi mabubuo ang mga sinag at talaga, pag ganon nangyari hindi siya mabibiyayaan ng dagdag na kapangyarihan para gawin ang kanyang tungkulin” sabi ni Yamika.
Napatingin si Benjoe sa kwintas niya sabay tinignan si Yamika.
“Sabi mo pinapatago mo lang ito sa akin?” tanong niya.
“Sorry iho, di mo naman kasi tatanggapin pag sinabi ko na binibigay ko lang sa iyo. Pero sa iyo talaga yan, si Antonio mismo nag utos sa akin na ibigay yan sa iyo” sagot ng tala.
“Okay lalong gumulo lang ang kwento, dad bakit mo ako binibigyan ng ganito e ikaw pa naman yung Tagapag Ayos ah” sabi ng binata.
“Anak yan ang utos sa akin. I am just following orders” sagot ni Antonio.
“Orders from whom?” tanong ni Benjoe.
“Sorry anak di ko pwede sabihin pero para sa iyo daw talaga yan” sabi ng tatay niya.
“Bwisit naman o! Inampon na nga ako tapos didiktahan pa kinabukasan ko! Bakit hindi ba pwede na tanungin muna ako kung gusto ko maging Tagapag Ayos? Pero may kwintas na ako e. Ano pa ibig sabihin nito? E di syempre gagawin akong Tagapag Ayos kasi sila lang naman ang nabibigyan ng ganito e!” pagalit na sabi ng binata.
“Tao ako! Oo na demonyo na ako pero for the first time in my life nagiging happy na ako. Nalaman ko may tatay ako at nanay, tapos buhay sila. Happy ako pagkat may girlfriend narin ako. I was really looking forward to a happy life, sabi ko may pamilya ako na kumpleto, sana makasama mo sila. May isang babae na nagmamahal sa akin, so what else am I going to ask for? Tapos eto may kwintas ako, I know what this means. Lalaban ako sa mga demonyo! Pano na buhay ko?” hirit niya.
Ramdam muli ng lahat ang galit ng binata kaya napahawak ang lahat sa kanilang leeg maliban sa ama niya na napahawak sa kanyang puso.
“What makes it worse is that ayaw niyo makilala ko nanay ko!” sigaw ni Benjoe..
Napahawak si Antonio sa kanyang dibdib, agad humawak si Ophelia sa damit ng demonyo saka pinunit. Nagulat ang lahat pagkat may di pa hilom na sugat sa kanyang dibidb.
“Antonio!!! Bakit yan?” tanong ni Yamika.
“Wala lumang sugat lang to” sagot ng demonyo.
“Tara sa kwarto” sabi ni Ophelia at agad nagteleport yung dalawa.
“Ang tigas talaga ng ulo mo!!!” sigaw ni Yamika at pati siya biglang nawala.
Lalong nanghina ang loob ng binata dahil sa sugat na nakita niya sa dibdib ng kanyang ama.
“Okay ka lang?” tanong ni Ayesha.
“Kailangan ko mapag isa. Excuse me” sagot ni Benjoe at bigla siya nawala.
Lumapit ang higante sa kwarto at dinikit ang tenga niya sa pinto.
“Aye wala ako marinig” bulong niya.
“Malamang, ayaw nila marinig ng iba pinag uusapan nila. Di ko alam sino kakampihan ko Barbs” drama ng dalaga kaya lumapit ang higante sa kanya.
“Naawa ako kay boss, para ko na siyang tatay e. Parang gusto ko na wag na siya lumaban. Pero that would mean si Benjoe ang papalit sa kanya…” bulong ni Ayesha.
“Ayaw mo diba?” sabi ni Barubal.
Tahimik lang ang dalaga at di mapakali, “Tama naman si Benjoe e, why does he have that necklace already? Parang dinikta na ang kinabukasan niya e. Di naman ako nagrereklamo na isa ako sa tala niya. Masaya ako kasi makakasama ko siya pero nung nakita ko sugat ni boss…” sabi ni Ayesha.
“Hindi ko alam ano nangyayari, di ko din masabi kung siya talaga papalit kay tito. If ever that happens, Aye you don’t want to lose him so protect him. Kahit mas mahina ka sa kanya yan lang magagawa mo. Yan naman ata trabaho ng tala e” sabi ng higante.
“Hay ewan ko. Basta alam ko may mali siyang sinabi kanina” sabi ng dalaga.
“Mali? Ano naman yon?” tanong nung higante.
“Hindi lang isa! Dalawa!!!” sigaw ni Ayesha sabay nagtungo sa kusina.
“Barubal ano ba tong niluluto mo?!” hirit niya.
Lumapit ang higante sabay ngisi.
“Hindi lang isa ha, dalawa ha” landi niya at napangiti nalang si Ayesha.
Sa rooftop ng building nakaupo si Benjoe sa edge at nakatingala sa langit. May sumulpot bigla sa tabi niya at nakita niya si Yamika.
“Tita, is my dad okay?” tanong niya.
“Still ongoing iho pero don’t worry your tita Ophelia is the best healer. Daig pa niya ang mga demonyong Taga Hilom” sabi ng tita niya.
“What do you mean? Hindi siya demonyo?” tanong ng binata.
“Of course not, tao si Ophelia. Medyo may linyang bruha ata ang pamilya kasi, oh bruha as in witch ha” sabi ni Yamika at napahawak si Benjoe sa pendant niya. “Oh so hindi lang demonyo, pwede din tao?” tanong niya.
“Yes, sabi ko nga sa iyo depende sa pangangailangan ng Tagapag Ayos” sabi ng tita niya.
Napasimangot si Benjoe at pinikit ang kanyang mga mata.
“So ako talaga papalit sa kanya” bulong niya.
“Iho sana may gana ka pa makinig sa akin ha. Yung tatay mo sobrang pilyo na demonyo, mommy mo lang talaga nakakapagpatino sa kanya. Me and Ophelia fell in love with your father sa totoo lang” kwento ng tita niya at nagulat si Benjoe at natawa.
“Really?” tanong niya at napangiti si Yamika.
“Oo iho, iba kasi siya e. May kakaiba siyang charm. Eto pa big secret ha, yung walong sinag apat ang babae doon at lahat yon nilalandi pa ng tatay mo kaya bugbog sarado talaga siya sa mommy mo e” hirit ng talaga at napahalakhak si Benjoe.
“Sige tita kwento pa, I want to know more about my father” sabi niya.
“Yun lang naman. Pero tanggap naman namin mga girls na mommy mo talaga mahal niya. Kaya oo nagselos din kami pero in the end natanggap namin yon. Alam mo ba how your father became what he is? Ganito yan kasi, tatay mo sabi ko nga happy go lucky na demonyo”
“He met your mother pero nanay mo at agad siya nainlove sa kanya. Syempre loko lokong demonyo tatay mo kaya di siya pinapansin ng nanay mo. Araw araw nanliligaw tatay mo pero nagmamatigas talaga mom mo. One day sabi niya papabilibin niya nanay mo, pag nagawa daw niya sana pagbigyan lang siya sa isang date. By the way ito ang kwento ng tatay mo sa akin ha kaya siguro baluktot to. Di kasi kami masyado nagkwekwentuhan ng mommy mo noon kasi alam mo na”
“So pumayag nanay mo, akalain mo kinalaban niya yung Tagapag Ayos. He needed help so doon kami nagkakilala. As in formal battle, ang mamanalo sa laban na yon magiging Tagapag Ayos. Hindi ganon kadali iho ginawa ng tatay mo. Bago ka
magkakaroon ng formal battle kasi kailangan mo kalembangin ng sabay ang mga kampana ng treseng sagradong simbahan sa bansa. Tapos ang bawat simbahan na yon may malakas na taga bantay na kailangan mo talunin pa. Kinalaban niya talaga ang lahat, muntik na siya mamatay. Hindi ko alam pano niya ginawa pero doon palang nabilib kami lahat sa kanya”
“Pero tinuloy ni Antonio, kinalaban niya yung Tagapag Ayos noon. Hinang hina na siya at naawa na sobra ang nanay mo. Kaya lang sa formal battle wala pwedeng makialam kaya nanood nalang siya. Wala talaga laban si Antonio pero dinaan niya sa utak. The rest is history, siya yung naging Tagapag Ayos at naging sila agad, nagpapakipot lang pala si Amelia, gusto din pala tatay mo mula umpisa” kwento ni Yamika.
“Wow, ginawa ni dad yon?” tanong ni Benjoe.
“Yes, and then everything fell into place. Nabuo niya yung tatlong tala niya at walong sinag. Nakuha niya ang Dakilang Itim na Apoy at talagang napanatili niya yung balanse ng bansa. Pero after the great battle naka relax kami, doon ka nabuo. After nanganak mommy mo nawala siya, kinailangan ka itago for your safety”
“After that nag iba na daddy mo. Hindi na siya ganon kabangis sa laban. Parang may gumugulo na isipan niya lagi. We found out na iniisip niya kayo ng mommy mo. Hindi na siya maka focus because of iniisip niya kalagayan niyo lagi. Patindi ng patindi ang mga kalaban, isa isa din namatay ang sindi ng kanyang mga sinag. Oo namatay lahat ng walong sinag niya. Galit na galit tatay mo, he blamed himself. Kaya the battle five years ago mag isa siya iho. Malubha siya nasugatan kaya kami naman ni Ophelia ang nagalit sa kanya”
“Sabi niya kasi ayaw niya na mamatay pa mga sindi ng kwintas niya. Eto may sugat nanaman siya, nagsolo nanaman siya e. Tigas talaga ulo ng tatay mo pero you have to give him credit sa kabaitan niya” sabi ni Yamika. Nalungkot si Benjoe at naawa sa tatay niya.
“What do I have to do to replace him?” tanong ng binata.
“Iho, di ko alam sino nagbigay ng kwintas na yan, ayaw sabihin ng tatay mo pero galit siya. Ayaw niya na ikaw pumalit sa kanya. Sa totoo nahihiya siya sa iyo. Lagi niya sinasabi na kasalanan niya bakit kinailangan ka mawalay sa kanila. Mahal na mahal ka ng tatay mo iho kahit hindi ka niya nakasama. Nung nawala nanay mo tapos tinago ka, every battle na matapos namin lagi siya nag aalala baka nahanap ka na daw. Tapos sinusumpa niya lagi yung kumupkop sa iyo na kung masaktan kalang daw e kakatayin daw niya buong angkan nila” sabi ng kanyang tita.
Naiyak na si Benjoe at niyuko ang kanyang ulo.
“Iho, walang demonyo ang mahirap, kaya please understand why he chose a poor family to hide you. Ayaw na ayaw niya na sumunod ka sa yapak niya. Gusto niya lang na lumakas ka para mapagtanggol mo sarili mo pag kailangan. Yun lang gusto niya iho para makalaban siya ng maayos at walang iniisip. Kasi kayo ng mommy mo ang kahinaan niya” sabi ni Yamika at tuluyan nang humagulgol ang binata.
“Saan na nanay ko?” tanong ng binata.
“Alam ng tatay mo nasan siya, di namin alam at hindi niya sinasabi. Siguro tinago din niya kasi ikamamatay niya talaga pag nakuha kayo o napatay kayo ng kalaban. Yun lang ang haka haka ko. Wala na ako pwede sabihin pa pero iho yang kwintas niyo may taglay na mysterio yan. Hindi naman basta na papailawin mo lahat ng sinag at tala e. Hanggang hindi mo natatanggap ang nakatagong mensahe ng pendant ay hindi naman iilaw yang araw sa gitna at hindi mo matatanggap ang dagdag na kapangyarihan”
“Hindi rin sasabihin ni Antonio yon kahit pilitin mo pa siya. Iho, ang susi ng pagkatao mo nakatago sa mysterio ng kwintas mo. Sa tulong ng kwintas na yan makikilala mo talaga sino ka. Maliliwanagan ka sa lahat ng katanungan mo. At pag dating ng panahon na tanggap mo na ang lahat ng katotohanan ay doon mo malalaman kung nasaan ang nanay mo. Puntahan mo siya agad iho pagkat nandon siya at inaantay ka” paliwanag ni Yamika.
“Sorry Benjoe pero we cannot tell you more, kailangan mo tuklasin ang lahat sa sarili mo. Pero eto hindi mo kailangan pailawin ang lahat ng sinag at tala. Yung tatlong tala lang kailangan mo pailawin para makuha mo katotohanan” bulong ng tita niya.
“Ha? E pag tatlong tala lang e di hindi ako makukumpleto” sabi ng binata.
“Iho, iba ang pagtanggap sa katotoohanan kumapara sa pagiging kumpleto na Tagapag Ayos. You can accept the truth at once bago mo pa nakumpleto pailawin lahat yan. The three starts hold the key to the truth, once you accept the truth you will know who you are. Once nakumpleto mo pailawin lahat yan doon ka lang magiging kumpletong Tagapag Ayos. Hindi mo kailangan maging kumpletong Tagapag Ayos para malaman ang katotohanan tandaan mo yan. Sa talino mo siguro kahit hindi mo pa mapailaw yung tatlong tala malalaman mo na e. Yun lang masasabi ko iho. Sige na at I have to check on your dad muna” sabi ni Yamika.
“Alam mo dapat tatay mo nagpapaliwanag nito lahat sa iyo pero nahihiya talaga siya. Wag ka sana magtanim ng galit sa kanya ha” pahabol ng tita niya at bigla ito nawala.
Pinunasan ni Benjoe ang mga mata niya sabay tumingala ulit sa langit.
“Umiyak ka?” tanong ni Ayesha na umupo sa tabi niya.
“Hindi, naambunan lang, umuulan kanina e” palusot ng binata.
“Ganon ba? O eto o brownies pa” alok ng dalaga at agad kumuha si Benjoe.
“Ayesha magkapit bahay lang pala tayo. Yang katapat na building diyan yung condo ni Art e. Tapos pag nandito ka pala sa rooftop kitang kita kwarto ko” sabi ni Benjoe.
“Ows? Diyan ka ba nakatira?” sinungaling ng dalaga at biglang natawa ang binata. Dark aura mo pala yung nasense ko nung isang araw. Sabi ko na nga may tao noon dito e pero agad ka nagtago” kwento niya.
“Hoy di ako weak” banat ni Ayesha at lalong natawa yung binata.
“So ikaw nga talaga yon, anyway ang galing mo magluto ah. Kahit brownies lang pwede na ako mabuhay e” sabi ni Benjoe at napangiti yung dalaga.
“Gumiginaw na dito, you better get inside at akoy uuwi narin” sabi ng binata a tumayo siya.
Inalok niya kamay niya sa dalaga para tulungan siya makatayo. Nang nakatayo na yung dalawa ay napangisi yung binata.
“Hindi ka talaga Taga Hilom, baka nga talaga sa halik” banat niya.
Tumaas ang kilay ni Ayesha,
“Sige nga try mo” sumbat niyang pataray at tumawa ng malakas si Benjoe.
“Oy wag mo ako biruin ng ganyan baka totohanin ko. Take note nagmana daw ako sa dad ko” sabi ni Benjoe.
“Ows? Sige nga subukan mo nga kung kaya mo” hamon ng dalaga at napaisip ang binata.
“Hay you are very pretty, pag ibang lalake ako siguro hahalikan kita talaga. Pero I have a girlfriend na e” sabi niya.
“Tatay mo hindi duwag” sabi ni Ayesha.
“Hindi rin naman ako duwag, may respeto lang ako. You are pretty but we just met. Grabe ka naman ang bastos ko naman pag hinalikan kita agad. Although I must say that my lips are tempted but I do have a girlfriend baka patayin niya ako” sabi ni Benjoe sabay tumingin sa kalye sa baba.
“Hoy binibiro lang kita, tinetesting lang kita kung nagmana ka talaga sa dad mo” sabi ni Ayesha sabay simangot.
“Nakakahilo pala pag nandito ka sa taas tapos tumingin ka sa baba” bigkas ng binata at bigla siya natumba.
“Benjoe!!!” sigaw ng dalaga at nakita niya nalalaglag na ang binata papunta sa kalye.
Tatalon na sana si Ayesha pero may humawak sa braso niya.
“Tatalon ka naman” sabi ng binata.
Gulat na gulat si Ayesha,
“How? You were just falling” bigkas niya.
“Kaya nga at tatalon ka naman para habulin ako ganon ba?” sagot ni Benjoe.
“Bwisit ka! Tinakot mo ako! Pero how did you get back here?” tanong ng dalaga.
“Teleportation, pano pa nga ba? I was falling but I teleported back here” paliwanag niya.
Kinabog ng dalaga ang dibdib ng binata sabay nagalit.
“Wag mo ako tatakutin ng ganon! Wag ka magpapasikat ng powers mo ng ganon! Nakakainis ka talaga!” sigaw ni Ayesha pero bigla siya niyakap ng mahigpit ni Benjoe.
“Maraming salamat sa pagbabantay mo sa akin” bulong niya.
“Sira what are you talking about?” tanong ng dalaga na ineenjoy ang yakap ng binata.
“Don’t lie to me Ayesha, it makes sense already. Why dito ka nakatira, yung pinakita mong concern sa akin kanina sa studio. My dad asked you to watch over me I know, kaya maraming salamat sa pagbabantay mo all these years” sabi ni Benjoe.
Hindi sumagot si Ayesha kundi yumakap narin siya sa binata.
“Hmmm alam mo dapat nakakaramdam ako ng konting hiya sa pagyakap ko sa iyo e. Nung niyakap ko si Maya nahihiya pa ako e” kwento ni Benjoe at napasimangot si Ayesha.
“Pero bakit kaya I feel comfortable hugging you? Parang naramdaman ko na ito ilang beses e pero imposible. Siguro sa panaginip ko, basta maraming salamat Ayesha” sabi ni Benjoe.
Nakangiti ang dalaga pero nakita niya si Barubal at Antonio sumisilip sa isang sulok at tinutukso siya. Dumilat nalang ang dalaga sabay ngumisi, sinandal niya ulo niya kay Benjoe tapos pinikit ang kanyang mga mata. Naalala ni Ayesha ang mga gabi na giniginaw ang binata, pinupuntahan niya ito at nakikihiga para yakapin siya.