Pagtanggap

4952 Words
Sunday ng medaling araw, mahimbing ang tulog ni Benjoe sa loob ng kanyang kwarto. Sa dilim may sumulpot na tatlong nilalang at pinagmasdan ang binata habang natutulog. “Kung ako lang masusunod, gusto dito lang ako sa tabi ng anak ko” bulong ni Antonio. “Pero may mga tungkulin ka na dapat gampanan lalo na ngayon naghahasik ng lagim ang madaming demonyo. Parang hindi na sila takot sa iyo” sabi ni Ophelia. “Oo nga e, pero at least ngayon mas magaan loob ko. Pwede na ako magfocus sa aking tungkulin” sagot ng demonyo. “He is stronger than you” bulong ni Yamika. “Alam ko kaya nga kampante ako ngayon na iwanan siya. I will fulfill my duties hanggang kaya ko, I will never let him take my place. I want him to live a normal life as much as possible. Kaya kailangan ko gampanan ang tungkulin ko para magawa niya yon” sabi ni Antonio. “Naging responsible ka na ha. Pero sigurado ka okay lang na isama natin si Barubal? Alam mo mas makakampante ka pag naiwan siya para makasama nila” sabi ni Yamika. “Pinilit ako ni Barbs, gusto daw niya maensayo. Pag isa sana siyang sinag di ako papayag na sasama siya. Benjoe and Ayesha will be alright” sagot ni Antonio. “Can she really protect him?” tanong ni Ophelia. “No, but he can protect her. Benjoe needs her, mas komportable siya pag alam niya someone has his back always” bulong ng demonyo. “Pero its complicated, he has Maya” sabi ni Yamika. “Oo nga e, nag usap kami ni Ayesha kagabi about that. Tanggap niya daw yon. May sariling isip ang anak ko, kaya hindi ko pinagbawalan si Aye. In order for my son to learn he should also commit mistakes like a man. Madaming tukso sa mundo pero choice mo na kung kakagat ka o hindi. Pag natukso siya then he must suffer the consequences” bulong ng demonyo. “My son will choose his own destiny” pahabol ni Antonio pagkatapos naglaho na yung tatlo. Ilang oras ang lumipas, minulat ni Benjoe mata niya at nagulat siya pagkat may magandang mukha na nakatingin sa kanya. Sisigaw sana siya pero agad natakpan ni Ayesha ang kanyang bibig. “Bwisit, kala ko naman matutuwa ka pag nakita mo ako” bulong ng dalaga. “Ganon na ba ako kapangit?” drama niya. “Hindi naman sa ganon pero hindi ako sanay na may katabing natutulog” sabi ni Benjoe. “Hindi naman ako natulog diyan ah, kanina lang ako dumating kasi hindi maganda sa skin ang tumambay sa rooftop no. Pwede naman kita bantayan ng malapit since magkilala na tayo” sabi ng dalaga. “Oo pero wag mo ako gugulatin, teka sure ka wala tayo ginawa?” biro ni Benjoe sabay tawa. “Ewan ko sa iyo, bumangon ka na diyan at pupunta ka pa sa bahay nung babae mo” sabi ni Ayesha pagkatayo niya. “Babae ko? Si Maya? Teka pano mo alam?” tanong ng binata. “Binasa ko phone mo, wala ako magawa kanina e. Wala naman newspaper or magazine dito sa condo niyo kaya yun nalang binasa ko” sagot ng dalaga at agad tumayo si Benjoe at kinuha ang phone niya. “Dapat hindi mo binabasa ang mga messages ng iba e” reklamo niya. “Sorry naman!” sumbat ng dalaga sabay nagtaray. “Bakit gusto mo din ba basahin ko phone mo?” sabi ni Benjoe. “Wala ako phone, wala naman ako kaibigan dito e” sabi ni Ayesha at natameme ang binata. “Oh sorry…dahil sa pagbantay mo sa akin nasira tuloy buhay mo. Grabe sorry talaga Ayesha, di ko naman alam e. So you mean to say hindi ka nakapag aral?” sabi niya. “Hmmm…nag aral din…nung kinder ka, kinder ako. Nung grade school ka, grade school ako. In short kasama mo ako palagi so parang nag aral narin ako. May assignment ka pa para bukas oy, tapos yung last quiz mo may isa kang mali kasi nagmamadali ka. Bwisit ka naiinis ako talaga sa iyo non. Dapat perfect mo yon e. Gusto ko nga talaga palitan pero hindi ako pwede daw makialam” daldal ng dalaga. Tawa ng tawa si Benjoe pero napasimangot si Ayesha. “Kaya lang wala ako diploma pag nag graduate ka. Pero okay lang demonyo naman ako so I don’t need to work” sabi niya. “Pero you want to right?” tanong ng binata at napangiti si Ayesha. “Medyo, kasi parang ang saya nakikita yung ibang tao na naghihirap magtrabaho tapos pag sweldo ang saya saya nila. Gusto ko maranasan din yon, pero okay lang binigyan naman ako dad mo ng ATM na punong puno ng pera” sabi ng dalaga sabay tumawa ng malakas. “Madaya!!! Bakit ikaw may pera ka tapos ako wala?!!!” sigaw ni Benjoe. “Kasi walang demonyo ang mahirap…oh ikaw lang pala” sabi ni Ayesha sabay tumawa ulit siya ng malakas. “Ay oo nga no, para pala maitago ako. Aye bili ka na ng phone mo” sabi ng binata. “Aanhin ko naman yon?” tanong ng dalaga. “Para may communication tayo” sabi ni Benjoe. “Hello! Ano ba tawag mo dito sa ginagawa natin? Kailangan pa ba ng phone?” sumbat ng dalaga. “E kasi you wasted all these years just watching me, di mo tuloy naenjoy buhay mo. Oo alam ko demonyo ka pero I am sure madami ka rin gusto gawin o masubukan. So you can take a break watching over me. I will be fine, gusto ko lang na mag enjoy ka.Pwede naman kita itext often to say I am okay pero dapat ikaw din ganon para dir in ako mag alala. Tapos pag in danger ka tawagan mo ako at pupuntahan kita. Wala lang, go and enjoy life naman for a change. So today bili ka phone mo tapos puntahan mo yung pinakagusto mong puntahan” sabi ni Benjoe. Naluluha si Ayesha dahil sa sinabi ng binata. “Sarado pa mall” bigkas niya. “Ay oo nga, e di mamaya” sabi ng binata sabay kinuha ang twalya niya. “O sige dito ka muna at maliligo ako. Sama ka?” biro ni Benjoe. “Sige tara” sagot ng dalaga. Napakamot ang binata sabay ngumiti, “Ikaw naman joke lang yon no” sabi niya. “Ahhh I see” sabi ni Ayesha sabay naupo sa kama. “Sige dito ka lang kasi baka makita ka ni Art” sabi ni Benjoe. “I can teleport you know” landi ng dalaga. “Uy wag naman grabe ka” sabi niya at tumawa si Ayesha. “That was a joke din” bawi niya. Pagkatapos magbihis ay lumabas yung dalawa, pagkalabas palang nila ng condo ay ang dami nang nakakilala sa binata. Para siyang artista na dinumog ng mga tao, lahat gusto siya mahawakan, madami ang humihingi ng autograph at yung iba gusto siya magpakitang gilas. Tinuro ni Ayesha ang isang tolda sa malapit kaya nagtungo sila doon pero sinundan sila ng mga tao. “Okay eto ha, wag kayong kukurap” sabi ni Benjoe at nagtago silang dalawa ng dalaga sa tolda. Bigla sila nawala kaya natuwa ang mga tao at angpalakpakan. Hindi na muli sumulpot yung dalawa kaya kawawang nag antay at naghanap yung mga tao. Sumulpot yung dalawa malapit sa isang eskenita malapit sa mall kung saan walang tao. Sarado pa ang mall kaya nanlibre si Ayesha ng almusal. “Alam mo ba first time ko mag almusal sa isang restaurant” sabi ni Benjoe habang pinapapak niya ang pagkain niya. “Duh! Alam ko kaya” sagot ng dalaga. “Ay oo nga pala. So whats it like to have lots of money?” tanong ni Benjoe. Napaisip si Ayesha at napasimangot. “Malungkot kasi wala kang kasama to spend it with. Inggit nga ako sa iyo e kahit wala ka pera happy ka kasi madami kang kaibigan” sabi niya. “Bakit si Barbs di mo ba kasama?” tanong ni Benjoe. “Well nung nasa probinsya ka pa dalawa kami nagbabantay sa iyo. Bata parin kasi ako noon e. Pero nung bago ka lumipat dito bumalik na siya sa baba. Bale kunwari nagtratrabaho ulit siya doon para di halata na kakampi siya ng tatay mo. So ako nalang mag isa nagbabantay sa iyo” paliwanag ng dalaga. “Uy sorry talaga ha Aye, sana nagpakita ka nalang para may kasama ka. Malay mo baka nainlove pa ako sa iyo” sabi ni Benjoe sabay tawa. Natuwa ang dalaga pero nagmatigas, “Bawal nga daw magpakita e. At may Maya ka naman na” sabi niya. “Oo pero dati wala pa siya nung bagong lipat kami. Kung meron ka baka hindi ko siya nakilala. Maganda ka na mabait ka pa, o diba?” hirit ng binata at napatingin sa malayo agad si Ayesha pagkat nag iinit na ang mga pisngi niya. “At demonyo ako so it wont work” bulong ng dalaga. “Duh! May rule ba bawal ang demonyo at tao? At hello! Demonyo din naman ako ah so compatible” landi ni Benjoe at napangiti yung dalaga. “Uy teka baka may love interest ka tapos gulpihin naman niya ako pag nakita tayo magkasama ha. Sabihin mo sa kanya na may girlfriend na ako baka isipin niya sinusulot kita” sabi ni Benjoe. “Actually meron e, bugbog sarado ka talaga sa kanya but don’t worry he knows may girlfriend ka” sabi ni Ayesha sabay titig sa binata. “Ay meron? Ako bugbugin niya? Sus bakit malakas ba yang lalakeng yan?” tanong ni Benjoe. “Oo sobrang lakas niya, ano takot ka na?” sumbat ni Ayesha. “Sus, okay scared na ako. Hahaha pero teka pano niya alam na may girlfriend na ako? Kilala ba niya ako?” tanong ni Benjoak “Kumain ka na nga! Ang daldal mo” sabi ng dalaga sabay tingin sa malayo. “Siyempre kilala ka niya, tanga mo naman pag di mo kilala sarili mo” bulong ng dalaga. “Ano yon? May sinasabi ka ba?” tanong ni Benjoe. “Wala! Kumakanta lang ako” palusot ng dalaga. “Lakasan mo kasi pag kumakanta ka wag lang yung ikaw ang nakakarinig” sermon ng binata. Humarap si Ayesha sa kanya sabay kumanta. “Nandito ako umiibig sa iyo kahit na nagdurugo ang puso. Kung sakaling iwanan ka niya, edi good…” kanta ng dalaga at napahalakhak si Benjoe. “Di naman ganon ang lyrics niya e” sabi niya. “Sorry naman narinig ko lang one time” pataray na sagot ng dalaga, tumingin siya sa malayo sabay napangiti. Pagbukas ng mall agad sila bumili ng phone, pagkatapos nagmadali sila umalis pagkat nakilala nanaman si Benjoe ng mga tao. Mabilis sila naglibot sa mall para makabili ng sombrero at pagpapalitan niyang damit para di na siya makilala. Pagkatapos non nagpaalam na yung binata pagkat tutungo na siya sa bahay nina Maya. “O sige ha, you have a nice day. Puntahan mo yung pinakagusto mong puntahanbna lugar. Tapos mag text nalang tayo o tawagan. Ingat ka ha” sabi niya. Naglakad palayo si Ayesha kaya nagtungo na si Benjoe sa paradahan ng jeep. Nakasakay na siya pero biglang pumasok din sa sasakyan si Ayesha. “O saan ka ba pupunta?” tanong ng binata. “Kasama ka” sabi ng dalaga. “Ha? I told you to go make pasyal and go to the place you really want to go to” sabi ni Benjoe. “Kaya nga…ah wala ako maisip pala kaya saka na. Wala ako alam puntahan, so next time nalang pag kasama kita” sabi ni Ayesha. “Pero I am going to Maya’s house” sabi ni Benjoe. “Yeah I know you don’t have to remind me okay? Basta ako na bahala, sasama ako sa iyo. Dating gawi as usual” sabi ng dalaga. “I can introduce you to her” sabi ni Benjoe. “No need, basta don’t worry about me” sabi ni Ayesha. “Baka mapatay ko pa yan” bulong niya. “Kumakanta ka nanaman?” tanong ng binata. “Hindi, nagmumura ako” sagot ng dalaga at bigla sila nagtawanan. Sumandal si Ayesha sa binata at pinagtitignan siya ng mga lalakeng nakasakay. Agad umakbay si Benjoe sa kanya kaya nagulat yung dalaga. “I have to para di ka na nila tignan” bulong niya. “First time ko makasakay ng jeep” sabi ng dalaga. “Di nga?” tanong ni Benjoe. “Duh, teleportation” sabi niya. “Ay oo nga no, dibale pag uwi bus naman o kaya MRT tapos magfishball tayo kasi wala ako pera. Pero kung papautangin mo ako kain tayo don sa masarap na turo turo” bibong bibo na sabi ni Benjoe at tuwang tuwa ang dalaga at talagang sumandal pa sa kanya. Pagdating nila sa harapan ng gate ng bahay nina Maya biglang nawala si Ayesha. Napakamot nalang yung binata kaya agad pinindot yung doorbell. Ang bilis nagbukas ng pinto at dinig agad ang sigaw ni Mina. Binuksan ni Insyang ang gate, sumilip si Maya at agad napatakbo palabas. Sinalubong niya ng yakap ang binata kaya agad sila pinagtutukso ni Insyang. “Ang galing galing mo talaga! Grabe alam mo ba how many times na nila pinanood yung video? I didn’t watch it yet kasi gusto ko kasama kita. Tara dali excited na ako” sabi ni Maya. Sa salas nakahanda na ang meryenda, magkatabi ang magnobyo sa sofa habang sa isang sulok nakatayo si Mina at nakasimangot. “Nagtatampo kasi di mo pinansin” bulong ng dalaga. “Halika dito girlfriend” sabi ni Benjoe at napangiti agad yung bata at tumakbo papunta sa kanya. Naupo si Mina sa lap ng binata at nagpacute. “Kami ni ate girlfriend mo ha” sabi niya kaya nagtawanan yung dalawa. “Mina behave ka ha at panoorin natin video ni kuya” sabi ni Maya. “E napanood ko na yan many many many times na” sabi ni Mina. “Oo pero si ate hindi pa kaya quiet ka muna ha” sabi ni Benjoe. Sumandal ang bata sa kuya niya at sinimulan agad nila ang video. Kasisimula palang ay tumitili na si Maya kaya napatingin sa kanya ang kapatid niya. “Ate noisy ka” sabi niya kaya nagtawanan ulit sila. Ang higpit ng kapit ni Maya sa braso ni Benjoe pero pagdating sa badang huli ng performance niya ay napabitaw ito bigla. “Sino siya?” biglang tanong niya. “Ah yan si Ayesha tapos yang malaking tao na katabi niya ay si Bar…Bartolome” sagot ng binata. Napause yung video, imbes na namangha si Maya sa pagpalit ng anyo ng papel na rosas sa totoo ay humarap siya sa boyfriend niya. “Wala lang ako may iba na bigla?” sabi ng dalaga. “Oh don’t say that Maya. Ayesha and Bartolome are my friends. Gusto mo ipakilala kita sa kanya?” sabi ni Benjoe. “Friends? Bakit wala sila nung Monday? Wala lang ako tapos meron na siya” hirit ng dalaga. “They are my friends from where I grew up. Alam mo I should introduce you to them. Sana naman wag ka mag isip ng ganyan kasi di naman ako ganon na lalake” sabi ni Benjoe. “Is she really just your friend?” tanong ni Maya. “Yes and if you like I can introduce you to her para hindi ka na magduda” sagot ng binata. “Okay I believe you” sabi ng dalaga at tinuloy ang pagplay sa video. Kinakabahan na si Benjoe pagkat malapit na sa ending. Nakita na niya sa video na sumulpot sila ni Ayesha sa isang box kaya napakapit siya kay Maya. Ang mga sumunod na kaganapan ay kinagulat niya pagkat sa video binaba yung box ng maayos. Bumalik si Ayesha sa upuan niya habang naiwan siya sa stage at kumakaway sa audience. Wala naman naganap na awarding pero doon sa video meron kaya nabilib si Benjoe kina Amanda at Gelo. Pinatay ni Maya ang tv, tahimik lang siya at hindi nakatingin sa binata. Napalunok si Benjoe pero bigla siyang niyakap ng matindi ng girlfriend niya at nanggigil. “Grabe ang galing galing mo! Nakakainis ka!” sigaw niya sabay tinadtad niya ng halik sa pisngi ang binata. Tumayo si Mina sa lap ni Benjoe at tinutulak niya palayo ang ate niya. “Wag mo kiss masyado boyfriend ko” biro ng bata at nagkatawanan sila. “Mag magic ka nga” sabi ni Maya, napangisi si Benjoe sabay tinignan si Mina. “Gusto mo iwala natin siya para may private time tayo?” landi niya. Natawa ng malakas si Maya at sumandal sa boyfriend niya. “Bye bye Mina” biro naman ng dalaga. Nagsimangot yung bata at sinapak ang dibdib ni Benjoe. “Pati ba si ate iwawala natin?” tanong ng binata at napatili si Maya at pinagkukurot siya. Narinig nila nagbukas ang gate, agad tumakbo si Mina papunta sa pinto. “Nandito na sina mommy at daddy!” sigaw niya. “Pati ba sila?” tanong ni Benjoe at napahalakhak si Maya at naglandian yung dalawa. Nagulat yung dalawa nang napasigaw si Insyang, narinig nila yung iyak ni Mina kaya ang bilis ni Benjoe tumakbo palabas ng bahay. Sumunod si Maya pero pati siya napasigaw na. “Dad! What happened?!” “We are okay don’t worry” sabi ni Ricardo. May galos sa kanyang mukha habang si Marianne ay may sugat sa bandage sa kanyang kamay. “Ano nangyari? Nasan yung kotse?” hirit ng dalaga. “Sa loob nalang tayo at kailangan magpahinga ng mama niyo” sabi ng tatay niya. Binuhat ni Benjoe ang nanay ni Maya, “Iho ako nalang” sabi ni Ricardo. “Ako nalang po, saan po ba siya hihiga?” sagot ni Benjoe. Pumasok ang lahat sa bahay, pinahiga nila si Marianne sa kama, si Mina nahiga sa tabi ng nanay niya at umiiyak. “She is still in shock but the doctor said she will be okay” sabi ni Ricardo. Umiiyak na si Maya, sumandal siya kay Benjoe habang hinahaplos ang galos sa mukha ng tatay niya. “Honey pahinga ka muna ha. Mina wag ka magulo and let your mama rest okay?” sabi ng tatay niya. Tumahimik ang bata at yumakap nalang sa nanay niya. “Sige sir samahan ko nalang sila muna” sabi ni Insyang. Sa salas humahagulgol na si Maya habang yakap niya ang kanyang tatay. “Sir ano po ba nangyari?” tanong ni Benjoe. “Mga adik siguro mga yon. Sadya kami binangga e. Ang bilis masyado ng pangyayari kasi palabas kami nung parking area nung mall. Ang bilis nila coming from the passenger side, nagawa ko naman bilisan para maiwasan ang mama nila pero nahagip parin kami. Ang kinakagalit ko talaga ay nagtatawanan pa sila tapos imbes na tulungan kami tinawanan pa kami e” kwento ni Ricardo. Nanigas ang mga kamao ni Benjoe at pinilit kontrolin ang sarili niya pagkat may nararamdaman siyang kakaiba na gustong lumabas sa katawan niya. Niyakap ni Ricardo ang anak niya na tuloy ang pag iiyak, napatayo si Benjoe at pilit pinapakalma ang sarili. “Iho relax ka lang, nakuha ko naman na plate number nila at nabigay sa pulis. Maya tama na anak ang iyak, okay lang kami ng mama mo. Galos lang naman to e” sabi niya. “Sir can I have the plate number?” sabi ng binata. “Iho hayaan mo na sila. Bahala na yung batas sa kanila” sabi ng matanda. “Can I have the plate number?” ulit ni Benjoe at seryoso ang mukha niya. Nawala sa sarili si Ricardo at nilabas ang isang papel sa bulsa niya sabay inabot sa binata. Di maintindihan ni Benjoe ang kanyang nararamdaman habang pinapanood ang mag ama sa sofa. Ilang sandali umalis si Ricardo para tignan ang asawa niya, naupo si Benjoe at siya naman ang niyakap ni Maya. “Tahan na Maya” bulong niya. “I don’t want to lose my parents” sabi ng dalaga sabay tuloy ang iyak. “They are okay naman e” sabi ni Benjoe. “Kahit na! Muntikan na sila at di ko talaga maimagine ang buhay ko pag wala na sila. Pano na kami ni Mina? Sana mamatay na yung mga gumawa non” sabi ng dalaga. May kumurot sa puso ng binata at bigla niya naalala ang sugat sa dibdib ng kanyang ama. “Sana mamatay na sila” bulong ni Maya. Yumakap si Benjoe sa girlfriend niya at nag iinit bigla ang kanyang mga mata. “Don’t worry they will” bulong niya. “Benjoe don’t do anything ha, ayaw ko din mawala ka e” sabi ni Maya. Nagulo tuloy ang isipan ng binata, napahawak siya sa dibdib niya at naimagine muli ang sugat ng kanyang tatay. Lumubog na ang araw at okay na si Marianne. Napasilip si Benjoe sa kwarto at nakita niyang kasama niya si Maya at Mina sa kama. “Ate paki sabi nalang na mauuna na ako” bulong ni Benjoe. “Dito ka na kumain, nakahanda naman na e” sabi ni Insyang. “Hindi na ate, paki sabi nalang kay Maya ha” paalam ng binata. Naglakad sa may park si Benjoe, malalim ang iniisip at pinagmamasdan ang pendant niya. Sumulpot bigla sa tabi niya si Ayesha at niyaya niya yung binata na maglaro ng chess. Pagkaupo nung dalawa ay huminga ng malalim si Benjoe. “Narinig mo?” tanong niya. “Oo, demonyo mga yon for sure kasi sabi ng tatay nung babae mo na nagtawanan pa yung mga bumangga sa kanila” sabi ng dalaga habang inaayos ang kanyang mga piyesa. Tahimik yung dalawa na naglaro, pagkatapos ng ilang minuto napangisi ang binata. “Checkmate. Erning naman di ka na natuto e” sabi niya. Gulat na gulat si Ayesha at mabilis niyang inayos ang mga piyesa. “Why are you calling me Erning?” tanong niya. “Hay naku I know the moves of everyone I play with. Pare pareho lang kayo na may favorite style. Don’t lie to me Ayesha” sabi ni Benjoe. “Three hundred eighty four loses” sabi ng dalaga sabay simangot. Tumawa ang binata at napatingin sa Queen at King. “Aye, pag ikaw naglalaro ano ba talaga prinoprotektahan mo? Yung Queen o yung King?” tanong niya bigla. “Yung King syempre” sagot ng dalaga. “Yung reyna ang pinakamalakas na piyesa pero bakit pag naiipit ka at naka check yung king at queen e napapadalawang isip ka pa?” hirit ni Benjoe. “Hindi ba automatic ilalayo mo yung hari? Pero nanghihinayang ka gumalaw kasi mawawala naman yung pinakamalakas mong piyesa. Tapos pag wala na yung reyna parang nanghihina ka na at walang gana. Bakit ganon kayo maglaro? Kaya pag ako una kong inaatake yung Queen niyo e kasi pag nakain ko na yon parang wala na kayong gana maglaro at madali nalang kayo talunin” sabi ni Benjoe. Di sumagot si Ayesha kundi napangiti siya pagkat nakain niya yung Queen ng binata. Ginanahan tuloy siya maglaro naging mabilis ang palitan nila ng galaw. . “Tapos pag nakain niyo yung pinakamalakas ng kalaban ay kampante na kayo. There are fifteen pieces to protect the King, oo isa ang pinakamalakas pero kahit mahina na yung iba importante parin sila. Don’t rely on the strongest always kasi even the weakest ones can kill the King” Napangisi si Benjoe, pagkagalaw niya ay nabura ang ngiti sa mukha ng dalaga. “Checkmate” bigkas ng binata. “Talo nanaman, teka tinuturuan mo ba ako maglaro?” sabi ni Ayesha. “Kampon ni daddy at kampon ng mga kalaban niya. Parang chess din e. Ang hari ng kalaban ay yung mga demonyo na gusto kumawala sa mundo para gawin ang gusto nila. Ang hari naman nina daddy ay ang mga may gusto ng kaayusan at siyempre ang mga tao. Goal ni daddy mapatay yung mga demonyo na gusto maghasik ng lagim pero may mga malalakas na kalaban para protektahan sila, para si daddy naman ang patayin” “I want to help my dad. Ayaw ko sana makialam pero pano ko enjoyin ang buhay pag ang dami naman nagkalat na masasama?” sabi ni Benjoe. “Nagbago isip mo dahil sa nangyari sa tatay ng babae mo. Natatakot ka na baka pati sa kanya may mangyaring masama. That is being selfish” sumbat ni Ayesha. “Maybe, pero para sa akin din naman, para sa iyo din kasi sabi mo gusto mo maging normal na tao. Oo siguro selfish ako, pero ganon naman ang tao diba? Kapag hindi sila apektado wala sila ginagawa. Pag naapektuhan na sila o mga mahal nila sa buhay saka lang sila tatayo para lumaban” “Sometimes you just have to find a reason to fight. I found my father, I learned my mother is alive and she waiting for me. I am starting to enjoy my life, I am happy. I don’t want them to take it away” sabi ng binata. Napailing si Ayesha at napansin ang maliit na papel sa kamay ng binata. Kinuha niya ito at tinitigan si Benjoe. “Malakas ka pero hindi mo pa kaya lumaban. I have seen the enemy and he is really powerful. He was made to kill” sabi ng dalaga. Napatawa si Benjoe at napakamot, “Wag mo naman ako tatakutin, lalo ako kinakabahan para sa daddy ko. Pero I can start small diba? At least nakakatulong ako sa kanya diba? And you can teach me kasi my dad taught you stuff so siguro pwede mo ako tulungan diba?” sabi ng binata. Napaisip ng matagal ang dalaga, “Aye please, I don’t want to lose my dad” bulong ni Benjoe. Napabuntong hininga ang dalaga at niyuko ang ulo. “Okay pero hindi ako malakas. Konti lang tinuro ng daddy mo sa akin. Sapat lang para protektahan ka. Nung nakita ko nga yung kalaban natakot ako ako talaga. For all this time kampante ako na kaya kita protektahan pero nung makita ko siya parang namulat mata ko. I felt really scared kasi anytime pala noon pwede ka atakehin pag nahanap ka, at pag nangyari yon wala pala ako ibubuga” sabi ni Ayesha. Hinawakan ni Benjoe ang kamay niya sabay nginitian. “Buhay pa ako, so you did a good job. Sabi mo malakas ako pero kung hindi ko alam gamitin powers ko e di wala ako kwenta. Di ko naman sinasabi na bukas kalabanin na natin yung malakas na kalaban na yon e. If I want to help my dad I have to start somewhere, pero pwede yung mga pipitsugin muna kasi ayaw ko din mamatay pa” “Makabawas lang sana muna tayo sa problema ni daddy para makapagpahinga siya at magpalakas para makahanda siya diyan sa halimaw na Basilio. Sinasabi ko ito pero natatakot ako para sa kanya, ayaw ko magmagaling at sabihin na ako nalang lalaban don sa monster na yon tulad sa mga sine. Ang mahinang bida nagmamagaling tapos nagagawa niya yung imposible. Hindi naman ito sine at aaminin ko takot talaga ako” sabi ni Benjoe sabay tawa. Napakamot si Ayesha at hinila siya. “Tara na nga ang daldal mo na e. Kinakabahan ka lang. Di ko alam pano tayo magsisimula kaya mabuti pa kumain nalang tayo muna” sabi ng dalaga. “Treat mo ba?” landi ni Benjoe. “Oo kasi hindi ako mabubusog sa fishball!” sumbat ni Ayesha. “Grabe ang harsh mo naman, yun lang kaya ko e” sabi ng binata. “Oo na oo na pero kailangan mo linisan yung condo bilang kapalit” sabi ng dalaga. “Ano to parang Karate Kid, matututo ako ng kung fu sa paraan ng paglilinis?” biro ni Benjoe. “Oo tapos sa isang araw turuan kita ng espada, pagsapit ng gabi expert ka na” banat ni Ayesha at nagtawanan yung dalawa. “Kaya tuloy akala ng mga tao ganon lang kadali sa totoong buhay, hindi pala” sabi ng binata. “Left hook, right hook and uppercut” landi ng dalaga at hiyang hiya si Benjoe. “Tactic ko lang yon no para kunwari may pattern tapos bigla ko iibahin” palusot niya. “Too much cartoons ka” asar ni Ayesha. “I was really scared sa totoo lang, oo galit ako pero takot na takot talaga ako kaya di ko na alam ano ginagawa ko noon. Buti nalang tumalab sa kanya yon. Siguro dahil nalaman nya ako si Saturnino, di ko alam ano nalalaman nila buti nalang di nila alam takot ako” bigkas ng binata. Hinawakan ni Ayesha ang kamay niya sabay hinaplos. “Hey everything will be alright” bulong niya. Naglakad na palayo yung dalaga, pasimpleng binagsak ng dalaga ang maliit na papel. Mula sa lupa may kamay na lumabas para saluhin yung papel. Napalingon si Benjoe pero wala na doon yung kamay. “Bakit?” tanong ni Ayesha. “Ah wala akala ko may naramdaman ako” sabi niya. “Sus gutom lang yan, tara na dali” sabi nalang ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD