Pagtuklas

5000 Words
Lunes ng umaga sa loob ng classroom busy si Benjoe na gumagawa ng seatwork. “By the way class you better be careful at nights lalo na yung mga girls. May nabiktima nanaman kagabi ng r**e, sad to say she is from our school. Ikaw din Benjoe sikat ka na kaya madami narin magbabanta sa iyo kasi feeling nila mapera ka na” sabi ng kanilang propesor. Umingay tuloy ang classroom dahil sa mga bulungan hanggang nakalimutan na nila yung tungkol sa krimen at yung binata na ang pinag uusapan nila. Pagsapit ng lunch break ay naupo si Benjoe sa rooftop ng isang campus building habang pinapanood si Maya at mga kaibigan niya. Nagtatago yung binata pero nagpapalitan sila ng text message ng dalaga. Si Maya ang nagsabing magtago siya pagkat madami daw masyadong pretty girls ang humahanga na sa kanya. Sumulpot bigla si Ayesha na may dalang pagkain. Naupo siya sa tabi ng binata at inabot sa kanya ang isang Styrofoam container. “You have to eat” sabi niya. “Salamat ha. Grabe ang hirap din pala kung may binabantayan ka ano? Sitting very far and just watching. Buti natiis mo yon nung binabantayan mo ako” sabi ni Benjoe. Di sumagot si Ayesha, binuksan niya yung Styrofoam at pinilit yung binata na kumain. “Oh bakit ganyan suot mo? Wag ka nga uupo dito sa edge. Masisilipan ka ng mga lalake sa baba” sabi ni Benjoe. Naka black dress si Ayesha na may maiksing skirt, tinali niya ang mahabang buhok niya sabay tinaas ang kilay. “Bakit are you seduced?” tanong ng dalaga. “Well to be honest you do have nice legs and nice creamy white skin, kaya oo” biro ni Benjoe. “Edi good!” pataray na sagot ni Ayesha sabay nagtawanan sila. “And relax they cant see me” sabi ng dalaga. “Duh! I can see you” sabi ni Benjoe. “Kasi demonyo ka kaya nakikita mo ako at gusto ko magpakita sa iyo. Level one invisibility to no para di makita ng tao. Yung level two di ko kaya yon” paliwanag ng dalaga. “May level level pa talaga ha. So yung level two ay yung hindi na talaga nakikita maski demonyo?” sabi ng binata. “Duh! Like what you used sa magic tricks mo. Tinago mo yung mga bagay, akala mo mauuto mo ako ha” sabi ni Ayesha at natawa si Benjoe. “Kaya pala bilib na bilib ka while watching. Akala ko tinatawanan niyo ako kasi nakikita mo” sabi ng binata. “Sa sobrang kayabangan mo napansin ka tuloy ni Crispin. Ayan tuloy, kasi to be honest konti lang nakakagawa ng level two invisibility e” sabi ni Ayesha. “Kasalanan ko pala. Pero he didn’t know I was Saturnino, so you mean to say nabilib siya sa pag gamit ko ng powers ko? Tapos balak niya ako irecruit?” tanong ng binata. “Yup, grabe isipin mo ha, rare yung may kaya ng ganyan. Imagine mo pag labanan tapos invisible ka. Big advantage na” sabi ng dalaga. “Pero masesense mo naman dark aura nila diba?” tanong ni Benjoe. “Ayan isa pa yan. Hindi niya masense dark aura mo kaya in short kuminang talaga mata niya. Perfect demon assassin ka kung tutuusin e, although pati dad mo kaya ang level two so it runs in the family siguro” sabi ni Ayesha. Napangisi si Benjoe at binatukan siya ng dalaga. “Hoy di mo pwede gamitin yang powers mo para sa self satisfaction! Pinapasabi pala yon ng dad mo, I forgot to tell you before” sabi ni Ayesha. “Yeah right, sinasabi mo lang yan kasi natatakot ka hihihihi. Di mo masense ang dark aura ko hihihihi. You wont see me coming” landi ng baby demon. Natatawa si Ayesha at parang nakikiliti dahil sa kapilyohan ni Benjoe, imbes na tumawa ay lalo siya nagtaray. “Sige subukan mo, ayaw mo maniwala ha” banta ng dalaga. “Grabe ka nagbibiro lang ako e” sabi ni Benjoe. “Jokes are half meant all the time” bawi ng dalaga. “Hmmm tama ka pero may respeto ako sa iyo. Sorry po lalake lang” banat ni Benjoe at muli sila nagtawanan. “So tell me tinuruan ka ba ng dad mo to do that level two thing?” tanong ni Ayesha. “Hindi ha, di ko pa nga alam na level two na yon e. Ang tinuro lang ng dad ko ay yung teleport. Bwisit naalala ko pa hindi ako makalayo tapos naiiwan pa damit ko e” kwento ng binata at napahalakhak si Ayesha pero namula agad ang mukha niya. “Ako din noon ganon” sabi niya. “Wait diba lagi mo ako binabantayan? Don’t tell me you didn’t see him teach me?” tanong ni Benjoe. “Nope, malakas ang magic ng dad mo. To keep his presence hidden from anyone kaya pati ikaw damay that time kaya di ko nakikita ginagawa niyo. Pero alam ko nandon siya” sabi ng dalaga. “Siguro pati pag naliligo ako binabantayan mo ako no?” biro ng binata. “Yup” sagot ni Ayesha at nagulat si Benjoe. “Binabantayan mo ako?!” tanong niya at tumawa yung dalaga. “Biro lang ano ka ba?” sabi ng dalaga. “Jokes are half meant” banat ni Benjoe sabay taas ang isang kilay. “Indeed” bigkas ni Ayesha sabay ngisi. “Anyway yung invisibility thing di ko alam basta nung nagkakape ako nangyari e” sabi ni Benjoe at biglang tumawa ulit ang dalaga. “Yung day na akala ni Art nasisiraan siya ng bait?” tanong niya. “Oo yon! Grabe di ako aware talaga na nagawa kong invisible yung baso ko e. Nung nalaman ko kaya ko ayon sinasanay ko na” sabi ng binata. “Fast learner ka pala e. Kaya lang di natin alam ano pa kaya mo. Sa totoo lang ang daming abilities ng mga demonyo pero bawat demonyo kasi iba iba e. Pero dad mo madami so siguro madami ka din kaya” sabi ni Ayesha. “E ikaw Aye ano ang ability mo na kakaiba?” tanong ni Benjoe at napasimangot yung dalaga. “Wala, just the normal stuff a type five demon can do. Be invisible sa tao, mas malakas konti sa tao, may itim na apoy din para sa laban pero di tulad ng apoy niyo ng dad mo. Konting bulong, konting telepathy, basta mahina ako” sabi ng dalaga. “Aye, don’t say that. You protected me all these years, you should be happy kasi buhay pa ako o” sabi ni Benjoe. “Yeah kasi wala naman talaga nakahanap sa iyo e. Pag meron man ewan ko lang kung ano ibubuga ko sa kanila” sabi ng dalaga. “Hay naku Aye, e ako kaya ano kaya ang mga kaya ko? You better teach me nalang what you know lalo na yung itim na apoy na yan. Di ko alam pano papalabasin yun e” sabi ni Benjoe. “Its easy, just touch my boobs” sabi ni Ayesha at bigla sila nagtawanan ulit. “As if naman ipapahawak mo ulit sa akin mga yan?” sabi ng binata. “Well why not diba pag kinakailangan” landi ng dalaga at tumindi pa ang kanilang tawanan. “Aye naman seryoso na kasi” sabi ni Benjoe. “Sorry ha, ngayon lang kasi ako may nakakausap e. Pasensya narin kung I am teasing you kasi nakakatuwa ka” sabi ng dalaga. Naawa tuloy si Benjoe sa kanya kaya bigla siya napaisip. “Ei you got two rooms in your condo, you want me to move in?” tanong niya. Nagulat si Ayesha at nakitang seryoso ang mukha ng binata. “Don’t get me wrong ha, its not in a bastos way or lalake way. Kung gusto mo makikitira muna ako don sa iyo, para may kasama ka naman at makausap. I can just teleport back to Art’s condo pag kailangan nila ako doon” paliwanag ng binata. “Ah e ikaw ba, gusto mo ba?” sagot ni Ayesha. “Oo kasi medyo Jurassic ka e. Turuan kita maging tao for a change” banat ng binata. “Ah ganon?” sumbat ng dalaga sabay tumaas ang dalawang kilay niya. “Wala ka man lang tv, radio, o kahit computer man lang. Kaya give and take, you teach me what I need to know and I teach you how to become human” hirit ni Benjoe sabay tawa. “Alam mo mas maniniwala pa ako kung sasabihin mo makikitira ka sa condo ko kasi attracted ka sa akin at gusto mo ako makita lagi e” landi ng dalaga. “Bakit hindi mo ba alam ang katotohanan? Di mo ba natanong bakit nakikitira ako kay Art? Inaantay ko siya na mahalin niya ako. Si Maya cover ko lang yon para di ako mabuking na may pusong babae ako no” pabaklang biro ni Benjoe at pinagkukurot siya ni Ayesha. Huminga ng malalim si Benjoe at napatingin sa langit, “Last week hindi ako pinapansin ng kahit sino dito sa campus. Siguro si Maya lang at yung friends niya tapos mga classmate ko at teachers pero the rest dedma na. Ngayon kahit saan ako pumunta pinapansin na ako. Kinakailangan pa talaga na magpakitang gilas ka para mapansin ka dito sa mundo. Pero humahanga lang sila sa nagawa ko, and not for who I am. Ganyan ang tao dito sa mundo, nakakaawa nga minsan yung mga artista e. Wala silang privacy, wala na sila time to enjoy life kasi kahit saan sila pumunta meron at meron dudumog sa kanila. Pag hindi naman nila papansinin fans nila o di mapagbibigyan e sisiraan sila. Sasabihin na wala sila utang na loob, sasabihin nila kung wala sila di sila sisikat. Pero di nila naiisip na tao din naman yung mga artista” “Like me, sino ba ako dati? Ni hindi nila ako kilala. Nagpakitang gilas lang naman ako para sa babaeng pumansin sa akin. Para sa kanya lang naman sana e. Pero ngayon pinapansin na ako, ayaw ko ng ganon. Sigurado ako sa pagtatago ko meron at meron sisira sa akin kasi ganyan ang Pinoy. Sasabihin nila na e di sana sa harapan nalang ako ni Maya nagmagic. Pero sa totoo mas mapapawow naman siya sa akin pag madami din ako napabilib. Siguro nga mali ako, dapat sa kaniya nalang mismo ako nagpakitang gilas. I was just scared na baka di niya type ang magic kaya sa madaming tao ako nagpakitang gilas. Para if ever di niya type magic ay makikita nalang niya reaksyon ng ibang tao. Oh well past is past, I have to face the consequences of my actions” daldal ng binata. Paglingon niya wala na si Ayesha sa tabi niya kaya habang inaantay tumunog ang bell ay kumain nalang siya. Nahatid ni Benjoe si Maya nung hapon, umuwi siya sa condo ni Art saglit sabay nagteleport papunta sa condo ni Ayesha. “Sigurado ka hindi ka niya hahanapin?” tanong ng dalaga. “Nope, sabi ko masakit ulo ko e at hindi na ako kakain. Nakalock naman yung door e. Kaya lang pag kumatok siya tapos hindi ako sumagot baka isipin niya namatay na ako” sagot ng binata sabay tawa. Nag dinner yung dalawa ng take out food at pagkatapos ay naupo sa salas. “Okay master Aye teach me” sabi ni Benjoe. Nahiya pa yung dalaga pero agad siya nagpalabas ng dark flames sa kamay niya. “Wow, pano mo nagawa yan?” tanong ni Benjoe. “Tulad nung tinuro ni dad, concentrate at focus. Alam mo na may ganito ka sa loob ng katawan mo so focus lang at palabasin mo” sabi ng dalaga. “Hindi ba pwede mas basic? Kasi alam mo to be honest sinusubukan ko ever since nung nagawa natin sa studio e. Di ko talaga kaya” sabi ni Benjoe. “Ito ang pinaka importante e, alas mo ito. Madali lang yung iba kasi malakas ka naman e” paliwanag ni Ayesha. “Tatawanan mo lang ako e” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ng dalaga at nagconcentrate si Benjoe. Nanginig pa yung binata at mga ngipin nag gitgitan. Sumabog sa tawa si Ayesha nang makita ang isang napakaliit na itim na apoy sa palad ng binata. “See sabi ko na tatawanan mo ako e. Pano naman ako naging malakas e kung yan lang alas ko?” sabi ni Benjoe at talagang pinilit ni Ayesha tumigil sa pagtawa pero di niya nakayanan. “Alam mo pag ganyan talagang mamatay tayo agad” biro niya. “Naman e, don’t tell me I have to touch your boobs again to make that big ball” biro ng binata. “Sabi mo seryoso na?” sumbat ni Ayesha. “Oo nga pero ang point ko is that will I have to depend on you to bring out my flames? Masusugat ka nanaman at ayaw ko mangyari yon. Sa totoo lang I have been trying to bring it out pero yan lang talaga kaya ko. Ayaw ko na maulit yung sa studio kasi e” paliwanag ng binata. “Alam mo may kasalanan kami ni Barbs. Remember that time pauwi ka ng gabi at may sumusunod sa iyo? Kami yung nagpakawala ng mga demons na yon” sabi ng dalaga. “Yung dalawang sinigawan ko?” tanong ni Benjoe at napayuko si Ayesha. “Yeah, sorry ha we just wanted to help you realize that the there was a threat” paliwanag ng dalaga. “Okay lang naman kasi natakot ata sila sa sigaw ko e” sabi ng binata. “No, actually you killed them” sabi ni Ayesha at nagulat si Benjoe. “I killed them? How?” tanong niya. “Nung nagalit ka you shouted. Napansin ko kasi sa iyo pag galit ka doon lumalabas powers mo e. Pati nga kami ni Barbs we froze a bit sa lakas ng dark aura mo. Tapos yung two demons nung lapitan namin naging abo but we saw two tiny flames like that in your hand eating away at their body. Sobrang bilis talaga na nagpaikot nung mga apoy na maliliit at inubos sila” kwento ni Ayesha. Napahaplos ni Benjoe sa noo niya, pinagmasdan niya yung palad niya kung saan nandon parin yung maliit na apoy. “Matakot kayo sa akin! Ako si Saturnino, taglay ko ang dakilang itim na apoy!” sigaw niya na parang dwende kaya tawa nanaman ng tawa si Ayesha. Napansin ni Benjoe na masaya talaga ang dalaga kaya tinodo pa niya ang kanyang pagpapatawa. “Oh did you know that I can even bring this tiny flame out anywhere I want? Watch this” sabi niya sa dwendeng boses at lumabas yung apoy sa noo niya at dinuling pa niya mata niya. Napahawak na sa tiyan si Ayesha, nagluluha na mga mata niya pero tinuloy parin ni Benjoe ang pagpapatawa. “Oh my enemies you should be really scared of me” sabi niya sabay lumabas yung apoy sa dulo ng ilong niya. “You cant punch my face anymore” hirit niya. Nagpasikat siya at biglang nasunog ang shirt niya sa bandang tiyan pagkat sa belly button niya pinalabas yung apoy. “Tapos kanina nung nasa banyo ako kaya ko din pala palabasin tong apoy sa…ahihihihihi secret” landi niya. Nalaglag na sa sahig si Ayesha sa sobrang pagtawa, tumigil na si Benjoe at inalalayan siya makabalik sa sofa. “Well at least pwede ako maging silent assassin diba? Hindi nila makikita saan galing yung apoy ko kasi hindi nila talaga makita sa sobrang liit” hirit niya at pinaghahampas na siya ng dalaga para tumigil. Ilang minuto ang lumipas tumigil si Ayesha at tumayo. “Inaantok ka na. You go to sleep now” sabi niya. “Nahahalata ba? Sorry ha” sagot ng binata. “Sige na nakaayos naman na kwarto mo” sabi ng dalaga. “E ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?” tanong ni Benjoe. “Demons don’t sleep” sagot niya. “Ano? Imposible naman yan” sabi ng binata. “Oo totoo kaya matulog ka na” sabi ng dalaga at nagtungo sa kusina. “Seryoso ka ba? I mean e ano nalang ginagawa mo pag natutulog ako?” tanong ni Benjoe. “Ano pa e di binabantayan kita. Bakit pag tulog ka ba matutulog din ang kalaban? Twenty fours a day, seven days a week for eighteen years they have been looking for you non stop” sabi ni Ayesha. “So ikaw din ganon?” tanong ng binata pero hindi sumagot yung dalaga. “Hey Aye, ano gagawin mo?” tanong ni Benjoe. “Bake some brownies for you. Sige na matulog ka na” sagot ng dalaga. “Halika nga dito!” sigaw ni Benjoe at hinila ang kamay ng dalaga. “Hoy ano ka ba? Bitawan mo nga ako” sabi ni Ayesha. “No! You shut up and follow me!” pagalit na sabi ni Benjoe at wala magawa ang dalaga pagkat ramdam naman niya ang dark aura ng binata na lumalabas. Sa loob ng kwarto ng dalaga sila pumasok, “Ano pa kwenta ng kwarto mo? Props lang? Humiga ka nga!” utos ng binata at nahiga naman si Ayesha. “Wala ka dapat katakutan,safe naman dito sa condo mo diba? Nandito naman ako so you sleep too” sabi ni Benjoe. “Pero I don’t sleep” sagot ng dalaga. “You will sleep” utos ng binata at biglang napossess si Ayesha. “I will sleep…but how?” bulong niya. “Close your eyes,relax your mind and body” sabi ng binata. Pinikit ni Ayesha ang kanyang mga mata,nagulat siya nang naramdaman niya ang kamay ng binata sa kanyang noo at hinahaplos ang kanyang ulo tulad ng ginagawa niya din lang sa binata pag siya naman ang natutulog.Ilang minuto ang lumipas at nakatulog ang dalaga, napangiti si Benjoe at nagtungo na sa pinto. “Good night Ayesha, sweet dreams…kung nanaginip man ang demonyo” bulong niya. Pagsapit ng umaga kinakailangan na ni Benjoe bumalik sa condo ni Art.Sumilip siya sa kwarto ni Ayesha at nakitanag natutulog pa yung dalaga kaya umalis nalang siya.Sa school di mapakali ang binata at habang nagtuturo ang propesor niya ay madami siyang sinusubukan. “Kamutin mo ilong mo” bulong niya at napakamot nga ang guro nila sa kanyang ilong. Natawa si Benjoe pero tinakpan ang kanyang bibig para di mahalata. Natutuwa siya pagkat nakapagbulong siya kahit hindi siya malapit sa target niya. Napatingin siya sa kaklase niyang babae sabay nagbulong. “Itataas mo kamay mo” Tinaas ng dalaga ang kamay niya at napansin ng propersor. “Yes miss Bueno?” tanong ng guro. “Ah sir wala po” sagot ng dalaga sa hiya. Tinuloy ng propesor ang lecture pero muling tinaas ni miss Bueno ang kamay niya. Tumalikod si Benjoe pagkat di na napigilan ang tawa niya pero nakonsensya siya agad nung masermonan ng propesor ang kanyang kaklase. “Hindi mo na siya papagalitan” bulong niya at biglang ngumiti ang guro at humingi ng patawad. Sumakit ang ulo ng binata pero nagawa pa niya ihatid si Maya sa kanila nung hapon. Dumalaw siya sa condo ni Art sabay dumiretso kay Ayesha. Nakatulog parin yung dalaga kaya natawa siya. “Ayos eighteen years ka din siguro tulog nito” bulong niya. Mag isa nagpractice si Benjoe sa salas, maliit talaga yung apoy na napapalabas niya kaya sobra siyang naiinis sa kanyang sarili. Tumayo siya sa harap ng salamin, parang nasiraan ng bait at binulungan sarili niya. “Magpapalabas ng malaking apoy” utos niya sa sarili. Limang beses niya inulit yon saka sumubok ulit magpalabas ng apoy pero yung maliit ulit ang lumabas. “Bwisit!” sigaw niya sa galit at biglang lumipad ang apoy ng mabilis papunta sa dingding at binutas ito. Takbo si Benjoe at kinabahan pagkat nagkabutas ang condo ni Ayesha. Naghanap siya ng pwede niyang ipantapal pero bigla siya nakaramdam ng malakas na dark aura na sumakal konti sa kanyang leeg. “Oh patay ako nabutas yung condo. Ayesha!!! Nahanap na ata nila tayo!” sigaw niya. Pumorma ang binata at hinarap yung butas, nag aantay siya ng kalaban na lulusot. “Ayesha! Wake up! May kalaban ata. Help please!” sigaw niya. Bumukas ang pinto at lumabas si Ayesha na nag iinat. “Aye may kalaban” sabi ni Benjoe. “Nasan?” tanong ng dalaga at nakita ang butas sa dingding. “Sinira mo itsura ng wall ko!” sigaw ni Ayesha at biglang tumapis si Benjoe papunta sa kusina. Nagulat yung dalaga sa nagawa niya, agad niya pinuntahan yung binata at tinulungan makatayo. “Wow what did you to me?” tanong ni Benjoe. Pinakiramdaman ni Ayesha ang katawan niya at naramdaman niya ang kakaibang lakas. “Hoy ano ginawa mo sa akin nung natutulog ako?” tanong niya. “Wala ha! Sinilip lang kita kanina umaga, hindi na kita ginising kasi ang himbing ng tulog mo” sagot ni Benjoe. “Magsabi ka ng totoo!” sigaw ng dalaga at may sumakal sa leeg ni Benjoe at inaangat siya sa ere. Napahawak ang binata sa leeg niya at nagpupumiglas. “Aye…cant breathe” bulong niya. Napatingin si Ayesha sa mga kamay niya, bagsak ang binata sa sahig at hinahaplos parin ang kanyang naumpog na ulo kanina. Naglakad ang dalaga papunta sa salas at naupo. Nakitabi si Benjoe sa kanya at napansin na malalim ang iniisip ng dalaga. “Bakit ganito? Bakit parang ang lakas ko bigla?” tanong ng dalaga. “E kasi nakatulog ka at nakapagpahinga ang body mo” sagot ng binata. Tumawa si Ayesha at muli pinagtripan ang binata gamit kapangyarihan niya. Umangat sa ere si Benjoe at nagpaikot ikot habang ang dalaga ay tumatawa. “Bakit ba ang kulit mo? Sabi ko sa iyo hindi natutulog ang mga demonyo” sabi niya. “E ano tawag mo sa ginawa mo? Aye nahihilo na ako” sabi ng binata. Bagsak sa sofa si Benjoe at napasandal yung dalaga. “Nakatulog ako…no no kasi binulong mo e. Inutusan mo ako matulog” sabi niya. “Well oo pero isipin mo to, pag hindi natutulog ang demonyo e di wala kwenta sana yung binulong ko. The mere fact na sumunod ka at natulog ka e…” sabi ni Benjoe pero sabay nagulat yung dalawa. “Halfdemon halfhuman ako like you!?” bigkas ni Ayesha. Tumayo yung dalaga at napasigaw sa tuwa, muling napalipad sa ere si Benjoe habang nagsasaya yung dalaga. “Hindi ako pure demon! Yes!” sigaw niya. Bagsak ulit ang binata sa sofa, hilong hilo talaga siya pero bigla siya niyakap ng dalaga. “Hindi ako pure demon! We are just the same!Ay grabe ang saya saya ko talaga!” sigaw niya at nanggigil sa paghahalik sa pisngi ng binata. Natauhan si Ayesha,dahan dahan siya lumayo at si Benjo parang in shock. “Sorry Benjoe” bulong niya sabay biglang talikod at napangiti. “Uy okay lang,you were just happy so its okay no.Ganyan talaga pag masaya ang isang tao, di na niya alam ginagawa niya pero ayos lang” sabi ng binata. Muli naupo si Ayesha at nagkunwari na nasa happy mode pa at muling niyakap si Benjoe. “We are the same” sabi niya. “Teka ha,di ko magets bakit happy ka. Paki explain nga bakit mas gusto mo na half half ka kesa sa pure demon” sabi ng binata. “Kasi pangit ang totoong anyo ng pure demon. Grabe akala ko itong pretty form ko ay gawa gawa lang pero ito pala yung totoong anyo ko” sabi ni Ayesha sabay tawa. “Ah dahil lang ba sa itsura?” tanong ni Benjoe. Napayuko ang dalaga at parang nahiya. “Kasi may batas na sinusunod.Ang demonyo para sa demonyo, ang tao para sa tao lamang. Now I can love someone…like you” bulong ng dalaga. “Ganon ba? Muntik na pala ako ha.Oo nga pwede ka narin magmahal ng isang tao.Teka diba sabi mo meron ka na you know,tao ba siya?” tanong ni Benjoe. Tinitigan lang siya ng dalaga at ngumiti. “Uy ikaw ha” landi ng binata at kinikilig bigla si Ayesha. “Ayiheee nagdadalaga na si Ayeeeeshaaaaa” hirit ni Benjoe at muling nanggigil sa kanya yung dalaga. “All these years akala ko talaga pure demon ako.That is why I hated myself kasi hanggang paghanga nalang ako pala pero ngayon di na ako magpipigil” sabi ng dalaga. “Grabe all you needed was just sleep pala,pero grabe parang ang lakas mo na bigla” sabi ni Benjoe. “Hmmm siguro tama lang to e.Nagtataka ako dati bakit parang hindi na ako lumalakas. Kung ano yung lakas ko nung tinuturuan ako ng dad mo at ni Barbs ganon parin up to now.So I think my body has adjusted or baka kulang pa ako sa tulog” paliwanag ng dalaga. “Kulang sa tulog? E halos kinakarne mo na nga ako e” sabi ng binata. “Because you are letting me” sabi ni Ayesha. “Anong I am letting you? Nakakagulat nga powers mo e” sabi ni Benjoe. “Ah oo nga di mo pa siguro napapansin kasi wala pa talagang umaatake sa iyo ng grabe.At di ko alam na mapapalabas ko yung defense mo kasi di ka pumapatol sa babae. So we really need to go out and kill some demons” sabi ng dalaga. “Hindi pa ako handa Aye” bulong ni Benjoe. “Ei turuan kita ngayon. Pano sundan ang isang nagteleport.Madali lang naman basta sundan mo yung dark aura ng sinusundan mo.Ikaw mahirap ka masundan kasi tago ang dark aura mo, pero pag gumamit ka ng power may konti lumalabas.Yung ang sinundan ni Crispin kaya nahuli ka niya sa ere.Sundan mo ako” sabi ng dalaga at bigla siya nawala. Sa loob ng kwarto sumulpot yung dalawa kaya natuwa si Ayesha. A “Galing ah,sige pa nga” sabi niya at muli siya nawala at sa kusina sumulpot kung saan nandon din yung binata. “I have a great master” biro ni Benjoe pero ngumiti lang si Ayesha. “Last na to” sabi niya at nawala ulit siya. Sumulpot sila sa rooftop ng building,Magkaharap sila sumulpot at ang lapit ng mukha sa isat isa. Nagkatitigan sila, nagngitian, napahawak yung dalaga sa balikat ni Benjoe at huminga ng malalim. “Kung gagawin mo yan Aye hindi ako tatanggi pero magkakaroon tayo ng malaking problema” bigkas ng binata. “Ha? Anong ibig mo sabhin?” tanong ni Ayesha. Natawa si Benjoe at napakamot, “Ah akala ko kasi hahalikan mo ako sa labi. Sorry ha nagloloko ata isipan ko parang yun ang nakita bigla” sabi niya. Gulat na gulat si Ayesha pagkat nabasa talaga ng binata ang iniisip niya. “Grabe ka ha! Bakit naman kita hahalikan sa labi? Nagmamana ka na talaga sa tatay mo e” palusot ng dalaga. “Oo nga ata,sorry ha.Pero alam mo Aye may mali ka sinabi kanina. Ang tao sa tao at ang demonyo sa demonyo lang? Hinde dapat ganon yon,wag mo hayaan diktahan ng batas ang gusto mo. No law or rule should be allowed to govern the heart.Our hearts should always be free to choose and free to love” sabi ni Benjoe. Blinanko ni Ayesha ang isipan niya para hindi ito mabasa ng binata. Tinaas niya ang dalawang kamay niya sa ere sabay ngumiti. “Ano iniisip mo?” tanong ni Benjoe. “Kaya mo bumulong at kaya mo bumasa. Read my mind” sabi ng dalaga. Nagkatitigan lang yung dalaga pero natawa si Benjoe. “Madaya ka wala ako makita kundi sarili ko” sabi niya. “Kaya nga” sagot ni Ayesha sabay nagpalaglag ng sarili paatras. Nagpanic si Benjoe pero biglang tumigil ang galaw ni Ayesha na parang may pumipigil sa kanya na mahulog. “Nice you caught me” sabi niya. “I did?” tanong ng binata. “Yes you did,o ayan isa nanaman power mo, youre mind is preventing me from falling” sabi ni Ayesha. Nabilib si Benjoe sa sarili niya at dahan dahan niya pinatayo ng tuwid ang dalaga. “Wow bakit naglalabasan ngayon ang powers ko?” tanong niya. “Uy ano yon?” tanong ng dalaga sabay may tinuro sa langit. Napatingin si Benjoe sa taas pero naramdaman niya lumalayo ang dark aura ng dalaga. Paglingon niya talagang nagpahulog na si Ayesha. Di na siya nag isip tumalon siya agad para mahabol yung dalaga na pabagsak na mula sa mataas na bbuilding. Nahabol ni Benjoe si Ayesha,niyakap niya ito ng mahigpit habang patuloy ang pagbagsak nila. “Tumalon ka naman talaga” sabi ng dalaga. “Natural,as if I would let you fall” sagot ni Benjoe. “Marunong ka ba lumipad?” tanong ni Ayesha. “Hindi, ikaw?” sagot ng binata. “Hindi rin” sagot niya sabay ngiti. “Shooot!Teleport teleport now na!!!” sigaw ng binata habang tawa ng tawa ang dalaga na mahigpit na nakayakap sa kanya. Bago sila tumama sa lupa nakateleport sila agad pabalik sa salas ng condo.Tawa ng tawa yung dalawa sa near death experience nila pero si Ayesha agad tumayo at nagtungo sa kusina. “Ei Aye, of course I will” sabi niBenjoe. Nilingon siya ng dalaga at nabilib pagkat binasa nanaman niya ang kanyang isipan. “Pero wag mo naman siya papatayin” pahabol ng binata at muling natawa yung dalaga. “That part I was just kidding.Happy na ako knowing that you will” sabi ng dalaga at kinindatan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD