Pagbagsak ng Tala

3488 Words
Mas tumingkad ang puti na suot ng mga anghel, mga demonyo nangilabot sa takot dahil sa lakas ng pinakawalan ng batang anghel. Ang mga taong nasaniban ng mga demonyo nakalaya na pagkat ang tanging tinamaan ng malakas na liwanag ay ang usok na sumakop sa kanilang mga katawan. Napalibutan na ang mga demonyo sa lupa, mas madami pang mga anghel ang nagsulputan sa ere. Tumayo si Angela sa harap ng bata at tinuro ang espada niya patungo kay Basilio. “Bigyan niyo ako daan, kailangan unang mapatay yung batang yan” bulong ng binata. Di na nag aksaya ng oras si Tempesta, agad siya lumipad sa ere. Ang mga anghel na sumugod sa kanya pinagtitira ni Zalero ng kidlat, sa lupa inuga ni Volgo ang lupa at nagpakalat ng mga nagbabagang bato patungo sa mga anghel. Malakas na hangin ang umihip, matalim ito at nagkasugat nanaman ang mga balat ng mga anghel. Nagpasiklab muli ang nag aapoy na demonyo at sumanib sa hangin ni Tempesta. Ngayon ang matalim na hangin may taglay naring init at apoy. Gamit ang mga kalasag pangsangga sumugod ang mga anghel. Si Benjoe tumayo sa harapan nina Bea at Ayesha, di na niya alam ang gagawin niya sa tindi ng gulo ng mga pangyayari. Isang malakas na hangin ang umihip at napaatras ang mga anghel, sumugod si Basilio patungo sa batang anghel pero si Angela ang humarap sa kanya. Ang tindi ng pagkalas ng kanilang mga espada, kita ni Benjoe na nilalabas na ni Basilio ang tunay niyang lakas at bangis. Napapatras si Angela, sumugod na si Benjoe at inatake si Basilio. “Halimaw ka! Wag ako ang atakehin mo!!!” sigaw ng pinuno ng mga rebelde pero lalo lang pinatindi ni Benjoe ang pag atake niya. Sabay niya nilalaslas ang mga dark claws niya, naging abala si Basilio sa pag depensa sa dawalang kalaban pero si Angela inatake din niya si Benjoe. Ang mga anghel sa ere nahuli si Tempesta at tinapon ang babaeng demonyo sa lupa. Sina Volgo at Zalero napaatras papunta sa gitna dahil sa pag sugod ng mga arch angel sa kanila. Pati sina Lorena at Fortea napilitan lumaban pero wala sila magawa laban sa mga anghel kaya lahat sila napapapunta lang sa gitna. “Sis mukhang masama ito ah, tinitipon sila lahat sa gitna ang look at the little child nag iipon nanaman ng liwanag” sabi ni Bea. “Tsk delikado to, dito ka lang ha ako na bahala sa bata” sabi ni Ayesha. Susugod na sana siya pero may humawak sa kamay niya. “Sandali, delikado iha. Di lang si Angela ang nagbabantay sa kanya” sabi ng babaeng nakaitim na balabad. “Ano ibig mo sabihin?” tanong ng dalagang demonyo. “Mauuna ako pero sumunod ka agad kung gusto mo matamaan yang bata” sabi ng matandang babae at agad sinugod ang batang anghel. Tama siya pagkat pagkalapit pala niya parang bumangga siya sa isang harang at napatapis ng malayo. Agad sumunod si Ayesha pero pati siya napatapis. Tumba ang dalawa sa lupa at sa tabi ng batang anghel may nagpakitang binatang mandirigma ng langit. Sabay bumangon si Ayesha at nanay ni Basilio at inatake yung guwardiya nung bata. Si Bea napasigaw ng malakas pagkat pasugod na sa kanya ang mga anghel. Sa takot napaluhod lang yung taga hilom sa lupa, si Benjoe napalingon at agad pinuntahan ang kanyang taga hilom. Tumigil ang mga anghel at tinutok ang mga espada nila sa binata, si Bea iyak ng iyak sa likod niya. “Wag niyo siya sasaktan” sabi ni Benjoe. “Hindi kami nanakit ng tao” bigkas nung isang anghel sabay sugod. Tulad ng sinabi nila hindi nga nila ginalaw si Bea. Lahat ng atake napunta kay Benjoe na nakayanan naman niya sanggahin. Gamit ang isipan niya tinulak ni Benjoe ang mga anghel paatras, nawala ang mga dark claws niya at pinagsusuntok niya sa dibdib ang mga kalaban niya sabay binulungan sa tenga. Si Angela at Basilio tumindi ang bakbakan pero kinakabahan na yung binata pagkat palaki ng palaki ang bola na nahuhulma nung batang anghel. “Halimaw! Yung bata!” sigaw ni Basilio, binilisan ni Benjoe ang pagtumba sa mga kalaban niya sabay sinugod ang batang anghel. Konting hakbang nalang maabot na ng dark claws ni Benjoe ang bata, napalingon na yung guwardiyang anghel pero nasaksak siya sa dibdib ng duguang Ayesha. Dalawang kamay nung nakabalabad humawak sa ulo ng guwardiya at agad napisa ang ulo. Sinipa ni Angela si Basilio sa dibdib, sobrang bilis ng galaw niya at sa kalasag niya tumama ang dark claws ni Benjoe. Bagsak ang binata sa lupa, nagkatinginan yung mga demonyo at nasa gitna sila lahat habang ang mga anghel nasa ere na lahat. “Kahit magteleport pa kayo palayo mahahabol parin kayo ng dakilang liwanag” bigkas ni Angela. Tumayo na yung maliit na anghel at itatapon ang nakakalaking bola ng liwanag sa mga kamay niya. Umuga ang lupa at mula sa likod ng bata sumulpot ang isang higanteng demonyo. “Mighty Maso!!!” sigaw niya at minaso ang bata sa ulo. Naitapon parin nung bata ang bola ng liwanag pero paakyat ito. Kumaripas ng lipad ang mga anghel habang nagsaya ang mga demonyo sa pagligtas ni Barubal sa kanila. Tumawa ng malakas si Basilio at lumuhod sa lupa. Pinagdikit din niya ang mga kamay niya at nag acting na nagdadasal. “Bwahahaha kakanta pa ba tayo ng may bukas pa? Sige na karnehin ang mga anghel na yan!!!” utos niya. Si Salim tumayo sa gitna at kumalat ang itim usok mula sa katawan niya sa lupa. Pagtingala ni Benjoe ay napansin niyang nakapikit ang mga anghel tila nagdadasal. Ilang segundo lang bumukas ang mga mata nila at nagliwanag lahat ng puti. Bakas ang sobrang galit sa mukha nila lalo na si Angela. Ang mga itim na usok mabilis pumasok sa lupa at dahan dahan may nahuhulmang mga anyong tao. Balik sa ere si Tempesta at muling nagpasiklab, tinabihan siya ni Zalero at nagsanib naman ang kanilang kapangyarihan. Hanging na may taglay na kuryente ang bumalot sa ere at tinamaan ang mga anghel. Nagbato si Volgo ng mga nagbabagang bato patungo sa mga kalaban pero si Angela sumigaw ng malakas at ang bilis lumipad papunta sa lupa. Sa sobrang bilis napulot niya bigla si Basilio at nilipad papunta kay Benjoe. Dalawang binata na ang nahawakan niya at nilipad sa ere. Pinagumpog niya yung dalawa sabay binato sa direksyon ng kuryente ni Zalero. Nakuryente yung dalawang binata pero mabilis sila pinulot ni Angela at muling nilipad sa ere. Galit na galit ang dalagang anghel at ilang beses pinag uumpog ang dalawang binata. Duguan na sina Basilio at Benjoe, ang dalawang demonyo walang magawa sa sobrang bilis ng mga pangyayari. Nabuo na ang mga alagad ni Salim pero umatake narin ang mga ibang anghel. Si Ayesha at nanay ni Basilio abala sa paglaban, sa isang dako pati sina Lorena, Fortea naatake kaya tinulungan sila ni Bea. Gamit ang mga flaming carbon blades niya pinagsasaksak niya ang mga anghel na hindi pwede bumawi sa kanya pagkat tao siya. Sina Zalero, Volgo at Tempesta bugbog sara din sa mga arch angels at tanging si Salim lang ang nakakiwas pagkat hindi siya mahawakan. Si Braulio at Barubal nagsanib pwersa at gamit ang kakaiba nilang lakas madami sila napatumbang anghel. Nilipad ni Angela ang dalawang binatang demonyo ng napakataas, hirap na huminga yung dalawa kaya nawawalan na sila ng malay. Mabilis nailipat ni Angela ang mga kamay niya sa mga leeg ng dalawang binata at mabilis naman na lumipad pabalik sa lupa. Parang kometa na pabagsak ng lupa ang bilis nila. Talagang sinagad ng anghel ang mga ulo nung dalawa sa lupa at may malakas na pagsabog. Napatigil ang mga anghel at ibang demonyo, nakita nila si Angela nasaktan din pero dahan dahan tumatayo. Sina Benjoe at Basilio parehong naghihingalo at iniinda ang tindi ng sakit ng pagkabagok nila. Pinipilit nila makabangon pero si Angela tinaas ang kanyang kamay at agad lumitaw ang kanyang puti na espada. “Please wag lang ang mga kasama ko…please” makaawa ni Benjoe sabay tinuro si Bea at Ayesha. Tumawa si Basilio at nagawa pang dagukin sa dibdib si Benjoe, “Ikaw lang kasi naabot ko e, kaya eto pa” sabi niya at binanatan nanaman yung isang binata sa dibdib. Napasimangot si Angela pero titig na titig sa mga mata ni Benjoe. Tinutok niya ang espada niya kay Basilio sabay hinatak para ibwelo para isaksak. Tinaas ni Basilio kamay niya, pumitik at biglang nahigop si Lorena palapit. Ang bilis ng mga pangyayari, maibabaon na ni Angela ang espada niya, humarang na si Lorena sa katawan ni Basilio. Nagkaroon ng malakas na liwanag at pansamantala nabulag ang lahat. Tumawa ng malakas si Basilio at tinitigan niya si Lorena. Di niya makita ang tagos ng espada sa dibdib ng dalaga kaya sabay sila napalingon. Nagsigawan sina Bea at Ayesha, sa likod ni Lorena nakaharang si Benjoe at siya ang nasaksak sa dibdib. Gulat na gulat si Angela pero nagawa pa hawakan ni Benjoe ang mga kamay niya. “Please…wag mo sasaktan mga kasama ko…pakiusap” bigkas niya at biglang napayuko ang ulo at tila nawalan ng buhay. Nabitawan ni Angela ang espada niya, napatayo si Lorena at nanginginig na tinignan si Benjoe na napaluhod sa lupa. Di rin maintindihan ng ibang demonyo bakit ginawa ng binata yon pero sina Bea at Ayesha mabilis na tumakbo palapit sa binata. “Bakit mo siya pinatay?!!! Hindi kami yung mga masasama!!! Sila yon!!!” sigaw ni Bea na umiiyak at pinaghahampas si Angela. Magulo ang isipan ng dalagang anghel, di niya alam bakit nagawa ni Benjoe ang pagsalba kay Lorena. Dahan dahan lumalayo si Basilio habang pinapanood si Ayesha na umiiyak at kayakap si Benjoe. “Hoy Ayesha! Tigok na ang halimaw mo! Sali ka na sa akin at aalagaan kita” sabi ng pinuno ng mga rebelde. “As if naman papayag ako mapunta siya sa iyo hayop ka” narinig ng lahat na sabi ni Benjoe. Sa gulat napatingin si Ayesha sa binata, ang mga anghel din sa paligid biglang lumapit at pinagmasdana ang binata. Si Bea napatigil sa paghampas kay Angela at napalingon, ang dalagang anghel napanganga sa gulat. Hinawakan ni Benjoe ang espada at dahan dahan nilalabas sa katawan niya. Sumisigaw siya sa sakit pero lahat parang estatwa lang at pinapanood siya. “Imposible…pano nangyayari ito?” bigkas ni Zalero habang hinihilang palayo si Basilio. “Dapat patay na siya. Holy Blade yang gamit ni Angela” sabi ni Volgo. “Halimaw!!! Pano mo ginawa yan?” sigaw ni Basilio. Pagkaalis ng espapda agad lumuhod si Bea at yumakap sa binata para gamutin siya. Yumakap din si Ayesha at muling umiyak. “Ei…ewan ko bakit pero okay lang ako” bulong ng binata at niyakap din yung dalawa. Di talaga makapaniwala si Angela, naglalakad siya paatras at di maalis ang mga titig sa binata. “Hindi ka natablan ng Holy Blade…walang demonyong nakakahawak ng Holy Blade…pero…Saturnino?” bigkas niya. Sobrang gulat ng lahat ng anghel, nangilabot bigla sa takot ang mga demonyo at si Basilio nanlisik ang mga mata. Nagliyab ang mga kamao niya at tila hinihigop ang mga lakas na pinahiram niya sa kanyang mga alagad. “Tara atakehin na natin si Saturnino para matuwa si Boss” bulong ni Braulio. “Sige tara” sagot ni Barubal. Nauna yung alagad ni Basilio pero mabilis siya minaso sa ulo ng alagad ni Saturnino. “Loko! Kakampi ako ni baby boss. Hmp! Sige pa eto pa!” sigaw ng higante at talagang pinagmamaso ang kalaban niya. May itim na apoy ang lumabas sa katawan ni Braulio at mabilis ito naglalakbay sa lupa pabalik kay Basilio. Sina Volgo, Zalero, Tempesta at Salim ganon din ang nangyayari, may malakas tuloy na dark aura ang nararamdaman ng lahat. Tumayo si Benjoe at hinalikan sa noo si Bea. “Salamat okay na ako” sabi niya sabay titig kay Angela. “Please keep them safe” pahabol niya sa anghel. “I will, take the sword” sagot ng anghel. Ngumiti lang si Benjoe at hinarap si Ayesha at hinalikan din ang dalaga sa noo. “Now please stand back” bigkas niya. Lumabas ang dark claws niya sa kaliwanag kamay habang sa kanan may namumuong bola ng itim na apoy. Tumayo si Basilio at umaapaw ang lakas niya, biglang lumapit ang dalawang espada ni Pentakis sa kamay niya at agad niya ito pinaapoy. “Saturnino!!! Papatayin kita!!” sigaw niya at mabilis na sumugod. Patakbo ang dalawang binata patungo sa isat isa, ang mga anghel nag atrasan habang si Angela mabilis nailayo sina Bea at Ayesha. Sumangga ang dark claw sa isang espada, binuwelo naman ni Basilio yung isa pero agad nagulat siya pagkat palapit na ang bolang itim sa dibdib niya. Pagkatama ng bolang apoy sa dibdib ni Basilio napasigaw siya ng malakas pero agad tumawa pagkat naging itim na usok ang katawan niya. “Hindi ako tanga!!!” sigaw niya. Agad tumalikod si Benjoe at saktong sumulpot doon ang tunay na Basilio at nahawakan niya ito sa leeg. “Bobo ka! Dapat hindi ka nagsalita! Alam ko tuloy nasan ka!” sigaw ni Benjoe at sinaksak ang dark claws niya sa dibdib ng kanyang kalaban. Nanlaki ang mga mata ni Basilio sa gulat, tatlong beses binaon ni Benjoe ang claws niya sa kanyang dibdib. Pinag apoy ng binata ang dalawang kamao niya at pinag gugulpi ang rebeldeng demonyo. Halos mabali na ang leeg ni Basilio sa bawat suntok na binibira ni Benjoe. Ang dibdib ng binatang rebelde naagnas na ang nawawala na ang kanyang buhay. Ayaw magpaawat ni Benjoe at nilabas muli ang mga dark claws niya. Talagang pinagkakarne niya ang katawan ng kanyang kalaban hanggang sa tuluyan nang napahiga si Basilio sa lupa. Natahimik ang lahat, si Benjoe nakatingin sa katawan ng kanyang kalaban habang tuluyan na itong nagiging abo. Napalingon ang binata sa paligid at napatingin kay Angela. “May mali dito!” sigaw niya. “Anong mali?” tanong ng anghel. “Dapat namatay narin ang kanyang dark aura!” sigaw ng binata at napansin na wala sa tabi ni Bea si Ayesha. “Ayesha?!!!” sigaw ni Benjoe at paglingon niya hawak hawak nung naka itim na balabad ang dalaga. Biglang sumulpot ang isang nagbabagang itim na binata na may hawak na bolang apoy. Binaon ito sa dibdib ni Ayesha sabay tumawa ng napakalakas. “Siya ba yung hinahanap mo?” tanong ni Basilio sabay tinapon ang katawan ni Ayesha papunta kay Benjoe. Matindi ang tama ni Ayesha sa dibdib. Niyakap siya ng mahigpit ni Benjoe at inuuga. “Ayesha!!! Gising ka!!!” sigaw niya. Dumagundong ang tawa ni Basilio sa buong desyerto. Sumulpot sa tabi niya ang twins na dalaga. “Kaya nila kopyahin ang kapangyarihan ng kahit sino at ilagay ito sa kahit sinong nilalang. Nahulog ka sa bitag ko. Sino ang bobo ngayon?” sigaw ni Basilio. Dahan dahan lumapit ang pinuno ng mga rebelde. Niyakap ng mahigpit ni Benjoe si Ayesha at tumulo na ang mga luha sa mga mata niya. Nilabas ni Basilio ang dalawang espada ni Pentakis, sumugod ang mga anghel pero sa isang kindat ng binata napatapon sila palayo. “Kanina niyo pa gusto tikaman ang kapangyarihan ko diba? Pwes tikman niyo” sabi ni Basilio at tuluyan nilapitan si Benjoe. “Mahina ka” bigkas niya at bigla siyang nagpaikot ng napakabilis. Naging itim na ipo ipong malaki si Basilio at inatake si Benjoe. Wala nang magawa sina Bea at mga anghel kundi mapasigaw habang nilalamon ng ipo ipo sina Benjoe at Ayesha. “Baby boss!!! Ayesha!!!” sigaw ni Barubal, pinulot nung higante ang kanyang maso at sinugod ang ipo ipo. Hinila siya ni Angela at pinakalma pero si Bea naman ang sumugod. Hinawakan ni Angela ang dalawa sa kwelyo at nginitian sila. “Just watch…may nararamdaman akong kakaiba” sabi niya sa kanila. Patindi ng patindi ang ipo ipo, nakarinig na ang lahat ng nakapalakas na sigaw. Nahahati yung itim na ipo ipo at nagulat ang lahat pagkat may nakita silang puti na bola ng liwanag na pruproprotekta sa katawan nina Benjoe at Ayesha. Humupa ang ipo ipo at lasog lasog ang damit ni Basilio at napaluhod siya sa sobrang pagod. Tumayo ang binatang rebelde at pinagtataga ang bola ng liwanag. Binuhos niya ang buong pwersa niya pero hindi niya mabasag ang bola ng liwanag. “Holy shi…” bigkas ni Barubal pero nabatukan siya agad ni Angela. “Holy Shield. Kahit anong pwersa sa mundo hindi kaya gibain yan. Mapapalabas lang yan ng isang makapangyarihan na nilalang na prinoprotektahang mahalaga sa kanya” nilinaw ng anghel. Napadapa sa pagod si Basilio at hinila palapit si Lorena para gamutin siya. Humupa ang bola ng liwanag. Binuhat ni Benjoe ang katawan ni Ayesha at nilapag sa may paanan ni Bea. “Aye sandali lang ha, babalik ako” bigkas niya at tuloy ang luha niya. Tumayo ang binata at sumigaw ng napakalakas. Naitapon palayo si Lorena kaya nabalot ng takot si Basilio. Ang lupa ng desyerto lalong natutuyo, ang maliwanag na ulap biglang nagdilim. Umihip ng malakas ang hangin at biglang nawala si Benjoe. Agad naghulma si Basilio ng malaking bolang apoy pero sumulpot bigla si Benjoe sa haparan niya at inagaw ang malaking bola. Hindi makapaniwala si Basilio, mga mata ni Benjoe nag apaoy ng itim, nahawakan niya ang rebelde sa leeg at yung malaking bolang apoy binaon sa mukha ni Basilio. Napahawak sa muha ang binatang rebelde, hinila ni Benjoe ang buhok niya sabay pinagtutuhod ang mukha. Walang awa niyang pinagtutuhod ang sunog at lasog lasog na mukha ng kanyang kalaban. Sinubukan nung nakabalabad na lumapit pero naitapon lang siya palayo sa lakas ng dark aura ni Benjoe. Natakot ang lahat ng mga anghel, si Bea napatigil sa paghihilom kay Ayesha pagkat ang apoy na nakapalibot sa katawan ni Benjoe ay humulma na parang demonyo. May sungay na mahahaba at buntot na gawa itim na apoy. Sumubok lumapit sina Volgo, Zalero, Tempesta at yung twins pero napalo lang sila palayo ng nag aapoy na buntot ni Benjoe. “Kakatayin kita animal ka!!!” sigaw ni Benjoe ng napakalakas. Gamit ang isipan niya lumapit ang mga espada ni Pentakis. Binaon niya ito sa mga balikat ni Basilio. Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at nagsimula humulma ng napakalaking bolang itim. “Oh my God, yan ang true form ni Saturnino” bigkas ni Angela sa takot. Tinaas niya kamay niya at lahat ng natitirang anghel nagsiluhuran at nagdasal. Mula sa langit nagsulputan pa ang ibang anghel pero hindi sila makalapit dahil sa takot. Palaki ng palaki ang bolang itim na nagagawa ni Benjoe. Hindi makagalaw si Basilio at nagsisigaw na. May isang pula na portal ang biglang lumitaw, tatlong bruha ang lumabas at mabilis na inalis ang mga espada sa balikat ni Basilio. Tatamaan na sana sila nung nag aapoy na buntot pero hinarang ito nung naka itim na balabad. Napatingala si Basilio para tignan sino ang lumigtas sa kanya, nakita niya ang mga bruha ng norte kumpleto na. “Nahanap niyo?” tanong niya. “Mamaya na ang kwento at ititira na niya!” sigaw ni Armina kaya nagmadali sila nagtungo sa pulang portal. Dahil sa laki ng bolang apoy na nagawa bumagal ang galaw ni Benjoe. Pinilit niyang habulin ang nakatakas na kalaban niya. Nauna nang nakapasok ang tatlong bruha, inalalayan ni Tempesta at Zalero si Basilio. Papasok palang sila sa portal ang lapit na ni Benjoe. Tumalikod si Basilio at hinila si Fortea at tinapon papunta sa binata. Nasalo ni Benjoe sa leeg ang dalaga at nagawa niya ipasok sa portal ang napakalaking bolang itim. Sumigaw ng malakas si Benjoe pagkat nagsara ang portal habang nasa loob pa ang kamay niya. Hinila niya ang kamay niya at may nahugot siyang katawan pero si Tempesta pala yon na naging abo agad. Sa sobrang galit muling napasigaw ng napakalakas ni Benjoe at tinitigan si Fortea. Tinaas niya ang isang bakanteng kamay niya at may itim na bola nanaman ang humuhulma. Nanapikit na sa takot si Fortea at nabingi sa muling sigaw ng binata. “BASILIO!!!!!” Ilang segundo ang lumipas dahan dahan binuksan ni Fortea ang mga mata niya. Wala nang pagbabaga ang katawan ni Benjoe at wala na din ang itim na bola sa isang kamay niya. Napansin ng dalaga ang mga luha sa mukha ni Benjoe, dahan dahan siya tinitigan ng binata at nagmakaawa. “Please help” bigkas niya at binuhat niya yung dalaga papunta sa katawan ni Ayesha. “Please help her” ulit ni Benjoe. Lumapit si Lorena at agad tumabi kay Bea. “Ako yung taga hilom” bigkas niya at nagtulungan yung dalawa na gamutin si Ayesha. Lumuhod si Benjoe sa lupa at tinignan si Angela. “Please tulungan niyo siya…please”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD