Sabado ng umaga bumangon ang isang dalaga at napatingin sa kanyang desk clock. “Four palang” bigkas niya kaya muli siya nahiga. Pinikit niya ang kanyang mga mata pero ilang segundo lang bigla sila nagbukas at nagbagang puti. Bumangon ang dalaga at nagtungo sa kanyang study desk. Sinindi ang kanyang laptop sabay nagsimula magtype.
Isang oras ang lumipas at may pumasok sa kwarto, “Diyos ko naman Ikang hindi mo man lang mapatay tong alarm clock mo!” sabi ng matandang babae. Tuloy ang pagtype ng dalaga kaya pinatay ng kanyang nanay ang alarm clock. “Ikang! Ano ba yang pinagsusulat mo diyan? Bakit hindi mo suot eyeglasses mo?” tanong ng nanay niya pero di kumikibo ang dalaga. “Ikang!” sigaw ng matandang babae sabay niyugyog ang dalaga.
Bumalik sa normal ang mga mata ng dalaga, paglingon niya nagulat siya pagkat nandon ang kanyang ina. “Good morning po” bigkas niya. “Good morning? Ano bang nangyayari sa iyo? Ano ba yang sinusulat mo? Bingi ka na at hindi mo naririnig alarm clock mo? Wag mo sabihin tinatamad ka. Naka drugs ka ba?” tanong ng nanay niya.
“Ha? Sorry po, hala alas singko na pala” sabi ni Mika. “Kanina pa, dalian mo at late ka na sa choir practice mo. Ano ba nangyayari sa iyo anak? Lagi ka nalang nakatapat diyan sa laptop mo. Ano ba yang sinusulat mo diyan? School project ba?” tanong ng. nanay niya. Sinara ng dalaga ang laptop sabay niyakap ang nanay niya. “Sorry na po ma. Wag na kayo magalit. Sige na balik na kayo sa kwarto niyo at matulog pa” lambing ng dalaga.
Alas siyete ng umaga natapos ang choir practice sa simbahan. Pauwi na si Mika pero hinabol siya ng bestfriend niya. “Bes gusto mo sumama? Punta kami Batangas” sabi ni Juliet. “Ay di ako pwede e. Madami pa ako gagawin” sabi ng dalaga. “Grabe ka ang kj mo talaga. Sige na kasi. Three days tayo don, kasama si Teddy na patay na patay sa iyo. O malay mo madevelop kayo don” pilit ng bespren niya.
“Wala ako panahon sa ganyan e. Sige na ingat nalang kayo I really cant and di ako pwede mag absent” sabi ni Mika. “Grabe ka talaga wala kang pakisama ever. Bakit ba dala dala mo lagi laptop mo? Lately lagi ka nalang nakababad diyan maski sa school” tanong ni Juliet. “Ha? Ah kasi may ginagawa ako school work. Siya nga pala may kilala ka bang Benjoe?” sabi ni Mika.
“Benjoe? Hmmm wala e. Pero pag B-Joe meron” sagot ni Juliet. “B-Joe? Hindi Benjoe yung sinasabi ko” sabi ng dalaga. “Haler! Di mo kilala si B-Joe? Sus saan kweba ka ba talaga nagtatago? Search mo sa net makikita mo. Grabe sikat na contestant sa Talentadong Show. Basta ang galing niya” sabi ni Juliet. “Ah okay, sige friend uwi na ako baka mapagalitan pa ako ni mama” paalam ni Mika.
Nakauwi si Mika, pagkatapos niya nag almusal naglinis siya ng bahay. Nang matapos siya umakyat siya sa kwarto niya at humarap sa kanyang laptop. “Ikang pupunta kami sa bahay ng uncle Jerry mo gusto mo ba sumama?” tanong ng nanay niya na nakasilip sa pinto. “Hindi na po ma, madami pa ako gagawin e” sagot ngdalaga. “O sige, magluto ka nalang ng tanghalian mo. Tapos anak isuot mo eyeglasses mo pag nasa harap ka ng computer mo. Sige ka lalo masisira ang mga mata mo” sabi ng nanay niya.
Pagkaalis ng nanay niya tinignan ng dalaga ang kanyang eyeglasses. Ilang lingo narin niya hindi naisusuot yon at hindi niya alam bakit luminaw ang kanyang mga mata. Huminga ng malalim yung dalaga at tinignan ang screen, “Ano ba kasi tong mga pinagsusulat ko dito?” tanong niya sa sarili. Sumandal siya sa upuan at sinimulan niya sa pinakaumpisa ang pagbasa.
Ilang oras ang lumipas at natapos narin siya, napahaplos siya sa noo niya at napatingin sa relo. Tangahali na pala kaya bumaba siya sa kusina para magluto. Naguguluhan ang kanyang isipan, tinatawanan nalang niya sarili niya at kinakausap. “There are no real demons” sabi niya. Sandwich lang ang ginawa niya, wala na siya magawa sa baba kaya umakyat ulit siya sa kwarto para doon kumain.
“There are no demons?” tanong niya at muli siya napatingin sa kanyang laptop. Dinala niya ang sandwich niya sa study desk niya at muli humarap sa kanyang laptop.
“Igoogle mo kasi” sabi niya sabay tawa. Tinype ng dalaga ang pangalan na B-Joe, yun din ang pangalan na ginamit ng binata sa nasulat niyang kwento. Nagulat siya pagkat panay links sa fan sites at mga videos ang lumabas. “Mika manood ka kasi ng tv” sermon niya sarili sabay kagat sa sandwich. Nagdalawang isip pa siya pero pinindot ang isang link para sa isang video.
Pinanood ni Mika ang video ni B-Joe at napanganga siya pagkat lahat ng ginawa ng binata sa talent show ay nasulat niya. “Imposible!” sigaw niya at agad niya binasa muli ang kanyang sinulat sabay inulit ang video. Nangilabot konti ang dalaga pero alam niya may nabasa ulit siya sa kanyang sinulat sa pangalawang pagtanghal ng binata. Binasa niya ulit sabay nahanap ang pangalawang video, “Weekly finals video…10 million hits…wow” bigkas niya. Pinanood ng dalaga ang video at siya ay namangha sa binata.
“Bakit ako nagsusulat ng tungkol sa iyo? Demonyo ka? Sino ka ba talaga?” tanong niya kaya nagsearch ulit siya at pumasok sa isang fan site. Isa isa niya binasa ang mga komento ng mga fans at pagkatapos ng ilang minuto nakita na niya ang kanyang hinahanap. “Kaklase ko yan noong high school” basa niya. “Talo ka, kaklase ko siya ngayon sa tatlong subject ngayong college” sabi naman nung isa.
“Lumaki na ulo niya at babaero na siya” komento ng isa at biglang nagalit si Mika. “Hindi! Si Maya lang ang mahal niya at mabait lang talaga siya kina Ayesha at Bea!” sigaw niya. Napaisip siya bigla at tinawanan ang kanyang sarili. Hindi niya alam bakit pinagtatanggol niya ang binata. Tinuloy niya ang kanyang pagbasa at tawa lang siya ng tawa. “Wala na tayo balita sa kanya. Sa grand finals na siguro natin siya makikita. Siguro tinatago siya nung network para hindi siya mapirata” sabi ng isang fan.
“Malas niyo ako alam ko nasan siya, bleh!” sabi ni Mika sabay binuksan ang kanyang word document at muling binasa ang huli niyang sinulat. “Sabado ng hapon mamasyal sa park si Benjoe at Maya, doon niya unang makikita ang Propeta ngunit hindi siya papansinin ng binata. Magpupursige ang propeta at magtutungo sa sagradong tahanan ng demonyong dalaga kinabukasan para kumbinsihin si Benjoe…” basa niya at napakamot. “Sino naman daw itong propeta? Wala na ako paki basta makikilala ko siya bukas” sabi ni Mika sabay muling pinatay ang laptop niya.
Alas kwatro ng hapon nakatambay sina Benjoe, Maya, Mina at Insyang sa tapat ng bentahan ng fishball. “Mina wag masyado sa fishball ha” sabi ng dalaga pero dumilat ang bata at tumabko dala ang bagong lutong fishball sa maliit na bowl niya. “Mina do not run!” sigaw ni Insyang at hinabol ang kanyang alaga habang si Benjoe natatawa sa sobrang kulit nung bata.
“Tara lakad tayo sa park” sabi ni Maya kaya naglakad yung dalaga habang inuubos ang kanilang fishball. “Ayun bakante o! Tara laro tayo ng chess” sabi ni Benjoe. “Hala hindi ako marunong niyan” sabi ng dalaga. “Tuturuan kita, sige na madali lang naman e” pilit ng binata at pumayag din ang nobya niya.
Inayos ni Benjoe ang mga piyesa habang si Maya sinusubuan siya ng fishball. Tinuro ni Benjoe ang bawat galaw ng bawat piyesa, sumandal lang ang dalaga sa kamay niya habang pinakikinggan ang binata. “Okay na? Gets mo na ba?” tanong ni Benjoe. “Sige try natin” sabi ni Maya. “Okay, first move ang white tapos choice mo na kung pawn or horse ang gusto mo una itira” paliwanag ng binata.
Ginalaw ni Maya ang pawn niya sabay tumili nang gumalaw si Benjoe. “Hala to kasisimula palang” sabi ng binata. “Basta wag mo muna kainin yung small piece ko ha” lambing ng dalaga at gumalaw ulit ng isang piyesa. Tili ng tili si Maya kaya natatawa si Benjoe, pagkatapos ng ilang galaw ay nakain ng pawn ng binata ang isang pawn ng dalaga. “Ay teka teka ulit! Di ko nakita yon!” sigaw ni Maya.
“Relax lang nagsisimula palang naman yung laro e” sabi ni Benjoe. “Kahit na ayaw ko may makain ka” sabi ng dalaga sabay tawa. Hinawakan ni Maya ang Queen niya sabay nilagtaw ng malayo para kainin yung Queen ni Benjoe. “Ay di pwede yung ganyan, ang dami pang nakaharang o” reklamo ng binata. “Pwede kasi gusto ko ako lang queen mo” sabi ni Maya sabay nagpacute.
Napakamot si Benjoe sabay tawa, “Ikaw lang naman talaga queen ko sa totoong buhay. Game lang naman tong chess e” sabi niya. Napangiti si Maya pero napansin niyang may dalagang nakatayo sa malapit at pinagmamasdan ang boyfriend niya. “Benjoe someone is staring at you” bulong ng dalaga sabay niyuko ang ulo niya. Niyuko din ng binata ang ulo niya sabay pinakiramdaman ang paligid. “May sungay ba?” biro niya.
Natawa si Maya at kinurot ang kamay niya. “She is about my height, short hair, at parang star struck sa iyo…lumalapit na siya” bulong ng dalaga. “Wala ako kilalang short hair” sabi ni Benjoe sabay lingon. Tumayo si Mika at tinuro ang binata. “Ikaw nga!” bigkas niya. “Ako? Bakit ako?” tanong ng binata.
“I mean ikaw nga si Benjoe tapos ikaw naman si Maya” sabi ng dalaga kaya nagulat yung dalawa. Hinawakan ng binata ang kamay ng girlfriend niya sabay napalingon sa paligid. “Ah oo pero sino ka? Pano mo kami kilala?” tanong ng binata sabay dahan dahan tumayo at hinila si Maya sa likod niya.
“Grabe ka naman hindi ako masamang tao” sabi ni Mika. Humigpit ang hawak ni Benjoe sa kamay ng girlfriend niya sabay dahan dahan sila umaatras. “Okay pero bakit mo kami kilala?” ulit niya. “Di ko din alam sa totoo pero I do write about you” sabi ng dalaga. Sumilip si Maya at pinagmasdan ang bagong salta, “Are you a reporter?” tanong niya.
“Oh no student lang ako. Pero Maya magtiwala ka kay Benjoe he is a good guy. Wag ka magseselos kay Ayesha. Benjoe loves you very much” sabi ni Mika. Napanganga na yung dalawa at medyo nag nerbyos kaya niyakap ni Benjoe si Maya sabay naglakad pabalik sa bahay ng dalaga. “Sorry miss ha, di ka namin kilala e. Pasensya ka na” sabi ng binata. “Yes I understand, sorry sa istorbo ha. Ako pala si Mika and I do really write about you and I don’t know why” sabi ni Mika.
Pagkapasok ng gate sinilip nung dalawa ang park at nakitang wala na doon si Mika. “Grabe natakot naman ako sa kanya” sabi ni Maya. “Wow sino yon? How does she know us?” tanong ni Benjoe. “Hmmm baka fan mo tapos nagsusulat siya sa school paper nila about you. Pano kasi sikat ang boyfriend ko e” sabi ng dalaga. Napakamot si Benjoe at talagang napaisip. “Nagsusulat daw siya tungkol sa akin. Kilala ka niya pati si Ayesha. She might have seen us sa studio” bigkas niya.
“Oo nga tapos I think you mentioned my name diba sa first time mo mag show. Diba?” sabi ni Maya. “Oo ata. Well at least alam ng lahat in love ako sa iyo pero ang nakakapagtaka pano niya kilala si Ayesha?” tanong ni Benjoe. “And how does she know nagseselos ako?” dagdag ni Maya. “Nagseselos ka kay Ayesha?” tanong ng binata at napangisi yung dalaga. “Babae ako Benjoe so di mo maalis yan sa akin kahit na sabihin mo kababata mo lang siya” sagot ng girlfriend niya.
“Pero kinakabahan ako ah. Nakita ba niya pumasok tayo dito? Hala baka masamang tao yon” sabi ni Benjoe. “Hmmm I don’t think so. Sa tingin ko fan mo lang siya. I can sense mabait naman siya in the way she speaks” sabi ni Maya. “Kahit na, do you mind if I stay a little longer today? Kinakabahan lang ako talaga e” sabi ng binata. Natawa si Maya at kinurot ang boyfriend niya. “Loko loko ka talaga nakahanap ka ng rason mo ha” landi niya.
Tumawa si Benjoe at napangisi. “Uy grabe ka naman hindi naman ganon, concerned lang ako” sabi niya. “Talaga? O namiss mo lang ako?” sabi ni Maya. “Namiss lang kita” sabi ng binata. “Good kasi namiss din kita sobra” sagot ng dalaga. Magyayakapan na sana yung dalawa nang bumukas ang pinto at sumigaw si Mina. “Kuya!!! Come play with me! Ready na yung tea set ko!”
Napailing si Benjoe at natawa si Maya. “Lakad pato nanaman ako nito” bulong niya. “Sabi ko sa iyo sa park tayo e kasi pag dito may kaagaw ako sa iyo” sabi ng dalaga. Hinila ni Benjoe ang kamay ni Maya sabay tinapat sa dibdib niya. “Pero dito Maya wala kang kaagaw” bulong niya at biglang kinilig ang dalaga. “Mama! Si kuya pinapatouch niya dede niya kay ate!” sigaw ni Mina. “Uy! Mina bad! Wala naman dede si kuya e” sigaw ni Maya. “Patay tayo dito baka iba pagkaintindi ng mom and dad mo. Tara na dali” sabi ni Benjoe at tawa ng tawa yung dalawa.
Lingo ng umaga sa may condo habang nag aalmusal yung tatlo nakwento ni Benjoe ang tungkol sa naganap sa park. “Nasense mo ba na demon siya?” tanong ni Ayesha. “Wala nga e, as in normal siyang tao” sabi ng binata. “O baka naman fan mo lang talaga. Yung latest video nga ten million hits and may four thousand comments. Tapos may lima kang fan sites” sabi ni Bea.
“Baka naman she is like me, yung di kaya masense ang dark aura” sabi ni Benjoe. “Hay naku Benjoe pag kalaban yan dapat inatake ka na agad. Pero hindi niyo ba napapansin na parang bumaba ang mga krimen?” sabi ni Ayesha. “Oo nga bilib din ako at tumupad sa usapan si Basilio” sabi ni Bea. “Oo nga siguro wala lang yon. Nagtataka lang ako kasi she knows Maya tapos kilala ka din niya Aye” sabi ng binata. Napaisip yung dalagang demonyo pero may biglang kumatok sa pinto.
Napatigil yung tatlo at nagkatinginan. “First time may kumatok” bulong ng dalaga. Agad tumayo si Benjoe at pumorma sa harapan ng pinto. Kinuha ni Bea ang mga kutsilyo niya habang si Ayesha humawak sa sa doorknob. “Are we over reacting?” tanong ni Bea. “Shhhh…wala pang kumakatok dito sa pinto na ito ever since. Kung tatay ni Benjoe lagi siya sa bintana dumidikit” sabi ni Ayesha.
“Sige open it” sabi ni Benjoe at agad nagliyab ang mga mata niya. Pagbukas ng dalaga sa pinto nanigas si Mika sa gulat. Nakatayo sa harapan niya ang binatang nagliliyab ang mata at may dalawang dalaga na palaban at mukhang kakarnehin siya. Napapikit ang mga mata ni Mika at nahimatay. Humupa ang mga apoy sa mata ni Benjoe at napakamot. “Yan yung sinasabi kong babae” sabi niya.
“Dali ipasok mo siya dito” sabi ni Ayesha. “E pano kung kalaban yan?” tanong ni Bea. “Duh! May sumpa tong condo ko, pag kalaban siya sunog siya agad” paliwanag ng dalagang demonyo. “Tama! Ito ang gusto ko sa condo mo e, ang tindi ng seguridad” sabi ni Benjoe at binuhat agad si Mika papasok. Pinulot naman ni Bea ang bag ng dalaga sabay sinara ang pinto.
“Ayos hindi siya nasunog” sabi ni Ayesha. Nilapag ni Benjoe si Mika sa sofa at pinagmasdan nung tatlo ang dalaga. “Pano niya alam tong condo mo?” tanong ni Bea. “Ewan ko baka sinundan si Benjoe” sabi ni Ayesha. “Excuse me no dumiretso ako kina Art para dalawin sila at nagteleport po ako. Tapos dumiretso ako dito” sabi ng binata.
“Alam ko na!” sigaw ni Bea at napangisi. Lumapit ang dalaga kay Mika sabay hinawakan ang kamay ng dalaga. Nilaslas niya ito konti gamit ang kutsilyo niya. Nagising si Mika at napasigaw ng malakas, napaatras yung tatlo sa gulat pero nang tignan ni Mika ang kamay niya lalo lang siya sumigaw.
“Bakit niyo ako sinugatan?!!!” sigaw niya. “Chillax girl kaya kita gamutin” sabi ng taga hilom at agad nakitabi sa dalaga. “Ay oo nga ikaw yung taga hilom na si Bea” sabi ni. Mika. “Tapos ikaw si Ayesha na half demon tulad ni Benjoe. Pero demonyo ka talaga! Kanina nag aapoy mata mo!” sabi ng dalaga. “Ah oo pero pano mo alam ang lahat ng ito?” tanong ni Benjoe. Napalingon si Mika sa kamay niya, wala na doon ang sugat niya kaya napakurot siya sa pisngi ni Bea.
“Totoo ka naman” bulong niya sabay tayo at kinurot din sa pisngi sina Benjoe at Ayesha. Mula sa bulsa niya naglabas si Mika ng rosario at tinapat ang krus sa noo ng binata. Naduling si Benjoe habang nagkatitigan si Ayesha at Bea nang magbigkas ng munting dasal ang dalaga. Napahalakhak ng todo ang mga tala ni Benjoe habang si Mika diniin ang krus sa noo ng binata.
“Bakit ganon? Bakit ayaw?” tanong ni Mika. Halos maiyak na sa tawa si Bea at Ayesha habang si Benjoe hindi alam ang kanyang gagawin. “Ano ba kasi ang gusto mo patunayan?” tanong niya. “Na demonyo ka talaga. Pero hindi ka naman nalusaw, e itong rosario ko nabendisyunan pa sa simbahan e” sabi ni Mika.
“Hello! Yang si Benjoe every Sunday nagsisimba yan noon” sabi ni Ayesha at sa kanya naman tinapat ni Mika ang krus. Sobrang tawa ni Bea kaya sa inis inagaw ng dalagang demonyo ang rosario at sinuot sa sarili. “O ayan titigil ka na ba?” tanong niya at nanginig si Mika. “So ibig niyo sabihin hindi totoo na takot sa krus ang mga demonyo? Kung sabagay kung ganon kadali e siguro armas niyo panay krus habang nagpapatayan kayong mga demonyo” haka haka ng dalaga at talang pinagtawanan siya.
“Upo ka nga at kumalma” bulong ni Benjoe pero tinitigan lang siya ni Mika. “Oh shoot, patay tayo dito” sabi ni Ayesha. “Oo nga kasi nilaslas ko siya gamit nito e hindi siya nasunog meaning di rin tumatalab sa kanya ang dakilang itim na apoy” dagdag ni Bea. Si Benjoe ang napaupo at tinignan ang pendant niya. “Walang umiilaw na bago so ewan ko ano itong babae na ito” bigkas niya.
Kinuha ni Mika ang bag niya at naupo sa malayo. “Okay so pati ako naguguluhan talaga. Sabi ko sa iyo kahapon nagsusulat ako tungkol sa iyo pero hindi ko alam bakit. As in basta nalang ako mawawalan ng malay tapos pag gising ko may natype na ako dito sa laptop ko. Eto tignan niyo para maniwala kayo” sabi ng dalaga sabay sinindi ang kanyang laptop.
Kinuha ni Bea at Ayesha at sinimulang basahin. “Ah pwede ba read aloud nalang para mapakinggan ko din” sabi ni Benjoe. Binasa nung dalawang dalaga at simula palang gulat na yung tatlo. Si Mika naglibot sa may condo at mariing na pinagmamasdan ang tatlong nasa salas.
Dalawang oras ang lumipas at natapos na ang pagbabasa. Tulala yung tatlo lalo na sina Ayesha at Benjoe pagkat nakwento ang lahat mula nung naging eighteen ang binata. “Oh my as in bawat detalye kuha niya pati yung pagkakilala niyo sa akin and even the demon we fought in Laguna the other day” sabi ni Bea. Hindi makapagsalita yung dalawa pero nakaamoy sila ng masarap na pagkain.
“Lunch time na, I hope you don’t mind ha nagluto ako” sabi ni Mika. Napatingin ang lahat sa kusina at totoo ngang nagluto ang dalaga. Agad humarap yung tatlo sa lamesa pero di nila ginalaw ang masarap na adobo. “Walang lason yan, grabe naman kayo sige na kain kayo. Sorry yan lang naluto ko kasi konti lang laman ng ref niyo. Panay frozen foods at sangkaterbang brownies. I know favorite ni Benjoe yon pero hindi healthy. Dapat naman may gulay kayo, fresh meat, fish at madami pang iba” sabi ni Mika.
“Ah sino tong babae ulit? Nanay mo ba Aye?” biro ni Benjoe. “Ewan ko pero mukhang masarap tong adobo niya” sabi ni Bea at nagsimula sila kumain. “Sorry ha pero hindi ko din alam bakit nakaksulat ako ng ganon. Kaya sabi ko sa sarili ko kailangan kita hanapin. Nung una akala ko fiction pero nung nagsearch ako meron nga B-Joe sa net. Tapos sakto nag magic din yung nasa nasulat ko kaya sabi ko ikaw siguro yon. Nandito ako sana para ipaliwanag mo bakit nangyayari ito pero mukhang hindi niyo din alam” sabi ni Mika.
“Ang daldal mo” sabi ni Ayesha sabay subo. “Oo nga kumain ka nga muna” sabi ni Benjoe. “We should pray first before eating” sabi ni Mika. Muntik na nabilaukan si Bea pagkat natawa ulit siya. “Oo nga tapos magsimba tayo mamaya kasi Sunday” banat ng demonyong dalaga. “Tapos na ako kanina pero pwede ko kayo samahan mamaya” sabi ni Mika. Natigil ang kainan pagkat nagkatawanan nanaman ang lahat pero nagtuloy din lang pagkat masarap talaga ang naluto ni Mika.
Pagkatapos kumain ay naghugas pa ng pinggan si Mika. Yung tatlo busog na busog sa salas pero pinagmamasdan ang dalaga. “Ang bait niya no?” tanong ni Bea. “Super, sarap pa magluto. Aye paturo ka sa kanya para lutuan mo ako lagi” lambing ni Benjoe. Yumakap naman ang dalagang demonyo sa binata at ngumisi. “Oo naman basta ikaw” bulong ni Ayesha at kinilig ang taga hilom. “She is like me, di gumagana powers niyo sa amin” sabi ng taga hilom.
“Oo nga e, pero di umiilaw tong pendant” sabi ni Benjoe. “Pero ano kaya siya? Manghuhula? Pero grabe siya ha perfect e” sabi ni Ayesha. Natapos si Mika sa kusina at nakiupo sa may salas. “Mika may tanong kami. Itong pagsusulat mo e sabi mo hindi mo namamalayan diba? Ano kaya ito bago pa namin gagawin mga ito o pagkatapos na?” tanong ni Benjoe. “Hindi ko alam e. Basta nagsusulat nalang ako e. Pero teka kahapon nakita niyo ba yung propeta? Di daw kayo maniniwala sa kanya pero magpipilit daw siya ngayon” sabi ng dalaga.
“Oo nga nabasa ko, anong propeta yon?” tanong ni Ayesha. “Ewan ko siya lang naman yung nakita ko kahapon sa park at wala nang iba” sabi ng binata kaya lahat napatingin kay Mika. “Ako? Hindi ako propeta” sabi niya. “Duh! Ikaw lang yung nakita ni Benjoe kahapon at ikaw din yung nagpilit na pumunta dito” paliwanag ng demonyong dalaga.
Napanganga si Mika at kinuha ang laptop niya. “Hindi ako propeta, estudyante lang ako” pilit niya. “Teka hindi ba ang mga propeta ay nakikita yung magaganap bago pa sila mangyari?” tanong ni Benjoe. “Oo ganon nga. So si Mika ay propeta?” sabi ni Bea. “Grabe hindi talaga ako propeta. Religious ako oo pero propeta hindi” sabi ni Mika.
“Wala naman kinalaman ang pagiging religious sa pagiging prophet e. Wag mo kasi ikokonek yang mga binabasa mo sa biblya” sabi ni Ayesha. “As if naman nagbabasa ka ng biblya” sabi ni Mika. Napangiti si Bea at tinignan ang demonyong dalaga. “Si Benjoe ang nagbabasa dati, bored ako kaya nakikibasa lang ako sa kanya” sabi ni Ayesha. “Pero hindi talaga ako propeta e. Simpleng tao lang kami” sabi ni Mika.
“So ano naman tawag mo sa nasusulat mo? Hindi ba parang gawain ng propeta yan?” tanong ni Bea. “Along the road magkakataon na mahaharap ako sa matinding desisyon, pero sa tulong ng mga nasulat mo maaring mapadali ang aking pagpili o kaya matutulungan ako sa pagpili kung ano ang tama. Kaya importante ka sa akin” biglang sabi ni Benjoe.
“Pero hindi talaga ako propeta. I don’t know how I am able to write about you” sabi ni Mika. “Oo nga pero hindi tayo nag uusap ngayon pag hindi ka importante sa akin. The mere fact that you came to my life means you are someone important who will have a great effect on me. It also may be the other way around, we really don’t know yet but we can start off as friends. At naniniwala ako na hindi ka nagpursige para hanapin ako para sa walang rason. Lahat may rason, siguro hindi pa natin nakikita ang rason ng ating pagtatagpo pero nandito ka na kaya pwede naman tayo magsimula bilang magkaibigan” sabi ni Benjoe.
Parang nanlambot ang mga puso ng tatlong dalaga pero si Mika namula ang kanyang mga pisngi. Binatukan ni Ayesha si Benjoe sabay nagsimangot. “Tinagalog mo lang e! Tapos parang nililigawan mo na siya e” reklamo niya kaya natawa nanaman si Bea. “Tama siya e. Matagal ko na hinahanap ang purpose ko sa buhay. Akala ko mamatay na ako dahil sa routine na ginagawa ko araw araw. Simbahan, bahay, school, ganon nalang paulit ulit. I was starting to find life boring. Hindi ko alam pano ko nagagawa tong pagsusulat ko pero kung makakatulong ako sa inyo ikakatuwa ko talaga. Base sa sinulat ko nakikita ko naman na mabait naman kayo kaya siguro eto ang gusto ng Panginoon para sa akin. Maybe this is my purpose in life in order to serve him, I mean God” sabi ni Mika.
“Ayos, after one week magkakaroon na ako ng halo pag nakasama ko to” banat ni Ayesha at nagtawanan ang lahat. “Ano gusto niyo samahan ko kayo magsimba mamaya?” tanong ng propeta. Tinitigan siya ni Benjoe at Ayesha pero agad tumawa yung dalaga. “Joke lang, marunong din naman ako magbiro baka akalain niyo na super good na ako o santo. Tao lang ako tulad niyo” sabi ni Mika.
Napangiti si Ayesha at tinuro niya sarili niya. “Me? Tao?” tanong niya. “Oo naman, kayong dalawa ni Benjoe. Tao lang kayo na nabigyan ng demon powers. Di ko alam kung half demon half tao talaga kayo pero kahit na ganon tao parin kayo. Oo nung unang basa ko sa sinulat ko di ako naniniwala na may demons. Kahapon nung nakita ko si Benjoe medyo naniniwala ako. Ilang beses ko binasa yung nasulat ko kagabi at nakita ko naman ang magandang asal niyo”
“Kung tunay kayong demonyo di niyo sana ginagawa yung panglalaban niyo sa ibang demons. Nagiging makasarili talaga sana kayo. Nakikita ko ang kabaitan sa puso niyo lalo na ikaw Benjoe. Ikaw naman Ayesha normal ka din na babae sa tingin ko, kasi pag demonyita ka talaga sana ginawa mo na lahat…alam mo na siguro ibig ko sabihin. Pero hindi e, may respeto ka at bilib ako sa iyo kasi imbes na idaan mo sa dahas e dinadaan mo sa ibang paraan para ipakita mo na…alam mo na din yon” sabi ni Mika.
“Shut up ka na! I really like you na promise” sabi ni Ayesha at nagngitian yung dalawa. Huminga ng malalim si Benjoe at pinanood yung tatlong dalaga nag nagkwekwentuhan. Nadagdagan man ang kanyang babantayan pero may importante siyang natutunan sa bago nilang kasama.
Tao parin siya.