Ikalawang Bruha

4788 Words
Miyerkules ng gabi sa may Valenzuela naglalakad si Mika patungo sa isang liblib na lugar. Mahigpit niyang hawak ang kanyang rosario at nagbubulong ng dasal habang papalapit siya sa isang malaking bahay. May nakita siyang mga lalake sa labas ng bahay at may kinakargang mga karton sa malaking truck. Nagtago saglit ang dalaga sa likod ng puno at nagdasal. Lumipas ang ilang sedundo huminga siya ng malalim at nagtungo sa mga lalake. Sa gulat naglabasan ng baril ang mga lalake at tinutok lahat kay Mika, nangatog ang tuhod ng dalaga pero ngumiti lang siya at lalo pang lumapit. “Magandang gabi po, ano po mga yan?” tanong niya. Medo nalito ang mga armadong lalake, napalingon sila sa paligid pero wala sila makitang kasama ng dalaga. Tinignan nila si Mika, napakainosente ng itsura kaya nagtawanan nalang sila. “Miss nawawala ka ata” sabi nung isa. May lumabas mula sa bahay at sa isang iglap nakatayo na siya sa harapan ng dalaga. Namumula ang mga mata ng malaking lalake, nakaternong itim ang suot at puno ng ginto ang leeg at mga daliri. “Anong ginagawa mo dito bata?” tanong niya sa malalim na boses. “Gusto ko lang po sana malaman ano po yung laman ng mga karton” sabi ni Mika. “Relief goods para sa mga mahihirap” sabi ng lalake at biglang nagtawanan ang mga kasama niya. “Sinungaling ka talaga. Alam ko mga baril yan. Ibebenta niyo ba yan sa mga rebelde? Kaya naman pala hindi tumitigil ang mga gera kasi sinusuplayan niyo sila ng baril e. Hindi ba kayo naawa sa mga nadadamay na inosenteng tao?” sabi ni Mika at napahawak ang lalake sa pisngi ng dalaga. “Taga basa ka ba?! Hmmm…hindi normal kang tao…pero hindi na kita pwede paalisin dito iha dahil sa nalalaman mo” sabi ng demonyo. “Boss mukhang sariwa yan baka gusto mo ibalato nalang yan sa amin” sabi ng isang armadong lalake. Napaisip yung demonyo at napangisi, “Sige kayo na bahala dito pero tapusin niyo muna yung pagkarga ng mga armas sa truck” utos ng demonyo sabay tumalikod para bumalik sa bahay. Nilapitan ng nga ibang armadong lalake si Mika pero hindi natakot ang dalaga, imbes ngumiti pa ito at nagpacute. “Patay kayong mga demonyo” bigkas niya. Nagtawanan ang mga lalake at lalo pa lumapit. “Oh talaga? Ano gagawin mo magdadasal tapos ihahampas yang rosario mo sa amin?” tanong nung isa. Napatawa yung boss na demonyo na nasa pinto na ng bahay, tumalikod ulit siya at tinignan si Mika. “Iha sa tingin mo sino pang makakapagsalba sa iyo ngayon?” tanong niya. “Ang bago kong kaibigan” sabi ni Mika. “Talaga? Nasan siya?” tanong ng demonyo. “Ayan o paparating na” sabi ng dalaga at saktong may dumating na magarang kotse. Nagtawanan ang mga armadong lalake at nagliyab ang mga mata nila. “Sira ka pala e kasama namin yan e” sabi nung isa. “Oo nga di ko naman sinabi nakasakay sila diyan sa kotse e. Sinundan lang nila yan, Benjoe! Balak ako saktan ng mga demonyong ito o!” sigaw ng dalaga. Nagtawanan ang mga demonyo pero nakaramdam sila ng mabilis at mainit na hangin na dumaan sa kanila. Isa isang nagbagsakan ang mga demonyo kaya kinabahan ang kanilang pinuno. Sumulpot siya agad sa harapan ni Mika, hahawakan na sana niya ang leeg ng dalaga pero may naunang humawak sa kanyang leeg at tinaas siya sa ere. Nagliliyab ang mga mata ni Benjoe at hinigpitan ang pagsakal sa kanyang kalaban. “Anong ginawa niya sa iyo Mika?” tanong niya. “Wala naman pero siya yung boss tapos sila yung nagbebenta ng mga baril sa mga rebelde” sagot ng dalaga. Dahan dahan binaba ni Benjoe ang kalaban niya at inakbayan si Mika para maglakad sila palayo. “Pero pano siya?” tanong ng dalaga sabay napalingon. “Tapos na siya” sabi ni Benjoe at nagulat yung dalaga nung makitang napaluhod ang demonyo at wala pa isang segundo sumabog ang katawan niya at naging abo. “Hoy! Anong ginagawa mo dito! Grabe ka pano na kung hindi kami dumating?” sermon ni Ayesha. “Oo nga tapos mag isa ka pa, ano ba ginagawa mo dito?” dagdag ni Bea. Ngumiti lang si Mika at naglabas ng papel mula sa bulsa siya. “Kasi nagsulat nanaman ako kaninang umaga tapos alam ko dito kayo pupunta ngayong gabi. Di ko na dinala laptop ko kaya sinulat ko nalang sa papel o. O ayan may pagduda ka pa ba Ayesha?” sagot ni Mika. “Anong pagduda?” tanong ng demonyong dalaga. “Ayan o basahin mo kasi” sabi ng propeta. Binasa nung tatlo ang nakasulat sa papel at nahiya si Ayesha. “Tuluyan nang maniniwala ang demonyong dalaga sa kakayahan ng propeta…” ulit ni Bea sabay tumawa. “Ibig mo sabihin wala ka tiwala sa kanya?” tanong ni Benjoe. Napasimangot si Ayesha at nagtaas ng kilay. “Oo dati wala pero ngayon meron na. I was just being cautious and I wont say sorry” pataray na sagot ng dalaga. “Okay lang yon kasi pati nga ako may duda parin sa sarili ko nung una pero ngayon alam ko dadating kayo kaya nagtiwala ako sa aking sinulat” sabi ni Mika. “Pero Mika kahit na ganon wag ka parin pupunta mag isa. Delikado talaga e, malay mo pumalpak powers mo tapos hindi kami nakarating” sabi ni Benjoe. “Ewan ko basta ako may tiwala ako sa inyo na darating kayo. Wait we cant go yet, Bea at Aye baka gusto niyo tignan yung isang karton na di pa nakakarga sa truck. May makikita kayong magugustuhan niyo don. Tapos kailangan mo pa tawagan si Jamie” sabi ng propeta. “Benjoe tawagan mo na crush mo, tara dali sis ano kaya meron don” sabi ni Bea at agad hinila si Ayesha. Pagbukas nung dalawa ng karton ay nagliwanag ang mga mata nila. May nilabas si Bea na dalawang itim na carbon blade, gamit ng mga assassin at sundalo sa hand to hand combat. Takbo agad yung dalaga kay Benjoe at inabot ang mga blade. “Please Benjoe gawin mo ulit yung ginawa mo, mas gusto ko tong mga to o ang ganda o tapos itim pa o, please” pacute niya kaya natawa yung binata. Kinuha ni Benjoe yung dalawang blade pero nagulat sa nilabas ni Ayesha mula sa karton. Nakita niya ang malademonyong ngiti sa mukha ng dalaga nang iwasiwas niya ang isang napakaganda at kakaibang Samurai sword na itim. “Ang gaan nito!” sigaw niya sa tuwa. “O pano mo naman maitatago yan sa katawan mo?” tanong ng binata. Ngumisi si Ayesha at biglang nagliyab ang espada, sa isang iglap bigla ito nawala. Tumalon sa ere ang dalaga at mula sa likod niya nilabas ang nag aapoy na Samurai sword na itim. Natawa si Mika at siniko si Benjoe, “Hindi lang ikaw yung nagpapalakas, pati siya pag tulog kayo ni Bea she practices her powers” bulong niya. “Mika halika dito” sabi ni Ayesha. Takbo ang propeta at sumilip doon sa isang maliit na karton. Lumapit din si Benjoe at nakita ang magagarang gadget na bago. “I-pad! Wow gusto ko yan! Mahal masyado yan pero gusto ko yan!” sabi ni Mika. “Kunin mo na lahat ng gusto mo diyan. May mga i-phone pa o” sabi ng demonyong dalaga at napaluhod si Mika at niyakap ang mga gadget. “Pero hindi sa atin ito e. Hindi ako pwede kumuha ng mga hindi sa akin” bigkas ni Mika. “Ano gusto mo mapunta yan sa mga bad people at gamitin sa masamang gawain o mapunta sa atin para pigilan natin sila?” tanong ni Bea sabay nilagyan ng sungay si Mika sa ulo. Napangiti ang propeta at napakagat sa labi. “Lord please patawad pero gagamitin ko naman po ito sa mabuting paraan” sabi ni Mika. “May bukas pa sa iyong buhay…” biglang kanta ni Benjoe at nagkatawanan sila. “We get the phones too at kailangan natin” sabi ni Ayesha. “Ah kuha din kayo ng isang i-pad para kahit di niyo ako kasama pwede ko isend sa inyo yung mga nasulat ko” sabi ni Mika. “Di mo na kailangan sabihin yan kasi kukuha talaga ako” sabi ni Bea sabay tumawang parang demonyo. Napatingin si Mika sa kanya at biglang natakot. “Pag tumagal ako sa inyo baka maging katulad na niya ako” bulong niya. “Pag nagtagal ka sa amin baka kami ang matulad sa iyo” banat ni Ayesha at muli nagkatawanan ang lahat. Sa taas ng puno naupo ang apat habang pinagmamasdan ang mga pulis na iniimbentaryo ang mga nakuhang armas. Sa isang gilid nandon si Jamie at nagrereport sa harapan ng kanyang cameraman. Yakap yakap ni Mika ang kanyang bagong gadget at halatang napakasaya niya. “Alam niyo ang sarap pala ng feeling ng ginagawa niyo. Parang nakatulong narin ako sa madami” sabi niya. “Ah ano nga ba ang ginawa mo ulet?” tanong ni Ayesha at napaisip yung propeta at napabungisngis. “Wala pala pero diba kasama na ako team niyo?” sabi ni Mika pero bigla siyang nanginig at mga mata naging puti lahat at nagliwanag. “Uy ano nangyari?” tanong ni Bea. Inalalayan ni Benjoe ang dalaga, si Mika nakatingala lang pero mga kamay niya may tinatype sa i-pad. “Ganito ata siya magsulat pag may nakikita siya” sabi ni Ayesha na umalalay din sa dalaga para hindi mahulog. Pagkatapos ng limang minuto bumalik sa normal ang mga mata ni Mika at napahawak siya sa kanyang ulo. Kinuha ni Bea ang ipad ng dalaga at sinimulang basahin ang mga nasulat nung propeta. “Ang isang Bruha ng Norte matatagpuan sa paghasik ng lagim ng kampon ng mga rebelde sa Palawan. Hindi susuko ang bruha ngunit sa huli siya ay sasanib sa mga rebelde. Bilang ng mga bruha dalawa na. Hawak nung bagong tagpong bruha ang lokasyon ng ikatlo. Bago pa sila makakapagtuloy ng paghahanap sila ay masusubukan ng matindi. Sa Norte sila tutungo ngunit sadyang mailap ang kanilang hinahanap. Maghahasik sila ng lagim at mag iiwan ng di kanais nais na delubyo” basa ng dalaga. “We have to go to Palawan now” sabi ni Benjoe. “Teka meron pa nakasulat o” sabi ng taga hilom. “Mamaya na yan, ang importante yung latest which is Palawan” sabi ni Ayesha. “O tara na mag teleport na tayo” sabi ni Mika pero parehong nakasimangot sina Benjoe at Ayesha. “Hindi namin kaya magteleport sa lugar na hindi pa namin napuntahan. Tsk badtrip naman” paliwanag ng dalagang demonyo. “Kailangan natin magtungo doon agad, pano ba pumunta don? Barko o eroplano?” tanong ni Benjoe. “Pano kung nandon na sina Basilio? Too late na tayo siguro pagdating natin doon” sabi ni Bea. “Wala naman tayo kilala na taga doon e, sana nandito daddy mo baka may kilala siya o baka nakapunta na siya doon” sabi ni Ayesha. Napatingin sa baba si Benjoe at nakita si Jamie. “Siya kaya nakapunta na don?”tanong niya. “Are you crazy? Malalaman na kakaiba tayo Benjoe” sabi ni Ayesha. “Oo nga baka kayo na ang headline o kaya breaking news” sabi ni Bea. “Reporter yan malamang nakapasyal na yan sa buong bansa. She can help us then we can erase her memory” sabi ng binata. “Tama ka, tara na” sabi ni Ayesha. Pinitik ni Benjoe ang mga daliri niya at biglang nanigas ang lahat ng tao sa baba. Sumulpot ang apat sa harapan ni Jamie pero nagulat sila nung napasigaw yung dalaga. Tinapik ni Benjoe ang noo niya, si Ayesha napabuntong hininga habang si Mika at Bea napangiti. “She is one of us” sabi ng taga hilom. “Oh boy eto nanaman tayo” bigkas ng binata. Sigaw ng sigaw ang reporter kaya agad siya pinapakalma nina Mika at Bea. “Ayos, babae nanaman. Taga hilom, propeta, ano naman daw siya?” tanong ni Ayesha. “Ewan ko na talaga. Daddy nasan ka ba kasi?” bulong ni Benjoe habang tinakpan ang kanyang mukha. “Kayong dalawa explain everything to her, wala na tayo oras na pwede sayangin” utos ni Ayesha. Inakbayan ni Mika si Jamie sabay naglakad lakad sila habang pinapaliwanag ni Bea ang lahat. Samantala sa may Palawan nakatayo sa tuktok ng isang bahay sina Basilio at ibang alagad niya. “Armina sigurado ka ba nandito ang isang ate mo?” tanong ng binata. “Oo, kasi may kumakalat na balita na meron daw magaling na tagapag gamot na dalaga dito. Sigurado ko ate ko yon” sagot ng dalaga. “Ano pa inaantay niyo simulan niyo na ang paghahanap!” utos ni Basilio. “Boss sandali lang. Mas madali kung magpasiklab tayo konti para palabasin ang bruha. Kapag may nasaktan tayo sigurado ko una nila tatawagin ay yung taga gamot diba? Pag ganon hindi na natin kailangan maghanap pagkat siya ang lalapit kusa dito” sabi ni Volgo. Napangisi yung binata at tinignan yung dalawang matanda. “Kung ikakatuwa niyo hindi ko kayo hahadlangan” sagot ni Basilio. “Excuse me, painitin natin konti ang paligid” sabi ni Volgo. Tumayo ang matanda ang tinaas ang dalawang kamay niya. Mga mata niya biglang nag apoy at ang hangin sa paligid tila bumibigat at umiinit. Napatingin sa langit si Zalero at napangisi, “Sige konti pa pare ko, konting init pa para mas madali ako makapag palabas ng mga kidlat” bulong niya. “Armina at Fortea, alam niyo na siguro ang gagawin niyo” sabi ni Volgo. Mabilis na tumakbo ang dalawang dalaga sa baryo at nagbulong. Ilang sandali pa naglabasan ang mga tao sa kanilang mga bahay tila may kumokontrol sa kanila. “Chappy parang mas madami tao lalabas pag tutulong tayo” sabi ni Pestine sa kanyang twin. Tumayo ang dalawa at sabay pumalakpak, nagliyab yung dalawa at tumakbo din sa kabilang baryo para bumulong. “Natutuwa talaga ako sa dalawang yan, kaya nila gayahin ang kapangyarihan ng kahit sino” sabi ni Basilio. “Alam ko iniisip mo boss, kokopyahin mo kapangyarihan ni Antonio bago mo siya papatayin” sabi ni Volgo at natawa yung binata. “Oo sana pero mukhang mas gusto ko yung kapangyarihan nung kasama ni Ayesha. Bweno ituloy mo na ang pagsiklab mo lolo” sabi ng binata. “Di ko gusto yang talas ng dila mo Basilio pero ikaw boss e” sabi ng matanda. Yumanig ang lupa at lalong uminit ang paligid. Sa bawat biyak sa lupa naglalabasan ang mga nagbabagang bato at laba. Tinaas naman ni Zalero ang mga kamay niya at huminga ng malalim. Napatingin sa langit si Basilio at napansin ang mga ulap na napapalibutan ng kuryente. Pagbaba ng kamay ni Zalero ay kasabay din ng pagtama ng mga kidlat sa mga tao. Parang target practice, hindi gumagalaw ang mga tao ngunit pag natatamaan sila ng kidlat ubod ng tindi ang kanilang pagsigaw at iyak. Tawa ng tawa si Basilio at inudyok pa yung dalawa na magpakitang gilas. “Sige pa damihan niyo ang masasaktan, kung may mamatay mas mabuti pero siguruhin niyo may matitira upang magsumbong sa bruha” utos ng binata. “Baka gusto mo boss burahin na natin ang buong Palawan” sabi ni Volgo at nagtawanan yung tatlo. “Saka na yon pag nakuha na natin yung bruha. Pag nasa atin na siya gawin niyo ang gusto niyo” sabi ng binata. Trenta minutos ang lumipas at tumigil na yung dalawang matanda. Naupo nalang sila lahat sa bubong, ang mga apat na dalaga muling naglibot para ibalik sa normal ang mga tao. Umingay ang dalawang baryo, lahat sumisigaw ng saklolo. Ang mga demonyo tawa lang ng tawa habang pinapanood nila ang mga kawawang nilalang. Ilang minuto ang lumipas napansin nila ang isang grupo ng mga kalalkehan na tumakbo papunta sa dagat. Sumakay sila ng bangka at nagtungo sa isang malapit na batong isla sa gitna ng dagat. “Doon siya nagtatago! Tara na!” sabi ni Armina. Sumugod ang mga demonyo sa may isla, wala sila makita doon pagkat napakalaking bato lang ang kanilang tinutungtungan. “Ano to Armina? May kailangan pa ba buksan?” tanong ni Basilio. “Hindi ko alam pero ramdam ko na ang kapangyarihan ng ate ko sa loob ng bato na ito” sagot ng dalaga. “Sssshhhh…panoorin natin saan tutungo ang mga tao” sabi ni Fortea kaya pinagmasdan lang nila yung bangka na puno ng lalake. Ang bilis nila magsagwan at padiretso sa batong isla. Pagtingin nila sa baba wala na yung bangka kaya napakamot ang twins. “Wala na sila boss” bigkas nila ng sabay. Umangat sa ere si Zalero at nagulat ang lahat nang nakatayo siya sa ibabaw ng tubig. “May kweba pala dito” sabi niya. “Wag kang papasok! Makapangyarihan ate ko. Baka may bantay diyan na sasalubong sa iyo” sabi ni Armina. “Ako na bahala” sabi ni Volgo at lumipad din siya sa ere at tumayo sa tabi ni Zalero. Humawak ang matanda sa tubig at biglang umusok ang mga kamay niya. Kumulo bigla ang tubig kaya napalipad sa ere muli si Zalero at pinagsisipa ang kasama niya. “Tado ka! Magsabi ka naman!” sigaw niya. Natawa lang si Basilio at napahanga sa dalawang matanda. “Di ako nagkamali sa pagpili sa kanila. Mautak sila at makapangyarihan” bulong niya. Ilang segundo lang palabas na yung bangka ng mga lalake, pero lahat ng sakay ay patay na at inaagnas. “Armina ano ba ang kapangyarihan ng ate mo?” tanong ni Lorena. “Yung kaliwang kamay niya nakakapag gamot, pero yung kanan niya nakakatanggal ng buhay” sagot ng bruha at napalapit si Basilio at nakita ang laman ng bangka. “Gusto ko yang kapangyarihan ng ate mo” bulong ng binata. “Pag nabuo kami makukuha mo lahat yan sa lupain ng kapangyarihan” sabi ni Armina. Nagulat ang lahat ng napasigaw si Volgo. Lumipad agad sa ere ang matanda at nakita ng lahat na inaagnas na ang kanyang mga paa. Nagliwanag ang kweba at ilang saglit may babaeng naglalakad sa ibabaw ng tubig na dahan dahan lumalabas. “Matagal ko na kayo inaantay pero hindi ako magpapabihag sa inyo” bigkas ng bruha. Matangkad yung bruha, maputi at napakahaba ng kanyang buhok. Tinaas niya ang isang kamay niya at may malaking ahas na nahulma mula sa tubig. Hinimas ng bruha ang ahas gamit ang kanang kamay niya at pinaatake niya ito sa dalawang matanda sa ere. Nagpakidlat si Zalero pero tuloy ang paglapit ng ahas sa kanya. Nakagat ang matanda sa braso at agad naagnas ang buong kamay niya. “Armina!!!” sigaw niya. Lumipad sa ere ang bruha at nakita ang kanyang kapatid. “Armina bakit mo sila dinala dito?” tanong niya. “Ate makinig ka muna sa akin!” sigaw ni Armina. Nagpalabas pa ng madaming agas ang bruha, bumawi si Basilio at yung mga patay na mga lalake sa bangka pinalibutan niya ng itim na usok. Ilang saglit lang buhay ulit sila at nagbabaga ang mga mata. Inatake ng mga lalakeng demonyo ang bruha sa ere. Pinagkakagat sila ng mga ahas pero tumawa lang si Basilio. “Gaga! Pano mo pa papatayin ang mga patay na? Sige sugurin niyo siya lahat!” sigaw ng binata. Umatake na sina Zalero at Volgo kahit na may iniinda sila. Bago pa matamaan ang bruha ng mga kidlat at nagbabagang mga bato at bigla siya naglaho kasama ng mga ahas niya. Napalingon ang lahat ng demonyo pero bago pa nila mapansin sumulpot ang bruha sa likod ni Basilio at nahawakan ang binata sa leeg. “Alam mo naman na siguro ang kayang gawin ng kanang kamay ko” sabi ng bruha. “Ate! Makinig ka kasi muna! Siya si Basilio, ang pinuno ng mga rebelde. Pwede niya tayo tulungan sa lupain ng kapangyarihan. Siya lang yung demonyo dito sa lupa na natitirang makapangyarihan” sabi ni Armina. Napaisip ng matagal ang bruha pero hindi niya binitawan si Basilio. “Makapangyarihan? E hindi nga siya makaalis sa hawak ko” sagot ng bruha sabay tumawa. Tumawa ng malakas si Basilio pero nagulat ang bruha ng nagpalit boses ang tawa. Mula boses lalake naging boses babae. Dahan dahan nagpalit anyo ang binata at naging babae ito. Paglingon niya si Pestine pala yon, bago makaatras ang bruha ay nahawakan naman siya sa leeg ni Chappy. “Kaya namin gayahin ang kapangyarihan ng kahit sino, alam mo naman siguro ang nagagawa ng kanang kamay mo?” sabay na bigkas ng twins. Nanginig ang bruha pero sa isang tabi sumulpot si Basilio at tumawa ng malakas. “Affina kailangan ko ang tulong niyo. Hindi ako magsisinungaling sa iyo. Gusto ko lumakas lalo at mapatay si Antonio. Hindi ko alam ano ang binabalak niyo kunin sa lupain ng kapangyarihan pero sabi ni Armina sa tulong ko makakamtan niyo ito. Kung tutulungan mo ako e di tutulungan ko din kayo” sabi ng binata. Bumitaw si Affina sa leeg ni Pestine at tinitigan ang kapatid niya. “Nahanap niyo ba si Arwina?” tanong niya. “Hindi pa ate pero sa tulong mo mas mabilis natin siya mahahanap. Ate maniwala ka sa akin si Basilio ang makakatulong sa atin” sabi ni Armina. Yumuko ang bruha at napaluhod sa lupa, tumuntong ang dalawang matanda at tumayo sa harapan niya. “Kaya mo kami siguro gamutin” sabi ni Zalero. “Sandali! Yang katahimikan na yan ano ang ibig sabihin? Sasanib ka sa amin o hindi?” tanong ni Basilio. “Kung tutulungan mo kami e di sasanib ako sa inyo” sagot ni Affina. “Oo tutulungan ko kayo” sabi ni Basilio. “Mabuti, kayong dalawang matanda higa kayo para magamot ko kayo” utos ng bruha at agad naman nahiga ang dalawang matanda. Ginamot ni Affina sina Zalero at Volgo pero dahan dahan lumapit si Fortea kay Basilio at kumapit sa binata. “May kakaiba akong nararamdaman na paparating” bulong niya. “Ako nga din e pero hindi ko alam saan manggagaling” sabi ng binata. “Ate may mga alaga ka pa ba?” tanong ni Armina. “Wala na, ramdam ko din ang mga papalapit” sagot ng bruha. “Magpakawala ka ulit ng mga ahas mo!” utos ni Basilio at napangiti lang ang bruha sakanya. “Pasensya ka na ha kasi tao lang kaming mga bruha. Kaya napapagod din kami at hindi kaya ng taga hilom mo na akoy palakasin. Ito ang kapalit ng kapangyarihan ko, sa isang kamay buhay, sa isa kamatayan. Sadyang malakas ang dalawa ngunit lahat may kapalit, ang mabilis kong kapaguran. Kaya ako dito sa kweba nagtatago” sabi ni Affina. Bumangon sina Zalero at Volgo at napatingin sa malayo. “Boss papalapit na sila” bulong ng nakapulang matanda. “Mukhang mapapalaban tayo ng matindi, lahat kayo maghanda! Nandito na ang mga kalaban!” sigaw ni Basilio at nagliyab na ang buong katawan niya. Samantala sa may Valenzuela hindi parin makapaniwala si Jamie sa kwento nina Mika at Bea. “Pwede ba saka na ang mahabang paliwanagan? Mas importante ang pakay natin” sabi ni Ayesha. “Jamie kailangan namin ang tulong mo, kailangan namin magpunta sa Palawan pero wala pa sa amin ang nakakapunta doon. Kailangan lang namin ng isa sa atin na may alam sa lugar para pwede tayo magteleport agad doon” sabi ni Benjoe. Nanginginig pa yung reporter pero dahan dahan tumayo at tinitigan ang binata. “Bakit Benjoe ang tawag nila sa iyo e sigurado ako ikaw si Antonio” sabi ni Jamie. Napakamot ang binata at huminga ng malalim. “Mahabang kwento kasi e, pero nakapunta ka na ba sa Palawan?” tanong ng binata. “Hindi pa e” sagot ng reporter kaya nadismaya ang lahat. “Ayos pano na tayo pupunta don?” tanong ni Ayesha. “Pero yung driver ko nakapunta na ata sila don” sabi ni Jamie at napaisip si Benjoe. “Hindi na tayo kasi pwede mandamay ng ibang tao. Ikaw kasi iba ka e. Di tumatalab kapangyarihan namin sa iyo kaya malamang importante ka sa amin” sabi ni Benjoe. Nakahinga ng maluwag si Jamie at nilabas ang phone niya. “Alam niyo yang ang pinakamagandang narinig ko sa lahat. Sobrang takot ko pero ngayon alam kong di niyo ako pwede saktan medyo okay na ako pero takot parin syempre” sabi ng reporter. “Sino tatawagan mo?” tanong ni Bea at inagaw ang phone ni Jamie. “Relax, magtatanong ako kung may flghts ngayon papuntang Puerto Princesa. Gusto niyo pumunta doon diba?” sabi ng dalaga. “Oo nga malamang madami kang koneksyon” sabi ni Mika kaya hinayaan nila makatawag si Jamie. Lahat nakatingin sa reporter habang nakikiusap siya sa phone. Napansin nila ang lungkot sa mukha ni Jamie at pagkapatay ng phone ay napailing ito. “Wala daw may gusto lumipad papunta sa Palawan. May kakaibang nagaganap daw don. Bigla nalang daw naging masyado mainit sa Palawan at may lightning storm na kung saan ang dami daw tao natamaan. Tapos parang may mga naglalaban daw na mga rebelde at sundalo ata pero hindi nila sigurado kasi nakatanggap lang daw sila ng mga reports galing sa mga patrollers” sabi ni Jamie. “Wala na, nandon na sila” bigkas ni Ayesha. Humarap si Benjoe sa puno at sa sobrang inis nasuntok ito ng napakalakas. Biglang natumba ang puno kaya agad napakamot si Benjoe at nagpacute. “Oops, sorry” bigkas niya. “When you say sila you mean mga kalaban?” tanong ni Jamie. “Opo ate tayo ang good guys kahit na demon yang dalawa” sabi ni Mika. “Well at least may isa pa sila hindi nahahanap diba? Sabi sa sinulat ni Mika e meron pa isang bruha pero nasa Norte” sabi ni Bea. “O tamang tama pupunta kami Baguio kasi anniversary ng city nila” sabi ni Jamie at lahat napatingin sa kanya. “Nice! So its Baguio for us then” sabi ni Ayesha. “Di ako makakasama I have classes” sabi ni Mika. Nagkatinginan si Benjoe at Bea at napangiti sila. “Mag absent?” tanong ng dalaga at tumawa ang binata. “Buti pa kayo pero di talaga ako pwede mag absent, magagalit mommy ko” sabi ng propeta pero ngumisi dahil sa bagong gadget niya. “Oo nga we can stay connected. “May naisip ako tungkol sa pag absent niyo pero I have to go visit down there” sabi ng demonyong dalaga. “Ano naman yon?” tanong ni Benjoe. “Basta ako na bahala, meet tayo sa condo mamaya” sabi ni Ayesha at biglang nawala. “Ah pano pala tong mga kasama ko at yung mga pulis?” tanong ni Jamie. “Oo babalik sila sa normal pagkaalis namin. Can you keep quiet about us? I mean wag mo ireport and just say sina Antonio ang may pakana dito?” sabi ni Benjoe. “Of course, I don’t know why pero I do trust you guys. At hello! Gusto ko pa gumanda career ko no. Sa tingin niyo ba may maniniwala sa akin pag sinabi ko may mga demonyo talaga sa lupa? Sus sira ang karir ko pag ganon at tatawanan ako” sabi ni Jamie. “O sige na tawagan ka nalang namin. Ihahatid pa namin si Mika e” sabi ni Benjoe sabay pinitik ang kamay niya. Nawala ang tatlo at nakagalaw na ang ibang tao. Pagkatapos ihatid si Mika sa bahay nila bumalik na si Benjoe at Bea sa condo. “Kailangan talaga natin mahanap yung huling bruha” sabi ng binata. “Relax, we will find her. At hindi ka ba masaya at dumadami na ang tumutulong sa iyo?” sabi ng dalaga. “Oo nga e pero ano kaya si Jamie? I mean ikaw taga hilom, si Mika propeta. Si Jamie di ko alam pero obvious importante siya sa atin” sabi ni Benjoe. “Well just like you said to Mika the other day. She is important but you don’t know how yet kaya start off as friends diba?” paalala ni Bea. “Oo nga naman, pero kailangan talaga natin mahanap yung bruha. Pag hindi e di ko na alam pano natin matatalo si Basilio pag lumakas pa siya”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD