Hiwaga Sa Norte

5059 Words
Sakay ang isang station van sumama sina Benjoe, Ayesha at Bea kay Jamie. Nagpanggap silang mga estudyanteng naka OJT at ang namamahala sa kanila ay ang dalagang reporter. First time nakapunta ang grupo sa Baguio kaya pagdating nila doon ay agad sila namangha sa ganda ng lugar at ginaw ng klima. “Para tayong nasa paraiso” bigkas ni Bea. “Oo nga pala saan kayo mag stay?” tanong ni Jamie. “Nagresearch si Mika at tinext niya na maganda daw sa Manor kaya doon kami” sabi ni Ayesha. “Wow ha big time ata kayo” sabi ng reporter. “Ah medyo pero wag mo na itanong san galing yung pera. E ikaw saan ka mag stay?” sagot ni Benjoe. “Don’t worry about me meron kami accommodations by the company. Sorry ha di ko na kayo maisasama kasi di naman talaga kayo naka OJT e” bulong nung dalaga. Nagtaxi ang grupo kasama si Jamie papunta sa Manor. Nag check sila sa isang malaking kwarto kaya nagtaka yung reporter. “Pwede naman kayo magkanya kanyang kwarto ha” sabi niya. “Delikado na baka may sumulpot na kalaban. Mas maganda na magkakasama kami” sabi ni Benjoe. “And you two girls are okay with Benjoe being with you?” tanong ni Jamie. “Oo naman, magkakasama naman kami sa condo e kaya lang sa sofa siya” sabi ni Bea. “At mas maganda na ganito para mabantayan namin siya maigi” sabi ni Ayesha. “Bakit nanganganib ba buhay niya?” tanong ni Jamie. “Medyo pero delikado na ang mga babae sa kanya” sumbat ng dalagang demonyo. “Grabe ka naman di naman ako ganon e” reklamo ng binata kaya nagtawanan ang mga babae. “Anyway sige kontakin ko nga koneksyon ko para itanong yang witch na yan. Pero hindi ako pwede mag promise ha. Pero siguro may mahahanap tayo, kasi uso naman talaga ang mga albularyo o mga faith healer at manghuhula so malaman may mga sabi sabi din tungkol sa mga bruha” sabi ng dalagang reporter. “Maraming salamat ha, mahirap din naman maglibot na magtatanong tungkol sa bruha, baka pagtawanan lang kami. Malaki talaga ang tulong mo sa amin” sabi ni Benjoe. “O kita mo na dinadaan ka sa sweet talk o. Mamaya mahulog ka na sa bitag niyan” sabi ni Ayesha at natawa si Jamie. “Alam mo naaliw ako sa inyo. Medyo nayanig pa konti ang mundo ko talaga sa rebelasyon niyo. Pero alam mo nakita kita noon remember that night nung tumawag ka about yung mga prostitutes? To be honest nandon na kami sa malapit at nakita ko ginawa mo sa mga lalakeng may baril” kwento ng dalaga. Napanganga si Benjoe at binatukan siya ni Ayesha at Bea. “Ayan di ka nag iingat. E pano na kung kalaban ang nakakita sa iyo?” sabi ng taga hilom. “Uy wag naman kayo harsh, talagang natakot ako sa nakita ko. Well di ko naman malalabas sa news yon or else talagang tatawanan ako. Sabi ko nalang siguro nanaginip ako or iba yung nakita ko. Pero medyo naiintindihan ko na. Anyway moving on, tara pasyal tayo. Bukas pa naman duty ko e. We can go shopping” alok ng reporter. Nagliwanag ang mga mata nung dalawang dalaga habang si Benjoe napangisi nalang. “You three have fun” sabi niya. “At ikaw saan ka pupunta?” tanong ni Ayesha. “I need some time alone. Don’t worry I will be fine” sabi ng binata. Pansin nina Ayesha at Bea na may dinadamdam ang binata kaya hinayaan nalang nila muna siya. Hinatid ng mga dalaga si Benjoe sa Session Road bago sila nagtungo sa may mall. Naglakad lakad ang binata at sinariwa ang magandang klima ng siyudad. Pagkalipas ng isang oras napadpad siya sa isang park malapit sa may paradahan ng mga jeep. Natuwa si Benjoe nang makakita ng mga sementadong chess table at mga matatandang naglalaro. Naala tuloy niya si Maya saglit pero may nakitang bakanteng lamesa kaya agad siya nagtungo don. Pagkaupo niya may lumapit na dalawang matandang lalake. Yung isa naka puti na sweater habang yung isa naman ay naka pula. “Agay ayam ta kabsat” sabi nung naka puti. Napakamot si Benjoe at napangiti. “Maglalaro po tayo?” tanong niya. Tumawa yung dalawang matanda at agad naupo yung naka puti. “Ay haan ka Ilokano? Oo maglaro tayo” sabi niya. Agad inayos ng binata ang mga piyesa at nagsimula agad ang laro. Ilang tira palang natalo agad yung matanda kaya bigla siya tinulak nung nakapula. “Ako nga, magkano pusta natin?” sabi niya. “Ah hindi po ba pwedeng laro lang?” tanong ni Benjoe. “May pusta para mas maganda ang laban” sabi ng matanda. Dumukot ang binata sa bulsa niya at isang daan piso lang ang nandon. “Eto lang kasi hiningi ko sa kaibigan ko. Para sana sa lunch ko pero sige po” sabi ng binata. Mabilis din natapos ang laro, nakasimangot yung matanda at naglabas ng isang daan sabay nilapag sa lamesa. “Husler ka ano? Siguro harang ka ng matatandang naglalaro ano? Inuubos mo ang pera nila ano?” banat ng matanda at nagulat si Benjoe. “Hindi po. Sige po kahit wag na kayo magbayad. Laro lang naman to e” sabi niya sabay binulsa ang kanyang pera. Nakitabi yung nakaputi at nagkatinginan yung dalawang matanda. “Dalawa kami laban sa iyo, isang daan mo mananalo ng limang daan” sabi nung nakapula. Natawa si Benjoe pero pumayag siya kaya habang nag aayos sila ng piyesa napansin nung mga matatanda na may dinadamdam ang binata. “Anya nagan mo aya?” tanong nung nakaputi. “Anya nagan mo aya?” ulit ng binata. “Ano pangalan mo?” sabi nung naka pula. “Ah ako po si Benjoe. E kayo po?” sagot ng binata. “Ako si Apo Diyords” sabi nung nakaputi. “Ako si Apo Diyabs” saman naman nung nakapula. Natawa ang binata at nagtakip ng bibig, napataas ang kilay nung dalawang matanda at tinitigan ang binata. “Sorry po natatawa lang ako sa pangalan niyo. No offense meant naman po” sabi niya. “Iho bakit parang may problema ka ata” sabi ni Diyords nang una siyang tumira. Napabuntong hininga si Benjoe sabay gumalaw din ng piyesa. “Okay lang po ako. Medyo may iniisip lang” sagot niya. “Ano naman problema mo?” tanong ni Diyabs at siya naman ang tumira. “Wag na po kasi di rin lang kayo maniniwala sa akin. Baka pagtawanan niyo lang ako” sabi ni Benjoe. “Iho itong lugar na ito para sa mga kwentuhan ng mga tao. Bihira na ang ganitong lugar. Tignan mo paligid mo, panay matatanda nalang karamihan nandito o kaya may mga bata din pero nandito lang para sumugal. Di naman talaga ang sugal o laro ang hinahanap namin dito e. Yung kwentuhan ba. Pwedeng totoo o hindi pero suma total ay pakikipagkaibigan ang nanaig dito. Pwede ka maniwala sa kwento o hindi” sabi ni Diyords. “O sige, kasi po demonyo ako” sabi ni Benjoe at tumawa yung dalawang matanda. “At ako naman si Brod at eto naman si Brad” banat ni Diyords at talagang natawa ang binata. “O sige lang iho tuloy mo lang” sabi ni Diyabs at pasimple siyang nandadaya at inaalis ang mga malalakas na piyesa ng binata. “Yun nga po, kasi may kalaban ako. Yung kalaban ko gusto niya magpalakas. Hinahanap niya yung mga bruha ng norte para mabuksan niya ang daan papunta sa lupain ng kapangyarihan” kwento ni Benjoe. “Lupain ng kapangyarihan? NAPOCOR ba yan?” banat ni Diyabs at nagtawanan yung tatlo. “Basta po pag nakapunta siya doon e lalakas siya. Baka hindi na siya matalo ng kahit sino. Kaya lang wala pa sa kanya yung pangatlong bruha. Kaya nandito ako para hanapin yun para mapigilan ko siya kasi may dalawa na siyang bruha e” tuloy ni Benjoe. “E bakit mo kasi siya gusto pigilan iho?” tanong ni Diyords. Napatingin yung binata sa dalawang matanda at napapisip. “Kasi po tatay ko naman talaga gusto niya patayin e. E ayaw ko mangyari yon. At isa pa po e pag lumakas siya hihirap ang buhay dito sa Pinas dahil maghaharian ang mga masamang demonyo” paliwanag ng binata. “Yan lang ba ang rason mo?” tanong ni Diyabs. “Hindi po, madami pa po. Gusto ko pa makasama si Maya, gusto ko makasama pa tatay ko at makilala nanay ko. E naisip ko pag kinalaban ko siya at matalo ko siya di ko lang makakamtan ang gusto ko, damay lahat. Gaganda ang takbo ng buhay ng lahat pag wala na yung masamang demonyo” “Pero sa totoo di ko naman po sila iniisip. Pero damay na lahat ng tao e sa balak ko gawin. Di naman ako bayani o superhero pero pag natalo ko siya parang ganon siguro ako. Kaya lang hindi ako bayani, simpleng tao lang ako na nangungulila sa magulang at nagmamahal” kwento ng binata. Napakamot yung dalawang matanda at pinagmasdan siya. “Ang daldal mo iho. Tapos nakakahilo ang mga sinasabi mo” sabi ni Diyords. Napatawa si Benjoe at napakamot din, “Sorry po medyo masakit lang talaga ulo ko kakaisip” sabi ng binata. “O sige na ikaw na titira” sabi ni Diyabs sabay ngisi. Nagulat si Benjoe pagkat kokonti nalang ang piyesa niya at mahihina pa habang ang piyesa ng mga matatanda panay malalakas. “Bakit ganito?” tanong ni Benjoe. “O sinasabi mo ba nandadaya kami?” tanong ni Diyabs. “Hindi po” sabi ng binata sabay napaisip ng matagal bago tumira. “Iho kung nagpapalakas siya bakit hindi ka din magpalakas para pag nag boxing kayo e kaya mo siya talunin” sabi ni Diyabs at napangiti si Benjoe. Hindi naman talaga boxing ang laban nila pero ayaw na niya palawakin pa ang pagkwento pagkat hindi din lang maniniwala yung dalawa. “Hindi ko po alam pano lumakas pa e. Sabi nila tanggapin ko muna sino ako para daw lumakas ako” sabi ni Benjoe. “Iho tama naman sila. Pag hindi mo kilala sarili mo pano ka mananalo? Parang sa tao, pag hindi mo alam kakayahan mo hindi mo talaga magagawa. Pag nasa gipit minsan doon mo lang malalaman na kaya mo pala. Yung ibang tao dinidiskobre agad ang kakayahan nila, pag nalaman nila yon agad nila ginagamit para umunlad sila. Yung ibang tao naman tamad, kung ano lang alam nila na kaya nila yon lang ang ginagawa” “Pero di naman lagi sapat yon. Pag gipit na sila doon lang nila dinidiskubre ang buong kaya nila. Pag nagawa nila yon saka nila sasabihin na kaya ko pala. E di sana noon pa ano? In short iho, kilalanin mo sarili mo, ano ba kaya mo at hindi. Pero iho wag ka lagi umasa sa kaya mo, alamin mo ang hindi mo kaya at doon ka magpalakas. Kasi ang kaya mo na madali nalang yon at maari mo pang husayan. Ang laging nakakaligtaan ng lahat ay ang kahinaan. Yung iba dinedepensahan lang ang kahinaan nila, yung iba aminado agad saan sila mahina pero wala naman sila ginagawa” “Alamin mo kahinaan mo, at doon ka magpalakas para hindi magamit ang kahinaan mo na pangbagsak sa iyo. Hindi maganda na rason pag natalo ka dahil inatake ka dahil sa kahinaan mo. Sasabihin mo talo ako kasi mahina ako doon. E ano ba ginawa mo para hindi ka matalo sa ganong paraan? Pag natalo ka naman dahil sa kalakasan mo wala ka din dapat ikahiya, sinubukan mo naman pero hanggang doon ka lang talaga” sabi ni Diyords. Lalo lang nagulo ang isip ni Benjoe pero agad siya tumira. “Checkmate po” bigkas niya sa tuwa. “Akalain mo nga naman no kahit mahina na mga piyesa nakadiskarte pa at tinalo yung may malalakas na piyesa” bigkas ni Diyords. Nagulat si Diyabs at napatayo, “Dinaya mo ata kami ha” sabi niya. Tumayo din si Benjoe at napangiti nalang. “Sige po medyo sumasakit talaga ulo ko at nagugutom na ako. Pasyal nalang ulit po ako dito next time para makapaglaro ulit tayo” sabi niya. “Iho itong pera na napanalunan mo” sabi ni Diyords sabay inabot ang limang daan. “May pusta po ba? Wala ako matandaan. Wala tayong pusta, naglaro lang tayo. Sige po ingat po kayong dalawa” sabi ni Benjoe sabay umalis na. Lumipat ng pwesto si Diyabs at inagaw yung pera. “Parang di ka nasanay sa kanya. Kailan pa ba yan tumanggap ng pera pag kinakalaro natin siya” sabi niya. “Dinaya mo na nga nanalo parin siya” sagot ni Diyords sabay inayos nung dalawa yung mga piyesa. “Pero totoong magulo ang isipan niya ano? Sa tingin mo kaya niya?” tanong nung matandang nakapula. “Oo naman. Bakit mo ako tinatanong niyan? Pareho lang tayo may tiwala sa kanya” sabi ni Diyords. “Pano mo naman nasabi na may tiwala ako sa kanya?” tanong ni Diyabs. “Hay naku Brad, nung si Antonio ang naging tagapag Ayos agad ka gumawa nung gintong kwintas para sa kanya. Doon lang kita na kita na nagtiyaga sa pag gawa ng ganon. Kung wala ka tiwala bakit hindi ka na gumawa ng iba pang kwintas para sa susunod na tagapag ayos?” banat ni Diyords. Napangisi si Brad at agad tumira. “Kasi yung huling ginawa kong kwintas ay pinakamagandang nagawa ko na. Ayaw ko na gumawa ng iba pa” sagot niya. “Kasi may tiwala ka sa kanya” sabi nung nakaputi. “Pero umamin ka na Brod kinakabahan ka din para sa kanya no? Kaya ka nagtalaga ng propeta para gabayan siya. Hindi ba pakikialam yon? Alam mo naman na bawal tayo makialam diba?” sabi ni Brad. “Hindi naman pakikialam yon e. Lahat naman ng ginagawa natin nakasulat din sa Libro ng Propeta ah. Yung mga sinusulat ni Mika kahit anong gawin nila yon din lang mangyayari. Kahit wala si Mika yon parin naman ang mga aksyon na tatahakin nila pagkat yun na ang nakasulat. Aabot sa punto ang mga sinusulat nung dalaga ay tutugma na sa totoong libro ng Propeta…” sabi ni Brod. “Kung saan mababasa nila na magtatagumpay si Basilio at mamatay si Saturnino” dagdag ni Brad at napasimangot yung dalawa. “Yun na nga ang problema pero tandaan mo wala pa nakakabasa nung katuloy nung libro pagkat nawala ito” sabi nung naka puti. “Ay naniniwala ka na may magandang kakalabasan ang buong kwento?” tanong ni Brad. “Parang hindi mo din yong pinapangarap, yun din naman gusto mo diba?” sumbat ni Brod. “Oo naman kaya aamin ako ngayon lang na kinakabahan din ako. Pag nagtagumpay si Basilio alam mo na ang mangyayari. Mapipilitan tayo mag gera kaibigan ko. Ayaw na ayaw ko mangyari yon. Pag nag gera ang langit at lupa talagang wala nang matitira” paliwanag ni Brad. “Kaya di tayo dapat mawalan ng tiwala kay Saturnino” sabi ni Brod. Tuloy ang laro nung dalawa, natapos ang laban nila sa tabla kaya nagtawanan sila. “Lagi nalang ganito pag naglalaro tayo. Tabla lagi” sabi ni Brad. “Ano pa nga ba gusto mo? Mas maganda na ganito kesa naman na nilalampaso niya tayo lagi” sabi ni Brod. “Oo nga so may healer na siya, may prophet at si Jamie ang kanyang witness at watcher. Sa tingin mo makukumpleto niya lahat?” tanong nung nakapula. “Ewan ko, siguro pag nahanap niya sila pero nandiyan lang sila. Lahat ng pwedeng tumulong sa kanya. Ang problema lang ay pag nahanap niya sila” sabi ni Brod. “Pero Brod, kailangan pa ba talaga sila atakehin ng kampo mo?” tanong ni Brad. “Balance and justice ang sigaw ng langit. May nagawang kasalanan ang mga demonyo kaya sumisigaw ng hustisya ang mga taga langit. Hindi na natin maiiwasan kaya tanging magagawa natin ay magtiwala sa kanya” sagot ni Brod. “At ang kaligtasan ng bansa nakasalalay sa isang demonyo” sabi ni Brad sabay ngisi. “Hoy hoy hoy wag mong aakuin lahat” banat ni Brod sabay kindat at nagtawanan yung dalawa. Kinabukasan sa may restaurant ng the Manor, nagaalmusal sina Benjoe, Ayesha at Bea. “Sis ano nga pala ginawa mo tungkol sa pag absent namin?” tanong ng taga hilom. “Nagtawag ako ng dalawang clones at ginaya ang mga itsura niyo. Kaya hindi kayo absent. Don’t worry pasok sa school sabay uwi agad sila sa baba. Wala parin don pala si Barbs, wala din balita yung iba tungkol sa daddy mo” sabi ni Ayesha. “Baka talagang busy sila pero hindi ko alam ano pa kinakalaban nila e. Tayo nga nakaharap na natin si Basilio mismo. Makes you wonder how many strong demons are really out there” sabi ng binata. Nagring ang phone ni Bea at si Jamie ang nasa linya. May balita daw na may makapangyarihan na bruha sa may Pangasinan pero hindi sigurado pagkat bali balita lang daw yon. Dahil wala pa nakapunta sa Pangasinan kinailangan nila sumakay ng bus pagkat busy ang dalagang reporter sa kanyang trabaho. Pagdating nung tatlo sa may Sta Barbara ay agad nila pinuntahan ang sinasabing bahay ng bruha. Walang tao sa kubo na maliit pero may nakausap sila na lumayas na daw yung dalagang nakatira doon at noong Pebrero pa naglayas. Nakitsimis muna yung tatlo at game na game naman nagkwento ang kapitbahay. Naniwala si Benjoe na yun na nga yung kanilang hinahanap dahil sa di maipaliwanag na kapangyarihan ng nasabing dalaga. Nadismaya yung tatlo at naglakad na palabas ng baryo. “Sa tingin mo siya na ba talaga yon?” tanong ni Bea. “Oo malamang siya na nga. Kasi sino ba ang maniniwala sa kakayahan niyang ganon? Kaya niya magbasa ng isipan ng tao tapos nakikita daw ang kapalaran” sabi ni Benjoe. “Oo pero wala na siya dito at hindi natin alam saan siya nagpunta” sabi ni Ayesha. “Well at least malapit daw dito yung hundred islands baka pwede natin pasyalin tutal nandito na tayo” sabi ng taga hilom. “Yeah I guess we can do that kesa naman na magpunta tayo sa iba ibang lugar para hanapin yun. Sa tingin mo totoo kaya pangalan niya na Aliona?” sabi ni Benjoe. “Well kapatid siya ni Armina diba? So siguro pwede” sabi ni Ayesha. “Sige itext ko kay Jamie para matulungan ulit niya tayo. Hay sana naman masulat ni Mika ang tungkol sa kanya. Oo nga pala nagpadala siya ng email kanina, mahaharap na daw si Benjoe sa kanyang hinahanap” sabi ni Bea. “Ows? Hinahanap natin yung bruha e di mukhang good news yan” bigkas ng binata. “Oo nga siguro yun na nga” sabi ni Ayesha. Habang nag aantay sila ng masasakyan ay may lumapit na lalake sa kanila. Matangkad siya at maamo ang mukha, “Hello pwede niyo ba ako ituro saan ang papunta sa hundred islands” sabi niya. “Di rin namin alam e pero doon din kami pupunta” sabi ni Benjoe. “Ah ganon ba? Ikaw siguro si Benjoe, ito naman si Ayesha at ito si Bea” sabi nung lalake. Napaatras yung tatlo at nagulat sa binata. “Wala ako nararamdaman” bulong ni Ayesha. “Ako nga din e pero how does he know our names?” sabi ni Benjoe. “Ah yun ang sagot na inaantay ko” sabi ng binata at bilga siya naglabas ng dalawang espada mula sa katawan niya. Mga mata nung binata nagliwanag na dilaw at biglang inatake yung tatlo. “Ako si Arnaldo, ako ang magwawakas sa inyo!” “Wag dito madami tao” sabi ni Benjoe kaya kumapit sa kanya yung dalawa at agad sila nawala. Sa may beach sila sumulpot pero pati yung kalaban nila nakahabol. “Dali kunin mo tong samurai ko” sabi ni Ayesha. “Hindi wala ka na gagamitin, don’t worry makakaisip ako” sabi ng binata. “Sige na kasi!” sigaw ng demonyong dalaga pero agad umatake yung kanilang kalaban. Nasangga ni Ayesha ang dalawang espada gamit ang itim na espada niya, nahawakan ni Benjoe sa kwelyo ang kalaban at tinapon niya ito ng malayo. “Sige na ikaw na gumamit niyan at protektahan mo sarili mo at si Bea” sabi ng binata sabay sumugod papunta sa kalaban. “Bwisit! Pano ka lalaban e may sandata siya?!! Ni hindi ka makakalapit!” sigaw ni Ayesha. “Sis relax, tiwala lang tayo. Matalino naman siya siguro may plano siya” sabi ni Bea. Nagkaharap si Benjoe at yung nakaputi na kalaban. Walang magawa yung binata kundi umiwas pero masaya na siya kesa naman na madamay pa yung dalawang kasama niya. Bawat wasiwas doon lang nakakalapit si Benjoe pero sandali lang ito kaya wala siya masyado nagagawa. Di na nakayanan ni Ayesha ang napapanood niya kaya sumama na siya sa laban. Naging mabangis ang dalaga, talagang buong lakas niya tinataga ang kalaban kaya panay ang depensa nito. Si Benjoe nakatayo lang sa gilid, naawa sa sarili pero kinakabahan din para sa dalaga. Sa sobrang inis dumampot siya ng buhangin at tumakbo papunta sa kalaban, tinapon niya ang buhangin sa mata ni Arnaldo, nabitawan nung kalaban ang isang espada niya para takpan ang kanyang mata. Tinulak ni Benjoe palayo si Ayesha at nakapasok din siya ng isang suntok. Habang hindi nakakarekober ang kalaban tuloy ang pagbabanat ni Benjoe. Pagkatapos ng isang dosenang suntok sa mukha nagulat ang lahat nang hindi na iniinda ng kalaban ang mga suntok. Winasiwas ni Arnaldo ang natitirang espada niya at nalaslas si Benjoe sa braso. Sa isang iglap mabilis na gumalaw ang kalaban at sinugod si Ayesha, laslas din ang dalaga sa hita kaya kumaripas ng takbo si Bea. Sigaw ng sigaw ang dalaga pagkat siya na ang hinahabol ng lalake. Nadapa si Bea at napaluhod sa buhangin, nagtakip na siya ng mukha at napasigaw. Tatagain na siya ng kalaban gamit ang dalawang espada pero hindi siya matuluyan. Paglingon ng kalaban hawak ni Benjoe ang dalawang espada gamit kamay niya at dugo niya pumapatak na sa buhangin. “Benjoe!!!” sigaw ni Ayesha pero may kakaibang dark aura siya nararamdaman. “Wala na nga siyang kalaban laban papatulan mo pa siya” bigkas ni Benjoe at bakas ang galit sa mukha niya. Pinilit ni Arnaldo hilain ang mga espada niya pero gulat na gulat siya pagkat ayaw bumitaw ng binata kahit na sugat na ang mga kamay nito. “Animal ka!!! Tao lang siya na walang laban kaya ako ang harapin mo!!!” sigaw ni Benjoe at biglang umihip ang hangin. Uminit sa paligid ang tubig sa malapit nagsimulang kumulo. Mga puno ng niyog biglang nag aapoy, dahan dahan lumalayo sina Bea at Ayesha pagkat hindi nila maintindihan ang nangyayari. Hinila ng kalaban ang mga espada niya, bumitaw si Benjoe at napatingin sa dalawang duguan na kamay niya. Pinagtataga siya ng kalaban pero parang bale wala lang ito sa binata kahit kitang kita na nasusugatan siya. “Bakit hindi ka mamatay?!!!” sigaw nung nakaputi pero binulyawan siya ng malakas ni Benjoe. “Kasi demonyo ako!!!” sigaw niya at ang dalawang kamay niya nabalot ng malakas na itim na apoy. Gulat na gulat si Ayesha pagkat ngayon lang nangyari ito, nakalapit na sa kanya si Bea at nagyakapan yung dalawa. “Sis ano nangyayari?” tanong ng tagahilom. “Tanggap na niya sarili niya” bulong ni Ayesha. “Demonyo ako!!” sigaw ulit ng binata sabay binira ng nag aapoy na suntok ang mukha nung kalaban. Bumawi ng sabay na pagtaga ang nakaputi pero hinayaan lang ni Benjoe na matamaan siya sa katawan. Hinawakan niya muli ang mga espada at nalusaw ang mga ito. “Hindi mo ba naiintindihan?!!! Demonyo ako!!!” sigaw niya at nirapido ng suntok ang kalaban sa mukha. Napaatras si Arnaldo pero ang bilis ni Benjoe at hinugot ang isang puno ng niyog. Pinagliyab niya ito ng itim at ginamit ito panghapas sa kalaban. Tinadtad niya ang kalaban gamit ang puno habang paulit ulit sinisigaw na demonyo siya. Duguan na yung lalakeng nakaputi pero nagawa pa nito magpalabas ng bolang dilaw at tinira sa binata. Napatapis si Benjoe at sugat sugat ang kanyang dibdib pero bumangon ulit siya at tumawa ng malakas. “Demonyo ako bakit ba ang kulit mo!!!” sigaw niya at ang mga apoy sa kanyang kamay nag iba ang anyo. Sa bawat kamay may tatlong matatalim na itim na apoy kaya napatalon sa mangha ang dalawang dalawa. “Are those claws?” tanong ni Bea. “Paborito niya panoorin yung Wolverine” sabi ni Ayesha sabay ngiti. Parang mabangis na hayop si Benjoe na sumugod sa kalaban. Lumipad sa ere si Arnaldo pero ang taas ng talon ni Benjoe at nahabol ito. “Demonyo ako!!!” sigaw niya at pinagkakalmot ang katawan ng kalaban gamit ang dark claws niya. Tumakbo ang kalaban pero ang bilis gumalaw ni Benjoe at sumulpot sa harapan niya. Sinaksak niya sa mukha ang nakaputi na lalake pero di pa nakuntento at sa dibidb naman siya sinaksak. Patay ang kalaban pero di mapigilan si Benjoe at gamit ang isipan niya nilipad pa niya sa ere ang katawan nung lalake. Sumigaw siya ng napakalakas at biglang napunit ang katawan ni Arnaldo sa dalawa at sumabog at naging abo. Nagliwanag ang paligid at may sumulpot na lalakeng nakaputi ulit. May hinulma siyang malaking bola na dilaw gamit mga kamay niya tinira papunta kay Benjoe. “Ako si Lemuel, tikman mo tong liwanag ko!” Sigaw ng sigaw yung dalawang dalaga pagkat hindi nakaiwas yung binata at sapol ito. May sumabog na malakas na liwanag kaya napatakip sa mata ang dalawang dalaga. Paghupa ng liwanag ay nakita ni Ayesha na wala nang natira sa katawan ni Benjoe. Napasigaw siya sa iyak pero yung bagong kalaban nila naglalakad na palapit sa kanila. Parang nanghina yung dalawa at hindi makagalaw. May dalawang bolang liwanag ulit ang nahulma sa bawat kamay ng kalaban at nakangiting lumalapit sa dalawa. “Wag na kayo magluluksa makaksama niyo narin siya ilang saglit lang. Tiisin niyo nalang ang sakit” bigkas nung lalake. “Bla bla bla bla ekek chorvah! Ikaw ang magtiis at ikaw ang sasama sa kasama mo kanina” biglang may bumulong at napalingong ang dalawang dalaga sa paligid. Lilingon palang si Lemuel pero may humawak na sa kanyang ulo. “Imposible! Wala pang nabubuhay sa ganon katinding tama!” sigaw nung kalaban. “Surprise!!! Ako una!” sigaw ni Benjoe sabay tumawa na parang totoong demonyo. Mula sa dibdib ng kalaban lumusot ang dark claws ng binata. “D-E-M-O-N-Y-O!!! Demonyo!!!” sigaw ng binata at talagang sinulat niya ang mga titik gamit dark claws niya. Lasog lasog na ang dibdib ng kalaban, mga mata niya nagsara na at bumagsak sa buhangin. Lumuhod si Benjoe at pinagsasaksak pa ang katawan ng kanyang kalaban habang tuloy ang malakas na tawa. “Benjoe tama na!!!” sigaw ni Ayesha. Inekis ni Bea ang mga blades niya na parang krus sabay nilapit sa binata. “Stop na Ben!” sabi niya pero tuloy parin ang binata sa pagsasaksak. “Benjoe tumigil ka na! Isa! Wag mo ako papagalitin!!!” sigaw ng dalagang demonyo sabay tayo. Nanigas bigla ang binata at inalog ang ulo sabay napatingala. “Sinisigurado ko lang na patay na siya” palusot niya kaya natawa tuloy si Bea pagkat nagpapacute yung binata. “Ano nangyari sa iyo?” tanong ni Ayesha. “Meron ba?” sagot ni Benjoe. “Oo kaya. Ano nangyari sa iyo?” tanong ni Bea. “Ewan ko bakit may problema ba?” tanong ng binata sabay tumayo at pinapasikat ang mga dark claws niya. “Ah wala ba? Buti naman” pataray na sagot ni Ayesha. “Ahem ahem” bigkas ni Benjoe at talagang pinapasiklab ang kanyang kapangyarihan. “Ang cool ng claws mo” bulong ni Bea at napangisi ang binata. “Cool no? Okay ba?” sabi ni Benjoe sabay tawa. “E yung sugat mo kumusta?” tanong ni Ayesha at napahawak ang binata sa kanyang dibdib. “Tara Bea pasyal tayo, since mayabang ka gamutin mo narin sarili mo” sabi ng demonyong dalaga at natawa si Bea. Nahiga si Benjoe sa buhangin at ngayon niya lang nararamdaman ang sakit ng mga tama niya. Tumalikod yung mga dalaga sabay lumuhod sa tabi ng binata. “Benjoe ano nangyari sa iyo?” malambing na tanong ni Ayesha sabay haplos sa noo ng binata. Sisimulan na sana gamutin ni Bea ang dibdib ni Benjoe pero hinaplos ng binata ang hita ni Ayesha. “Unahin mo na siya Bea” utos niya. Nahiga din si Ayesha at una na siyang ginamot ng taga hilom. Huminga ng malalim si Benjoe sabay pinagmasdan ang mga kamay niya. “Naiintindihan ko na ata” bigkas niya. “Na ano?” tanong ni Ayesha at bigla siya tinignan ng binata. “Kung ano kailangan para lumabas kapangyarihan ko. Kailangan ko talaga maging demonyo. Sa totoo ayaw ko sana pero kailangan ko pala tanggapin at wag kontrahin sarili ko” sabi ng binata. “Oo pero wala ka naman control sa sarili mo” sabi ng dalaga. “Kaya nga e. Matututunan ko din siguro kontrolin sarili ko. Kanina di ko alam ano nangyari e. Basta galit na galit ako, malinaw naman isip ko pero parang gigil ako sa mga kalaban. Di ko pa nga alam pano ko nakayanan yung huling tira niya sa akin” sabi ni Benjoe sabay tawa. “Pinikit ko lang mata ko talaga tapos ewan ko may sumabog na malakas, ramdam ko pa talaga. Para akong nawala saglit pero nakabalik naman ako. I really have to learn my powers” dagdag niya. Natapos si Bea kay Ayesha kaya lumipat na siya kay Benjoe. Habang hinihilom ang kanyang dibdib pinikit ng binata ang kanyang mga mata sabay huminga ng malalim. “Demonyo ako pero ako parin si Benjoe”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD