Unang araw ng Septyembre nasa may Cathedral Church grounds sina Benjoe, Bea at Ayesha. Mataas ang lugar at tanaw ang buong haba ng Session Road. Pinapanood nila yung parade pagkat anibersaryo ng siyudad. “Bakit ang simple ng parada?” tanong ng taga hilom. “Kasi hindi ito yung flower festival nila. Tuwing Febuary lang ata yon e” paliwanag ni Benjoe. “Oh well at least nakapag relax tayo konti, buti nalang umaabot dito ang mga bad demons” sabi ni Ayesha.
“Oo pero hindi pa natin nahanap yung natitirang bruha” sabi ng binata. “At least tinupad ni Basilio ang usapan na hindi gagalawin ang mga lugar na napili natin kaya lang nagpadala naman siya ng mga assassin para patayin tayo. Pansin ko din na relaxed ka kasi safe na si Maya” sabi ng demonyong dalaga. “Uy tinawag mo siyang Maya pero I can still feel bitterness” biro ni Bea. “Shut up nga, wala tayo oras magbiruan. Isa pang problema e di natin mahanap si dad” bawi ni Ayesha sabay ngisi. Napabungisngis ang taga hilom habang si Benjoe napabuntong hininga. “Ano kaya nangyari sa kanya?” bigkas niya.
“Ah guys…you should see this” bulong ni Bea sabay tago sa likod ng binata. Paglingon nung dalawang demonyo ay may papalapit sa kanilang lalake na naka puti na jacket at nagbabagang dilaw ang kanyang mga mata. “Shoot masyado madaming tao dito, ayaw talaga tumigil ni Basilio ano?” sabi ni Benjoe kaya hinawakan niya yung kamay ng dalawa at bigla sila nawala.
Sumulpot sila sa isang malawak na lupain sa may Loakan, agad sila pumorma at ilang saglit lang umusok ang lupa sa paligid at sumulpot ang lalakeng nakaputi. “Benjoe mukhang malakas to, I cant feel his dark aura” bulong ni Ayesha na naglabas ng itim na espada niya. “Wag na kayo papalag para di na kayo mahihirapan” sabi ng lalake at naglabas din siya ng isang makintab na mahabang espada. “Shoot naiinggit na ako talaga sa mga espada ha” sabi ni Benjoe pero ang bilis gumalaw ng kalaban nila.
Nakaiwas ang binata sa malakas na laslas pero nabuntal naman siya sa mukha. Umatake si Ayesha, tatama na sana ang espada niya pero biglang nawala ang kanilang kalaban. Sumulpot ulit siya sa likod ni Benjoe, sinipa ang binata sa likod at napasigaw si Bea. Nilabas ng taga hilom ang dalawang flaming carbon blades niya, sumugod narin siya pero nawala ulit yung kalaban.
Pagkatayo ni Benjoe muli siya napaluhod pagkat nasa likuran nanaman niya sumulpot ang lalake. “Pasenysahan na tayo ha” sigaw ng binata at tumalikod agad at sinuntok sa ari yung kalaban. Nagulat yung tatlo pagkat wala man lang reaksyon yung lalakeng nakaputi. Tinaas niya ang kanyang espada at tatagain na sana si Benjoe pero agad nasangga ni Ayesha ang makintab na espada gamit itim na espada niya.
May mabilis na dumaan na bagay malapit sa tenga ni Benjoe, pagtingin niya yung kutsilyo ni Bea nakabaon sa tyan ng kalaban. “Yes!” sigaw ng taga hilom. “Muntik na ako doon ha!” sigaw ng binata. Tayo agad si Benjoe at pinagsusuntok ang lalakeng nakaputi. Umatake din si Ayesha kaya naging abala ang kalaban sa pagsangga sa itim na espada at pagprotekta sa sarili sa mga malalakas na suntok ni Benjoe.
Binitawan nung nakaputi ang kanyang espada, kaliwang kamay niya dinikit niya sa dibdib ni Ayesha. Biglang nagliwanag ang kamay at napatapon ng malayo ang dalaga. “m******s ka!!!” sigaw ni Benjoe at nirapido ng suntok ang lalake. Nadikit din ng lalake ang kamay niya sa dibdib ng binata at pati siya napatapis. Bagsak si Ayesha at Benjoe, agad nagtungo si Bea sa binata para gamutin pero biglang sumulpot ang nakaputi sa likod niya at kanang kamay niya humawak sa ulo ng taga hilom.
Napasigaw si Benjoe pero hindi nagliwanag ang kamay ng lalake kundi tinitigan ang taga hilom at tila nagtataka, mabilis nakagalaw si Bea at sinaksak yung isang kutsilyo niya sa hita ng kalaban. Agad lumayo si Bea pero hinugot lang nung lalake ang kutsilyo at tinapon ito papunta kay Ayesha. “Huwag!!!” sigaw ni Benjoe at agad nagliyab ang kanyang mga mata. Yung kutsilyo na tatama na sana sa dibdib ni Ayesha ay biglang nag iba ang direksyon at bumalik sa nakaputi na kalaban.
Gulat na gulat yung lalakeng nakaputi nang bumaon sa dibdib niya ang carbon blade, napaatras siya pagkat tuluyan nang nagliyab ang buong katawan ni Benjoe. “Wag na wag mo sila sasaktan!!!” sigaw niya at napahawak si Ayesha sa kanyang leeg, ang tindi ng dark aura ng binata ang kumakawala sa kanyang katawan. Si Bea agad hinila ang demonyong dalaga palayo at sa likod ng isang puno sila nagtago. “This is bad, hindi nanaman niya makontrol sarili niya” bigkas niya.
Tuloy ang pag atras nung nakaputi, tinaas niya ang kamay niya at biglang lumapit ang kanyang makintab na espada. Balot na balot na ng itim na apoy ang buong katawan ni Benjoe, sa isang pitik ng kamay nalusaw ang espada ng kalaban, ang bilis niya sumugod, “Sandali! Teka lang kilala na kita!” sigaw nung nakaputi pero nasuntok na siya sa dibdib ng nagbabagang binata. Tumagos ang kamao ni Benjoe sa galit sa katawan ng kalaban. “Sa laban na ito walang time out! Nahawakan mo dibdib niya tapos sinaktan mo pa siya!” sigaw niya at binigyan ng malakas na upper cut ang kalaban. Napatapis pataas ang nakaputi pero nagulat ang mga dalaga nang tumalon si Benjoe sa ere at sa dalawang kamay niya naglabasan muli ang kanyang dark claws. Dalawang mabilis na laslas sa katawan ang binanat niya sabay hinawakan ang kanyang kalaban sa leeg at lumipad sila pababa sa lupa.
Bumagsak sila pababa at diniin ni Benjoe ang ulo ng kalaban sa lupa. “Pati si Bea sinubukan mo saktan!” sigaw niya at biglang may naglabasan na dark claws mula sa kamay ng binata, binaon niya ito sa dibdib ng kalaban sabay sumigaw ng napakalakas. “You hurt them, I kill you!!!”
Tumayo si Benjoe at yung katawan ng kalaban niya unti unting nalulusaw. Dahan dahan lumapit sina Ayesha at Bea at di sila makapaniwala sa pagbabaga ng katawan ng binata. “Benjoe?” bigkas ni Ayesha sa nanginginig na boses. Napalingon yung binata at ngumiti. “Uy okay ka na?” tanong niya. “Oo pero what happened to you?” sagot ng dalaga. “Wala naman, bakit?” sagot ng binata.
“Grabe ang cool ng claws mo talaga!” sigaw ni Bea sa tuwa, pagtingin ni Benjoe sa mga kamay niya at napatawa siya ng malakas. “I did it again pero nakontrol ko na sarili ko konti!” bigkas niya pero agad siya napahawak sa kanyang dibdib at napaluhod. Agad humawak si Bea sa dibdib niya at ginamot ang kanyang sugat, “Alam mo parang ibang klase tong sugat niyo ngayon” sabi ng taga hilom.
“Oo nga e, dilaw na ilaw” sabi ni Ayesha. “Dalian mo Bea, malamang pakawala to ni Basilio. Bisitahin nga natin siya, talagang sumosobra na siya e” sabi ni Benjoe. “Ibig sabihin hindi pa niya nahanap yung mga bruha. Kasi pag nahanap niya malamang siya mismo ang humabol sa atin. Alam siguro niya na hinahanap din natin yung bruha kaya gusto niya tayo patigilin” sabi ni Ayesha. “Oo tama ka, nung binabasa ko isip niya ramdam ko ang matinding takam niya sa kapangyarihan. Pero tinupad naman niya usapan niyo, baka type ka talaga niya” sabi ng binata.
“Uy I can sense pagseselos” landi ni Bea. “Oo nga e pero hayaan mo na kay Basilio na siya. Nandyan ka naman diba babes” banat ng binata at bigla siya binatukan ni Ayesha. “Kadiri ka! Ayaw ko don sa Basilio na yon. Ikaw ang gusto ko” sabi ng dalagang demonyo. Napatawa ng malakas ang taga hilom habang si Benjoe napatingin sa malayo. “O ano problema niyo?” tanong ni Ayesha. “Sis umamin ka” sabi ni Bea at gulat na gulat ang dalagang demonyo. Napatalikod si Ayesha at kunwari may hinahanap. “Dalian mo diyan at puntahan na natin si Basilio” bawi nalang niya.
“Aye bakit parang hindi ka kumokontra?” tanong ni Benjoe. “Oo nga last time parang worried ka” dagdag ni Bea. “Well wag lalaki ulo mo pero naramdaman ko ang dark aura mo kanina. Its stronger now than Basilio’s” sabi ni Ayesha at napangiti ang binata. “Pero siya alam niya gamitin kapangyarihan niya, ikaw naman ewan ko pero may tiwala ako sa iyo so tara na. Napalabas mo na kapangyarihan mo at masaya ako. Bibisitahin lang natin siya kunwari para itanong tungkol dito sa pinadala niya” dagdag ng dalaga. “Ayaw ko ng padalos dalos sa totoo pero ito na ulit ang tsansa” sabi ni Benjoe. “Dating gawi?” tanong ni Bea, napangiti ang binata at agad naging invisible ang dalaga. “Benjoe kung may tsana atakehin mo agad siya, teleport nalang kami ni Bea pabalik sa condo at least hindi sila makakapasok don” sabi ni Ayesha.
Di sumagot si Benjoe pero agad siya naging invisible. “Pero pag hindi mo kaya wag mo pilitin. Sa paglalaro natin ng chess hindi ka agresibo, alam ko lagi kang nag aantay ng magandang timing kaya sana ganon ka din ngayon. Take note malakas din yung alagad niyang nakaitim. Alam ko magulo tong sinasabi ko pero pag may tsansa bilisan mo pag pumalpak ka I can still remedy the situation at sabihin inatake niya tayo una kaya gumaganti lang tayo. Okay?” sabi ng dalaga. Hindi talaga sumagot yung binata pero naramdaman niya na humawak ito sa kanyang kamay. Ilang saglit lang nagteleport na sila.
Sumulpot si Ayesha sa loob ng bar, nagkalat ang mga demonyo sa paligid pero karamihan sa kanila may iniindang mga sugat. “Basilio!” sigaw ni Lorena kaya agad sumulpot ang binata. “Animal ka! Bakit mo kami inatake!” sigaw ni Basilio. “Ang yabang mo! Ikaw ang nagpadala ng alagad mo para tumabin kami ilang araw na at pati kanina lang!” sumbat ni Ayesha.
“Sinungaling ka! Tignan mo nga ang mga alagad ko! Lahat sila malubhang nasugatan! Ikaw lang ang makapangyarihan maliban sa akin kaya tiyak ko na alagad mo ang mga umatake sa amin ng ilang araw na mula nung nahanap namin ang pangalawang bruha” sabi ni Basilio at biglang naglabas ng itim na espada. “Wala ako kinalaman sa pag atake sa inyo!” sabi ng dalaga pero ang dami nang umatake sa kanya.
Lahat ng mahihinang demonyo napatapis agad pero si Basilio sumugod at winasiwas ang espada niya. Bago tumama kay Ayesha ay nagulat si Basilio pagkat parang may tinamaan ang espada niya. Nagpakita na agad si Benjoe at nakita ng lahat na ang kanyang dark claws ang sumangga sa mahabang espada.
Sumulpot agad sa harapan ni Basilio ang nakaitim na balabad na alagad niya. “Hindi pa naghihilom ang sugat mo kaya akin itong hayop na to” bigkas ng binata sabay tinapik sa balikat ang kanyang alagad. “Armina! Tawagin mo ate mo at gamutin niyo siya” utos ng binata at lumabas mula sa kwarto si Armina kasama ang ate niya kaya kinabahan si Ayesha.
“Parang natakot ka bigla Ayesha. Siya si Affina ang ate ni Armina, isa nalang ang kulang ko. Alam ko nabasa mo ang utak ko kaya niyo hinahabol din yung natirang bruha. Ngayon pagbabayaran niyo ang pag atake niyo sa amin!” sigaw ni Basilio at agad inalis ang kanyang singsing. Halos hindi makahinga ang lahat ng demonyo sa club maliban kay Benjoe. Gulat na gulat si Basilio pagkat ngayon lang nangyari ito.
“Nakahanap ka narin ng katapat mo! Sige Benito patayin mo yang mayabang na yan!” sigaw ni Ayesha. Napangisi si Benjoe, alam niya bakit Benito ang tinawag na pangalan niya, nagliyab na ang katawan niya at nabalot ng takot ang mga alagad ni Basilio sa napakalakas na dark aura ng binata.
Napahawak si Basilio sa kanyang leeg, sa isang pitik niya madaming alagad pa niya ang nagsulputan para atakehin sina Ayesha pero bago pa sila makagalaw ay bagsakan sila sa sahig dahil sa lakas ni Benjoe. “Ikaw at ako lang ang magtutuos!” sabi niya at lahat ng ibang demonyo sa club biglang nanigas at napadikit sa dingding. “Sis kaya ba niya?” bulong ni Bea. “May tiwala ako kay Benjoe” sagot ni Ayesha.
Nanginig ang tuhod ni Basilio pero sumugod siya, hindi umatras si Benjoe at sumugod din. Nagkatamaan ang espada at dark claws, parehong napatapis paatras ang dalawang binata pero muli sila nagsuguran. Naisaksak ni Benjoe ang mga claws niya sa sahig, ang bilis gumalaw ni Basilio at sasaksak na gamit ang espada niya. Napangisi ang kalaban pero ngumiti lang si Benjoe, may sumakal sa leeg ni Basilio at inangat siya sa ere. Ibabaon na sana ni Benjoe ang dark claws niya sa dibdib ng kalaban pero muling nakialam ang naka itim na balabad at nasipa ang mga kamay ng binata.
Sabay sumugod si Basilio at yung naka itim na balabad pero pareho sila nasakal at umangat sa ere. Pinag umpog ni Benjoe ang ulo nung dalawa, habang hilo pa ay nalaslas ni Benjoe ang dibdib nung nakabalabad habang ang dibdib ni Basilio ay may humarang na isang demonyo para siya ang masaksak. “Duwag ka talaga!” sigaw ni Benjoe at diniin ang claws niya sa nakabalabad, isang napakalakas na sigaw ng babae ang narinig nila.
“Mommy!” sigaw ni Basilio kaya bumitaw si Benjoe sa gulat. Bagsak yung nakabalabad sa sahig, agad siya pinuntahan ng binatang kalaban pero pagtanggal ng balabad ay ibang babae yon. “Benito sa likod mo!” sigaw ni Ayesha, ang tunay na nakaitim na balabad sumulpot sa likod ng binata at sasaksakin sana siya ng maliit na kutsilyo. Si Basilio napangisi at pinulot ang espada niya, mabilis ang mga pangyayari, sabay nang masasaksak si Benjoe mula sa likod at harapan.
“Sorry di ko sinasadya!” sigaw niya at bigla siya nawala. Nasaksak ni Basilio ang nanay niya, nabitawan nung naka itim na balabad ang kanyang kutsilyo at hood niya naalis. “Ma! Ma!” sigaw ni Basilio pero si Benjoe biglang sumulpot sa likod niya at nakatutok ang kanyang dulo ng dark claw niya sa leeg ng binata. “Dito ka na magtatapos” bulong niya.
“Sige na!” sigaw ni Ayesha pero parang biglang nanigas si Benjoe. “Basilio galaw ka na!” sigaw naman ni Fortea pero nakaramdam ang lahat ng kakaibang init. “Di ako makagalaw!” sigaw ni Basilio. “Ano to?” tanong ni Benjoe pero nagliwanag ng napakalakas at nabulag pansamantala ang lahat. Paghupa ng liwanag ay nagulat ang lahat pagkat nasa disyerto sila ng Pampangga.
“Hoy anong ginawa mo Ayesha?!” sigaw ni Basilio. “Malay ko! Baka isang alagad mo!” sumbat ng dalaga. Dahan dahan tumayo ang nanay ni Basilio at inalis ang espada mula sa katawan niya. Hinang hina yung matanda pero agad nagturo sa langit. “Delikado tayo anak, nandiyan na ang mga anghel!” sigaw niya. Napatingin ang lahat sa langit at pasugod na sa lupa ang isang daan na mga mandirigma ng langit. “Kayong mga demonyo sumosobra na kayo!” sigaw nung nasa unahan.
Nakagalaw na sina Benjoe, tinuloy niya ang pagsaksak sa leeg ni Basilio pero agad nalayo ng nakabalabad ang binata. “Bwisit ka talagang matanda ka!” sigaw ng binata. Mabangis ang mga anghel at pinagtataga ang mga alagad ni Basilio, tumakbo si Benjoe papunta kay Ayesha para ipagtanggol sila. “Teka bakit tayo damay e mabait naman tayo” sabi ni Benjoe. “Sa paningin nila pare pareho na tayong mga demonyo” sagot ng dalaga.
May matangkad na anghel ang tumayo sa gitna, yung ibang mga anghel nasa ere at talagang napalibutan ang mga demonyo. “Isang kasalanan ang pagpasok sa kulungan ng langit. Mas matinding kasalanan ang pagpaslang sa mga presong anghel, idagdag niyo pa ang inyong mga karumaldumal na ginagawa dito sa lupa. Hindi na namin kayo pwede patawarin. Kailangan na maghari ang hustisya at ako ang magpapatupad nito. Sige patayin ang lahat ng demonyo!” sigaw niya.
“Kayo pala ang umatake sa amin! Eto ang sa inyo!” sigaw ni Zalero. Kahit may sugat pa siya sa dibdib biglang nabalot ang katawan niya ng kuryente at mula sa langit malalaking kidlat ang nagsulputan at pinagtatama ang mga sumusugod na mga anghel. “Mayabang ka talaga Zalero, eto naman sa inyo!” banat ni Volgo at mula sa kamay niya dalawang malalaking bolang apoy ang lumabas at hinagis niya ito papunta sa mga anghel.
Isa isa nang nagpasiklab ang mga alagad ni Basilio pero sa bawat napapatay nilang mga anghel mas madami pa ang dumarating galing sa langit. “Grabe ang lalakas pala nila” bulong ni Bea. “Tsansa na natin ito” sabi ni Benjoe at muli niya sinugod ang mag ina. May humarang na anghel sa daanan niya pero tinulak lang niya ito palayo. Nabigla si Basilio at muntik nang nalaslas sa dibdib pero muli siya naitulak palayo ng nanay niya. “Naiinis na talaga ako sa iyo!” sigaw ni Benjoe.
Nahawakan ni Ayesha ang nakabalabad na matanda sa balikat at tinapon palayo. “Sige ako na bahala doon” sabi niya. Nagkaharap muli sina Benjoe at Basilio pero pareho silang inaatake ng mga anghel.
Umatras si Benjoe para itapon sa malayo ang anghel na umatake sa kanya. Si Basilio nagwala at pinaglalaslas ang mga anghel. Nagkalabo labo na sa disyerto, nagkalat ang kidlat at mga nag aapoy na bato na nagliliparan. Pagtingin ni Benjoe sa malayo nakita niya si Ayesha gamit ang mga kutsilyo ni Bea sa matandang babae na nakabalabad.
Magulo ang isipan ng binata, madaming umaatakeng mga anghel pero pati sila kinakalaban. “Ikaw ano ang tinatayo tayo mo diyan?” bigkas ng malakas na boses at paglingon ni Benjoe at nakita niya yung pinuno ng mga anghel at tatagain na siya. Umiwas lang siya at tinulak palayo ang anghel. “Hindi kami kalaban” sabi niya pero muli winasiwas ng malaking anghel ang espada niya. Ayaw maglabas ng kapangyarihan ni Benjoe, iniiwasan lang niya ang bawat taga ng kanyang kalaban.
“Sinabi kong hindi kami ang kalaban e” sabi ng binata. Tumigil ang anghel at napalingon kay Ayesha. “Ramdam ko may koneksyon kayo ng dalaga na yon” bigkas niya sabay tinaas ang kamay niya at tinuro ang dalaga. Mula sa langit may tatlong anghel ang sumulpot at inatake si Ayesha. “Sira ulo ka walang ganyanan! Ayesha sa taas mo!” sigaw ni Benjoe.
Nawala ang binata at pagsulpot niya yakap niya si Ayesha at mabilis niya ito dinala sa malayo. Paglingon nila may hawak hawak ang anghel at unti unting nagpapakita na si Bea. “Nakalimutan mo ata itong isang kasama mo” sabi niya. “Pano niya nakita?” bigkas ni Ayesha. “Aray naman!” sigaw ng taga hilom. “Bea! Talon!” sigaw ni Benjoe at nagliyab na muli sa galit ang binata.
Lahat ng demonyo napalingon sa pagpakawala niya ng kanyang dark aura. Pati mga anghel napatigil, tumalon si Bea, pagka angat ng mga paa niya nakita nila ang mabilis na si Benjoe biglang nagslide at inatake ang mga paa ng anghel. Lumampas si Benjoe pero nanginig ang malaking anghel at napasigaw ng malakas nang bumagsak siya sa lupa. Putol ang mga paa niya mula sa tuhod, hinawakan ni Benjoe ang buhok ng anghel saka binaon ang mga dark claws niya sa puso ng kalaban.
Nagpalakpakan ang mga demonyo habang ang mga anghel nabalot ng takot dahil sa pagkamatay ng pinuno nila. “Ano tinatawa tawa niyo diyan?” bigkas ni Benjoe at agad niya sinugod si Basilio. Natosta ang mga natitirang anghel dahil sa mga pakidlat ni Zalero. Ang mga natirang demonyo inalalayan si Basilio kaya nahirapan si Benjoe makalapit.
“Umatras kayo ako na bahala dito” sabi ni Volgo. Sa harapan ni Benjoe tumayo ang matandang lalake, biglang naglabasan ang mga nagbabagang bato mula sa katawan niya at umatake sa binata. “Benjoe!!!” sabay na sigaw nina Ayesha at Bea pero nginitian lang sila. “Chillax” bigkas niya at nagbaga ng itim ang mga kamay niya at sinalo ang mga bato sabay tinapon pabalik sa mga alagad ni Basilio.
Sa gulat nasapol si Volgo sa noo ng sarili niyang bato. Tumawa ng malakas si Zalero kaya nagalit ang nagbabagang demonyong apoy. Yumanig ang lupa kaya lahat nagtumbahan, nagkaroon ng mga biyak sa lupa at mga nagbabagang laba at bato ang nagsulputan paakyat sa kinatatayuan ni Benjoe. Kahit saan tumakbo ang binata nagbubuka ang lupa, pinilit niya tumakbo palayo para hindi matamaan sina Bea at Ayesha. Umiinit ang hangin at hirap huminga ang lahat kaya umatake agad si Benjoe.
Ito na ang sinasabi ni Ayesha noon sa kanya. Hindi niya malapitan ang kalaban niya, wala tuloy siya magawa kung hindi umiwas. Tumawa ng malakas si Volgo at tumigil, hingal na hingal din si Benjoe, napaluhod siya at mga kamay niya humawak sa lupa. “Pang malapitan lang pala tong loko na to e. Kaya eto pa o!” sabi ng kalaban at nagsimula nanaman siya umatake. Takbo naman si Benjoe pero pansin ng mga kasama niyang dalaga na nakangiti siya. “Why is he happy?” tanong ni Bea. “Ewan ko pero mukhang may naisip nanaman siya” sabi ni Ayesha.
Napatigil si Volgo at napasigaw, talon siya ng talon pagkat may mga kakaibang itim na apoy sa kanyang mga paanan. Nagpakawala pala si Benjoe ng mga dakilang apoy niya sa lupa, ngayon kinakain na ang paa ng kalaban niya. Sumugod si Benjoe dahil abala si Volgo sa pagtatalon, mabagsik niyang pinaglalaslas ang demonyo. Ang bilis ng galaw niya at hindi masundan ng mga nanonood. Tanging nakikita nalang nila ay nalalasog lasog ang katawan ni Volgo at nabibingi sila sa malakas na sigaw niya sa sakit.
Sa bilis napalibutan sila ng alikabok, wala na talaga makita ang lahat. Paghupa ng alikabok at naglalakad palayo si Benjoe, mga mata niya nag aapoy. Nakatayo parin si Volgo pero hindi na gumagalaw, sa isang pitik ng binata ay biglang naging abo ang demonyong apoy.
Napatalon sina Ayesha at Bea sa tuwa, sobra ang paghanga nila kay Benjoe dahil sa nagawa niya. “Sino ang susunod?!” tanong ng binata at lahat ng demonyong kalaban nanginig sa takot. “Halimaw ka!!!” sigaw ni Basilio pero tinulak niya paharap si Zalero. “Basilio eggless ka! Sige boy kidlat halika!” sumbat ni Benjoe.
Tinaas ng dalawang demonyo ang mga kamay niya at tumingin sa langit. Nanlaki ang mga mata niya at napanganga. “Patay tayo lahat” bigkas niya. Napatingin ang lahat sa langit at ang mga inaakala nilang mga ulap ay mga nagtipon na mga anghel pala. Di mabilang kung ilang ang mga mandirigma ng langit ang paparating pero nakarinig sila ng malakas na boses ng babae.
“Hindi kayo makakatakas. Wala nang makakasalba sa inyo. Ako si Angela at ako ang magbibigay ng hustisya sa ingong kasakiman!!! Pero bibigyan namin kayo ng tsansa para sumuko. Kaya mamili na kayo susuko kayo o lalaban?!!!”
Mula sa langit may malakas na liwanag, halos nabulag ang lahat pansamantala. Nang humupa ang liwanag isang magandang anghel ang lumitaw, may hawak siyang malaking espada na nagliliyab ng dilaw at sa kanyang likod ay ang mga mababangis na mandirigma ng langit.
Nanghihina na ang loob ng mga demonyo sa dami ng mga anghel nakahandang lumaban. Sumulpot si Basilio sa tabi ni Benjoe kaya nagulat sina Ayesha at Bea. “Sandali lang hindi ako lalaban. Aminado ako malakas ka, kung itutuloy natin laban natin siguro tayo nalang dalawa ang matitira at mauubos ng mga anghel ang mga kasama natin” sabi ni Basilio.
“Ano ang gusto mo mangyari?” tanong ni Benjoe. “Itabi muna natin ang bangayan natin. Tiyak ko ayaw mo masaktan ang dalawang dalaga na kasama mo. Ayaw ko din masaktan ang aking nanay. Magtulungan tayo kahit ngayon lang, alam ko kaya natin mga yan” paliwanag ng kalaban na demonyo.
Napalingon si Benjoe at nakita ang dalawang dalagang kasama niya na balot sa takot. Napatingin din siya sa mga kasama ni Basilio, takot din sila at madami ang sugatan. “Hindi ikaw yung nagpadala nung umatake sa amin nung umaga” sabi niya. “Oo at hindi din kayo yung umatake sa mga alagad ko” sagot ni Basilio. Nabasa ng binata ang isipan ng kanyang kalaban at totoo ang kanyang sinasabi. Huminga ng malalim si Benjoe at napatingin kay Angela.
“Ngayon lang mangyayari to, pagkatapos nito papatayin kita Basilio” bigkas ni Benjoe. “Kung kaya mo halimaw” sagot ni Basilio. Nagkatitigan ng masama yung dalawa tapos sabay sila humarap sa mga anghel.
“LALABAN KAMI!!!”